CHAPTER 16

1100 Words
ADELINA'S POV: Nag-iinit pa rin ang aking pisngi nang ihatid niya ako sa hacienda. Ramdam ko pa rin ang labi niya sa aking labi. Pakiramdam ko ay kumapal pa ang labi ko sa kakahalik niya kanina. At isa pa, hindi ko rin makalimutan ang mga kamay niyang humagod sa aking beywang. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng ulirat noong hinaplos-haplos niya ang beywang ko. Kung hindi ako umiwas ay baka nakuha niya na agad ang aking p********e. Mabuti na lamang ay nag-ring ang phone niya, bigla akong nagtauhan dahil doon. Kaya nang bumaba ako sa kotse niya ay napatakbo na ako sa loob, deretso sa aking silid. Agad kong tinitigan ang aking sarili sa salamin, at tinanggal ang salamin sa aking mga mata. I can see myself with flawless skin. Maganda rin ang ayos ng aking kilay na tama lamang sa kapal, hindi katulad noon na sabog-sabog. I tried plucking them before, pero hindi ko kinaya ang sakit, kaya itinigil ko na lamang. Dati rin akong maputla, ngayon ay kay pula-pula na nang aking labi. At ang aking kutis ay parang kumikinang ngayon, hindi katulad dati. "Adelina..." mahinang tawag sa akin ng babae, na nagmumula sa aking closet, kaya ako napalingon roon. Mabilis akong naglakad patungo roon, at binuksan ang pintuan ng aking closet. I stepped in sa nakatagong silid, ang mga paa ko'y nanginginig sa kaba. Sa bawat hakbang, naririnig ko ang mga yabag ko na tila umaalingawngaw sa buong paligid. Ang malamig na hangin ay tila bumabalot sa akin, nagpaparamdam ng kakaibang kilabot. Dala ang aking cellphone at iyon ang aking pinang-ilaw, patungo sa lihim na silid. Katulad nang huli kong punta dito, ay ganoon pa rin nang aking balikan. ang malamig na hangin ay tila bumabalot sa akin, kahit na wala namang bintana sa loob. Habang nagtitingin-tingin ay napansin ko ang mga lumang kasangkapan na nakatambak sa isang sulok. May mga lumang libro, mga kahon na puno ng mga lumang gamit, at isang antigong salamin na natatakpan ng alikabok. Ang bawat sulok ng silid ay tila kay tagal-tagal na. Nagtungo ako sa mga libro at sinimulang tingnan ang mga iyon. Hindi na ako nagulat nang makitang sobrang luma na ng mga iyon. Lumipat ako sa lumang cabinet, at tiningnan ang laman niyon. Agad bumungad sa akin ang isang kwintas, kaya mabilis kong kinuha iyon at tinitigan. "Adelina?" Tawag sa akin, kaya nagmamadali kong nilagay ang kwintas sa aking bulsa at mabilis na tumakbo sa labas. Saktong paglabas ko ng aking closet ay palabas na ng aking silid si Manang, kaya mabilis ko siyang tinawag. "Bakit po, Manang?" Tanong ko. Mabilis siyang lumingon at ngumit. "Halika na sa baba, handa na ang hapunan. Naghihintay na rin ang iyong papa." Wika niya kaya mabilis akong tumango. "Susunod po ako." Magalang kong sabi. Mabilis akong nagtungo sa aking banyo para makapagshower. Pakiramdam ko kasi ay sobrang alikabok ng aking katawan. Pagdating ko sa banyo, agad kong binuksan ang shower at hinayaan ang malamig na tubig na dumaloy sa aking katawan. Ang unang patak ng tubig ay nagdala ng kakaibang ginhawa, na para bang hinuhugasan nito ang lahat ng alikabok at pagod na bumabalot sa akin. Bigla ay pumasok sa aking isip ang babaeng nasa larawan sa secret room. Pero sa aking balintataw ay masaya siya, na tila ba isang flashback iyon ng kanyang nakaraan na dumaan sa aking isip. I saw her in a garden, dressed in an elegant gown made of fine silk. Her eyes sparkled with joy as she played with butterflies fluttering around her. Ang kanyang mga ngiti ay puno ng buhay at pag-asa, na para bang walang anumang problema ang makakapigil sa kanyang kaligayahan. Tss! Masyado ko na ata siyang naiisip kaya ang aking utak ay gumagawa na nang eksena tungkol sa kanya. Nang matapos ay agad naamng akong nagbihis at bumaba. Agad kong nakita si Papa sa kabisera, kaya nang makalapit ay humalik ako at nagmano. "Bakit pakiramdam ko ay may problema ka, Iha?" Agad niyang tanong s akin, na agad ko rin namang inilingan. "Hindi naman po," sagot ko, habang umupo sa kanang bahagi ng lamesa. "Tumawag sa akin ang mama mo, nagtataka kung bakit dito ka ngayon umuwi, may problema ba?" Muli niyang usisa na agad ko ulit inilingan. "Wala po." Muli kong sagot. "Ahh... Papa?" "Hmm?" "May secret room po pala sa kwarto ko? Kanino po iyon?" kuryoso kong tanong. "I don't know," sagot ni Papa habang iniisip ang kasaysayan ng aming tahanan. "This house was built in 1890, ipinamana ng lolo ko sa lolo ko, na ipinamana naman sa akin ng aking papa." Tumigil siya sandali, tila binabalikan ang mga alaala ng kanyang kabataan. "Maraming kwento ang bahay na ito, at marami pang lihim na hindi natin alam. Baka isa na itong secret room sa mga iyon." Habang pinapakinggan ko si Papa, hindi ko maiwasang mag-isip tungkol sa mga taong nanirahan dito noon. Sino kaya ang nagpagawa ng secret room na iyon? Ano kaya ang layunin nila? "Pumasok ka ba sa loob?" Tanong niya na agad kong tinanguan. "Hindi ba maalikabok? Ipapalinis ko bukas." Saad niya. 'Ah... gusto ko pa sanang palagyan ng ilaw," "Sige, ipapagawa ko rin iyon. Mas mabuti nga na maliwanag doon para makita natin nang maayos ang loob." "Salamat po, Papa," sabi ko, puno ng pasasalamat. Ngumiti siya at tumango. "Kaya ka ba narito ay dahil sa lihim na silid na iyon?" Tanong niya na mabilis ang aking pagtango. "Actually, Pa... luminaw ang aking mata, at gumanda rin ako nang dahil sa silid na iyon," mahina kong sabi sa kanya, na naging dahilan nang pagkunot ng kanyang noo. "Iha, I don't see any difference between then and now. You're still as beautiful as ever." "Papa naman, e!" sagot ko, habang nararamdaman ang init sa aking pisngi. Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanyang mga salita, kahit na medyo nahihiya ako. "What? Sinasabi ko lang naman ang totoo," patuloy ni Papa, na may halong biro at seryosong tono. "Actually, nakuha mo ang beauty ng isa sa lola ko noon. She was known for her grace and elegance, and I see the same qualities in you. Hindi lang sa panlabas na anyo, kundi pati na rin sa iyong ugali at kabaitan. Kaso lang..." Habang pinapakinggan ko si Papa, naramdaman ko ang isang mainit na pakiramdam ng pagmamahal at pagpapahalaga. "Kaso lang... ano po?" "Maagang namatay ang lola," malungkot niyang sabi. "Ano pong kinamatay?" "Hindi rin sinabi sa akin, iyon lang ang kwento sa akin ng lola ko." Bigla ay tila kinabahan ako sa sinabi ni Papa. Paano kung ang lola ko at ang babae sa lihim na silid ay iisa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD