Lych,
"Saan tayo pupunta?" tanong sa akin ni Chloe habang nakasunod sa akin dahil hawak ko ang kaniyang kamay. Nilingon ko naman siya habang patuloy kami sa paglalakad, "Sa isa pang labasan." Sagot ko naman at ibinalik na ang tingin sa aking harapan.
Ang Dukesberg kasi ay isang lugar na eksklusibong pang warlock lamang at makakapasok at labas lamang ang isang warlock rito gamit ang teleportation mula sa mga itinakdang mga lugar sa labas at loob ng Dukesberg.
Kaya nagkalat ang mga poste rito na gawa sa mga bricks dahil dito lang ang labasan at pasukan. Sa labas naman ng Dukesberg ay iba-iba ang anyo ng mga lagusan na gaya ng pinasukan nami kanina na anyong lumang pader.
Sinuong namin ang daanang puno ng mga warlock na kagaya namin at nang malapit na kami sa posteng lalabasan namin ay biglang may tumalon galing sa itaas papunta sa aking harapan. Halos isang metro ang layo niya sa amin at maging ang mga warlock sa paligid ay nilayuan ang palibot niya.
Hinila ko palapit sa akin si Chloe habang nakikipag titigan sa nasa aking harapan. Nakasuot ito ng itim at may takip ang mukha niya na ang tanging nakikita ay ang kaniyang mga mata, nakasuot din ito ng sallakot.
"Takbo!" sigaw ko nang papalapit na sa amin ang humahabol sa amin kanina at hawak niya ang kaniyang wand na nakatutok sa amin. Nabitawan ko na ang kamay ni Chloe dahil sa paghawi ko sa mga warlock sa paligid na mukhang ayaw kaming tulungan.
Para bang wala silang nakikita at nilalampasan lang nila kami. Sa lakas nang pagkakahawi ko sa mga nasasalubong ko ay may ilan na ring natutumba pero hindi na ako tumigil pa at humingi ng tawad.
Nakakasabay naman si Chloe sa aking pagtakbo kaya nabawasan ang aking pag-aalala. Nang makita ko ang napagpatong-patong na mga kahon na gawa sa kahoy sa isang likuan ay sinenyasan ko si Chloe na doon lumiko.
"Mastigio." Bulong ko at kasabay no'n ay ang pagtama ng latigo sa mga kahon nang makalampas na kami rito. Ang akala ko'y mabibigyan kami ng sapat na oras para makatakas ay nadismaya lang ako.
Pinalutang niya ang mga kahon at dinaanan ito. Agad akong tumakbo nang makita iyon at hinabol si Chloe na hindi tumitigil sa pagtakbo. "Bakit ka tumigil?" tanong ko sa kaniya nang mabangga ko ang likuraan niya.
"Dead end." Sagot niya kaya umatras ako at tumingala. Isang pader ang aming nasa harapan na walang katapusan ang taas. Parang nanghina ang katawan ko lalo na nang marinig ang mga pagbagsak at pagkasira ng mga kagamitang humaharang sa dinadaanan ng humahabol sa amin.
Agad akong tumalikod mula kay Chloe at hinanda ang aking wand. Bahagya kong itinaas ang aking kamay hanggang sa maging kalebel nito ang sikmura ni Chloe at kasabay no'n ay ang pagtigil ng humahabol sa amin isang metro ang layo.
Ilang saglit pa ay tumalon ito ng mataas at kasabay no'n ay ang paglabas ng apoy sa dulo ng kaniyang wand. Sasanggain ko na sana ang atake nito nang bigla siyang natigilan sa ere.
Nagsalubong ang aking kilay at nilingon si Chloe na nakataas ang wand. "Hindi ba ako pwedeng tumulong?" tanong naman niya at kasunod no'n ay siya naman ang humila sa kamay ko at nilampasan ang nakalutang na katawan ng humahabol sa amin.
"Anong ginawa mo sa kaniya?" tanong ko habang patuloy kami sa pagtakbo at hawak parin niya ang kamay ko. Panandalian siyang lumingon sa akin at ngumit, "Pinagyelo ko lang ang tubig sa paligid niya." Sagot naman niya bago ibinalik ang tingin sa kaniyang harapan.
"Ha?" naguguluhan kong tanong dahil kahit anong pag intindi ng utak ko sa kaniyang sinabi ay wala itong magawang magandang eksplenasyon at maintindihan ito. "Pamilyar ka naman siguro sa water cycle diba?" tanong niya ng hindi man lang tumitingin sa akin.
"Oo." Sagot ko naman sa kaniyang katanungan. Ito ang proseso kung saan ang tubig mula sa lupa ay naiinitan na nagreresulta sa tinatawag na evaporation at pumapataas ito hanggang sa maging gas ito.
Ang susunod na mangyayari ay magiging solid hanggang sa mapunta sa prosesong condensation o ang muling pagbalik nito sa liquid state at ito ang ulan na ating tinatawag kapag bumagsak na ito sa lupa.
"Ginamit ko ang mga maliliit na particles ng tubig sa paligid niya habang siya'y nakalutang sa ere at pinagyelo ang mga ito na siyang dumikit at pumigil sa katawan nya sa paggalaw pero hindi ito magtatagal." Sabi niya at sa pagkakataong ding iyon ay may malakas na bumagsak sa bubungan ng isang tindahan.
"Sana sinabi mo 'yan ng mas maaga para mas binilisan ko ang aking takbo." Sabi ko at hinila ang aking kamay at sumabay sa kaniya sa pagtakbo at dinoble pa ang aming bilis. Muntik pa kaming madapa nang mag mintis ang atake ng humahabol sa amin at sa lupa na aming inaapakan tumama.
Napatalon lamang kami at ipinag patuloy muli ang aming pagtakbo. "Hawakan mo nang mabuti ang basket mo." Sabi ko sa kay Chloe at hindi na hintay ang reaksyon niya at mabilis siyang binuhat at kasabay no'n ay ang aking pagtalon ng mataas at umapak sa mga bubungan.
"Ibaba mo nga ako." Reklamo niya habang tumatakbo ako ng bitbit siya. Umiling naman ako, "Gusto mo bang makaligtas tayo ng pareho?" tanong ko naman at muling tumalon papunta sa isa pang bubungan.
Mula dito ay tanaw ang mga poste na maaring labasan. Patuloy ang pag atake ng humahabol sa amin pero salamat sa pagbibigay alarma sa akin ni Chloe ay naiilagan ko naman ang mga ito. "Gusto pero hindi mo naman ako kailangang buhatin." Sagot naman niya.
"Masyado kang mabagal tumakbo." Sabi ko naman at nadinig ang pag hinga niya ng malalim at nang panandalian kong tiningnan ang mukha niya ay umirap siya. Ayukong makipaglaban dito sa Dukesberg at mas lalong ayaw kong ipakita ang anyo ko.
Sa ngayon ay sikreto palang namin ang tungkol sa mga kakayahan namin ni Michael. Nagkalat na ang balita tungkol sa mga minyon ng Necromancer sa buong mundo ay tila hindi parin nababahala ang mga kapwa namin warlock.
Patuloy llamang sila sa pag-iwas sa usaping ito at animo'y hindi sila nabalaan. Saka na lang siguro sila maniniwala kapag nakita na nila mismo ang tinutukoy na Necromancer, ang warlock na ibinenta ang kaluluwa sa isang demonyo para sa mas malakas na kapangyarihan.
"Ilag!" sigaw ni Chloe at napataas naman ang aking mga kilay. Agad akong tumalon sa saktong pagkakataon kung mas matagal pa doon ay maaring napuruhan na ang aking paa. Mabilis namang namatay ang apoy sa laylayan ng aking suot pang ibaba.
Pinupunterya kasi niya ang aking mga paa dahil sa tingin niya'y kapag napuruhan niya ang mga ito ay babagsak na kaming dalawa ni Chloe.
Nang matanaw ko ang pinakamalapit na posteng maaring labasan ay agad ko itong tinungo. Tumalon ako mula sa isang bubong hanggang sa isa pa. "Nawala siya." Sabi ni Chloe habang hawak ko siya kaya napatigil ako at lumingon sa aming likuran at gaya nga ng sinabi niya ay nawal siya.
Nagkunot ang aking noo at nagkibit balikat bago itinuloy ang pagtakbo hanggang sa tumalon na ako pababa sa lupa. "Ang gaano mo pala, kumakain ka ba?" tanong ko sa kaniya nang ibaba ko na siya pag kababa namin mula sa bubong.
"Oo." Sagot naman niya na may tila naguguluhang ekspresyon sa kaniyang mukha. Nagkibit balikat na lamang ako at hinila ulit ang kamay niya. Ewan ko ba kung bakit ang hilig naming maghilaan ng kamay ngayon.
Nanag malapit na kami sa poste ay natigilan kami dahil sa naghihintay doon ang kanina'y humahabol sa amin. "Naiinis na ako sa kaniya." Kumento ko at itinago ang aking wand kasabay no'n ay ang paglingon ko kay Chloe.
"Anong balak mong gawin?" tanong naman niya sa akin kaya ngumisi ako at itinapat ang hintuturo ko sa aking bibig. Kasunod no'n ay ang mabilis kong pagtakbo at ang pag bitaw ko sa kamay ni Chloe.
"Surprise." Sabi ko nang nasa tapat na nang mga mata ng humahabol sa amin ang palad ko na tila hindi niya inaasahan. Nagbago din ang aking anyo at muling naging mahaba ang buhok ko na hindi ko inaasahan.
Ang akala ko kasi ay ang dating anyo ko ang lalabas 'yon pala ay ang katulad sa Yaojing ang anyong lumabas. Mabilis kong itinama sa mukha niya ang palad ko at hinawi at hinagis siya. Tumilapon siya palayo sa poste at kasunod no'n ay lumipad ako pataas at gumawa ng isang espadang gawa sa ilaw.
"Katapusan mo na." Bulong ko at bumulosok ako pababa pero nang babaon na sana ang espada sa katawan niya ay natigilan ako nang biglang lumitaw ang basket ni Chloe sa dibdib ng lalaki. Bumalik ako sa dati kong anyo at bumama sa lupa.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko kay Chloe na nakatayo sa paanan ng ulo ng humahabol sa amin. "Kailangan natin siya." Sagot naman niya at ikinumpas ang kaniyang wand. Pinatigas niya ang kawatan ng lalaki at pinalutang ito.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko ulit dahil hindi ko talaga maintindihan ang sinabi niya. Tumingin siya sa akin na para bang nababagot siya. "Kailangan nating makakuha ng impormasyon tungkol sa Necromancer diba? kaya nararapat lang na mabuhay pa siya upang makakuha tayo ng impormasyon." Sagot naman niya at nauna nang naglakad.
Sa kaliwa niyang kamay ay nakasabit ang kaniyang basket at sa kanan niyang kamay ay ang umiilaw niyang wand. Kasunod niya ang lumulutang na katawan ng kanina'y humahabol sa amin.
Doon ko lamang napag tanto na tumigil lahat nang mga warlock sa kanilang mga ginagawa at natunghayan ang mga kaganapan. Napailing ako dahil nadala ako sa pagka inis sa humahabol sa amin. Hula ko'y bukas ay laman na ako ng pahayagan ng mga warlock.
Hinabol ko si Chloe nang linagpasan niya ang poste. "Saan ka pupunta?" tanong ko sa kaniya nang makatabi na ako sa kaniya at panandaliang nilingon ang nakalutang na katawan. "Magpapahatid sa karwahe, alangan namang palutangin ko siya sa labas kung saan nagkalat ang mga normal na tao?" sagot naman niya.
"Hindi ba't mahal ang pagrenta ng karwahe?" tanong ko sa kaniya dahil sa pagkakaalam ko'y isang ginto at dalawang pilak ang kailangan upang makasakay rito. Tumango naman siya, "Huwag kang mag-alala." Sagot niya na may kumyansa.
Sinabi niya ang lokasyon na aming uuwian sa isang matandang lalaki at kasabay no'n ay ang pagpapakita niya ng isang parihabang selyo na pinalamutian ng ginto. Nanlaki ang mga mata ng matanda at agad kaming pinasakay sa isa sa pinaka magandang karwahe nila.
"Ano 'yan?" tanong ko sa kaniya nang makaupo na ako sa tabi niya, sa kasalungat na upuan ay ang nanigas paring katawan ng humahabol sa amin kanina. "Selyo ng aking pamilya." Sagot naman niya at ibinalik na ito sa loob ng kaniyang basket.
"Eh bakit parang nagulat ang matanda kanina?" tanong ko ulit sa kaniya pero nagkibit balikat lamang siya. "Ewan ko." Sagot naman niya at tumingin na sa bintana na kung saan tanaw ang mga ulap.
Tinitigan ko lamang siya at talaga namang madami akong hindi nalalaman sa kaniya. Lumapag na sa lupa ang mga paa ng mga pegasus at kasunod namang bumaba ang mga gulong ng karwahe.
Pinagbuksan nila kami at inalalayan pang bumaba. "Salamat." Sabi ni Chloe at humakbang na siya palapit sa pintuan ng bahay na tintuluyan namin. Nagkaroon ng malakas na hangin dahil sa papagaspas ng mga pakpak ng tatlong pegasus na humihila sa karwahe.
Mabilis itong naglaho sa kalangitan. Kumatok muna ako bago pinihit ang pihitan ng pintuan gamit ang pasmado kong kamay. "Nakabalik na po kami." Sabi ko upang malaman nina tita na nakabalik na nga kami.
"Sino 'yan?!" gulat na tanong ni tita nang makita ang nakalutang na lalaki, nagkibit balikat ako at hinayaang si Chloe ang magpaliwanag. Sumunod namang lumitaw sina tito Damyan at Michael.
"Hinabol po kami nito no'ng nasa Dukesberg kami ni Lych, ang hinala ko ay isa siya sa mga taga sunod ng Necromancer kaya naisipan kong gawin siyang bihag upang mapagtanongan natin ng impormasyon tungkol sa Necromancer." Paliwanag naman ni Chloe na ikinumpas ang kaniyang wand at iniupo sa isang upuang gawa sa kahoy.
Gamit ang isang makapal na tali ay itinali ni Michael ang katawan ng humabol sa amin kanina sa upunat at siinigurong hindi ito makakawala. "Mabuti kong gano'n." Kumento naman ni tito at sininyasan si Chloe na hayaan nang makapagsalita ang bihag.
Matapos tanggalin ni Chloe ang spell na bumalot sa katawan nito ay sunod niyang tinanggal ang suot nitong sumbrero at maging ang nakatakip sa mukha nito. Isa pala itong baba at ay peklat sa taas at babang bahagi ng kaliwa niyang mga mata.
Ikinumpas ni tita ang hawak niyang wand nang magsinulang magsisigaw ang aming bihag. Nawala ang bibig nito dahilan nang muling pagtahimik ng loob ng bahay. "Hintayin niyo munang kumalma 'yan." Sabi namin ni tita bago humakbang palapit kay Chloe.
Kinuha niya ang basket mula sa kaniya at dinala sa mesa kung saan inilapag niya ang laman ng basket. "Kouti." Sabi ni Chloe at ikinumpas ang kaniyang wand, pagkatapos ay unti-unting nabuo ang isang kahon na pumalibot sa aming bihag na gawa sa isang makapal na uri ng salamin.
Nauna nang umalis sina tito at Michael mula sa aming kintatayuan at sinamahan si tita. Sumunod naman si Chloe habang ako'y naiwan dito na nakatitig sa babaeng ito. Balak niya kaya kaming patayin kanina?
Isa ba ito sa paraan ng Necromancer sa mas maagang pagpaslang sa amin at maisakatuparan na ang kaniyang plano?
Nagkibit balikat na lamang ako at tinalikuan na ang babae matapos ay umupo na ako sa mesa at inilabas ang aking cellphone.