Lych,
Nagising ako mula sa aking pagkakatulog ng napakalakas na huni, napa upo agad ako mula sa aking hinihigaan na papag, maging ang aking katabi na si Michael ay napatalon dahil sa gulat. Napalaki ang aking mga mata habang kumukurap at nakatingin sa may pintuan.
Mula doon ay nakatayo si Chloe, tanaw ko siya mula sa siwang ng pintuan, hawak niya ang isang palayok at sandok na pinagsasalubong niya na lumilikha ng napakalakas na tunog na siyang gumising sa amin.
Lumapit kami sa kaniya habang kinukosot ko ang aking mga mata, "Ang aga mo namang mang badtrip." sabi ni Michael sa kaniya, "Kaya nga." pag sang ayon ko habang inaayos ang aking magulong buhok.
Itinigil na ni Chloe ag kaniyang ginagawa, "Inutos lang sa'kin." sabi naman niya at nag kibit balikat. "Sino naman ang nag utos sa'yo?" tanong ko sa kaniya, "Si uncle Damyan," sagot naman niya, "Sumunod kayo sa'kin." dagdag pa niya.
Nagtinginan kami ni Michael at parehong nag kibit balikat bago sumunod kay Chloe na nauna nang naglakad. "Saan tayo pupunta?" tanong ni Michael nang makapantay na kami kay Chloe, "Ayaw niyo bang kumain ng agahan?" tanong niya sa amin.
Nang hindi kami sumagot ay nagpatuloy na siyang muli sa paglalakad, maging kami ni Michael ay sumunod na lang sa kaniyang mga yapak. Lumabas kami sa isang pintuan at sumalubong sa amin ang isang pasilyo na napalilibutan ng salamin.
Tanaw ang buong palligid, habang naglalakad ay umiikot ako at nakatingala, dahil parin ito sa [agkamangha sa pasilidad na ito. Muntik na akong mabangga kay Chloe nang bigla siya tumigil at nang lumingon na ako sa harapan ay nasa harapan na pala kami ng isang mahabang mesa.
"May ganito po talaga itong bahay?" tanong ko nang makaupo na ako, pinagitnaan namin ni Michael si Chloe, naitanong ko ang bagay na iyon dahil kagabi ay parang wala naman akong nakitang ganito.
Ngumiti si tito Damyan, "Sa pang araw-araw, wala pero kung iyong gugustuhin ay magkaakroon." sagot naman niya, kumunot ang aking noo. Tumingin ako sa aking kanan at nakitang kumukuha na sina Michael at Chloe ng kanilang pagkain.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko nanaman, "Ang never ending door." sabi niya, parang hinambalos ng alon ang aking utak dahil sa bigla akong may naalala nang banggitin ni tito Damyan ang pintuang iyon.
"Ibig niyo pong sabihin ay nakagawa talaga si papa ng totoong pintuang may mahika?" naghalo ang tuwa at pagdududa sa aking dibdib. Tumango at ngumiti naman si tito, "Ang pinasukan ninyo ay ang never ending door mismo." sagot ni tito at itinuro ang pintuang pinasukan namin.
Kuminang ang pihitan nito nang aking lingunin.
Ayon sa kwento ni papa, ang never ending door ay aksidente raw niyang nagawa isang araw nang nababagot siya. Gusto raw niyang makapunta sa lugar na gusto niya nang hindi bumibyahe ng matagal.
Kaya nagkaroon siya ng isang ideya, noong unang subok niya ay siyensya ang kaniyang ginamit ngunit ng pasuko na siya ay may isang spell siyang nabanggit dahil sa inis at tumama ito sa pintuan ng kaniyang silid.
Nang buksan daw niya ito ay walang ang usual na parte ng kanilang bahay kundi ang kaniyang nakita ay ang loob ng isang restaurant, ang kaibahan lang ay walang tao rito maliban siya. Nagawa raw niya iyon noong binata siya.
Palagi akong namamangha sa tuwing ikinukwento niya iyon ngunit hindi ako makapaniwala na totoo pala ito, ang akala ko kasi ay gawa-gawa lang iyon ni papa para mapasaya ako sa tuwing matutulog na.
Naglagay na rin ako ng pagkain sa aking plato at sinimulan na din ang aking pagkain, sa tingin ko ay si tita Mira ang nag luto dahil nakasuot pa siya ng apron nang makisalo siya sa amin. Tinimplahan din niya ako ng kape, lubos ko kasing kinahihiligan ang pag-inom ng kape.
Namiss ko nga ang lasa nito, sa Fleurton kasi ay gatas ang palaging nakahain sa hapag tuwing umaga. Sinubukan ko ngang pasukin muli ang sikretong kusina kung saan namamalagi ang mga house elves na siyang nagluluto sa mga putaheng nakahanda tuwing kakain ang lahat.
Papasok sana ako doon para maghanap ng kape kaso hindi ko na ito nagawa dahil may mga student body na naglilibot sa buong paaralan, sinisiguradong ang lahat ay nasa kani-kanilang mga silid na.
Matapos kong nguyain ang isang kutsara ng pagkain na isinubo ko ay sumimsim ako sa aking kape habang mainit pa ito. Tahimik kaming nagsalosalo at walang nagsalita hanggang sa matapos kaming kumain.
"Bumalik kayong muli dito mamaya pagkatapos ng dalawampung minuto, sisimulan na natin ang inyong pagsasanay." pahayag ni tito habang nag titinga ito, alam ko naman na agad ang pag sasanay na tinutukoy niya.
"Para saan, pa?" tanong ni Michael sa knaiyang ama, mukhang nalimutan na niya ang sinabi ng Headmistress sa amin noong ipinaalam niyang maaga kaming aalis sa Fleurton. "Para sa pag kontrol ng inyong mga kapangyarihan." sagot naman ng kaniyang ama.
"Ah!" sabi ni Michael, mukhang naalala na niya, "Sige po." dagdag pa niya.
Naiwan si Chloe doon dahil tinutulongan niya si tita Mira sa mga gawaing bahay, bilin narin iyon ng Headmistress, bilang parusa raw ni Chloe ay hindi siya maaring tumanggi sa ano mang pakiusap ng mga magulang ni Michael.
Naririto kami ngayon ni Michael sa loob ng bahay at nakaupo sa harapan ng isa pang mahabang mesa. "May mababago kaya kapag na kontrol na natin ang ating taglay na kapangyarihan?" tanong ni Michael habang nakatitig sa bintana.
Nalito ako ng panandalian sa kaniyang tanong ngunit napag tanto ko kung ano ang kaniyang pinupunto, dahil iyon sa propesiya, nasa saamin ang simula ngunit nasa Necromancer ang katapusan, wala kami ideya kung ano ang nilalaman noon.
"Siguro." sagot ko naman dahil maging ako'y hindi alam, kung may maidudulot ba ang pagkasanay namin sa pagkontrol ng aming mga kapangyarihan o nag aaksaya lang sila ng oras. Tahimik lang kaming dalawa, nababgabag sa kung ano ang mga susunod na mangyayari.
Kung ano ang susunod na magiging hakbang ng Necromancer, ang nilalang na kinakatakotan ng mga warlock. Nang unang umusbong ang kaniyang kasamaan ay isa palamang siyang normal na warlock na nagtataglay ng pambihirang kaalaman sa mahika.
Madami siyang napaslang na mga warlock, isa na doon ang kapatid ni Leon, nabilog ng Necromancer ang kaniyang ulo kaya imbes na magalit siya at magtanim ng galit sa nilalang na pumaslang sa kaniyang kapatid ay umalyansa siya rito.
Mga sanggol palamang daw kami noong bumagsak ang warlock na iyon ngunit napabalita na buhay paraw ito at nakipag kasundo sa demonyo, ang mga kampon ng kadiliman. Nagkaroon siya ng bagong hitsura at maging ang tawag sa kaniya ay nabago din, tinawag siyang Necromancer, ang mensahero ng kadiliman.
Walang naging balita sa kaniya nang halos labin pitong taon hanggang sa dukotin ni Leon ang aking mga magulang, ang araw na naging ganap akong warlock.
"Pumasok na raw kayo doon." sabi ni Chloe nang makalapit siya sa amin at itinuro niya ang never ending door, agad naman kaming tumayo ni Michael at sabay na pumunta doon, ako ang pumihit ng pihitan.
Bago ko itinulak pabukas ang pinto ay napa pikit muna ako at huminga ng malalim.
"Wow." sabi ni Michael nang makapasok kami sa loob, nang humakbang ako ay damuhan ang aking nadama at sa aking harapan ay isang pa oblong na arena na pinalilibutan ng nagtataasang mga kawayan.
Mahangin din kaya animo'y nasa totoong puso ka ng gubat.
"Alam niyo na siguro kong bakit tayo magsasany?" tanong ni tito, tumango kami ni Michael, "Kung ganoon, huwag na tayong mag aksaya pa ng oras." sabi niya bago inalabas ang kaniyang baston, ang baston na ginagamit niyang pamalo sa amin kung nagkakamali kami ni Michael sa tuwing nagsasanay kami noong mga bata palamang kami.
"Posisyon!" sigaw niya at awtomatiko akong tumindig, "Simulan muna antin ang pagsasanay sa isang maikling sanaysay sa kung paano niyo mapapalabas ang inyong kapangyarihan na nakuha mula sa mga lightbirns." ma awtoridad na sabi ni tito habang nakatayo sa aming harapan.
"Sir, yes, sir!" sabi naman namin ni Michael, "Noon pa man ay nagagmit niyo na ang inyong kapangyarihan ngunit hindi ninyo alam na nagagamit niyo na pala. Ipinanganak kayong taglay na ang kapangyarihang iyan,
Lumaki kayo diyan ngunit ngayon niyo lang nalaman ang tunay nitong pinanggalingan ngayong may banta sa inyong mga buhay at sa kaisa-isang bagay na pinuprotektahan ng ating pamilya, maging ako na inyong tagapag turo ay hindi nakita ang tunay niyong kakayahan.
Nagulat na lamang ako nang ibahagi sa amin ni Professor Sylvana ang tungkol dito," panimula niya, nakatindig parin kami ni Michael habang pinakikinggan ang sanaysay ni tito. "Ngayon, ang aasahan ko lang ay ang kaunti kong kaalaman tungkol sa mga lightbornsa at ang kanilang kapangyarihan,
Nawala na ang mga papel na naglalaon ng mga kaalaman tungkol sa kanila kaya lubos kong maipagmamalaki na sa aking isipan ay namumuhay ang kaalaman na matagal ng nawala." dagdag pa niya.
Inangat niya ang kaniyang baston at umilaw ang dulo nito, maging ang kaniyang mga mata bago mabilis na itinusok sa lupa. Nakaramdam ako ng parang kuryente na dumaloy mula sa aking mga paa papunta sa aking utak.
Mula doon ay nakita ko ang iba-ibang sinaryo. Nagsimula ito sa isang pagsabog mula sa kalawakan hanggang sa mabuo ang ating mundo. Mula roon ay lumitaw ang dalawang bola ng liwanag at itim, nang bumaba sila sa lupa ay paikot ikot lamang sila hanggang sa unti-unting nagkaroon ng anyo.
Agad kong nakilala ang mga ito, sina Adalgard at Adalhard, nilikha nila ang ilang bagay at isa na rito ang isang mataas na bulosok na tubig. Bumilis ang mga pangyayari at tila naging bato ang lightborns, pinaligiran nila ang bumubulosok na tubig at dumaloy mula roon ang gintong likido.
Mula sa lupa ay dumating ang mga tao, uminom sila rito hanggang sa manganak sila ng unang mga warlock.
Bumilis pa ang pangyayari at ngayo'y nasa isang sinaryo kung saan nagsisigaw ang isang tao na tila inakusahang isang warlcok. Mula sa mga nanonood ay ang mga tunay na warlock na sapat na ang kanilang nakita upang magsitago.
Nagtipon-tipon sila sa paligid ng fountain hanggang sa dumami sila ng dumami. Nagsimula ang pag aagawan mula sa fountain nang malaman nilang napapalakas pa nito ang ang kapangyarihan ng isang warlock.
Aksidente kasing nahulog ang isang batang warlock doon, akala nila'y patay na ito pero muling bumangon na may taglay ng kakaibang kapangyarihan. Walang nakakaalam kung sino ang bata.
Dahil nga sa pag aagawang nangyari, itinago ng dalawang pamilya ang fountain, may ginamit silang mahika at tahimik nila itong ginawa. Bumilis pa ang pangyayari at ngayo'y bumalik kami sa araw na kinuha ni Leon ang aking mga magulang.
Mula doon ay napansin ko ang pagbabago ng aking mga mata ngunit walang nakakita. Biglang dumilim, nawala ang lahat ng aking nakikita bago muling lumiwanag at nasa tapat ko na si Adalgard, tumingin ako sa aking mga paa at mistulang naka dikit siya sa akin.
Parang isang anino. Matapos non ay bumalik na kami sa reyalidad, para akong matutumba dahil sa hilo.
"Mukhang maganda ang kinalabasan ng pagpapakita ko ng mga bagay na iyon sa inyo." komento ni tito, doon ko lamang napag tanto na iba na ang aking anyo. "Ngayon, subukan niyong bumalik sa dati niyong anyo." sabi pa ni tito.
Umiling ako, "Paano po?" tanong ko, "Mag pokus lang kayo, hayaan niyong lumabas mula sa inyong isipan ang mga lightborns." pahayag naman niya, parang sinasapian kami ng mga lightborns?
Ginawa ko ang sinabi ni tito, nahirapan ako dahil kung ano-anong bagay ang pumapasok sa isipan ko, "Tandaan niyo, pokus." paalala ni tito, ikinuyom ko ang aking mga kamao at pilit na inaalis ang mga kaisipan sa aking utak.
Ilang bese kong iminulat ang aking mga mata at ipinikit muli, hirap talaga akong ipokus ang aking isipan.
Hanggang sa matapos ang ilang minuto ay muli kong nakita si Adalgard na humiwalay sa aking utak, matapos no'n ay naging blangko ang aking isipan at hindi ko na alam ang sunod na nangyari.
Ang huli kong naramdaman ay ang sakit sa aking kaliwang kamay.
"Gising napala ang mga pass out boys." dinig kong sabi ni Chloe habang marahan kong iminulat ang aking mga mata matapos bumalik ang mga iba ibang kaisipan sa aking utak. Nagtinginan kami ni Michael at tila naguguluhan kung ano ang nangyayari.
"Hindi niyo ba alam na nahimatay kayong dalawa?" tanong ni Chloe na nakaup sa tabi ng papag na aming hinihigaan, napakunot noo ako at umilig. Nang igagalaw ko sana ang kaliwa kong kamay ay napansin ko ang telang nakabalot dito.
Nakaramdam ako ng kirot at doon ko na naalala ang training namin kanina. "Gaano kami katagal nakatulog?" tanong ko sa babaeng nakaupo sa isang mono block na nasa tabi ng aming higaan.
Nagbilang siya sa kaniyang mga dairi, "Apat na oras." sagot naman niya, nakaramdam din ako ng kirot sa aking utak. "Paano ito nagyari?" tanong naman ni Michael pero nag kibit balikat lamang si Chloe, "Anong malay ko," sagot naman niya.
"Nakita ko na lang kayo na buhat-buhat na ni uncle Damyan." dagdag pa niya. Saktong mmay kumatok naman sa pinto at iniluwa nito si tito Damyan. "Gising na pala kayo." sabi niya bago lumapit sa amin.
"Anong nangyari, pa?" tanong ni Michael, bumuntong hininga ang kaniyang ama, "Mukhang hindi pa kaya ng katawan niyo ang gamitin ang kabuuang kapasidad ng inyong kapangyarihan." sagot naman niya.
Kung tama pa ang aking pag-iisip, ganito din ang nangyari sa akin noong kinalaban namin si Leon sa Fleurton. Nawalan din ako nang malay matapos kong bumalik sa aking orihinal na anyo. "Kung ganoon po, ano po ang dapat naming gawin?" tanong ko naman.
"Mag eehersisyo muna kayo, palakasin ang inyong katawan." sagot naman niya, mula sa sinabi ni tito, mukhang matatagalan pa kami bago tuluyang masanay sa aming tunay na kapangyarihan.
"Sa ngayon, magoahinga namuna kayo." sabi ni tito bago lumabas, "Lalabas na din muna ako." paalam naman ni Chloe, isinara niya ang pinto pagkalabas niya. Isinalumpak ni Michael ang kaniyang katawan sa aming hinihigaan.
Nagpalabas siya ng malalim na pag hinga , "Nakaka preassure." sabi niya, humiga nadin ako dahil medyo nahihilo pa ako at kumikirot din ang kaliwa kong kamay, "Kaya nga, ganito pala ang pakiramdam kapag mataas ang expectation sa'yo." sabi ko naman.
Ni hindi narin namalayan na sabay kaming napabuntong hininga. Matapos no'n ay ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at nagpakain na sa tulog.