CHAPTER 28: A Lowly Storm

2163 Words
Lych, "Maiwan na kayo dito sa labas at kami na lamang ang makikipag lita kay Professor Sylvana." Sabi ni tito bago pa man kami makaapak sa loob ng tore kung saan naka tayo ang opisina ng Headmistress. Gustuhin man naming sumama ay sumang-ayon na lamang kami sa kanilang kagustuhan. Pinanood namin silang lumayo at maglaho sa aming mga pangingin bago naisipang gumala na muna dito sa paaralan. "Tara, dalawin natin ang dati nating mga kaklase!" nagmamadaling aya sa amin ni Michael. Hindi na kami kumontra pa ni Chloe at sumabay na lang sa mabilis na paglalakad ni Michael. Abala pa ang ilan sa mga estudyante sa kani-kanilang mga klase kaya kaunti lamang ang aming nakakasalubong at nakikita dito sa labas. Madaming pagliko ang aming ginawa hanggang sa makarating kami sa silid aralan kung saan kami dati nakaupo at nakikinig sa lecture ng aming mga propesor na ang ilan ay hindi naman nanatili sa aming isipan. "Nasaan sila?" tanong ni Chloe nang makita ang silid na walang laman. Nagkibit balikat naman ako dahil hindi ko rin alam. "Ano ba ang araw ngayon?" tanong ko naman sa kanila na sumubok sa talas ng kanilang memorya. "Araw ng Miyerkules ngayon." Sagot ni MIchael pero agad namang sinabat ni Chloe. "Martes." Sabi naman niya sabay tapat ng screen ng kaniyang cellphone sa aming mga mukha. Tinitigan ko ito at nakompirma ngang ngang Martes palang ngayon. "Ala una palang kaya nasa Grand Hall sila at ang klase nila ngayon ay Advance Magic." Sabi ko naman habang napahawak sa aking baba at inaalala kong tama ba ang aking pagkakaalala sa aming mga klase noon. "Ano pang hinihintay nyo, tara na!" sabi ni Michael na nanumbalik ang pagkasabik na makitang muli ang aming mga kaklase. Ngumiti naman ako at kasabay no'n ay ang aking pag iling bago tumakbo at habulin siya. Nakasunod din sa likuran ko si Chloe. Tumakbo kami hanggang sa marating namin ang isa sa pinakamalawak na pasilidad ng paaralan, ang Grand Hall. Hindi pa man kami nakakalapit nakasarang mga pintuan ay dinig na ang malalakas na pagsabog muli siguro iyon sa mga atakeng ginagawa nila. Hindi naman palaging nagpapagawa si Professor Lorein ng pisikal na aktibidad tuwing klase namin kaya nagkataon siguro na naisipan niyang mag pagawa ng aktibidad sa kaniyang klase ngayong hapon. "Isa..." Sabi ni Michael habang nakahawak ang kaniyang mga palad sa dalawang malalaking pintuan. Pagkatapos niyang umabot sa pangatlo ay may pwersa niyang itinulak ang mga ito upang bumukas. Natigilan naman silang lahat na nasa loob maliban kay Professor Lorein na nakaupo sa yuswal niyang upuan, naka kros ang mga paa at komportableng nakasandal. Ang iba ay parang nanigas at meron ding tunog ng isang pagbagsak ng kahuy sa lupa, may nakabitaw siguro sa kanilang wand. "Nagbalik na ang tatlo!" sigaw ni Adonis kaya napatawa naman kaming tatlo na unti-unti nang lumakad palapit sa kanila. "Kamusta kayo?" tanong ni Cris na siyang naunang bumaba mula sa entablado at lumapit sa amin. "Maayos naman, kayo?" tanong naman ni Chloe kay Cris. "Maayos lang din." Sagot naman ni Adonis na biglang sumulpot sa likuran ni Cris. "Sinong may sabing tumigil kayo?!" sigaw ni Porfessor Lorein na ikinagulat naming lima. Agad namang tumakbo sina Cris at Adonis pabalik sa entablado. Lumingon kami sa direksyon ng propesor at nakita ang kaniyang pagtayo. Habang papalapit siya sa amin ay nakadarama ako ng kaba dahil sa tingin ko'y papagalitan niya kami. Tumigil siya sa harapan namin ng hindi man lang nagsasalita. Napansin ko ang pag atras nina Michael at Chloe hanngang sa nasa likuran ko na salia. Naghintay ako sa mga susunod na mangyayari at handang harapin ito pero biglang ngumiti ang propesor na nasa aming harapan. "Mabuti naman at naisipan niyong dumalaw?" tanong niya at nanumbalik ang kalmado at matamis niyang pananalita. Para namang nawala ang bigat sa aking dibdib pero natagalan pa bago nanumbalik sa normal ang bilis ng t***k ng aking puso. "Opo." Sagot naman ni Chloe at napansin ko ang paghawak niya sa kaniyang dibdib. Nadinig ko din ang tatlong bese na pagtawa ni Michael, 'yong para bang napipilitan. "Bakit di nyo kaya subukang sumali sa kanila?" suhestyon niya at itinuro ang aming dating mga kaklase. Matapos kung lumingon sa kanila ay ibinalik ko ang aking paningin kina Chloe at Michael. Tumango naman silang pareho bilang pagsang-ayon sa suhestyon ng propesor. Ngumiti siya at tapos tumalikod siya sa amin. "Ang panuntunan ngayon ay kailangan niyo lang mapalabas ang inyong kalaban sa labas ng entablado. Kayo na ang pumili kung sino ang inyong makakatuos." Sabi niya at sa huling salitang binitawan niya ay humarap siya sa amin bago umupo. "Sa akin ka ngayon, Lych!" dinig kong sigaw ng isang tinig babae. Wala nang iba kundi si Merida, ang nag-iisang babae sa seksyon na ito simula no'ng sumama sa amin si Chloe. "Sigurado ka?" tanong naman ni Chloe dahil narin sa alam niya ang kakayahan ko. "Walang akong kinatatakutan babaeng maliit!" sigaw naman niya pabalik sa aking babaeng kaibigan. Nadinig ko naman ang pagtawa ni Michael dahil sa tinawag ni Merida kay Chloe. "Ano na?!" sabi ulit ni Merida na minamadali na ako. Ngumisi ako at umakyat na sa entablado, sina Michael at Chloe naman ang mag tutos ngayon. Hindi ko planong magbagong anyo kaya inilabas ko ang aking wand. Palagi ko paring dala ang wand ko dahil hindi naman maaring sa tuwing lalaban ako ay nagbabagong anyo ako. "Humanda ka nang matalo." Kumento ni Merida nang makatapat ako sa kaniya ilang metro ang layo. Ngumisi naman ako, akala mo naman ay bibigyan ko siya kahit na kunting tyansa na manalo. Inihanda ko na ang sarili at siya ang naunang umatake. Masyado siyang agresibo dahil muntik ko nang hindi mailagan ang una niyang atake. Tumawa siya dahil doon at pagkatapos no'n ay sunod-sunod ang ginagawa niyang atake. Isang mabilis na bulusok ng hangin at kapag natamaan ako nito ay maikukumpara ang epekto nito sa isang napakatalim na espada. Tumalon, gumulong, gumilid at lahat-lahat na ng paraang alam kong pag iwas ay ginawa ko na. "Di mo naman sinabing gusto mo palang sumayaw." Sabi niya at tumawa tapos muli niya aking pinaulanan ng atake. Hindi nakakapagod ang ginagawa ko pero nakakainis kaya hinigpitan ko ang hawak sa aking wand at gumamit na ng mahika. Hindi ko na kailangan pang banggitin ang pangalan ng spell dahil nasanay narin akong kahit hindi binibigkas ang pangalan ay nagagamit ko parin ito. Mula sa dulo ng aking wand ay lumabas ang napakaraming tubig na ginawa kong pader at kasunod no'n ay pinagyelo ko ito. Sinasangga nito ang mga atake niya pero may ilang tumatagos kaya kailangan ko paring umiwas. "Hindi 'yan tatalab boy!" mayabang niyang sabi pero napangisi lang ako. "Hindi ko naman 'to pangga." Sabi ko naman at kasabay no'n ay mabilis na pagkumpas ko ng aking kamay. Pahati at kasabay no'n ay ang pagkabasag ng yelo na mas mataas pa sa akin at naging mas maliit na piraso. Natigilan siya sa pag atake at tila pinanonood kung ano ang ginagawa ko kaya hindi ko na pinalampas ang pagkakataong umatake. Itinaas ko ang aking wand at nag bago ang direksyon ng mga pira-pirasong yelo. Tumutok ang matutulis na dulo ng mga ito sa direksyon ni Merida na hanggang ngayon ay nakatunganga parin. Mabilis kong ikinumpas ang aking kamay at wand upang ituro ang dulo ng aking wand sa direksyon ni Merida. Napa hakbang na din ang kanan kong paa dahil doon at mabilis na nagsiliparan ang mga pira-pirasong matutulis na yelo kay Merida. Nagtaka na lamang ako ng hindi siya gumalaw o wala man lang makitang sinyales ng kaniyang pag iwas o pag sangga kaya agad kong itinigil ang aking atake. Nakalutang ngayon ang mga yelo sa harapan at itaas na bahagi ng katawan ni Merida. "Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kaniya nang lumapit ako. Napansin ko namang nakatulala lamang siya at hindi umiimik. "Professor!" tawag ko sa aming propesor at nang siguro'y marinig niya ang tawag ko ay agad siyang dumating sa tabi ko. "Anong nangyari sa kaniya?" tanong niya sa akin at nilingon ako habang hawak niya ang knaiyang baba. "Hindi ko po alam, basta na lang po siyang tumigil at hindi na kumilos." Sagot ko naman. Ikinumpas ko ang aking wand at nalusaw na ang mga yelo at bumagsak ang maraming butil ng tubig sa paligid ni Merida. Nag silapit narin ang iba pa sa aming paligid at pare-pareho naming tinitigan si Merida. "Anong nagyari?" tanong ni Randy sa aking tenga at nagkibit balikat naman ako bilang tugon. "Itinudo mo ba ang kapangyarihan mo?" bulong naman ni Michael sa kaliwa kong tenga. Umiling ako, "Hindi ko pa nga siya naaatake." Sagot ko naman habang nakatingin parin kay Merida at sa aming propesor. "Bumalik na kayo sa silid nyo. Sumama kayo sa akin." Sabi ni Professor Lorein kaya nag sitakbuhan na sila palabas at kaming lima na lang ang naririto. "Dalhin niyo siya sa infirmary." Utos niya sa amin ni Michael. Tumango naman kami at inilabas ang aming wand at pinalutang ang katawan nito. Nasa unahan si Chloe at nasa likuran naman namin si Professor Lorein.  "Ihiga niyo na siya dyan." Sabi ng tagapamahala sa infirmary nang makita niya kaming papasok at buhat si Merida. "Anong nangyari sa kaniya?" tanong ng tagapamahala ng makita na ang kalagayan ni Merida. Nanigas ang kaniyang katawan at namuti rin ang kaniyang mga mata. "Hindi ko po alam, naka tingala po siya bago ko atakihin dahil nga ay magkatunggali kami sa aming aktibidad pero nang tatama na ang atake ko sa kaniya ay napansin ko ang hindi niya paggalaw kaya itinigil ko ang aking atake." Sagot ko naman. "Na petrify siya pero hindi ko alam kung paanong nagyari iyon. Kung tama nga ang sinabi mo, maaring may nakita siya na nagdulot nito." Kumento naman niya at napahawak sa kaniyang bewang. "Hayaan niyo'y ipapasuri ko ang Grand Hall." Sabi ni Professo Lorein at kasunod no'n ay ang kaniyang pag-alis. "Wala po ba kayong gamot na makakapag pagaling sa kaniya?" tanong naman ni Chloe na nasa gitna namin ni Michael. Umiling ang aming kauspa. "Sa ngayon ay wala pa dahil wala pang magagamit na sangkap." Sagot naman niya at napanatili ang kaniyang pustora. "KAilan pa po?" tanong naman ni Michael, naningkit ang mga mata niya na tila kinakalkula ang isasagot niya. "Sa susunod pang linggo." Sagot naman ng tagapamahala. Napabuntong hininga na lang kaming tatlo at matapos no'n ay pinalabas na niya kami. "Puntahan natin ang Grand Hall." Suhestyon ko sa kanila habang naglalakad kami palayo ng infirmary. "Kailangan muna nating bumalik sa opisina ng Headmistress." Sabi naman ni Chloe na sinag-ayonan naman ni Michael. "Bakita?" tanong ko naman sa kaniya. "Hindi na tayo mga estudyante rito at isa pa, hindi naman aabot ng kalahating araw ang pagbibigay alam nila sa mga kaganapan." Sagot naman niya. May punto siya kaya sumang-ayon na ako. Kalahati ng aking katawan ay gusto paring pumunta sa Grand Hall dahil naroroon kami nang maganap ang pag ka petrify ni Merida. Kahit papaano'y nadawit parin kami doon kaya gusto kung pumunta at masagot ang katanungan sa aking isipan. "Naririyan pala kayo." Sabi ng Headmistress nang makasalubong namin siya sa aming daan papunta sa kaniyang opisina at pansin ang kaniyang pag hinga ng malalim na para bang nabunutan siya ng tinik. "Bakit po?" tanong ni Michael sa kaniya. "Kailangan niyo nang umalis kaagad, hindi maganda ang araw na ito rito sa Fleurton." Sagot naman niya na may pangamba sa kaniyang boses. Nagkunot ang aking noo pero sumunod na lamang ako sa kanila nang tumakbo sila palabas sa tore at pumunta sa obal. Doon ay naghihintay na sina tito at tita. "Dali, umalis na kayo!" sabi ng Headmistress at pinalo ang sinasakyan naming hayop na agad namang lumipad. Nilingon ko ang Fleurton at napansin ko ang madilim na kaulapan nito. Ano kaya ang tinutokoy ni Headmistress? Konektado ba ito sa nangyari kay Merida? Ngayon ay mas lalong tumindi ang kagustuhan kong malaman ang nangyayari sa Fleurton, kung ano ang mga nangyari nang maka alis kami roon. Tahimik ako sa buong byahe namin pero ang aking isipan ay hindi magkamayaw sa pagdagsa ng katanungan. Na siyang nagpasakit sa aking utak. Nang makababa na kami sa tapat ng sirang pintuan ng bahay ay pinalo namin ang mga sinakyan namin at pinanood silang lumipad at maglaho sa kalangitan. "Pumasok na kayo." Utos ni tita sa amin na agad naman naming sinonood. May kakaiba akong nararamdaman, para bang may paparating na sakuna. "Bakita kaya sila natataranta?" tanong ni Chloe nang umupo kami sa tabi ng mahabang mesa. "Kaya nga." Sabi naman ni Michael. "Sana ay alam ko ang sagot." Sabi ko naman at sumandal sa aking inuupuan. "Ano kaya ang nangyayri sa Fleurton?" tanong ko naman habang nakatitig sa mabilis na pagdilim ng kalangitan sa bintana na nasa aking tapat. "Hindi ko rin alam." Sagot naman ni Chloe at napansin ko ang kaniyang pagsandal. Ilang saglit pa ay kumulog at kumidlat at pagkatapos no'n ay bumuhos na ang napakalakas na ulan. Nagulat naman ako sa malakas na pagsara ng pintuan na bagong gawa. Siguro ay ginamitan na nina tito ng mahika upang maayos agad ito.  "Ihanda niyo ang inyong sarili, may paparating." Sabi ni tito at agad na bumilis ang t***k ng aking puso na para bang natatakot ito at gusto nang lisanin ang aking katawan. Huminga ako ng malalin upang kumalma ito. Mapapasabak nanaman ata kami sa isang matinding labanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD