ADELINA'S POV:
Noong gabi ding iyon ay mahimbing akong nakatulog. Kaya maaga ako nagising kinaumagahan. Bago ako pumasok ay hinagilap ko ang kwintas na aking nakita sa lihim na silid. Dahil nagandahan ako roon kaya isinuot ko na.
Matapos ang last subject namin ay patakbo akong lumabas, para maipasa ang aking plates kay Sir Magnus. Kung saan-saan ko siya hinanap, pero hindi ko siya makita, kaya sinubukan ko ang auditorium.
Halos wala nang estudyante, pailan-ilan na lang ang nakakasalubong ko.
Saktong pagpasok ko sa auditorium kung nasaan si Sir Magnus ay nakita ko si Miss Minerva na lumapit kay Professor Magnus, ang kamay niya ay bahagyang dumampi sa braso ni Magnus habang itinuturo ang isang detalye sa blueprint.
I saw Sir Magnus smiled. They exchanged a few words, their voices were too low for me to hear, but the easy laughter that followed was unmistakable.
Miss Minerva's fingers traced a line on the paper, and Magnus nodded, his hand covering hers for a brief moment. The intimacy of the gesture made my chest tighten.
Sumakit ang puso ko habang nakikita ang koneksyon sa pagitan nila, a mix of professional respect and something deeper. I felt a pang of jealousy, wishing I could be the one standing beside Sir Magnus.
My mind raced with thoughts of how I could ever compete with Miss Minerva's effortless charm and professional prowess. Sa sobrang inggit ko ay hindi ko na nakayanan ang panonood, kaya tumalikod na ako, ngunit bago ko nagawang humakbang ay narinig ko na ang pangalan ko.
"Adelina!"
Bago ako lumingon ay pinahid ko muna ang namumuong luha ko bago ako tuluyang humarap, trying to compose myself before facing him. I couldn't let Professor Magnus see me like this, especially not in front of Miss Minerva.
"S-sir! Ipapasa ko lang po sana ang plates ko," sabi ko habang pilit na pinipigilan ang panginginig ng boses ko. Inabot ko ang mga plates na maingat kong hinawakan, umaasang hindi niya mapapansin ang pamumula ng mga mata ko.
Napansin ko ang pag-aalala sa mukha ni Professor Magnus. "Adelina, are you alright?" tanong niya, ang boses niya ay puno ng pag-aalala.
Tumango ako, pilit na ngumingiti.
"Opo, sir. Medyo napuyat lang po sa paggawa ng plates," sagot ko, umaasang maniniwala siya sa dahilan ko.
Nakatayo si Miss Minerva sa tabi ni Sir Magnus, habang nakatitig sa akin na para bang naaawa siya sa akin.
"You do look tired, Adelina. Make sure you get some rest," she said, her tone gentle but with an underlying hint of insincerity.
"Thank you, Ma'am Minerva," I responded, struggling to keep my voice polite despite the jealousy boiling inside me.
Habang inaabot ni Professor Magnus ang plates ko, naramdaman ko ang init ng kanyang kamay na bahagyang dumampi sa akin. "Magpahinga ka, Adelina. Mahalaga rin ang kalusugan mo," sabi niya, ang mga mata niya ay puno ng sinseridad.
Tumango ako muli, pilit na ngumiti. "Opo, sir. Salamat po," sagot ko bago ako tuluyang lumabas ng auditorium. Sa bawat hakbang ko palayo, nararamdaman ko ang bigat ng selos at lungkot na bumabalot sa puso ko.
Hangang sa makalayo ako auditorium ay malungkot pa rin ako. Siguro dapat ay hindi na lang ako umasa sa aming dalawa. Mali nga naman ang magkaroon ng nararamdaman sa isang propessor.
Tulala ako nang lumabas ako ng gate. Hanggang sa umuwi ako sa hacienda.
Inis na inis ako sa kanya! Gusto niya ako, tapos naglalandian pa sila ni Miss Minerva, nakakaasar!
Binaba ko lang ang aking gamit at nagpalit ng komportableng damit saka lumabas ng bahay at pinuntahan ang aking kabayong si Silo.
Ito ang pangalawang araw na hindi ako umuuwi kay Nanay. I texted her naman, and she understands. Kailangan ng utak ko na maglibang at sa tingin ko ay hindi ko magagawa iyon kung nasa bahay lang ako ni Nanay. Gusto ko munang makalimot sa mga nangyari at magpahinga mula sa lahat ng stress. pakiramdam ko kasi ay mali na naman ako ng desisyon.
Siguro nga bata pa ako. Hindi pa para sa akin ang pag-ibig.
Agad kong hinimas si Silo nang makarating ako sa kuwadra. Ang kabayo kong si Silo ay tila nakaramdam ng aking lungkot at pagod. Nang mapaamo ko siya, inilabas ko siya at sinakyan. Wala akong pakialam kung gumabi na, maliwanag naman ang buwan at may mga ilaw sa paligid ng hacienda pati na ang patungong batis, kaya hindi ako nag-aalala sa aking dadaanan.
Habang kami ni Silo ay naglalakbay, naramdaman ko ang malamig na hangin na dumadampi sa aking mukha. Ang bawat hakbang ni Silo ay tila nagdadala sa akin palayo sa aking dinadamdam. Ang katahimikan ng gabi ay nagbibigay sa akin ng kakaibang kapayapaan.
Ngunit noong nasa kalagitnaan na ako ng aking pangangabayo, biglang bumuhos ang ulan. Ang mga patak ng ulan ay mabilis na bumagsak, tila ba'y nagmamadali. Naramdaman ko ang lamig ng ulan na dumampi sa aking balat, ngunit hindi ko ito alintana. Sa halip, naramdaman ko ang kakaibang kalayaan habang kami ni Silo ay patuloy na naglalakbay sa gitna ng ulan.
Tila mas lalong gumaan ang aking pakiramdam nang mabasa ako ng ulan. Pakiramdam ko ay nakikisimpatya ang langit sa akin. Isang bagay na ikinangiti ko, kaya ipinagpatuloy ko ang pagpapatakbo kay Silo.
Suddenly, Silo slipped on the wet ground, and I was thrown off, landing hard on my leg. Pain shot through me, and I realized I couldn't stand. Panic set in as I lay there, the rain pouring down on me.
Nang lingunin ko si Silo ay nasaktan din ito, kaya sinubukan kong gumapang upang aluin ang aking kabayo. Lumipas ang ilang minuto, ngunit hindi pa rin tumitila ang ulan, at patuloy pa rin iyon sa pagbuhos ng malakas. Ang bawat patak ng ulan ay tila nagdadala ng malamig na kirot sa aking katawan, ngunit mas iniisip ko ang kalagayan ni Silo.
Habang gumagapang ako papalapit kay Silo, naramdaman ko ang bawat bato at putik na dumidikit sa aking balat. Ang sakit sa aking binti ay hindi maipaliwanag, ngunit kailangan kong makarating kay Silo. Nang marating ko siya ay hinimas ko ang kanyang leeg, umaasang maibsan kahit paano ang kanyang sakit.
"Silo, nandito lang ako," bulong ko, kahit na ang boses ko ay nanginginig sa lamig at sakit. Patuloy ko siyang inaalo, na animo'y isang tao rin.
Patuloy ang pagbuhos ng ulan, at naramdaman ko ang paglamig ng aking katawan. Ang mga damit ko ay basang-basa na, at ang bawat galaw ko ay nagdudulot ng matinding kirot. Sinubukan kong tumayo, ngunit ang sakit sa aking binti ay nagpatumba sa akin muli.
Dahil sa sobrang nilalamig na ako ay niyakap ko na lamang si Silo, saka pumikit at nagdasal.
Shit! Kung bakit ba kasi naisip ko pang mangabayo.
Lumipas ang ilang minuto na tila mga oras, at naramdaman ko na ang pag-asa ko ay unti-unting nawawala. Ngunit bigla kong narinig ang mga yabag ng kabayo at ang pamilyar na boses ni Sir Magnus.
"Adelina!" sigaw niya, ang boses niya ay puno ng pag-aalala.
"Nandito ako!" Garalgal kong sigaw, habang ang mga luha ko'y dumadaloy sa aking pisngi.
Nakita ko siya na papalapit, basang-basa na rin sa ulan. Agad siyang bumaba sa kanyang kabayo at lumapit sa akin.
"Adelina, baby anong nangyari?" tanong niya habang tinitingnan ang aking binti.
"Tumama sa lupa ang aking binti, kaya ako hindi makatayo," naiiyak kong sabi sa kanya.
"Halika, may nakita akong kamalig sa banda roon," wika niya, sabay mabilis niya akong binuhat.
Habang buhat-buhat ay nadama ko ang matigas niyang dibdib. Bigla ay pinamulahan ako ng mukha nang maalalang sobrang inis ko sa kanya kanina, tapos heto siya ngayon at inililigtas ako.
"Paano mo ako nakita?" Taka kong tanong.
"Gusto sana kitang makasama, kaso wala ka sa bahay niyo. Kaya sinubukan ko hacienda niyo. Nabalitaan ko sa, isa sa katiwala ninyo ay nakita ka raw na nagpunta sa kuwadra, kaya naisip ko na nangabayo ka. Umuulan kaya nag-alala ako sa'yo. Kaya walang pag-aalinlangan kong sinuong ang ulan," sambit niya.
Nang nakarating kami sa kamalig ay may papag iyon na kasya sa pangdalawahan, kaya doon niya ako hiniga. Tapos ay mabilis na nagpaalam na isisilong din niya ang aming kabayo, kaya napangiti ako.
Dati iyong pahingahan ng tauhan ni Papa kaya mabuti ay buo pa rin iyon at mapapakinabangan pa naman kahit sa ganitong kalakas ng ulan.
Nang bumalik siya ay napakagat ako sa aking labi. Lalo na nang mabilis niyang hinubad ang suot niyang polo at isinabit iyon s alikod ng pinto, tapos ay bumaling sa akin na ikinatungo ko sa hiya.
Nakakahiya, nahuli niya pa akong nakatitig sa dibdib niya.
Ang laki naman kasi ng dibdib niya at medyo mabuhok, na para bang kay sarap pisilin niyon.
"H-hindi sa binabastos kita, pero baka magkasakit ka. Kaya kung maari ay hubarin mo muna iyang suot mong damit. Isasampay ko, para matuyo" hikayat niya sa akin.
Tss! Hindi niya ako binabastos, ako pa ata ang nag-iisip ng kung ano-ano sa dibdib niya.
Kahit na nahihiya ay sinunod ko siya. Unti-unti kong hinubad ang aking pang itaas at ibinigay iyon sa kanya, na mabilis niyang piniga at isinampay sa likod lamang ng pinto.
Mabilis kong inekis ang aking mga braso sa aking dibdibd upang hindi niya makita ang malulusog kong s**o.
Nakita kong tumayo siya at hinalughog ang de kahoy nanlalagyan. Saktong may nakita siyang tela, kaya ipinagpag niya iyon at ibinigay sa akin.
"Medyo amoy tago, pero sa tingin ko naman ay malinis siya. Kaya heto, ipang balabal mo muna para hindi ka lamigin," alok niya, na agad niyang ipinangkumot sa akin.
"Salamat," nahihiya kong sabi.
Muli siyang nanghalungkat, at swerte naman na nakakuha siya ng posporo't kandila.
Inilapag niya iyon malapit sa akin, matapos masindihan.
Lumakas pa ang ulan at lalong humangin, kitang-kita ko kung paano siya ginawin kaya nang maupo siya sa tabi ko ay hinawakan ko ang dalawang kamay ang braso niya.
"Halika rito, malaki pa naman itong tela, kasya tayo dito," nahihiya kong aya sa kanya.
At nang lumapit nga siya sa akin ay mabilis kong nahugot ang aking hininga. Lalo na nang mapadikit ang balat niya sa aking balat, na agaran kong ikinapikit.
His scorching skin sent electrifying shivers down my spine.