CHAPTER 15

1387 Words
ADELINA'S POV: Hindi kami dumeretso sa bahay ni Papa, bagkus ay dinala niya ako sa dagat. “I’m sorry, I just want to spend more time with you alone. So, if it’s okay, let’s stay here for a while,” he said seriously, his eyes locking onto mine with a depth of emotion. Bumaba siya ng kotse, habang ako ay tinatanggal ang seatbelt. Naramdaman ko na lang na bumukas ang pintuan sa aking gilid, at agad niyang nilahad ang kanyang kamay sa akin, na ikinainit ng pisngi ko. Ang kanyang kamay ay marahang humawak sa akin, nagbibigay ng init sa malamig na hapon. I'm not a princess, kahit mayaman ang papa ko ay laki pa rin ako sa hirap. Sanay pa rin akong pinaghihirapan ang mga bagay-bagay, kahit na ako ang prinsesa ng aking ama. My mom thought me to be simple, and so I am. Pero ang alalayan niya ay parang napaka-espesyal ko talaga. Matapos niya akong alalayan ay nagpunta siya sa likod ng kotse at kinuha sa loob ng trunk. Ang paligid ay tahimik, tanging ang tunog ng mga alon ang maririnig, na tila ba sumasabay sa t***k ng aking puso. Ramdam na ramdam ko ang lakas ng hangin na nagmumula sa dagat, napakasarap niyon sa pakiramdam. Nang bumalik siya ay dala-dala niya na ang isang basket, saka niya ako niyaya sa dalampasigan. "Halika na," sambit niya sa mababang tono. Kinuha niya ang aking kamay at sabay kaming ngtungo sa dalampasigan. Nang nasa tamang pwesto na kami ay inilapag niya ang basket sa buhanginan at kinuha roon ang isang nakatuping banig na agad niya ring inilatag sa bunganginan. "Come, sit here!" Aya niya, matapos maupo at inilahad ang bakanteng upuan sa tabi niya. Sumunod naman ako sa kanya, at naupo nga sa tabi niya. Palubog na ang araw, kaya kitang-kita namin kung gaano kaganda iyon. Ang mga kulay ng kalangitan ay naghalo-halo. May mga kulay kahel, rosas, at lila na tila ba'y isang obra maestra ng kalikasan. "Ang ganda..." he said, na ikinangiti ko. Oo, napakaganda ng paglubog ng araw. Kay sarap titigan no'n, kasabay ng mga alon na kalmado lamang sa paggalaw, na kinakalma ang aking isip. Hinubad ko ang aking sapatos at ang suot na medyas, saka itinabi iyon sa aking gilid, habang si Sir Magnus ay tinitingnan lamang ako sa aking ginagawa. Inilabas niya ang mga pagkain mula sa basket, isa-isa niyang binuksan ang mga lalagyan na puno ng masasarap na putahe. Ang bango ng mga pagkain ay agad na nagpalibot sa amin, na tila ba'y nag-aanyaya sa amin na tikman ang bawat isa. Matapos niyang ilabas ang lahat ng pagkain, kinuha niya ang isang pares ng kutsara't tinidor at iniabot sa akin. I saw his hand as he carefully placed the pasta on my plate. His hands were clean, with neatly trimmed nails and smooth skin, showing his careful attention. "Kumain muna tayo," aya niya sa malambing na boses, na parang musika sa aking pandinig. Kaya naman hindi ko na naiwasang mapangiti. Asikasong-asikaso niya kasi ako ngayon. "Why are you looking at me that way?" He asked, his voice tinged with curiosity and a hint of amusement.Habang nakatutok sa akin ang kanyang agresibong mga mata, na tila ba nais niyang tunay na malaman kung bakit ko siya tinitingnan. I swallowed hard at his question, feeling a sudden rush of nerves. Ang kanyang titig ay parang tumatagos sa aking kaluluwa, at ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng aking puso. Hindi ko alam kung tutungo ba ako o patuloy na tititig sa kanya. Maaari ko bang sabihin na gusto ko siya? Na labis kong nagugustuhan ang kanyang pag-aalaga sa akin, ang paraan ng paggalaw ng kanyang mga kamay, ang paraan ng kanyang pagsasalita, ang kanyang ngiti, at sa tingin ko ay baliw na baliw na ako sa kanya. Kinagat ko ang aking labi sa naisip, habang nakatitig sa kanyang labi. "Ah, w-wala," palusot kong sabi, sabay pilit na ngumingiti. "Naisip ko lang na ang swerte ko ngayon, marami kang pagkain dala." Sabay lingon ko sa kanan, at ngumiwi. Damn, bakit pa ba siya nagtatanong? Nakakahiya! "Talaga? Ako din, swerte na kasama kita dito!" Ngiting-ngiti niyang sabi. He shifted slightly closer to me, na medyo ikinabilis ng t***k ng puso ko. Sobrang lapit niya na, na naaamoy ko na ang mabango niyang pabango na lalaking-lalaki. Tumingin siya sa malawak na dagat, bago siya nagsimulang magsalita. "Gusto kong magkwento," aniya habang nakatingin sa malayo. "Ano iyon?" tanong ko nang may kuryosidad. "Simula pa nang bata ako, kahit hindi pa ako nakakapunta ng dagat ay kinakatakutan ko na ang alon. Takot na takot ako. I don't know why, but I kept seeing a woman in my dreams. She's drowning, and ever since then, it scared me to death to go near the ocean. Kahit sa dalampasigan man lang. One day, bigla na lang kaming isinama ng nanay ko sa dagat para sana mag-enjoy, but I didn't. Nanatili ako sa malayo, habang balisang nakaupo katabi ng aming mga gamit. It scared me a lot, kaya hindi ako pumupunta kahit sa dalampasigan man lang," seryoso niyang sabi, na ikinalingon ko. "But this little girl changed my mind," he continued, his voice softening as he glanced at me. "Pero sa aking pagkabalisa ay napatingin ako sa dagat. At sa hindi sinasadya ay nahagip ng aking mga mata ang batang iyon. I saw her struggling in the water. Without thinking, I rushed in and pulled her to safety. Saving her was terrifying, but it made me realize that I could face my fears." Sabay tingin niya sa akin, na ikinaawang ng aking bibig. Naalala ko noon na muntikan na rin akong malunod, pero dahil sa lalaking iyon ay hanggang ngayon ay buhay pa rin ako. "And years later, I saw her again. I was shocked. She had grown into a beautiful woman." Sambit niya, nang walang kurap-kurap. Sino naman kaya 'yun? I bit my lip bitterly, habang patuloy na nakikinig. Hindi ko alam, pero nakakaramdam ako ng selos. My heart pounded as I listened to his words, each one sinking deep into my soul. "I was happy that I saved her that day and I am happy that I found her again." He took my hand and gently squeezed it. "Adelina, hindi mo lang alam na ikaw ang batang iyon. Ikaw ang nagpabago sa isip ko, kaya inimbitahan kita dito. To tell you what I conquered, and it's because of you!" I stared at him, my eyes wide with shock. "Ako? Ako pala 'yung batang iyon?" I whispered, my voice trembling. "Hindi ko alam... Hindi ko alam na ikaw ang nagligtas sa akin noon." He nodded, a gentle smile on his lips. "Oo, Adelina. At dahil sa'yo, natutunan kong harapin ang takot ko. You gave me the strength I needed." Tears welled up in my eyes as I looked at him, my heart swelling with gratitude and something deeper. Hindi ako makapaniwala na siya ang nagligtas sa akin. Hindi ko siya nakilala, sobrang laki kasi gn pinagbago niya. Gwapo na siya noon, pero mas gwapo siya ngayon. "Salamat," I said softly, my voice barely above a whisper. "Salamat sa lahat." He squeezed my hand gently, his eyes never leaving mine. "Walang anuman, Adelina. I'm just glad you're here with me now." I took a deep breath, feeling a sense of peace wash over me. "And I'm glad I found you again," I replied, my voice filled with sincerity. "You changed my life, too." Kagat-labi kong sabi. Sa sobrang saya ko ay hindi ko na napigilang yakapin siya nang mahigpit. My heart raced as he cupped my face, his touch sending shivers down my spine. Tinitigan niya ako sa aking mga mata, his gaze intense and unwavering. Nanghihina ang aking tuhod sa mga titig niya, kaya mas lalo pa akong napayakap sa kanya. Walang tutol kong tinanggap ang kanyang labu na dumampi sa aking labi, na aking ikinapanginig. His kisses are soft that it makes me moan. Para akong dinuduyan ng kanyang mga halik na agaran kong ikinaliyo. Hindi ko alam na ganito pala mahalikan, nakakasabik at nakakawala sa katinuan. Nang tumigil siya sa paghalik ay para akong nabitin, kahit na hingal na hingal kaming pareho. Shit! I can't help it, ang sarap niyang humalik. Parang nakakaengganyo pang halikan iyon, nang dilaan niya pa ang mapupula niyang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD