ADELINA'S POV:
Palabas na sana ako ng room nang biglang pigilan ako ni Sir Magnus. Mabilis niyang hinawakan ang braso ko at pinaharap ako sa kanya. Bago pa ako makapag-react ay nahawakan niya ang baba ko, at sa isang iglap ay naramdaman ko na ang mainit niyang labi sa akin. Habang ang kanang kamay ay pumulupot sa aking likuran.
Nagulat ako at halos hindi makapaniwala sa nangyayari. Mabilis niyang hinagod ng hinlalaki ang aking labi na tila may binura pa roon, na hindi niya gusto.
"I kissed you just to wipe away that awful color on your lips. Don't ever wear it again! Your bare red lips are perfect, just the way they are." He said, bago niya ako pinakawalan.
Awang ang aking labi, at hindi makapaniwala sa sinasabi niya. Ibig niya bang sabihin ay mas okay sa kanya ang wala akong make-up?
Nakagat ko ang aking labi sa tuwa. Iba pala talaga ang pakiramdam kapag nasabihan nang gano'n.
Nakakakilig, kung nakakangisay lang kilig, baka kanina pa ako nagpagulong-gulong sa harap niya.
I feel like I'm on cloud nine after hearing what he said. Para tuloy akong robot nang lumabas ng room.
"Tagal mo naman!" Wika ni Zarah nang makita ako sa hallway.
Ang masamang balak ko kay Zarah ay biglang naglaho, dahil sa sobrang kilig ko'y ni hindi ko siya magawang batukan.
"Tara na, para ka namang naglalakad sa buwan!" Sita niya, sabay hila sa aking palapulsuhan.
Imbes na mainis ay napangiti pa ako.
"Nasisiraan ka na ba ng bait? ANong sinabi sa'yo ni Sir kanina?"
Doon lang ako napatingin sa kanya na tila biglang nawala ang magic sa aking katauhan, sabay hila ng buhok niya.
"Walanya ka, akala ko may kausap pa ako kanina! Bakit mo ako iniwan!" Gigil kong sabi.
"E, paano nakita ko si Sir na palapit sa'yo, tapos sinenyasan niya din ako na umalis, kaya umalis ako! Sira ulong 'to! If I know kinilig ka naman ng sobra! Before leaving, I noticed he was just a few inches away from you!" Sabay kurot niya sa tagilliran ko kaya halos mapaigtad ako sa sakit.
"E 'di thank you!" Sabay yakap ko sa kanya.
"Nakow, Inday! Halika na, gutom na ako."
Naglakad kami patungo sa cafeteria na halos hindi ko naramdaman na nakarating na pala kami sa sobrang saya ko.
Masaya ako sa nalamang gusto pala ako ni Sir Magnus and he wants me to put my glasses. Ibig sabihin ba no'n ay gusto niya na ako kahit noong may salamin ako?
Nang pumila kami para bumili ng pagkain ay napansin ko ang mga tao na tumitingin sa akin.
"Maganda pala siya, kapag walang salamin." Rinig kong bulong-bulungan ng mga kapwa ko estudyante.
Napapangiti tuloy ako nang 'di oras.
Pagkatapos namin bumili ay naupo na kami sa may bandang gitna sa dulo.
Pagkaupong-pagkaupo ko ay nakita ko ang mga kapwa estudyante ko na para bang may tinitingnan sa aking likuran, kaya naman mabilis akong napalingon sa aking likuran.
Halos nahila ko ang aking hininga nang makita si Sir Magnus, na tila nagmamadali at patungo iyon sa direksyon ko.
Sa isang iglap ay mabilis siya tumigil sa aking gilid at inilapag sa lamesa ang isang box.
Gulat akong napatingin roon, saka muling tumingin sa kanya.
"Wear these glasses. I've already told you my reason earlier, so put them on!" he commanded in his deep, authoritative voice before walking away, leaving no room for argument.
Tumitig ako sa bagay na inilagay niya sa lamesa, marahang kinuha iyon at binuksan.
Napasinghap pa ako nang makitang salamin sa mata iyon.
Talaga pa lang gusto niyang ipabalik ang salamin ko, pero malinaw na nga ang aking mga mata, at hindi ko na kailangang magsuot ng ganito. Kung ayaw niya pala na makita ng ibang tao na wala akong salamin, dapat ay sunglasses ang ibingay niya sa akin.
Pero dahil sa utos niya ay magiliw kong kinuha ang salamin at agarang isinuot iyon sa aking mga mata.
I was surprised na walang grado iyon, at talagang malinaw na malinaw pa rin ang aking mga mata. Dahil siguro iyon sa babaeng nasa litrato. Babalik talaga ako mamaya sa hacienda.
Ngiting-ngiti ako habang sumusubo ng spaghetti, ngunit napatigil sa masamang titig ni Zarah.
"Akala ko ba malinaw na mga mata mo?" Usisa niya sa akin.
"Oo nga, malinaw na malinaw na." Nangingiti kon gsabi.
"E ba't nagsalamin ka pa ulit?" Taka niyang tanong.
"Wala lang!" Sabay kibit balikat ko, saka nagpatuloy sa pagkain.
Magsasalita pa sana siya nang may lalaking tumigil sa gilid ko.
"Can I sit here?" Tanong ng isang napakagwapong lalaki, na agad na ikinalaki ng mata ni Zarah.
"Dito, walang nakaupo!" Sabay tayo niya at hinawakan ang braso ng lalaki, saka pinaupo sa tabi niya, na ikinangiwi ko lang.
Bahala kayo dyan, basta ako masaya at kakain lang dito.
Naupo ang lalaki sa tapat ko, habang katabi ni Zarah na panay ang pa-cute.
Tss! Noong isang linggo ay 'yung bodyguard ko ang tipo, ngayon ay iba na naman! Ibang klase talaga siya.
Akala mo naman talaga papatulan, e. Hanggang ganyan lang naman siya, puro crush. Pero kapag nililigawan na akala mo may sakit ang nanliligaw at bigla na niyang iiwasan. Sira ulo rin.
Napailing na lang ako sa kanya, habang ngiting-ngiti siyang kinakausap ang lalaki.
Nagdaan ang buong maghapon na maganda ang pakiramdam ko, hanggang sa dumating na nag oras ng uwian.
Sabay kaming lumabas ng gate ng university ni Zarah, nagkukuwentuhan pa tungkol sa mga nangyari sa klase. Pagdating sa labas, nauna na siyang sumakay ng tricycle dahil iba ang daan sa kanila. "Ingat ka, ha!" paalam niya habang kumakaway.
Ako naman ay naglakad pa patungo sa pilahan ng tricycle patungo sa hacienda. Habang naglalakad, iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Sir Magnus kanina sa klase. Bigla akong napangiti, pero agad ding napalitan ng kaba nang makita kong huminto ang isang pamilyar na kotse sa aking tapat.
The window rolled down, and there was Sir Magnus, smiling.
"Adelina, hop in. I'll give you a ride," he said. I was at a loss for words, so I just nodded and slowly approached the car. He opened the door for me, and I got in, feeling my heart race.
Alam kong hindi pinapayagan ang isang estudyante na sumakay sa sasakyan ng isang propesor, ngunit maaari kong sabihin na mayroon silang pag-uusapan tungkol sa proyektong ipinapagawa ng aking ama, kaya niya ako isinakay. Iyon ang aking ipapaliwanag kung may maghinala sa amin.
As we drove, the silence in the car was thick with unspoken words. I could feel the tension building, and I knew I had to say something. But before I could gather my thoughts, Sir Magnus spoke.
"You may be shocked by what I said earlier, but I meant every word. I know you're not ready, and I understand that. But I'm willing to wait until you graduate. You're young, and I know that too. But my feelings for you are real, and I'm not going anywhere." tumgin siya sa akin ng seryoso, saka muling tinutok ang paningin sa kalsada. "Maghihintay ako hanggang sa p'wede mo na akong mahalin."
I felt a whirlwind of emotions. Surprised, flattered, nervous, and excited all at once. His words echoed in my mind, each one carrying a weight that I wasn't sure I was ready to bear. Tumingin ako sa kanya, nakatuon ang mga mata niya sa daan, pero kitang-kita ko ang sinseridad sa mga iyon.
Ang ideya na mayroong tunay na damdamin para sa akin ang isang taong kasing respetado at hinahangaan ko tulad ni Sir Magnus ay talagang nakakakilig. Pakiramdam ko ay espesyal ako, pinapahalagahan, isang bagay na matagal ko nang hindi nadama, at ito'y 'di maihahambing sa pagmamahal ng aking dating kasintahan.