CHAPTER 15: Move Like A Wind

2241 Words
Lych, Kinagabihan nga ng araw na iyon ay nawala na ang epekto ng potion na ibinigay sa amin. Sabaysabay na kumirot ang iba't ibang parte ng aking katawa, halos gusto ko na lang biglang mamatay upang maibsan ang sakit na aking nadarama. Halos mapaluha ako dahil dito, mabuti na lamang at agad nila kaming pinainom ng isa pang potion na pagagalingin ang lahata. Dahil narin siguro sa mga sigaw namin ni Michael sa tuwing may kikirot sa aming katawan kaya na alarma agad sina tito. Kulay berde ito na parang pinuno ng glitters, medyo magaspang din sa lalamunan pero hindi na ako nagbakasakali pang inumi ito dahil hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko. Gaya ng unang potion na ibinigay nila sa amin, biglang nandilim ang aking paningin bago tuluyang bumagsak at makatulog. Kinaumagahan matapos naming kumain ay nakarinig ako ng mga pagaspas na tila ba nanggaling ito sa isang nilalang mula sa labas, sunod-sunod ito nanagdala ng hangin papasok sa loob ng bahay mula sa maliit na isawang sa ibaba ng pintuan. "Naririto na sila." sabi ni tito na animo'y may hinihintay na bisita, tumayo siya mula sa kaniyang kinauupuan at sinimulan ang paghakbang palapit sa pintuan, maging si tita ay ganoon din ang ginawa, nag tinginan kaming tatlo at pare-pareho kaming nag kibit balikat. Hindi na kami nag aksaya pa ng oras at sumunod na lamang sa kanila at sakto namang binuksan ni tito ang pintuan. Mula sa labas ay sumalubong sa amin ang tatlong kakaibang nilalang na may lulan na mga warlock. Lumabas sina tito at tita at ang mga warlock na nakasakay sa likuran ng mga nilalang ay bumaba at nakipag kamay at nakipag yakapan kina tita at tito. Parang silang lahat ay dala ang kanilang mga asawa. Nakakunot noo akong nakatitig sa kanila na abala sa pagkakamustahan, ngayon ko lamang sila nakita pero parang ang pamilyar ng mga mukha nila. Habang abala ako sa pagkilatis sa kanila ay napatitig sa akin ang isang lalaki na siguro'y nasa kwarenta na ang edad. Humiwalay siya sa iba at humakbang palapit sa aming tatlo, "Sila ba?" tanong nito nang makalapit sa amin bago lumingon kina tito, lumapit sila sa amin, pinag tinginan kami na para bang kinikilatis ang aming kabuoang pagkatao. "Sila nga, Lych, Michael, sila ang mga miyembro ng Pegasus' Army." pagpapakilala ni tito sa amin sa kaniyang kasamahan, narinig ko na ba ang tawag na'yan at parang ang pamilyar ng dating sa akin. Tumango ako at ngumiti, "Kung ituloy na lang natin ang ating pag-uusap sa loob habang umiinom ng mainit na tsaa?" suhestyon ni tita na nauna nang pumasok bago sumunod ang iba, nahuli kami at nakatitig lang sa kanilang lahat. "Sila kaya ang tinutokoy ni Headmistress Sylvan?" tanong ni Chloe, napakunot noo akong tumingin sa kaniya, "Ano naman iyon?" tanong ko sa kaniya, "Ang sabi niya kasi, meron daw siyang binuong pwersa na tulungan siya sa pag tugis sa kadiliman." sagot naman ni Chloe. Nag kibit balikat si Michael at nauna nang lumakad, ganoon din ang aking ginawa at sumunod na kami ni Chloe kay Michael. Bago pa man kami makalapit sa kanila ay hinarang agad kami ni tita, "Bakit kaya hindi muna kayo tumungo sa never ending door?" suhestyon niya at kumindat. Agad naman naming naintindihan na hindi kami pwedeng makisalo sa kanila lalo na sa kanilang pag-uusapan. Ngumiti na lamang kami at sabay kaming tatlo na tinungo ang never ending door. Si Chloe ang nag-isip kung anong sinaryo ang ipapakita ng pinto. Nang pihitin ni Michael ang pinto at buksan ito ay bumungad sa amin ang isang dagat na malapit ng lumubog ang araw. "Bakit dito?" tanong ko habang naglalakd kami sa buhangin, pagpasok namin ay agad naming iniwan ang aming mga saplot sa paa sa may pintuan. Masayang lumingon sa amin ni Chloe dahil nga sa siya ang nauunang magkakad sa amin, "Hindi pa ako nakakakita ng dagat at sun set eh!" sagot naman niya habang malawak ang kaniyang ngiti bago niya kami tinalikuran at tumakbo papunta sa tubig. Natigilan kami ni Michael at nagtinginan, "Saang lupalok ng mundo siya nanggaling at hindi pa siya nakakakita ng dagat?" tanong ni Michael, "Ewan ko." sagot ko naman at nagkiit balikat bago kami naglakad patungo kay Chloe. Sa amin kasi ay malapit lang ang dagat kaya minsan gustong-gusto kong nagpapahangin doon. Dahil medyo malayo ang aming nilalakad ay nasa aking kaliwang bulsa ang kaliwa kong kamay habang naglalakad. "Balak mo bang maligo?" tanong ni Michael na umupo sa buhangin na hindi naabot ng mga alon. Lumingon sa amin si Chloe habang tuwang-tuwa sa paglalaro sa tubig, halos abot tuhod na ang lalim niya sa tubig, naka suot siya ng maikling pang ibaba kaya hindi pa nababasa ang damit niya.  "Wala naman, pero gusto niyo ba?" tanong naman niya at umahon mula sa tubig at lumapit sa amin, "Hindi." sabay naming sagot ni Michael, "Tss." sabi naman niya at umupo sa tabi ni Michael, sakto namang kalahati na ang lumubog na parte ng araw. Nakatayo parin ako at nakatapat ang kanan kong palad sa aking noo upang matakpan ang sinag ng araw. Habang pinanunood namin ang paglubog ng araw ay siya namang pag bulusok ng malakas na hangin. Dumampi ito sa aking mga balat, pumikit ako at huminga ng malalim bago iminulat ang aking mga mata. Tiningnan ko ang dalawa at si Michael ay may ngiti sa kaniyang mukha habang si Chloe nama'y napakalawak ng kaniyang ngiti at parang kumikislap ang kaniyang mga mata. Habang tinititigan ko siya para siyang kumikinang na animo'y may mga bituwin na nakapalibot sa kaniya, nang lumingon siya sa akin at nakita ang napakaaliwalas niyang mukha'y nagbigay ito ng ngiti sa aking mukha. Bumilis ang t***k ng aking puso na animo'y gustong lumabas. Nakatingin lang ako sa kaniya at parang tumigil ang oras, nakangiti lamang ako habang nakikipagtitigan sa kaniya, hindi ko narin namalayan ang tuluyang paglubog ng araw. Matapos no'n ay mabilis akong kumurap at tumingin sa ibang direksyon nang napagtanto ko kung ano ang nararamdaman ko, bigla akong nakaramdam ng hiya. "Tara na." aya sa amin ni Michael, dumilim na rin kasi, "Sige." sabi ko naman, hinintay ko silang makatayo bago kami nag lakad, pinagigitnaan namin si Michael, parang nanigas ang aking leeg at nakatingin lang ako sa aking harapan, ni hindi man lang akong tumingin sa kanan at kaliwa. Nang makalabas kami ay maaliawalas parin ang paligid at tumatagos mula sa mga bintana ang sinag ng araw, umaga parin. Naglakad kami papunta sa mahabang mesa sa sala at naabutan namin silang nag kwekwentuhan. "Naririto na pala kayo," sabi ni tito, "Halikayo dito at ipapakilala ko sila ng isa-isa." dagdag pa niya kaya lumapit naman kaming tatlo sa tabi ni tito. "Sila sina Brian at Ysabel Brown," pakilala niya sa mag-asawang nakaupo sa malapit sa dulong bahagi ng mesa. Pareho silang yumoko kaya yumoko din kami bilang tugon at ngumiti, "Sila nama'y sina Adonis at Jeah Torres," pakilala rin niya sa mag-asawang naka upo sa tapat nina Mr. and Mrs. Brown. Ngumiti sila kaya ngumiti rin kami pabalik. "Sila nama'y sina Nestor at Dona." huli niyang ipinailala ang mag-asawang naka upo sa tabi ni Mrs. Brown, ninitian namin sila at ganoon din kami. "At ang huling miyembro ng Pegasus' Army ay ang iyong mga magulang, Lych." sabi naman ni tita. Nagulat ako dahil doon dahil hindi ko alam ang tungkol dito, mukhang madami silang sinikreto sa akin. "Ako po si Michael Perez, anak nina Damyan at Mira Perez." biglang pakilala niya sa kaniyang sarili. Para na rin hindi sila malito kung sino ang anak ni tito Damyan ay sumunod na rin akong nag pakilala. "Ako naman po si Lych Hernandez, anak nina Mason at Lisa Hernandez." sabi ko at nginitian silang lahat. Tumango naman sila, "Ikaw hija, anong pangalan mo?" tanong nila kay Chloe na tila nagulat, "Ah, ako po si Chloe Maclyn Swarez." pakilala naman niya sa kaniyang sarili, ngayon ko lang nalaman na may second name pala siya. Tumango naman sila, mukhang may ikukumento pa sila pero pinili na nilang manahimik. "Bakit kaya hindi niyo ipakita ang inyong kakayahan sa ating mga kasama?" suhestyon ni tito na ikinasaya naman ng iba. Tumango na lamang kami kahit hindi namin alam kuung bakit kailangan namin iyong gawin. Pumasok kami sa never ending door, hinihintay kong mamangha sila pero bigo lang ako, mukhang alam narin nila ang tungkol dito at nasanay anrin. Nasa gitna kami ng kagubatan, mahangin din. Umupo sila sa harapan namin ni Michael, nakaka kaba nga dahil nakatitig silang lahat, tumingin ako kay tito at tumango siya bilang sinyales na simulan na namin. Binilin kami ni tito na mag tuos kami ni Michael, isang duel kung tutuusin. Pagkuyom ko sa aking mga kamao ay binalot ako ng puting ilaw at nagbagong anyo, ganoon din kay Michael. Ang isa oang natuklasan namin kahapon ay kapag ganito ang aming anyo ay hindi na namin kailangan pang gumamit ng wand. Sa mga kamo namin lumalabas ang mga mahika kaya tinutumpo talga ni tito ang maging mahusay kami sa pakikipag bunuan. Pinag tama ko ang aking kamay ng dalawang beses na bumuo ng letrang X sa tapat ko bago mabilis na ibinaba at lumitaw ang pabilog na ilaw sa kamay ko. Nakaguhit rito ang pinag samasamang hugis, trianggolo, parsukat at pahaba na pinalibutan ng bilog. Medyo malayo ang aming distansya kaya kinailangan naming tumakbo upang makapag simula na. Nang ilang metro na lang ang layo ko kay Michaael ay tumalon akoo ng pataas at sa aking pagbagsak ay kasunod ko ang ilang boltahe ng kidlat pero nag slide si Michael at bumuo ng isang napakalaking kalasag na kulay ube na sinangga ang aking suntok at maging ang mga kidlat. Matapos non ay hinawi niya ako at tumilapon, gamit ang aking mga ppaa at kamay ay napigilan ko ang aking pagbulusok palikod na lumikha ng hukay. Muli akong tumakbo at tumalon pataas at mabilis na sumgod kay Michael. Sa lakas ng imapak ay nagkaroon ng usok na mula sa lupa, walang naging epekto iyon kay Michael, nakahawak lang ako sa braso niyang kulay itim na siyang sumangga sa atake ko. HIndi ko napansin ang isa pa niyang kamay at sinuntok ako sa aking sikmura. Muli akong tumilapon at bumagsak sa lupa, sa aking pagtayo ay napansin ko ang dahon na lumulutang sa lupa at marahan na bumagsak sa lupa, nagkaroon ako ng ideya dahil dito. Kung pipilitin ko ang pagpasok sa kaniya ay wala akong magagawa dahil sasanggain lang niya ito gamit ang kaniyang mga kamay. Pero kong marahan na mabilis, at atakehin ko siya sa parte na hindi niya mapapansin, maaring makatama ako ng atake sa kaniya! Tumayo ako at pumikit, bago ako pumikit ay nakita ko ang pag sugod niya sa akin, huminga ako ng malalim at hinintay ang kaniyang pag atake. Nang maramdaman ko na malapit na siya ay iminulat ko ang aking mga mata. Nang tatama na sana sa akin ang kaniyang itim na kamao ay mabilis akong gumalaw at lumipat sa likod niya, nagulat siya nang nawala ako sa harapan niya, ngumisi ako pinalo ang likod niya na ngapalipad sa kaniya at tumama sa katawan ng isang puno. Lumipad ako pataas at lumikha ng malaking espada na gawa sa liwanag, "Ahh!" sigaw ko at mabilis na sumugo pababa sa kaniyang kinaroroonan pero nang mawala ang alikabok na bumabalot kay Michael ay natanaw ko ang walang ekspresyon na mukha ni tito Damyan. Kaya natigilan ako at marahang bumaba sa lupa, "Sapat na ang kanilang natunghayan, huwag niyo munang ipakita lahat ng kakayahan niyo." sabi niy sa akin, lumapit ako sa nakasandal na si Michael habang iniinda kaniyang nabaling balikat. Lumuhod ako at umilaw ang kanan kong palad at inilapit ito sa balikat niya, "Aray!" reklamo niya habang pinapagaling ko siya. Matapos ang isang minuto ay magaling na ang kaniyang balikat at tinulungan ko siyang tumayo. "Paano mo nagawang gumalaw ng ganoon kabilis?" tanong niya sa akin habang naglalakad sa likuran ni tito, "Naalala ko kasi ang bilin ni tito na sa pakikipag laban ay mas magandang magaan ang katawan upang makagalaw kagaya ng hangin." paliwanag ko naman. "Sa susunod tatandaan ko na'yan." sabi naman niya at tumawa na lang kami. Hindi parin kami bumabalik sa orihinal naming anyo, pagdating namin sa kinauupuan nila ay pumalakpak sila at tila nag bubunyi. "Kayo na talaga!" sabi ng isa sa kanila, "Tunay ngang nagbalik ang mga lightborns!" sabi naman ng isa, tahimik lang kami ni Michael habang nakatayo sa harapan nila, lumapit sa amin si Chloe. "Ang angas niyong tingnan." sabi niya, napangiti naman ako dahil doon. "Ayos ba?" tanong ko at tumango naman siya, "Lalo na 'yang mga tenga mo at maliliit mong pangil." sagot naman niya, hindi na magkamayaw ang aking puso, parang sasabog na! "Pati ikaw Michael, ang ganda ng anyo mo." bati naman niya kay Michael na nagopangiti din sa kaniya. Nag-usap muna sila bago nila kami pinabalik sa orihinal naming anyo, nakakapanibago na hindi na ako nawawalan ng malay sa tuwing babalik ako sa orihinal kong anyo.  Lumabas na kami ng never ending door at dumiretso sa labas ng bahay, oras na pala sa kanilang pag-alis, inabot sila rito ng alauna ng hapon. "Hanggang sa muli." paalam nila bago lumipad ang mga nilalang na katawang leon pero ang ulo ay ibon at may pakpak, kumikinang din ang kanilang balahibo. "Ano po 'yong mga sinasakyan nila?" tanong ko kay tito, "Griffin." sagot naman niya at nang pabalik na sana kami sa likod ay natanaw ko ang mabilis na pagbaba ng isa sa mga Griffin at ang mabilisang pagkakaruon ng pulang kulay sa kalangitan. "Tito Damyan!" sigaw ko nang makita ang nag hahabulan na sa kalangitan, napatakbo si tito sa tabi ko at tumingala bago tumingin sa akin at kay Michael. "Humanda kayo sa isang labanan." sabi niya sa amin na napaka seryuso ang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD