CHAPTER 27: Visitor

2095 Words
R18 Lych, Gaya ng iniutos sa akin ni tita ay isinara ko ang mga bintana at maging ang pintuan sa buong bahay. Bago ako bumalik sa silid kung nasaan sila ngayon ay siniguro kong naka-lock ang mga ito. Matapos no'n ay tumalikod na ako mula sa huling bintana na aking siniguro kong naka lock ng maayos at naglakad na ako papasok sa never ending door. Pagpasok ko ay sinalubong ng aking mga mata ang madilim na silid na animo'y matagal nang hindi nagagamit dahil nakaimbak rito ang mga sirang gamit at may mga agiw narin. Humakbang ako palapit kina Michael at Chloe na naka sandal sa pander, naka dalukipkip si Chloe at nakapamulsa naman si Michael. Sa gitna ng silid ay ang isang ilaw at sa ilalim nito ay ang isang parisukat na mesa at sa dulo nito ay nakaupo ang babaeng bihag namin. Kaharap niya sina tito at tita na nakatayo at nakahawak ang mga kamay ni tito sa dulo ng mesa at bahagya itong nakayuko. "Nagsalita na ba?" tanong ko sa dalawang katabi ko nang hindi man lang sila nilingon. Napansin ko naman ang pag iling na ginawa ni Michael. "Hindi pa." Sagot naman ni Chloe habang patuloy ako sa pagtitig sa nangyayari sa aming harapan. "Ayaw mo talagang magsalita?" tanong ni tito na may pagbabanta. Inilabas niya ang kaniyang wand at ipinatong sa ibabaw ng mesa. "Uulitin ko ang tanong, saan nagtatago ang Necromancer?" malumanay pero may diin na tanong ni tito sa kaniyang kaharp na babae.  Nakatingin lamang ang babae sa kaniyang kaliwa kung saan hindi niya makikita ang aming mga mukha. Walang umimik at wala kaming nahintay na sagot mula sa kaniya at dahil do'n ay nainis si tito at inangat ang kaniyang wand gamit ang kaliwa niyang kamay. "Sumagot ka!" sabi niya at kasunod no'n ay ang pagkumpas ng kaniyang kamay na may hawak ng wand nang pataas. Sumunod ang katawan ng babae at hindi lamang iyon dahil lumitaw mula sa kaniyang katawan ang katawan ng kaniyang kaluluwa. Bagama't tahimik ang babae ang kaluluwa naman nito'y nagwawala na animo'y nakakaranas siya ng matinding sakit. Matapos ang ilang segundo ay ibinaba ni tito ang kaniyang wand at muling bumalik sa loob ng katawan ng babae ang kaniyang kaluluwa. Kumurap siya ng ilang beses habang hinahabol ang kaniyang pag hinga. "Sasagot kana ba?" tanong ulit ni tito sa babae. "Patayin niyo na ako dahil wala kayong makukuha sa akin!" sigaw ng babae na naging dahilan ng lalong pagkainis ni tito. Kaninang umaga pa namin siya tintanong tungkol sa Necromancer pero ni isa ay wala kaming nakuhang sagot kaya ngayo'y galit na si tito dahil siguro'y nababadtrip na siya. "Pagbibigyan kita!" galit na sabi ni tito at muli niyang ikinumpas ang kaniyang wand. Lumutang ang babae at ang upuang kaniyang kinauupuan ay nakalas at nagpaikot-ikot sa babae at maging ang tali ay ganoon din. Pagkatapos ng isa pang kumpas ng kamay ni tito ay tumigil ang mga ito sa pag-ikot at isa-isang pumwesto sa bawat kamay ng babae at maging sa paa nito. Pumulopot ang tali sa mga kamay at paa nito bago pumulopot sa mgakahot na nasa tapat ng mga paa at kamay niya. Kasunod no'n ay ang paghila ng magkabilang mga kahoy kaya ngayo'y na babanat ang katawan nito. "Ahhh!" sunod-sunod na sigaw ng babae pero kami'y hindi natinag. Aakalain mong sanay na kaming makakita ng ganitong pangyayari pero sa katunayan ay ngayon lamang. Lumayo si tita mula sa kinatatayuan ni tito Damyan at inilabas din niya ang kaniyang wand. Sa isang kumpas niya ay lumutang ang isang timba at kasunod no'n ay paglutang din ng isang napakalaking daga. Nagwawala ang daga pero wala itong magawa dahil naka lutang ito at may mahikang nakabalot sa katawan niya. Sa ikalawang pagkumpas ni tita sa kaniyang wand ay lumipad palapit ang timba at daga sa katawan ng babae. Habang papalapit ang mga ito ay napunta ang daga sa loob ng timba at pagkatapos ay parang magnet na dumikit ang bunganga ng timba sa sikmura ng babae. "Sumagot kana habang may pagkakataon ka pa." Sabi ni tita na may ngisi sa kaniyang mukha at kasabay no'n ay ang paglabas ng apoy sa dulo ng kaniyang wand. "Sinabi ko naman diba, patayin nyo na ako dahil wala kayong makukuha sa akin!" sabi niya na halos mamaos na dahil sa kaniyang kakasigaw. Parehong ngumiti sina tita at tito at dahan-dahang inilapit ni tita ang apoy sa pwetan ng tumba na may laman ng napakalaking daga na nakadikit sa sikmura ng babae. Nagkaroon ng malakas na ingay sa timba dahil siguro sa init na nadarama ng daga sa loob. "Aray!" biglang sigaw ng babae hanggang sa maging sunod-sunod ito. "Rat torture, isa sa pinakamahirap na parusa na ginamit pa noong unang panahon." Kumento ni Chloe at siniguro niyang marinig namin iyon. "Sasagot na ako, sasagot na ako, tama na!" sigaw ng babae gamit ang garalgal niyang boses. Mabilis naman na inalis ni tita ang apoy sa pwetan ng timba at inalis narin ang daga at ang timba. Halos masuka kaming tatlo sa aming nakita, sa nakalutang na katawan ng babae ay tumulo ang kaniyang dugo at lumitaw narin ang kaniyang laman loob. Nanindig ang aking balahibo habang tinititigan ang pagtibok ng mga laman loob nito at ang patuloy na pag agos ng dugo mula sa kaniyang katawan hanggang sa sahig. Naubo narin si Michael at Chloe, "Wow." Sabi ni Michael at napapailing na lamang habang iniiwasang mapatingin sa kinahinatnan ng katawan ng babae. "Nasaan ang Necromancer?" tanong ni tita at hindi alintana ang kalagayan ng babae. "Sa-sa isang mansyon sa isang burol sa Redcliff." Nanghihinang sagot ng babae at dahil doon ay pare-pareho kaming napangiti. "Madami na ba ang alipores ng Necromancer?" tanong naman ni tita sa babae. Tumango ang babae, "Oo, maging ang ministry ay hawak na niya." Sagot naman niya na may pagkasiguro sa kaniyang boses. Nagtinginan naman kaming tatlo nina Chloe at Michael. "Napaka tanga talaga ng Ministry, basta makapangyaihan papanig agad." Kumento ni Chloe at sumang-yon naman kami ni Michael. Kung tutuusin nga ay walang nagtitiwala sa Ministry, masyado silang kurakot. "Huling tanong, nasaan si Mason at Lisa Hernandez?" tanong ni tito at kasabay no'n ay ang paglingon ko sa kaniya. Pagkarinig ko sa pangalan ng aking mga magulang ay nakadama ako ng kaba at nag hintay sa isasagot ng babae. "Bihag sila ng Necromancer at araw-araw na pinahihirapan para lang makuha ang susi sa sanctum." Sabi niya pero may kahinaan na ito, mukhang nauubos na ang kaniyang lakas mula sa dami ng dugo na anwala sa katawan niya. Nakahiga naman ako nang maluwang nang marinig ang sagot niya. Kahit papaano'y alam kong buhay pa ang aking mga magulang at nadagdagan pa ang aking kompyansa sa sarili na gagawin ko ang lahat upang makapiling silang muli. Nabulabog ang aming pag tatanong sa babae nang may malakas na pagsabog ang aming narinig mula sa laba. Lahat kami'y nagkatinginan at iisang tanong lang ang aming nasa isipan, "Ano 'yon?" Lahay kami'y lumabas sa silid at iniwang nakalutang ang babae. Paglabas namin ay bumungad sa amin ang sirang bahagi ng pintuan at may usok pang lumalabas rito. Dahan-dahan kaming humakbang pasulong hanggang sa makarating kami sa sala. "Leon." Sabi ni tito at tumayo ng tuwid habang tinitingnan ang nakangising mukha ng lalaking mahaba ang buhok, mas bata kaysa kay tito at nakasuot ito ng leather jacket. Mukhang sa tuwing magpapakita siya sa amin ay iba ang kaniyang hitsura at pananamit. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ni tita na may tapang. Hawak din namin ang aming mga wand baka sakaling gumawa ito ng kalukuhan. Tumawa siya, "Hindi ko na ba pwedeng kamustahin ang mga kaibigan ko?" tanong niya at halata ang sarkastikong dating nito. "Hindi kami nakikipag biruan!" Sabi ni tito Damyan na may galit at pagbabanta sa kaniyang pananalita. Itinutok niya ang dulo ng kaniyang wand sa harpan ni Leon na nakaupo parin sa isa sa mga upuan dito sa sala. Iginala ko ang aking paningin sa kaniyang likuran at tila mag-isa lamang siya, kung aatakihin namin siya ngayon ay mataas ang tyansang matalo namin siya! "Kahit kailan talaga kuya Damyan." Sabi niya at umiling-iling pa siya. Nilingon ko si tito at bakas sa kaniyang mukha ang pagkabwisit sa kaniyang kausap. "Ano ba ang pakay mo dito?" tanong ni Michael na aking ikinagulat. Tumama ang mga mata ni Leon kay Michael. "Ah, ang munting Damyan." Kumento naman niya at napatawa. Nagkuyom ang mga kamao ni Michael at buti na lamang ay napigilan ko siya bago pa man niya magamit ang kaniyang kapangyarihan. "Salamat sa pag-aalala, Lych." Sabi niya at ngumiti siya, kung hindi siguro siya pumanig sa kadiliman ay siya na siguro ang magiging paborito kong tao bukod sa aking mga magulang. Iyon nga lang ay pinili niyang maging masama. Dahil doon ay nakaramdam ako ng ilabot at pag ka-cringe sa kaniyang sinabi. "Ano ba kasi ang iyong pakay rito?" tanong ulit ni tito na nauubos na ang pasensya. Bumuntong hininga si Leon at pinag kros ang kaniyang mga paa habang nakaupo. "Mukhang mapilit talaga kayo, narito ako dahil sa aking pag kakaalam ay hawak niyo ang isa sa aking mga alagad." Sabi niya at sumeryuso ang kaniyang mukha. Siya nga talaga ang kanang kamay ng Necromancer dahil mayroon siyang sariling taga sunod. "Siya ba?" tanong ni tito at ikinumpas ang kaniyang wand. Matapos ang ilang sandaling paghihintay ay nasaharapan na ni Leon ang babaeng duguan. Napatayo si Leon mula sa kaniyang pagkakaupo dahil sa gulat nang makita ang kalagayan ng kaniyang alagad. "Anong ginwa niyo sa kanya?!" tanong ni Leon na may galit sa kaniyang boses. Ngumis naman si tito, "Bakit, importante ba siya sa buhay mo?" tanong naman niya kay Leon. Nilingon ko ang babae na nakaluhod sa sahig at nakita ang paghawak nito sa paa ni Leon at dahil doon ay napalingon din siya sa babae. "Mahal, iligtas mo ako." Sabi ng babae, nagtinginan kami ni Michael at tila nagkaintindihan na tama ang aming nadinig. "Mahal? hmm." Kumento naman ni tita at muling tumingin si Leon sa amin. Matapos ang ilang segundong puno ng awa ang kaniyang mukha ay agad itong naglaho at bigla siyang natawa. Nagkunot ang aking noo dahil sa kaguluhang idinulot ng kaniyang pagtawa sa aking utak. "Walang ibang mas importante sa akin kundi ang sarili ko!" malakas niyang sabi at mabilis na binunot ang kaniyang wand at sinipa ang babae.  "Flamouria chanomai!" sigaw ni Leon at kasunod no'n ay ang malakas na pagsabog na naganap sa katawan ng babae at nang tumalsik ang mga parte ng kaniyang katawan ay hinigop ito pabalik ng isang pwersa at naganap ang isa pang pagsabog at nagsiliparan na ang abo. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa gulat na dulot ng kaniyang ginawa, sa tingin ko'y natigilan ako sa paghinga sa ma segundong iyon. "Baliw kana talaga." Kumento ni tita at napailing. Maging sina Chloe at Michael ay hindi makapaniwala sa ginawa ni Leon. Tumawa siya ng napakalakas at talaga namang nawala na siya sa tamang pag-iisip. "Baliw na kung baliw!" sigaw niya at ipinagpatuloy ang pagtawa. Halos maubo na ito dahil sa sobrang pagtawa niya pero pagkatapos no'n ay bumalik ang seryusong ekspresyon sa kaniyang mukha. "Hihintayin niya ang pagdting niyo." Sabi niya at naging itim na usok na lamang siya na lumabas sa nasirang pintuan ng bahay. Dinig ko parin ang kaniyang pagtawa na parang echo sa aking tenga. "Kailangan nating ibahagi agad ito kay Professor Sylvana." Sabi ni tito na may pagmamadali sa kaniyang boses. Kinuha agad ni tita ang baston ni tito at ibinigay kay tito. Nang matanggap na ni tito ang kaniyang baston ay ikinabit niya sa isang espasyo sa baston ang kaniyang wand. Upang maging isang mahiwagang baston ito. "Sasama po kami." Sabi ni Michael pero umiling si tito. "Pero tito baka po bumalik sila dito at magtagumpay pa sila sa pagkuha sa amin." Sabi ko naman. Bumuntong hininga si tito at tila napag tanto ang aking sinabi. Tumango siya at sabay-sabay kaming lumabas ng bahay. Sumipol si tito at mula sa kalangitan ay lumitaw ang tatlong pegasus.  Napaisip tuloy ako kung may terminal ba ng pansasakyang warlock sa kalangitan. "Sa akin kana sumakay." Sabay naming alok ni Michael kay Chloe. Nagtinginan kami ni Michael bago ibinalik ang aming mga mata kay Chloe na tila hindi alam kung sino ang pipiliin sa aming dalawa. "Kayo na lang ang magsama." Sabi niya at sumakay na sa isang pegasus. Nagtinginan kami ulit ni Michael bago nag-iwasan ng tingin. Ako ang nasa likuran ni Michael at siya sa harapan dahil siya na raw ang kokontrol sa pegasus. Sumang-ayon na ako dahil naiwan na kaming dalawa rito.  Dapat kasi nakakapit ngayon si Chloe sa palibot ng aking tiyan. Mukhang magkakaroon kami ng kompitensya ni Michael nito pero sisisguruhin kong mapupunta sa akin si Chloe. Palagi kasi nananalo si Michael sa akin pagdating sa mga babae kaya sa pagkakataong ito ay hindi ko na hahayaang mangyari ang ganoon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD