Lych,
Binulabog ang aming mahimbing na pagtulog ng isang napakalakas na sunod-sunod na pagkatok na para bang nagmamadali ang nasa kabilang bahagi ng pintuan. Nagkatinginan muna kami ni Michael bago tumayo at mabilis na lumabas mula sa aming silid.
Sakto namang nakabukas narin ang pintuan ng silid na katapat ng aming pinagtulugan. Hindi na ami nag-usap pa ni Michael at agad na kaming dumiretso sa sala kung saan naabotan namin sina tito at isang persona.
Nakasuot ito ng itim na kapote at tumutulo pa rito ang tubig ulan at pumapatak sa kahoy na sahig ng bahay. Nakadalukipkip si Chloe at nilingon kami bago kami makalapit sa tabi niya habang si tita naman ay naka takip ang kanan niyang palad sa kaniyang bibig na tila hindi makapaniwala sa isang bagay.
"Anong nangyayari?" tanong ko habang tinititigan ang persona na nasa harapan namin. Nakaluhod ito at hawak ang kaniyang dibdib na tila pagod ito sa kaniyang pag byahe papunta rito.
"Inaatake daw ang Fleurton." Sagot naman ni Chloe na siyang gumulat sa diwa namin ni Michael dahil sabay kaming napa higop ng hangin. "Mga tauhan ba ng Necromancer?" tanong ko ulit upang makasiguro.
Umiling siya kaya naningkit ang aking mga mata. "Eh ano?" tanong ko ulit at napansin ang ginawang pagpapaupo ni tito sa persona na kausap niya. "Dragon, dalawa." Sagot naman niya kaya tila nawindang ako sa aking narinig.
"Kamusta daw ang lagay nila?" tanong naman ni Michael at nakita ang pag iling ni Chloe. "Kailangan nila ang tulong natin, ninyo." Sagot naman niya at kasabay no'n ay ang pagkaalis ng tumatakip na bagay sa mukha ng persona.
"Professor Hilda." Sambit ni Michael sa pangalan ng istrikto naming guro sa potions. "Lych, Michael, handa na ba kayo?" tanong sa amin ni tito noong lumingon siya sa amin. Maging si tita ay ni lingon kami na umaasang sasagot kami ng oo.
Nagkatinginan kami ni Michael at sabay na tumango. "Handa na po." Sagot ko naman at nagpakita ng kompyansa sa sarili. "Mabuti." Sabi naman ni tito bago kami binigyan ng kapote at sama-samang lumabas.
Kasama namin ang propesor na pumunta sa Fleurton. Naoaka lakas ng buhos ng ulan kaya halos wala akong makita bukod sa hawak kong wand na gumagawa ng ilaw upang makita ang aming dinadaanan sa kalangitan.
Bagamat may kalayuan pa kami ay tanaw na ang napakaliwanag na ilaw, kulay kahel, pula at asul na pinagsamasama. Kung tama ang akking hula ay nagmumula ito sa napakalaking apoy na siyang tumutu[ok sa pasilyo ng Fleurton.
Imbes na bumaba kami sa lupa ay tumapat kami sa tuktok ng paaralan. Nasa gilid ang dalawang dragon na kulay itim at sa sobrang laki ay hindi kami napansin. Kung ikukumpara ang laki nito sa amin ay kasin laki lang namin ang pinakamaiksing kuko sa kamay nito.
"Mauna na kayo, hanapin ninyo ang naiibang kulay na kaliskis nito sa bandang dibdib at ito ang inyong puntiryahin." Bilin ni tito sa amin, tiwala kami sa impormasyon na sinabi niya dahil alam naming pareho ni Michael na maalam talaga si tito pagdating sa ano mang sangay ng mahika.
Tumango kami at parehong nagpadulas sa katawan ng sinasakyan namin at nauuna ang aming ulo na nakaturo sa lupa. Habang patuloy kami sa pagbulusok pababa ay nagbago ang aming anyo.
Parang nabalot ng ilaw ang aking katawan at nang nawala ito ay nagbalik ang anyo ko noong nasa lupain kami ng Shinhan. Bago pa man ako tuluyang bumagsak sa lupa ay ikinumpas ko ang mga kamay ko pakuros at pataas sa aking katawan upang tumigil at bumalik pataas.
"Michael!" sigaw ko nang hindi niya mapansin ang malakas na apoy na galing sa bunganga ng dragon na papalapit sa kaniya. Agad naman siyang nakagawa ng panangga at nakaligtas sa mainit na apoy.
Nilapitan ko siya upang sabihin ang aking plano. "Unahin muna natin ang isang ito dahil mas malakas ang kaniyang apoy. Kukuryentehin ko siya gamit ang latigong kuryente at ikaw na ang bahala sa pag-atake sa kahinaan niya." Sabi ko sa kaniya at kasabay no'n ay ang pagdaan nina tito sa ibaba namin.
Papunta ata sila sa baba upang hanapin ang Headmistress at iligtas ang kapwa estudyanteng warlock namin. "Sige." Sagot naman ni Michael bilang pagsang-ayon sa aking plano at kasunod no'n ay ang paglipad namin palayo sa isa't-isa at palapit sa dragon na tinutukoy ko.
Bago ako tuluyang makalapit ay lumipad-lipad si Michael sa mata ng dragon upang makuha nito ang kaniyang atensyon. Habang ginagawa niya iyon ay sinusundan siya ng dragon at pilit na sinusunog.
Bago pa man ako makagawa ng latigo para sa dragon na iyon ay ginambala ako ng isa pang dragon. Lumipad ako pataas upang maiwasan ang mga atake nito dahil kahit na mas mahina ang apoy niya kumpara sa isa ay kaya parin niya akong tunawin sa isa o dalawang apoy niya.
"Michael, ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo! babalikan kita mamaya pagkatapos ko sa isang 'to!" sigaw ko at sinigurong dinig niya ako. Hindi na ako nag paligoy-ligoy pa dahil habang pataas kami ng pataas ay gumagawa na ako ng isang lambat.
Hindi ko kayang pabagsakin ito ng mag-isa pero hindi ibigsabihin no'n na hindi ko kayang patigilin.
sa aking mga kamay ay isang malaking bilog ang hitsura ng ginawa kong atake at nang sapat na ang tibay at lakas ng mahika na aking nagawa ay nilingon ko ang drago at inihagis ang aking atake.
Lumawak ang kanina'y bola sa kamay ko at naging malaking lambat na bibitag sa dragon na ito. Napakalakas ng atungal ng dragon ng itoy bumagsak sa lupa dahil sa ang mga pakpak nito ay hindi niya nagamit dahil sa lambat na ginawa ko.
Nagliliwanag ang lambat at siniguro kong naglalabas ito ng kuryente uang mapahina ang dragon. Habang hindi pa kami ginagambala ng isa ay nilingon ko si Michael na inaatake ang dragon na katunggali niya gamit ang isang napakalaking maso.
Mas malaki ang hawakan nito kumpara sa kabuuang tangkad niya at ang ulo nito ay kasing taba ng isang baboy na takong. Pinupokpok niya ang katawan at pakpak ng drago na sa tuwing tatama ito ay naoaoaungol ang dragon.
"Michael!" tawag ko sa kaniya at mabilis naman siyang lumayo sa dragon. Mabilis kong pinagapang sa hangin ang latigo na ginawa ko na habang lumalapit sa katawan ng dragon ay dumarami ang dulo nito at humaba ng humaba.
Nagpupumiglas ang dragon nang pumulopot ang mga ito sa kabuuan ng kaniyang katawan. Hindi ito makasigaw dahil sa napalibutan na ng latigo ang nguso nito at maging ang kaniyang apoy ay lumalabas sa pagitan ng mga ngipin nito at sa kaniyang ilong.
Sa sobrang lakas ng kaniyang hatak ay kinailangan ko pang itali ang aking sarili sa isangmalaking puno na sa tala ng aking buhay ay ito na ang pinakamalaki at matabang puno na nakita ko.
"Dali!" sigaw ko kay Michael nang bahagya nang nanghina ang dragon at tumalab na ang kuryente sa katawan niya. Nakontrol ko narin ang paghawak dito at napansin ko din ang hindi pagsabay ng pagaspas ng kaniyang mga pakpak.
"Ahhh!" sigaw ni Michael habang pasulong siya sa dragon. Hinila ko ang latigo uoang tumaas ang nguso nito at mabigyan siya ng mas magandang tingin sa target namin. Napasigaw narin ako at itinudo ang aking lakas upang mapigilas sa paggalaw ang napakalaking dragon na ito.
Nakita ko ang pagbabago ng anyo ng kaniyang sandata at naging napakahabang espada ito na kulay itim. Mabilis ang kaniyang pagbulusok at nakita ko din ang pag kislap ng pilak na kaliskis ng dragon.
Ito ang pinonterya ni Michael at kasabay ng pagtusok ng kaniyang sandata ay tila naglabas ng malakas na apoy ang katawan ng dragon.
Agad akong gumawa ng panibagong latigo gamit ang kalowa kong kamay at ipinulupot ito sa katawan ni Michael at malakas na hinila siya parating sa akin. Sakto namang sumabog ang katawan ng dragon nang makalapit na sa akin si Michael kaya agad akong gumawa ng bilog na kalasag upang maprotektahan kami.
Basang-basa na kami pero hindi namin ito inalintana at tumayo kaagad upang isunod ang natitira pang dragon. "Sa'yo na'yan." Suhestyon ni Michael kaya naningkit ang aking mga mata. Nanghina na ito kaya hindi na makakapag pumiglas.
"Sabi mo eh." Sagot ko naman at mabilis na ikinumpas ang mga kamay upang mabawasan ng tubig ang suot kong damit.
Inalis ko ang mga nakaharang na mga buhok sa mukha ko at nagpalabas ng isang espada na gawa sa liwanag. Matapos no'n ay tumakbo ako ng mabilis nang makita ko na ang pilak na kaliskis ng dragon.
"Ahhh!" sigaw ko nang malapit na ako at ibinigay lahat ng aking pwersa upang maipasok ang espada sa bahaging ito ng dragon. Umungol ito ng napakalakas at nang tuluyan nang pumasok ang espada sa katawan niya ay mabilis akong lumipad palayo rito at sa pagbalik ko sa tabi ni Michael ay gumawa ulit ako ng kalasag para sanggahin ang malakas na pagsabog ng katawan ng dragon.
Nang malinis na namin ang dalawang dragon ay tumakbo kami papasok sa pasilidad ng paaralan. Madaming nagbagsakan na mga bato na siyang humarang sa aming dadaanan pero salamat sa mahika ay napapalutang namin ang mga ito at naiaalis sa aming saraanan.
"Dinig mo ba'yon?" tanong ni Michael at tinigilan niya ako sa paglalakad. Nagkunot ang aking noo habang pilit na pinakikinggan ang sinasabi niya hanggang sa masagap ng tenga ko ang isang ingay na para bang may nagaganap na digmaan.
"Nasa Grand Hall!" sigaw ni Michael na tila sigurado sa kaniyang sinabi. Hindi na ako nagreklamo pa at sumunod na lamang sa kaniya.
Pagkarating namin doon ay sira na ang dalawang naglalakihang pintuan nito at maging ang ilan sa disenyo nito ay nasira narin.
Nadatnan namin ang aming kasamahan na kinakalaban ang tatlong troll. Napakataas nila pero hindi hamak na mas maliit kesa sa dragon. Iginala ko ang aking mga mata at hindi parin nakita ang Headmistress kaya sumama na ako kay Michael nang tumakbo ito pabalik sa kaniyang mga magulang.
Gamit ang aming mga kakayahan ay mabilis naming napatumba ang mga troll na nagkalasuglasog ang katawan. "Nasaan po ang Headmistress?' tanong ko nang masigurong wala nang kalaban.
"Sinukot ng isang anyong ahas." Sagot naman ni tita habang hinahabol ang kaniyang pag hinga. 'Ang echidna." Sabi naman ni Chloe na nakahawak sa kaniyang dibdib. Nagkunot ang aking noo, "Nasaan na sila?" tanong ko na may pagmamadali.
"Hindi namin alam, nawala sila habang kinkalaban namin ang mga troll." Sagot ni tito kaya napakuyom ang aking kamao at mabilis na lumipad palabas sa basag na bintana dito sa Grand Hall.
Malakas ang buhos ng ulan kaya nahihirapan akong makita kung nasaan ang Headmistress, ang aking tita.
"Headmistress Sylvana!" sigaw ko at ilang ulit ko itong ginawa sa pagbabakasakaling marinig niya ako at magpakawala siya ng sinyales kung nasaan man siya. Naisipan kong bumalik sa puno kung saan namin naunang nakilala ang Headmistress pero nang makarating ako doon ay wala na ang puno.
Tanging ang katawan na lamang nitong nakatumba at ang lagusan pababa ay natabunan na ng lupa.
Ang inis ko ay parang apoy na lumabas sa aking mga kamao at pinag aatake ang burol na ito hanggang sa halos mawala na ang kalahati nito. Hindi ko gugustuhing maging ang aking tita ay mawala sa tabi ko.
Lumipad ako ng mas mataas pa at iginala ang aking paningin pero bigo talaga ako. Hanggang sa may narinig akong tumawag sa pangalan ko. Lumingon-lingon ako upang hanapin kong saan ito nanggaling pero sa palagay ko ay sa utak ko lang ito naririnig.
"Sino ka?" tanong ko sa aking isipan. "Ako ito si LEON!" sigaw nito at napatakip ako sa aking mga tenga at unti-unting bumaba sa lupa. "Ahh!" sigaw ko dahil sa sakit na nararamdaman ko sa aking katwan.
Parang sinusunod ni Leon ang aking kaluluwa pero nasaan siya? bakit hindi ko siya makita?
Nagpagulong-gulong ako sa kaputikan at mahigpit na hinawakan ang aking pisngi dahil sa sobrang sakit nito at suobrang hapdi.
Para akong mababaliw sa sakit at hindi ko na alam ang aking gagawin. Sigaw ako ng sigaw hanggng sa may imahen na lumitaw sa harapan ko. Naka suot ito ng itim pero alam kong nakatingin siya sa akin.
"Mahina ka parin." Kumento ng isang pamilyar na boses at kasunod no'n ay ang paglutang ng aking katawan pero hindi ko ito inalintana dahil nilalamon parin ako ng sakit na aking nararamdaman.
Nagulat na lamang ako nang bigla akong mahulog muli sa putikan at nakita ang mga mahikang umatake sa nilalang na naririto kanina. Kasabay no'n ay ang unti-unting pagkawala ng sakit. "Lych!" sigaw ni Chloe na siyang unang lumapit sa akin.
Pinaupo niya ako at agad ko siyang niyakap. Bumalik na ako sa dati kong anyo at tumulo na ang aking luha. Kakaiba ang aking naramdaman kanina, para akong malulusaw at dumagdag pa doon ang pag-aalala sa Headmistress.
Umiyak ako ng umiyak at salamat sa ulan ay hindi iyon napansin ni Chloe. Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin pabalik na siyang nagpakalma sa akin at bigla akong nakaramdam ng panghihina at tuluyan ng nawalan ng malay.