Lych,
Pumasok si tita sa loob ng bahay at nang lumabas siya ay bitbit niya ang tatlong broom, nag tinginan kaming lahat at tumango si tito bilang sinyales na susugod na kami. Naunang lumipad sina tito at tita, hawak ang kanilang mga wand.
Nagtinginan kaming tatlo, "HUwag kayong mamamatay!" sabi ni Chloe bago smakay sa kaniyang broom, inilabas ang kaniyang wand at lumipad na papunta kina tito, "Kaya natin 'to." sabi ni Michael, tumango naman ako at huminga ng malalim.
Bumwelo kami bago tumalon at sa aming pagtalon ay ang pagbabago ng aming anyo na siyang nagbigay sa amin ng kakayahang makalipad kahit na wala kaming broom na gamit. Nasa magkabilang gilid kami ni tito at ni tita, pinagigitnaan nila si Chloe.
Tumingin sa akin si tito at tumango na sinasabing mauna na kaming umatake, mukhang ganoon din ang sinabi ni tita kay Michael at pareho kaming bumulosok ang lipad papunta sa likod ng mga ulap.
Mula doon ay natanaw ko ang mga warlock na nakasuot ng itim at lumilipad gamit ang kanikanilang mga broom. Hinahabol nila sina Mr. and Mrs. Brown na pinauulanan nila ng kidlat na may kasamang kulay berde.
Naghiwalay kami ni Michael dahil pumunta siya kina Mr. and Mrs. Torres. Nang hindi mapansin ni Mr. Torres ang pagbulusok ng isang kidlat sa kaniyang asawa ay mabilis akong pumosisyon at sinangga ito.
Mabilis akong gumawa ng bilog na guhit na sa loob ay may pinagsamasamang iba pang mga hugis. Agad ko itong pinalaki at nang tumama ang kidlat dito ay naging tubig na agad bumagsak. "Maraming salamat." sabi ni Mrs. Torres at matapos no'n ay agad silang lumipad palayo.
Sunod-sunod ang atakeing ginawa niya pero lahat ng iyon ay nailagan ko nang walang kahiraphirap. Masyado siyang malayo sa aking at hindi naman ako basta-bastag makakalapit sa kaniya dahil masayado siyang agresibo sa pag atake.
Kaya naisipan kong gumawa ng latigo, nang sa tingin ko'y sakto na ang haba ay marahas ko itong linagatik upang magkaroon ng pwersa bago inatake at kasabay nito ang paggawa ko ng bolang ilaw at naunang iniatake ito upang mabulag ang kaniyang paningin.
Ng saktong pumikit siya ay ang siya na amng pag pulupot ng latigo sa katawan niya, agad ko siyang hinila gamit ang kaliwa kong kamay at ng malapit na siya sa akin ay binitawan ko na ang latigo at inihanda ang kanan kong kamao.
Sinuntok ko ang kaniyang mukha na siyang nag palipad sa kaniya palayo sa aming kinarorounan. Bigla ko namang naalala ang isang griffin na pabagsak kanina, tumingin ako sa baba at malapit nang bumagsak sa daan ang griffi at maari pang makita ito ng mga tao.
Agad akong bumulosok pababa upang habulin sila, nang hindi ko na kaya pa ay gumawa ako ng bilogang guhit sa ibaba nila na siyang sumalo sa kanila, ikinumpas ko ang aking kamay pataas at mabilis na pumataas ang bilogang guhit kasama ang griffin at ang mag asawang naka sakay rito.
Nang magkatapat na kami ay sina Mr. and Ms. Smith pala iyon, agad akong lumapit sa kanila habang umiilaw parin ang kanan kong palad upang manatiling nakalutang ang bilgang guhit na sumalo sa kanila.
Tila nahihirapan sila sa pagtayo at nang makababa ako mula sa bilogang guhit ay tinulugan ko na silang. Umilaw ang isa ko pang kamay upang iangat ang walang buhay na katawan ng griffin. "Ano po ang nagyari?"tanong ko sa kanila nang makatayo na sila ng maayos.
"Tinamaan ang aming griffin, bigla nila kaming pinaulanan nang makarating kami sa lugar na ito." sagot naman ni Mr. Nestor, "Ganoon po ba." sabi ko naman, muli akong lumipad at isinama sila, nakatayo parin sila sa bilogang guhit na ginawa ko.
"Tito." tawag atensyon ko kay tito na abala sa pag atake, nilingon niya ako at mukhang alam na niya kung bakit ko siya tinawag. Pumalikod siya at hinayaang sina tita at Chloe na muna ang umatake, sa ngayon, tatlo lang ang nakita kong alagad ng Necromancer.
"Anong nangyari?" tanong niya, sinagot naman siya nina Mr. and Mrs. Smith, "Bumalik na muna kayo sa bahay, kaya na namin ito." sabi ni tito, tumango naman ang mag asawa bilang pag sang ayon sa suhestyon ni tito.
"Ibaba mo na sila Lych." sabi pa ni tito bago ako bumaba sa bilogang guhit at ikinumpas angumiilaw kong palad pababa at nagsimula nang bumama ang may lulan sa amin. Dumiretso kami sa bahay.
"Maraming salamat." sabi ni Mr. Nestor, "Mag-iingat ka." pahabol naman ni Mrs. Dona nang bumalik na ako sa kalangitan. Nawala na ang bilogang guhit at tinulungan ko na lang si Michael, nakikipag habolan kasi siya sa isang kalaban.
Itinama ko ang latigo at pumulupot sa katawan nito, tumingin sa akin si Michael at nag thumbs up, napailing naman ako dahil doon, malas ng kalaban siya ang unang nakaranas ng suntok ni Michael.
Sa lakas ng tama ay naihagis ang katawan ng kalaban, kasabay ng kaniyang katawan ang butil ng dugo na tumalsik sa hangin. "Tapusin na nga natin 'to." sabi niya nang tumabi siya sa akin habang pinanonood namin sina tito, tita at Chloe na patumbahin ang kinakalaban nila.
Ito na lang ang nag-iisang kalaban na natira. Nakaramdam naman ako ng malakas na hangin at nang lumingon ako sa aking tabi ay pumapagaspas sa tabi ko ang isang griffin lulan sina Mr. and Mrs. Brown.
Bahagya naman akong yumuko at lumingon sa direksyon ni Michael na nakatingin din sa gilid niya, mula doon ay pumapagaspas din ang isang griffin na lulan sina Mr. and Mrs. Torres. Pare-pareho naming pinanood sina tito.
"Chloe, ngayon na!" utosn ni tita habang nakahawak siya sa isa ring latigo na nakapulopot sa katawan ng kalaba, itinapat ni Chloe ang dulo ng kaniyang wand sa dulo ng wand ni tita at mula doon ay dumaloy ang malakas na boltahe ng kuryente na siyang kumuryente sa kalaban.
Napatingin naman kami sa itaas ng kalaban ng biglang bumagsak at tumagos mula sa ulo ng kalaban hanggang sa ibabang bahagi niya, natumba ang kalaban at bago ito tuluyang bumabsak ay may isa pang atake na mula sa itaas.
Tumama ito sa katawan niya at biglang sumabog at naging abo na sumama na sa ihip ng hangin. Nang mahawi ang mga ulap ay iniluwa nito si tito.
"Mahusay ang inyong naging performance sa una niyong laban." bati sa amin ni tito nang makalapit siya sa amin, pumalakpak din ang ibang miyembro ng Pegasus' Army. "Pinabilib ninyo kami." nagulat ako nang makita sina Mr. and Mrs. Smith na nakasakay sa kanina'y patay nilang griffin at lumapit sa amin.
Kumunot ang aking noo, "Ang inyong aranasa ay parte ng inyong pagsasanay," sabi ni tito bago itinaas ang kaniyang wand at mula sa dulo nito ay lumabas ang isang kidtalat at tila tumama ito sa isang bagay na mabilis nagpakita.
Bilogan ito at nasa loob kami at matapos non ay agad ding nawala. Mas lalo pang naguluhan ang aking isipan. "Ano po ang ibig niyong sabihin?" tanong ko sa kaniya, "Ang naranasan niyo ay isa lamang virtual reality." sagot naman ni tito.
"Ang ibig niyo pong sabihin ay hindi totoo ang lahat ng nangyari?" tanong ni Michael at tumango naman silang lahat, "Bakit?" tanong ko, sa loob ko ay para nila kaming pinag lalaruan. "Upang makita namin kung gaano kayo kahanda sa oras ng isang biglang pag atake." sagot ng isa sa mga nakasakay sa griffin.
Napailing na lang ako at parang nadismaya na ewan. Ni lingon ko si Michael at hindi rin maipinta ang ekspresyon sa kaniyang mukha, hindi kasi namin inaasahan ang ganitong paraan ng pagsasanay.
"Bumalik na tayo sa bahay." sabi ni tito na agad naman kaming sumunod, nahuli kaming dalawa ni Michael. "Nakakainis." sabi niya, bumuntong hininga naman ako, "Kaya nga, 'yong ang akala mo totoo na hindi pala." sabi ko naman at pareho kaming nadismaya na bumaba at bumalik sa aming orihinal na mga anyo.
"Pasok na muna po ako sa aming silid." paalam ko pag pasok ko sa bahay, "Ako rin po." sabi naman ni Michael at pareho kaming pumasok sa aming silid. Umupo ako sa kama at si Michael naman sa sahig habang hawak ang isang bolang pinapatalbog niya mula sa pader pabalik sa kaniya.
Pansin mo talaga ang kaniyang pagka inis dahil sa habang tumatagal ay nagiging agresibo ang pag hagis niya sa bola. Itinumba ko ang aking sarili sa kama, dalawang kamay sa likod ng aking ulo at huminga ng malalim, walang umimik sa amin.
Nakatingala lang ako sa kisame, binibilang lahat ng linya na naroroon nang makarinig kami ng katok mula sa pintuan. Lumingon ako doon ngunit hindi ako tumayo, mukha hindi rin nabahala si Michael.
"Pwede bang pumasok?" tanong ni Chloe matapos niyang kumatok muli ng tatlong beses, hindi ako nagsalita, hindi rin nag salita si Michaeel, "Papasok na'ko." sabi nanaman ni Chloe bago marahan na nagkaroon ng siwang ang sarado naming pintuan.
"Bakit hindi kayo sumasagot?" tanong niya habang isinasara ang pinto, hindi ulit kami nag salita ni Michael, patuloy lang ako sa pagtitig sa kisame at patuloy din sa pagpapatalbog ng bola si Michael.
"Nagtatampo ba kayo?" tanong na naman niya ngunit bigo parin siyang mapasagot kami, umupo siya sa tabi ko, sa gilid ng kama. "Tatanggapin kong oo ang inyong pananahimik." sabi nanaman niya.
"Alam niyo kasi, kaya ginawa nila iyon ay para malaman kong handa na ba talaga kayo, kung kaya niyo na bang makipag tuos sa Necromancer, paano niyo nga naman magagawa iyon kong simpleng alagad lang niya ay matatakon na kayo?" sabi naman niya, umupo ako at tintigan siya.
"Nakakainis lang kasi, 'yong pakiramdam mo hawak mo ang buhay ng mga kasama mo, 'yong obligasyon mo silang iligtas, 'yong halos mataranta kana tapos kasinungalingan pala lahat, acting lang pala lahat." sabi ko naman sa kaniya.
"Nakita narin naman nila ang kakayahan namin, bakit kailangan pa nila kami linlangin ng ganoon kalala?" tanong naman ni Michael na tumigil sa paglalaro niya sa bolang hawak niya at tumingin sa amin.
Nagkibit balikat si Chloe, "Hindi ko din alam, sinabihan lang din ako at sumunod lang ako." sagot naman niya. Pare-pareho kaming sumunod lang sa kanilang kagustuhan. Alam ko namang sinasany nila kami pero nakakadismaya lang sa damdamin.
Naiintindihan ko naman na naninigurado lang silang ibigay ang kanilang tiwala sa amin pero nakakabaliw ang kanilang pamamaraan.
"Hayaan niyo na, at least ngayon ay tuluyan na nilang ipinagkatiwala ang kanilang buhay sa inyo." sabi naman ni Chloe. Hindi ko namalayan na sabay pala kaming napa buntong hininga ni Michael.
"Ano pa nga ba." sabi naman niya at inihagis ang bolang hawak niya at sinalo ito nang bumalik na, "Naka alis na ba sila?' tanong ko, at tumango naman si Chloe. "Mabuti naman." komento naman ni Michael.
"Punta na lang tayo sa never ending door." suhestyon ni Chloe, nakangiti lang siya habang kami ni Michael ay parehong naka simangot, "Saan na naman tayo pupunta? sa dagat?" tanong ni Michael pero umiling naman siya.
"Basta, sumama na lang kayo sa akin." sabi naman niya at tumayo na, huminga ako ng malalim bago tumayo, ganoon din ang ginawa ni Michael. Lumabas kami sa aming silid at dumiretso sa never ending door.
Si Chloe na ang nagbukas nito at nang makapasok kami ay sinalubong ng ilong ko ang matamis na amoy ng mga matatamis na pagkain, "Nasaan tayo?" tanong ko kay Chloe na napakalawak ng kaniyang ngiti.
"Crookedhat." sagot naman niya, inilibot ko ang aking paningin at naririto nga kami sa Crookedhat, mula sa vintage nitong disenyo, s mga upuan at mga matatamis nilang binebenta, naririto nga kami.
"Bakit tayo nandito?" tanong ni Michael na naka kunot ang noo, "Hindi ka pa nakakapunta rito diba? at saka sabi nila, nakakaganda raw ng mood ang matatamis na pagkain." sagot naman ni Chloe habang nagalalakad kami papunta sa isang bakanteng mesa.
Magkatabi kami ni Michael at sa harapan naman namin si Chloe, matapos no'n ay lumapit ang isang lalaki na nakasuot ng apron na stripes ng pinag halo-halong berde, dilaw at pula, "Ano po ang order niyo?" tanong niy at inilabas ang maliit na notebook at kinuha ang ballpen sa likuran ng kaniyang tenga.
"Tatlong sweetened, isang banana split at tatlong chocolate rolls." sabi ni Chloe habang nag lilista naman ang lalaki at matapos no'n ay umalis na siya at pumunta sa counter upang ibigay ang aming order.
"Ililire mo ba kami?' tanong ni Michael, "Kaya nga." sabi ko naman, napa buntong hininga si Cloe bago tumango, "Thank you." sabay naming pasasalamat ni Michael, "Ngayon lang 'to." sabi naman ni Chloe at tumawa.
Matapos nga ang higit sa sampung minutong paghihintay ay dumating na ang inorder ni Chloe, tag-iisa kami bawat pagkain pwersa banana split, malaki kasi ito kaya paghahatian na lamang namin.
Totoo nga ang sinabi ni Chloe, nang sinimulan ko ang pagkain sa mga matatmis na pagkain na ito'y gumaan ang aking pakiramdam at nanlamig ang nag-iinit kong ulo kanina, nag kwentuhan kami na tulad ng isang normal na magkakaibigan.
Puno ng tao ang Crookedhat kaya maingay, puno lang ng tawanan sa loob ng pasilidad na ito. Nabanggit din ni Chloe na malapit lang daw ang bahay nila rito kaya suki siya noon dito bago pumasok sa Fleurton.
Habang tumatagal ay nagbabago ang tingin ko sa kaniya, isa siyang mahusay na warlock, lubos na nakakataas sa aming mga ka klase. Tinatawag siyang wierdo dahil hindi nila siya maintindihan, maging ako.
Pero ngayon, napaka laking tulong niya, madami siyang alam na talagang malaki ang naging tulong sa akin, sa amin kaya nakakatuwa na sumama siya.
Tinitgan ko siya, "Salamt ulit." sabi ko at ngumiti. Sa mga nakaraang araw, unti-unti akong nababaliw sa kaniya, hindi ko alam kung bakit pero ang gusto ko palagi siyang ligtas at nasa tabi ko.