Chloe,
"Chloe, pumunta kana." Sabi ni tito paglabas niya sa never ending door kaya agad akong tumango at isinuot ang hood ng cloak na suot ko. Kulay pula ito pero hindi nakakasilaw at binuhat ko mula sa ibabaw ng mesa ang aking bag.
Nakapaloob doon ang mensahe na sinulat ni tito at maging ako ay hindi ko alam kong ano ang nilalaman nito. "Mag-iingat ka." Bilis ni tita nang lumabas na ako at binigyan ko naman siya ng isang ngiti.
"Paalam." Sabi naman ni Michael dahil siya ang naghatid sa akin at tumulong upang makasakay ako sa karwaheng naghihintay sa akin. Tumango naman ako at sumaludo gamit ang aking dalawang daliri at isinara na ang pintuan.
"Hiya!" dinig kong sabi ng lalaking may hawak sa tali ng mga pegasus na siyang hihila at maglilipad sa karwahe. Kasunod no'n ay ang unti-unting pag taas nito hanggang sa mapalitan ang lupa ng dagat ng mga ulap.
Naging mapayapa ang kalahating oras na aking pagbyahe sa himpapawid at ngayon ay nakarating na ako sa lugar kung saan ako gusto ni tito mapunta.
Dinig ko ang pagalis ng aking sinakyan at ramdam ko ang hangin mula sa mga pakpak ng pegasus nang lumipad na ito paitaas.
Nakatayo ako ngayon diot sa napakataas na pintuan ng cathedral. Ang lugar kong saan dumadayo ang mga warlock sa tuwing may alinlangan sila sa kanilang espirito. Ang sabi sa akin ni tito ay gagamit daw ako ng isang silid dito na kung saan ay ako'y magsasagawa ng isng orasyon at gabayan ang espirito ni Lych.
Dahil sa nakabukas ang pintuan nito na dinisenyohan ng pilak ay agad akong pumasok. Bumungad sa akin ang napakaaliwalas at tahimik na pasilidad, lahat ay nage-echo at ang kisame nito ay napakataas dahil mula sa gitna nito ay ang napakalaking aranya na siyang nagbibigay liwanag dito sa loob.
Maliban pa sa mga naglalakihang bintana sa dingding ng cathedral. Gawa sa mweblas ang buong loob nito kaya makintab at kumikinang ang mga palamuting gawa sa pilak at ginto. Habang nagmamasid ako ay sunalubong ako ng isang madre.
Ang kaibahan nila sa mga tinatawag na madre ng mga normal na tao ay sila'y may kakayahang gumamit ng mahika at kapansinpansin ang hawak nilang baston na sa itaas nito ay may pabilog na gawa sa pilak at sa gitna nito ay kuros na gawa sa ginto.
Sila 'yong mga tinatawag na support sa mga laro.
Nakadamit ito ng pinaghalong asul at puting kulay maging ang abungot nito sa ulo ay ganoon din. Nakasuot ng walang heels na sapatos at walang bakas ng make up sa kanilang mukha.
"Ano ang maipaglilingkod ng cathedral sa iyo, binibini?" tanong nito sa akin habang hawak ang kaniyang baston. Hindi pa siya gaanong katanda parang nasa edad lamang siya nina uncle Damyan.
Ngumiti naman ako at binuksan ang aking basket matapos kong maitapat ito sa aking sikmura. Inilabas ko mula roon ang liham na ibinilin sa akin ni tito. "Nais ko pong ibigay ito sa bishop." Sagot ko naman at ipinakita ang liham, siniguro kong malinaw na makita niya ang selyo nito.
Ang sabi kasi ni uncle ay mailap ang cathedral sa mga hiling lalo na kung hindi ito mula sa pamilyang pinagkautangan nila ng loob ay hindi nila ito tatanggapin. May malaking naiambag daw si uncle rito kaya walang alinlangan na tatanggapin ito ng bishop.
Napansin ko ang paglawak ng kaniyang mga mata nang masulyapan ang selyo nito. "Ako na ang magbibigay, maghintay kana lamang rito." Sabi naman niya kaya ibinigay ko na ang liham, hindi naman siguro siya biglang tatakbo palabas tangay ang liham.
Pinanood ko siyang pumasok sa isang pintuan at nang mawala na siya ay umupo ako sa isang upuan malapit sa harapan kung saan sa gitna ay nakapwesto ang isang mesang mahaba. Ang disenyong naririto ay mga lightborns dahil sila ang pinaniniwalaang espirito.
Hanggang sa naisipan kong tumingala at sinalubong ng aking mga mata ang napaka gandang sining sa kisame. Maganda ang pwesto ng aking kinauupuan kaya kitang-kita ang kabuuan nito. Isa itong malaking bitwin na may Sampung malalaking kamay at dalawampung maliliit na kamay.
Sa gitna nito naka pwesto ang kadenang humahawak sa aranya. Napaisip tuloy ako kung paano nila ito ginawa. Hindi naman maaring gumamit ng mahika dahil wala namang spell na makakagawa ng sining.
Noong ipinipinta kaya nila ito ay nakatingala lamang sila at naka upo o naka tayo gamit ang mataas na hagdanan? o nakasakay sila sa broom?
"Binibini." Sabi ng isang boses ng lalaki kaya nawala ang iniisip ko at agad na tumayo at hinarap ang bishop na palapit sa akin. Nakasuot lamang ito ng puti na may dalawang linyang kulay pula na nagsisimula sa mga balikat nito pababa. Nasa singkwenta na siguro ang edad niya kung ibabase ko ito sa kulobot niya sa mukha at ang maputi hanggang sa abo niyang buhok.
"Nabasa ko na ang liham. Kung hindi ito nanggaling kay Damyan ay hindi kita papapasukin dahil sa hindi na kami tumatanggap ng nagsasagawa ng orasyon." Kumento niya nang makalapit na sa akin, isang tao ang aming pagitan at nasa likuan niya ang madreng nagdala ng liham.
"Maraming salamat po." Sagot ko naman at panandaliang yumuko. "Alam mo ba kung paano magsagawa ng orasyon? base sa iyong hitsura ay napakabata mo pa upang magawa ang bagay na iyon." Kumento niya ulit sa akin at tiningnan ako mula sa aking ulo pababa.
"Natutunan ko po noong nasa dose anyo pa ako." Sagot ko naman, hindi sa pagmamayabang pero natutunan ko iyon dahil sa pagkabagot ko sa aming bahay. Tumango naman siya habang hawak ang kaniyang baba at parang ayaw niyang maniwal.
"Kung ganoon, sumunod ka kay Serina at ituturo niya sa iyo ang iyong gagamiting silid." Sabi niya at sawakas ay gumilid siya upang ipakita ang madre sa kaniyang likura. Tumango naman ako at sumunod na kay sister Serina nang maglakad na ito.
"Walang kinalaman ang cathedral sa kung ano man ang mangyayari sa'yo." Sabi niya kaya napatigil ako at tila isang babala ang pagkakaintindi ko sa kaniyang pahabol na sinabi. Tiwala ako sa aking kaalaman kaya ipinagpatuloy ko na ang paglalakad nang hindi man lang nililingon ang bishop.
Kumanan, kumaliwa at dumiretso kami dito sa pasikot-sikot ng Cathedral hanggang sa marating namin ang isang silid na mukhang matagal nang hinidi nagagamit. Ganoon din ang napansin ko sa dalawa pang sumunod na mga silid. Mukhang hindi na nga talaga sila tumatanggap sa mga nagsasagawa ng orasyon.
"Pumasok kana binibini, tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka." Sabi ni sister Serina kaya pumasok na ako at siya na rin ang mismong nagsara ng pinto. Mula sa pintuan ay lumingon ako sa aking likuran.
Bumungad sa akin ang maalikabok na sahig pero naririto parin ang markang kailangan upang makapagsagawa ng orasyon. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at ikinumpas ko ang aking kamay nang mailabas ko na ang aking wand.
Sumindi ang apoy sa bawat sulok ng bitwin sa labas ng bilog na pumalibot dito hanggang sa kumalat ang apoy at mas lumiwanag pa ang guhit pang orasyon. Kinuha ko ang maliit na kutilyo na nakalagay sa maliit na kahon na gawa sa kahoy.
Ibinulsa ko ang aking wand at pumasok sa bilog at tumayo sa gitna ng bituwin kung saan ang mga guhit ay hindi nagsasalubong. Hinigpitan ko ang aking hawak sa hawakan ng kutsilyo at idinikit ang patalim nito sa aking kaliwang palad.
Pumikit ako at mabilis na iginilit ang kutsilyo. Nakaramdam ako ng panandaliang hapdi at pagkatapos no'n ay hinayaang kong tumulo ang aking dugo sa mga guhit. Ang kanina'y kulay lilang guhit ay naging pula ito at mas lumiwanag.
Naglabas ito ng malakas na hangin na siyang sumasamyo sa aking buhok pero hindi ko ito inalintana at ipinikit na ang aking mga mata.
"Pagalingin ang nasaktan,"
"Baguhin ang kapalaran,"
"Iligtas ang lumisan,"
"Ibalik ang nawala."
"Kumupas at maglaho,"
"Taposin ang tadhana,"
"siarin ang pagkakatali,"
"Palayain ang espirito.
"Ang espirito."
Parang malakas na alon na bumulosok ang napakalakas na enerhiya galing sa guhit at ito'y nagpaikot-ikot sa aking paligid. Sa loob ng aking isipan ay nagpakita ang yin and yang, ang masama at mabait, ang simbolo ng balanse at pagkatapos no'n ay nabalo ako ng liwanag at humiwalay sa aking katawan.
Dinala ako ng mga paruparo sa isang lugar kung saan nagsasalubong ang buhay sa buong kalawakan. Nakaapak ako ngayon sa mga bagay na maikukumpara sa mga lubid at lahat ito'y nagliliwanag.
Nakapaa lamang ako at habang naglalakad ako ay parang may sariling buhay ang aking mga buhok dahil ang mga ito'y nahuhuli na tila sinasayaw ng malakas na hangin. Maging ang kabuuan ko pala ay mukhang gawa sa liwanag.
Naalala ko ang isa pang bilin ni uncle, mahahanap ko ang espirito ni Lych sa ikalimang pintuan mula sa pitong pintuan na nasa aking harapan.
Naglalakihan ang mga ito at para akong langgam kumpara sa taas ng mga ito. Iba-iba ang disenyo ng mga ito kaya talagang siniguro ni uncle na matandaan ko kung ano ang pintuang papasokan ko.
Kapag daw naiba ako ng pintuang pinasokan ay maaring hindi na ako makabalik sa aking katawan.
Sinimulan ko ang pagbibilang mula sa kanan dahil ito ang bilin ni uncle Damyan. "Lima." Sabi ko bilang pagtatapos ng aking pagbibilang at nakaturo ako ngayon sa isang pintuan na kulay itim na pinalamutian ng ginto.
Lumapit ako dito at nang itapat ko ang aking mga palad ay bigla akong lumusot. Kumpara sa pintuan na mukhang nakaktakot ay ang nasa kabilang bahagi naman nito ay isang paraiso.
Naglakad ako at puro lubid lamang ang aking nakikita hanggang sa may nahagip ang aking mga mata na naglalakad. Agad ko itong hinanap at nang makita kung sino ito ay natukoy kong ito ang espirito ni Lych.
Wala pa ang kaisipan niya rito kaya minadali ko na ang aking gagawin. Nilapitan ko ang kaniyang espirito at nakita ang itim na bumabalot sa katawan niya, ito ang sumpang iniwan ni Leon sa kaniyang espirito na siyang unti-unting sumisira rito.
Agad kong hinawakan ito, wala siyang kasipan kaya wala siyangnaging reaksyon. Isa lamang siyang bahagi ng pagkatao ni Lych at kailangan ko siyang iligtas ngayon.
Nagsabi ako ng incantation na hindi kayang bigkasin o basahin ng normal na tao dahil ito ay nakasulat sa lumang alpabeto.
Umilaw ang aking palad hanggang sa nabalot ang asul kong katawan ng dilaw na ilaw. Nilalabanan ko ang lason pero malakas ito na hinawaan narin ang aking mga palad. Pinigilan ko ang aking pagkabahala at nag pukos lang sa aking ginagawa.
Umalingawngaw ang pagsigaw ko nang matalo ang lason. Muntikan nang malason ang aming parehong espirito at ang aking kaisipan.
Sa wakas ay nawala ang lason an bumalot sa akin at sa kabuuan ng espirito ni Lych. Ngayon ay nanumbalik na ang asul kong katawan at ang puti nitong katawan.
Iiwan ko na ang lahat kay Lych. Nasasakanya na kung paano niya muling magpag-iisa ang kaniyang isipan at ang kaniyang espirito. Ang pagkawala ng espirito niya sa aking harapan ay isang magandang sinyales na nagtagumpay si Lych sa pagpasok niya sa kaniyang meditation.
Umalis na ako mula sa silid at bumalik na sa kabilang bahagi ng pintuang pinasokan ko. Mula roon ay may isang lubid na siyang nagpakita ng kalagayan ngayon ni Lych. Ang ipinakita nito ay ang pisikal na katawan nito na nakaupos sa ilalim ng malaking puno.
Nakapikit ito at payapang sinasamyo ng hangin ang kaniyang buhok. "Hihintayin ko ang iyong pagbabalik." Bulong ko at tumalikod na mula rito. Muli akong nakaramdam ng malakas na hangin at nagpaikot-ikot kasama ng mga paruparo na kulay berde.
Nang imulat ko ang aking mga mata ay nakabalik na ako sa aking pisikal na katawan. Unti-unti ring namatay ang liwanag ng guhit. Huminga ako ng malalim dahil tagumpay kong nagawa lahat ng ibinilin ni uncle Damyan.
Hinawi ko ang aking buhok nang makaalis na ako sa loob nang guhit at napansin ang pagbabagong kulay ng ilan sa aking buhok. Nagkulay abo ito kaya napangiti naman ako.
Ang pagababgong kulay na ito ay magandang sinyales na maayos ang aking pagpasok at paglabas mula sa lupain ng espirito na wala akong nagawang pagbabago sa nakaraan, kasalukuyan at hinaharap.
Ang balanse ay napanatili at hindi nagkaroon ng pagbabago.
Tinapik ko ang aking sarili dahil maging ako ay bumilib sa aking sariling kakayahan. Naghilom narin ang aking sugat sa kaliwa kong palad kaya kinuha ko na ang aking basket mula sa sahig at lumabas na.
Gaya nga ng inaasahan ko ay madilim na sa labas. Ang isang segundo sa lupain ng espirito ay isa't kalahating oras dito sa mundong ginagalawan.
"Mukhang tagumpay ang iyong orasyon." Kumento ng bishop ng makasalubong ko siya. Nagkataon lamang ba ito o hinihintay talaga niya ako?
"Mukhang ganoon na nga po." Sagot ko naman at panandaliang yumuko bago siya nilagpasan. "Maari kang manatili rito sa cathedral, kung iyong gugustuhin." Sabi niya kaya napatigil ako at nilingon ang nakatalikod na bishop.
"Maraming salamat po pero aayaw po ako." Sagot ko naman. Madami akong gustong maabot at ayukong matali lamang dito sa cathedral. Tumango naman siya at naglakad na paalis sa aking harapan.
Tumalikod narin ako mula sa kaniya at naglakad na ako patungo sa pintuan palabas dito sa cathedral. Hindi ko narin nakita si sister Serina kaya dumiretso na ako sa paglabas. Madilim na talaga at iilan na lamang ang mga warlock sa paligid.
Sinuro ko ang laman ng aking basket at nang mahanap ang isang pito ay agad ko itong kinuha at inilagay sa aking bibig at inihipan ito. Hindi ito lumikha ng tunog kaya nagtaka ako kung gumagana ba ito.
Ilang ulit ko iyon ginawa hanggang sa magulat ako sa paghalinghing ng isang pegasus sa aking itaas. Tila nagrereklamo ito at doon ko lang napagtanto na siya lamang ang makakarinig sa pitong ibinigay sa akin ni uncle Damyan.
Napagtanto na niya siguro na matatagalan ako rito at maaring wala na akong masakyan pauwi kaya ibinigay niya ito sa akin. Ewan ko ba kung bakit hindi niya ako sinabihan na tanging ang pegasus na ito lang ang makakrinig sa tunog na lilikhain ng pito.
Naiinis tuloy itong sinasakyan ko.
Mabuti na lamang at nakasuot ako ng cloak kaya hindi ako masyadong naapektuhan sa lamig na dulot ng gabi.
Masmabilis ang lipad nito kaya wala pang kalahating oras ay nakabalik na ako sa bahay na tinutuluyan namin. Nakwento sa akin ni Michael na hindi raw ito ang kanilang bahay at mas malayong mas maganda ang nauna nilang bahay.
Nagbago lang daw ang lahat ng sumugod si Leon, isang araw ng bagong talaga silang warlock.
"Nakabalik na po ako." Sabi ko habang naglalakad at tinanggal ang suot kong hood. Agad akong nakarating sa mahabang mesa at umupo doon.
"Magaling." Kumento naman ni uncle Damyan. Kahit kailan ay hindi mo siya maririnig magsalita ng mahaba maliban na lamang kung ang pinag-uusapan ay tungkol sa mahika. Kung mas matanda siguro siya at mas mahaba ang balbas ay tatawagin talaga siyang ermitanyo.
"Ngayo ang kailangan na lamang natin ay magtiwala kay Lych." Sabi naman ni anti Mira at magkahawak ang kaniyang mga palad na parang magdadasal. Napansin ko namang wala si Michael pero alam ko na kung nasaan siya.
Maaring nasa silid nanaman siya nila ni Lych at naglalaro sa kaniyang cellphone.
Huminga ako ng malalim at ipinikit ang aking mga mata.
Wala akong ibang hiling kundi ang agtagumpay si Lych, isa ito sa pinakamatinding pagsubok namararanasan ng isang batang warlock na kagaya niya, na kagaya namin.
Nawa'y sa pagbukas ng never ending door ay mas malakas na at mas matibay na Lych ang iluluwa nito.
Sana.