Chloe, Nabulabog ang mahimbing kong tulog ng isang napakalakas na tunog. Parang nasa loob ito ng aking tenga kaya kahit napatakip ako ay naririnig ko parin ito. Lumabas ako mula sa silid na aking tinutulugan at nadatnan ang pamilya nina Michael na nakatayo sa harapan ng never ending door. Mula sa mga maliliit na espasyo sa pagitan ng pinto at ang frame nito ay may nakakasilaw na liwanag ang tumatakas. "Ano pong nangyayari?" tanong ko sa kanila nang makalapit ako ng tuluyan, mukhang nagulat sila dahil pare-pareho silang napatalon ng hindi naman gaanong kataas. "Nakakagulat ka naman." Sabi naman ni Michael habang hawak ang kaniyang dibdib kaya nag peace sign naman ako. Tumikhim si uncle Damyan, "Mukhang nagkakaroon ng problema sa pagmeditate si Lych." Sagot naman niya sa aking katanungan.

