Lych,
Mabilis kong iminulat ang aking mga mata nang nanumbalik na ang aking diwa. Sinalubng ako ng mukha ni Chloe na nakatulog sa paanan ng aking kamay. Nakayuko ito mula sa upuan niya at nakapatong ang kaniyang ulo sa kaniyang mga kamay sa ibabaw ng kama.
Dahan-dahan kong hinawi ang buhok na tumatakip sa kaniyang mukha. Isinipit ko ito sa kaniyang tenga at matapos ay ponagmasdan ko ang kaniyang maaliwalas na mukha. Bahagya akong natawa nang ibinangon niya ang kaniyang ulo para lang kamutin ang kaniyang ilong.
Ibinalik ko ang aking tingin sa kisame at napahawak sa aking noo. "Nababaliw na talaga ako sa'yo." Bulong ko at muli siyang tinitigan. Naghintay ako ng ilang minuto at nang mapansing gumagalaw ang mata niya kahit nakapikit ito ay agad kong ipinikit ang aking mga mata.
Dinig ko ang kaniyang pagbangon at ang kaniyang paghikab. Kaya kunware'y dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at kagigising lang. Nakita ko naman ang malaki niyang mata at ang pagtaas ng kaniyang mga kilay.
Muntik pa akong natawa pero napanatili ko ang walang ekspresyon na mukha. "Gising kana!" sabi niya na tila hindi makapaniwala sa kaniyang nakikita. Ngumiti ako at tumango upang kunware'y kagigising ko lang sa isang mahimbing na pagkakatulog.
"Tatawagin ko lang sila." Sabi naman niya bago ako iniwan dito. Sinundan ko siyang ng tingin hanggang sa maglaho na siya. Ini-upo ko ang aking sarili at tumingin na muna sa bintanang nakasara pero dahil sa gawa ito sa salamin ay nakikita ko ang labas.
Mukhang may kalakasan ang ihip ng hangin ngayon dahil sa malakas na paggalaw ng mga dahon ng puno.
"Lych." Tawag ng isang boses sa akin kaya agad kong nilingon ang direksyon kung saan ito nag mula. Sinalubong ng aking mga mata ang mga mata ni Michael na tila naiiyak na makita ako at maging si tita ay napayakap kay tito.
Nagtaka naman ako kung ano ang nangyari matapos akong mawalan ng malay.
Lumapit silang lahat sa akin at siniguro na walang masakit sa akin. "Ano po ang nagyari sa akin?" tanong ko sa kanila dahil hindi ko maintindihan ang ganitong reaksyon na ipinapakita nila.
Hinawakan ni tita ang mga balikat ni tito at napansin ko naman ang pagbuntong hininga niya. "Tulungan niyo na muna ako sa aking ginagawa." Sabi ni tita kina Michael at Chloe na agad naman nilang tinanggap.
Bago sila tuluyang makalabas ay sumulyap muna sila sa akin ng panandalian hanggang sa mawala na sila sa aking paningin.
Tumayo si tito at naglakad patungo sa nakasarang bintana at binnuksan niya ito at inayos ang pagkakatali ng kurtina na sumasayaw sa tuwing iihip ang hangin.
Ipinosisyon niya ang kaniyang mga kamay sa kaniyang likuran at tumitig lamang siya sa mga dahon sa labas habang ako'y nakatingin naman sa kaniya.
"Nang gabing natagpuan ka namain ay pinahihirapan ka ni Leon kung mas matagal ka naming nahanap ay siguro'y nakuha ka na niya at maaring hindi ka na naririto ngayon."
"Wala ka mang naging pisikal na sugat, ang iyong espirito ang siyang napuruhan at gaya nga ng sinabi ko ay maaring nawasak niya ito at wala ka na ngayon dito at wala nang pagkakataong ma reinkarnasyon."
"Gaya ng palagi kong sinasabi, walang silbi ang lakas ng katawan kung wala itong laman. Ang espirito ang ugat ng ating kapangyarihan katulad ng iyong sinabi, ang martial spirit. Malala ang naging epekto nito sa'yo at sa tingin ko'y hindi ka muna makakagamit ng mahika."
Pagtatapos ng kaniyang pagpapaliwanag. Habang sinasabi niya ang mga salitang iyon ay tumingin ako sa nanginginig kong mga kamay lalo na nang nabanggit niya ang pagakawala ng kakayahan kong gumamit ng mahika.
"Gaano po katagal?" tanong ko sa kaniya na halos pumiyok na ang akking boses. Nilingon niya ako at umiling siya kaya nagkaroon ng takot ang aking mga mukha at ang aking puso'y napuno na ng pangamba.
"Maaring isang buwan, taon, walang nakakaalam." Sagot niya sa aking tanong at muli kong tiningnan ang aking mga kamay at hindi parin ito tumitigil sa panginginig. Napapailing na lamang ako dahil sa hindi ako makapaniwala sa aking narinig.
Maaring hindi na ako makagamit ng mahika habang buhay.
"Pakalmahin mo ang iyong sarili, Lcyh."
Hindi ko alam pero nang marinig ko ang salitang kumalma ay parang nasira ang aking pandinig.
"Kumalma?! maaring hindi na ako makagamit ng mahika tapos sasabihin niyong kumalma ako!" sigaw ko at tumulo na ang aking mga luha at naging mabigat ang aking paghinga.
Gusto kong magmura at magsisisgaw pero hindi ko iyon nagawa. Nanatiling nakasara ang bibig ko habang patuloy ang agos ng aking luha habang nakatitig parin ako sa aking mga kamay.
"Sa ngayon ay kailanagan mong pagalingin ang iyong espirito." Sabi naman ni tito na nananatiling nakatayo sa may bintana at nakatingin sa akin.
Marahas akong tumayo at agad na lumuhod sa kaniyang harpan. "Paano? sabihin niyo po?! parang-awa niyo na." Pagmamakaawa ko habang nakahawak sa kaniyang kanang paa.
"Kailangan mong kumalma dahil iyan ang unang paraan." Sagot naman niya at hindi parin nagbabago ang ekspresyon sa kaniyang mukha. "Paano ko mapapakalma ang aking sarili kong ang isipan ko'y napuno na ng takot sa kaisipang maaring hindi na ako makagamit pa ng mahikang muli!" sigaw ko at napayuko ako sa sahig at pinagsusuntok ito.
Lumakas ang aking pag-iyak at napahiga na lamang ako sa sahig. Puno ang aking isipan ng pangamba at takot.
Maaring wala nang saysay ang aking buhay dahil ang aking mahika ang aking pagkakakilanlan. Sayang ang ibinigay ni Adalgard sa akin na pagkakataong maging matiwasay sa warlock. Wala na akong silbi wala na akong pakinabang.
Niyakap ko ang aking sarili at napansin ang pag-alis ni tito pero napalitan ang pag-alis niya ng isang tao, pumwesto siya sa aking ulo at iniangat ang kalahati ng aking katawan at niyakap ako. Patuloy lang ang aking pag-iyak kaya hinigpitan niya ang yakap sa akin.
Hindi siya nagsalita pero salamat dahil dinamayan niya ako sa oras na wala na akong mahawakan pataas.
Tinatapik niya ang aking balikat habang nakasandal ang aking ulo sa kaniyang balikat. Nakaupo parin kami rito sa sahig at wala parin ako sa tamang huwisyo upang tumayo. Nakattitig lamang ako sa sahig habang ramdam ang pagtapik ni Chloe.
Wala akong ibang maisip kundi ang pagkawala ng aking kakayahang gumamit ng mahika. Tila napagod din ako sa aking pag-iyak at bumigat ang aking mga mata.
Ni isang salita ay wala akong narinig mula sa kaniya pero ang reyalidad na naririto siya ay napakalma na niya ako. Huminga ako ng malalim at iniangat ang aking ulo at nilingon siya na binigyan naman ako ng isang ngiti.
"Salamat." Sabi ko sa kaniya dahil iyon lamang ang nakayanan kong bigkasin. Tinapik naman niya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko na mukhang ikinatuwa naman niya. Hinayaan ko na lamag siya dahil hinahayaan naman niya akong sumandal sa balikat niya.
Kailan ba kami naging ganito kalapit sa isa't-isa ni Chloe? sa pagkakaalam ko noo'y ayaw ko siyang maging kaibigan dahil sa mga kakaibang ginagawa niya.
Pagkataos ng araw na iyon ay inubos ko lahat n aking oras sa aking pagtulog dahil nanghihina parin talaga ang aking katawan. Susundin ko na lamang ang sinabi ni tito na kumalma at hintayin ang mga susunod niyang tagubilin.
Kinaumagahan sa sumunod na araw ay lumabas na ako mula sa silid na kinahihigaan ko kanina. Mukhang naririto kami sa bahay na aming tinutuluyan kaya dumiretso ako sa sala at nadatnan nga doon ang apat kong kasama.
Agad akong dumiretso sa harapan ni tito at agad na lumuhod. "Patawad po sa pagsisigaw ko sa inyo kahapon." Sabi ko dahil nahihiya ako sa ginawa kong pagsagot kay tito ng pasigaw. Hinawakan naman niya ang aking balikat kaya agad kong itinaas ang aking mukha.
"Tumayo kana diyan, wala kang nagawang kasalanan." Sabi naman niya sa pinaka malumanay niyang boses. Dahan-dahan naman akong tumayo at huminga ng malalim at umupo sa pagitan nina Chloe at Michael.
"Kailangan mong mag meditate araw-araw upang manumbalik ang lakas ng iyong espirito. Sa mga susunod na araw ay mananatili ka sa never ending door at wala kang ibang iisipin kundi ang pagpapalakas sa iyong espirito." Sabi ni tito sa akin.
"Opo." Sagot ko naman at napansin ang ginagawa nilang tatlo. "Ano 'yan?" tanong ko habang tinititigan ang hinahalong palayok ni tita at naghihiwa naman ng sangkap ang dalawa habang si tito ay nagbabasa ng pahayagan.
"Potion para sa iyong pag memeditate." Sagot naman ni tita na panandaliang lumingon sa direksyon ko. "Hindi natin alam kung kailan ka matatapos magmeditate." Sabi naman ni tito kaya ni lingon ko siya.
"Kailan po ako magsisimula?" tanong ko sa kaniya. "Nasasaiyo kung handa na ba ang iyong isipan." Sagot naman niya at ibinaba ang pahayagang binabasa niya.
Handa na ba ako?
Nilakasan ko ang aking loob at tumango. "Handa na po ako ngayon at sa mga susunod pang panahon." Sagot ko naman at napatango naman si tito. "Hintayin na lamang nating matapos ang niluluto nilanag potion." Sabi naman niya.
Matapos ang mahigit dalawang oras ay natapos na ang potion. Agad nila itong ipinainom sa akin at sinamahan ako ni tito papasok sa never ending door. Pagpasok namin ay sinalubong agad ng aking mga mata ang isang napaka berdeng lupain.
"Sa ilang araw mong pananatili rito ay nawa'y magtagumpay ka sa pagpapatibay sa iyong espirito at makagamit ulit ng mahika." Sabi niya at pinaupo ako sa ilalim ng pinakamataas na puno dito.
Hinawakan niya ang ulo ko, "Huminga ka ng malalim, tatlong ulit mo itong gagawin at blangkuhin mo ang iyong isipan." Bilis niya sa akin habang nakapikit ako.
Huminga ako ng malalim gaya ng sinabi niya. Sa unang pagbuga ko ng hangin ay gumaan ang aking pakiramdam, sa pangalawa'y lumulutang ako at sa pangatlo ay hingop ako ng isang liwanag papunta sa kawalan.
Hindi na ako gumalaw pa at hinayaang dumaloy ang enerhiya sa aking buong katawan sa paghahangad na muling manumbalik ang aking kakayahang gumamit ng mahika.