CHAPTER 14: A Strong Mind Needs A Strong Body

1994 Words
Lych, Maaga akong nagising mula sa mahimbing kong pagtulog kaya naisipan kong lumabas muna ng silid dahil sa tulog parin si Michael. Mas magaan na ang aking pakiramdam kumpara kaninang umaga ngunit iniinda ko parin ang biglaang pagkirot ng aking kaliwang kamay. Ito kasi ang sumalo sa buong bigat ng aking katawan noong bumagsak ako sa lupa. Paglabas ko ay sinalubong agad ako ng mga mata ni Chloe habang abala ito sa isang bagay na nasa harapan niya. Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumunta sa kaniya. Nadatnan ko rin doon sina tito at tita na abala rin sa isang bagay na nasa kanilang harapan. Umupo ako sa isang bakanteng upuan sa harapan ng mesa, magkatapat kami ni Chloe. "Ano po 'yan?" tanong ko kay tita. Tumingin ito sa akin. "Para ito sa ating hapunan." sagot naman niya habang hinihiwa ang isang kasangkapan, ganoon din si tito at Chloe, abala sila sa paghihiwa, "Anong oras na po ba?" taong ko ulit, alam kong gabi na dahil madilim na sa labas pero hindi ko alam kung ano ang eksaktong oras. "Alas syete palang ng gabi." sagot naman ni tita, tumango naman ako bilang sinyales na naintindihan ko ang sagot niya. Matapos no'n ay tangka sana akong kukuha ng sangkalan ngunit tinigilan ako ni tita. "Kami na." sabi niya at inalayo sa akin ang sangkalan, "Pero gusto ko pong tumulong." pagpupumilit ko pero umiling si tita, "May mas importanteng bagay kang gagawin kesa dito." sabi pa niya. "Ano po?" tanong ko naman, "Ang iyong pagsasanay," si tito ang sumagot, "Hindi mo kailangang mag aksaya ng enerhiya para lang dito, kailangan mo ang iyong kataan, kailangan ding gumaling na agad ang iyong kamay." dagdag pa niya. Tiningnan ko ang aking kaliwang kamay at itinaas ito ng bahagya, nakaramdam ako ng kirot na para bang tinusok ng sampung karayom ang braso ko. "Mabuti pa'y magpahinga ka muna." sabi naman ni tita, kumunot ang aking noo. "Pero tita, pagod na po akong magpahinga." sagot ko naman sa kaniya, tila nagulat naman siya sa aking sinabi. "Kung ganoon, panoorin mo na lang kami, o dika'y maglaro ka sa iyong cellphone." suhestyon naman ni tita. Kumunot muli ang aking noo at bumuntong hininga, inalabas ko na ang aking cellphone at ginawa na lang ang suhestyon ni tita.  Naisipan kong pumunta sa aking messenger owl doon ko lamang napansin ang mga liham ni Sylvester at nang buksan ko ito ay sunod-sunod ang kaniyang liham pero iisa lang ang laman, kailangan ko daw bumalik doon sa susunod na pasukan dahil wala daw silang matinong Guard na mahanap. Napailing na lang ako habang binabasa ko iyon, nag type ako ng liham upang replly'an siya at sinabing hindi ko alam kung makakabalik pa ulit ako doon kasi sa noon palang ay hindi na talaga kami kabilang doon bilang isang mag-aaral ng Fleurton. Dipende iyon kung papayagan ako kasi maging ako ay gusto ko ring bumalik at maranas ang pumasok sa isa sa mga pinakatanyag na paaralan ng mga warlock. Pareho kasi kami ni Michael na hindi nakapag aral, si tito ang nagturo sa amin simula noong araw na nagsimula kaming makagawa ng mahika. Sinabi ko rin na isang araw palang naman ang nakalilipas mula nang umalis ako at nang pagsisimula ng kanilang paghahanap ng bagong Guard, marami pa silang mahahanap na mas maalam kesa sa akin. "Lych, tingnan mo nga kung gising na si Michael." utos sa akin ni tita na nag liligpit na, "Sige po." sabi ko naman bago ako tumayo, bago ako tuluyang makatalikod sa kanila ay natanaw ko si Chloe mula sa likuran ni tita na hawak ang isang takip ng palayok at ang isang kamay naman niya ay hawak ang isang sandok at hinahalo ang laman ng palayok na may lumalabas na usok. Dumiretso ako sa  silid na pinagtutulugan naming dalawa ni Michael at itinnulak pabukas ang pintuan, pagpasok ko ay gising na si Michael, nakahiga lang ito at hawak ang kaniyang cellphone.  "Gising kana pala." sabi ko bago ako lumapit sa tabi niya, nilingon niya ako at tumango naman siya. Wala namang inutos si tita na palabasin ko na siya pero pinalabas ko parin siya. "Bumangon kana raw." sabi ko at agad naman siyang bumangon. Nauna na akong lumabas kesa sa kaniya at bumalik sa aking kinauupuan kanina, "Gising na po suya." sabi ko naman, saktong naghahain na sila tita at Chloe, mukhang tama lang na pinalabas ko na si Michael. Umupo siya sa tabi ko at umupo naman si Chloe sa tapat ko at si tita sa tapat ni Michael, si tito nama'y naka upo sa dulo ng mesa. "Kumain na kayo." sabi ni tito bago kinuha ang kaniyang kubyertos, ganoon din ang aking ginawa. Napansin ko naman ang pag hikab ni Michael. Sa aking plato ay nakalagay ang isang stew, inamoy ko ang usok na nagmumula rito at tila kumalam ang aking sikmura. Nang humigop ako ng sabaw nito ay napakasarap. "Bakit po iba ang pagkain namin?" tanong ni Michael, nilingon ko din ang nasa plato nilang tatlo ay iba talga sa kanila, umubo ng bahagya si Chloe, kumurap naman si tita bago nagsalita si tito, "Para sa inyo talaga iyan, pampalakas ng inyong mga katawan." sagot naman niya. Dahil masarap naman at ayaw na naming magtanong pa ay tinanggap na lamang namin ang naging sagot ni tito. Beef stew pala ito, malambot ang karne at napaksagana sa lasa ang sabaw nito, ni hindi ko na namalayan na naubos ko na ang sa akin. "Gusto mo pa?" tanong ni tita at naka ngiti ito, ngumiti naman ako at tumango. Gamit ang sandok na malalim ang butas ay nilagyan ulit ni tita ang aking plato na sakto para sa isang masabaw na pagkain. Nakadalawang beses din si Michael bago kami parehong nabusog at napasandal na lamang sa aming upuan. "Tatanunin ko sana kong masarap ang stew pero mukhang alam ko na ang isasagot niyo." sabi ni Chloe. "Ikaw po ba ang nagluto tita?" tanong ko habang hawak ang busog kong tiyan, umiling siya, "Si Chloe ang nagluto niyan para sa inyo." sagot naman ni tita at nginitian si Chloe, tumingin ako sa kanya. "Magaling ka palang magluto, Chloe." sabi naman ni Michael, "Tsk, dati pa, magaling talaga akong magluto ng poti- ng stew." sabi niya bago ngumiti at tumingin kay tita. Sa sobrang busog ko ay parang gusto ko na lamng matulog ulit. Humikab ako sa harapan nila, maging si Michael na kagigising lang ay napahikab diin, kumurapkurap ako dahil sa nanlalabo ang aking paningin, kinusot ko ang aking mga mata pero wala itong nagawa. Ang naaaninag ko lang ay isang muha ng lalaki, mukhang si tito ito, nakatingin siya sa akin at gumagalaw ang kaniyang mga bibig na animo'y may binibigkas. "Mukhang epektibo nga." rinig kong sabi niya, "Siyempre naman po." sagot naman ng isang mas bata ang tinig ng boses, si Chloe, "Sigurado ka bang pang matagalan na'yan at walang side effects?" mukhang si tita ang nagtanong. "Hindi ko lang po alam, sa mga kuneho ko lang po ito nasubukan dati." sagot naman ni Chloe, "Hintayin na lamang natin hanggang bukas." sabi naman ni tito. Nang pumitik siya ay sumara agad ang mga talukap ng aking mga mata at hindi na alam ang sunod na nangyari. Pabigla kong iminulat ang aking mga mata at agad n tumaya. Pakiramdam ko ay para akong lumilipad sa gaan ng aking katawan. Tumingin ako sa aking tabi at wala na dito si Michael kaya agad akong lumabas. "Dumiretso ka sa never ending door." sabi ni Chloe nang makasalubong ko siya, nagkunot ang aking noo dahil para bang hinihintay talaga niya akong lumabas. Gaya ng kaniyang sinabi ay dumiretso ako sa never ending door at pinihit ito pabukas. Bumungad sa akin ang isang track field at habang naglalakad ako palapit kay tito Damyan na nasa gita ng track ay patakbong dumaan si Michael sa aking harapan. Mabilis ang kaniyang takbo at mukhang nag iikot siya sa buong track. "Sumabay kana din sa kaniya." sabi ni tito na hawak ang isang timer, "Bakit po?" tanong ko naman, "Parte ito ng inyong pagsasanay, kailangan niyong mapalakas ang inyong mga katawa," sagot naman niya. "Kaya sige na, takbo na, bilis!" tinulak niya ako kaya ginawa ko na lamang pinapagawa niya, gaya ni Michael ay nag paikot ikot din ako sa buong track pero may napansin ako, parang hindi ako napapagod, tagaktak na ang aking pawis ngunit hindi parin ako nakadarama ng pagod. naunang tumigil si Michael kesa sa akin dahil nauna daw siya, matapos ang tatlong ikot ay pinatigil na ako ni tito. Nagtanggal na ako ng damit dahil sa puno na talaga ito ng pawis. Matapos niya kaming patakbuhan ay pinag sit ups niya kami. Kakaiba talaga sa pakiramdam, napakagaan ng aking katawan at ni hindi man lang ako nakadarama ng pagod. Sunod-sunod ang ehersisyong pinagawa niya sa amin, puro target ang aming tiyan, mga braso at paa. Halos maligo na ako sa sarili kong pawis pero hindi parin ako napapagod. Hanggang sa hindi ko na matigilan pa ang aking pagdududa sa aking sarili kaya nagtanong na ako kay tito, lumapit ako sa kaniya matapos namin gawin ang isang oras na plank. "Tito, bakit po hindi ako nakadarama ng pagod?" tanong ko sa kaniya, ngumiti naman siya, "Dahil iyan sa potion na ginawa ni Chloe." sagot naman niya, "Anong potion?" tanong ni Michael na lumapit din sa amin. "Sa ngayon ay wala pa itong pangalan pero ang dulot nito ay  pinalalaks nito ang inyong resistensya at endurance." sagot naman ni tito, "Pero paano po kung mawalan ito ng bisa,'di iindahin namin lahat ng sakit ng katawan?" tanong ko nanaman, "Napaghandaan na namin iyan, may potion kaming ginawa para sa inyo sa oras na mawalan na ng bisa ang unang potion na naibigay sa inyo, Ang potion na ibibigay sa inyo sa pangalawang pagkakataon ay isang healing potion, nawala na ang sakit sa inyong katawan, mas lumakas pa ito." mahaba niyang paliwanag, mukhang napagplanohan na nila ang lahat. Kaninang pag gising ko ay may duda na ako dahil wala na akong nararamdamang kirot sa aking kaliwang kamay. Matapos ng pag-uusap naming iyon ay pinabalik niya ulit kami sa aming pag eehersisyo o work out. Hindi na namin napansin ang oras, buong araw na pala kaming nag eehersisyo, manigas nigas na din ang aking mga muscle sa braso at binti. Maging ang aking tiyan ay tumigas na din. "Ngayon, bakit di niyo kaya subukang palabasin ang inyong mga kapangyarihan?" suhestyon niya habang nakatayo sa aming harapan. "Sa tingin ko'y handa na ang inyong katawa na makipag konekta sa inyong isipan, pantay na sila kaya malakas ang kutob kong magtatagumpay tayo ngayon." dagdag pa ni tito.  Pumikit ako at dahil sa napakadami naming ginawa sa araw na ito ay wala ni isang ideya ang pumasok sa isipan ko at agad kong nakita si Adalgard, nang lingunin ko ang aking mga paa ay magka dikit na naman kami na paranhg isa ko siyang anino. Iminulat ko ang aking mata at hindi ko namalayang nakalutang pala ako, tumingin ako sa katabi kong si Michael at nakalutang din siya. "Yes!" sabi ni tito na para bang nanalo siya sa luto. "Ngayon, subukan niyong bumalik sa dati niyong anyo." sabi naman niya ulit. Inisip ko lang na baba ako at bigla na akong bumalik sa dati kong anyo, parang may hangin na lumabas mula sa aking katawan. Napailing na lang si tito dahil sa kaniyang pagkamangha na pareho naming nagawa ni Michael ang ibalik ang aming anyo sa dati nang hindi nawawalan ng malay. "Gumana!" anunsyo ni tito, lumingon ako sa akin likuran at patakbong lumapit sa amin sina Chloe at tita Mira. Inulit pa namin ang pag iibang anyo at habang tumatagal ay mas dumadali ang aming pag iibang anyo hanggang sa hindi ko na kailangang pumikit pa. Parang ang kapangyarihan ko na ang sumusunod sa akin at hindi na ako. Sa wakas, nakontrol ko rin. "Kunti na lamang at magiging makapangyarihan na kayong dalawa, asahin na lamng nating mabuti ang inyong pakikipag laban at ang inyong isipan kapag nasa gitna na kayo ng labanan." sabi ni tito habang hawak ang kaniyang basto, nakangiti parin siya. Napangiti din ako dahil sa tuwa, kayang-kaya ko na talagang kontrolin ang kapangyarihang ibinigay sa akin ni Adalgard! Hindi magtatagal, mawawala din ang takot ko sa'yo, Necromancer!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD