Lych,
"Bilisan mo naman." Sabi ni Chloe at kasabay no'n ay ang pag lingon niya sa akin dahil siya'y nauunang maglakad kumpara sa akin. "Ang bilis mo kasing maglakad." Sagot ko naman sa kaniya at tumakbo ng panandalian hanggang sa makasabay ako sa bilis niya at tumabi sa kaniya.
Nasa kaliwang bahagi ko siya at naglalakad kami ngayon sa gilid ng daan. Madami ding mga sasakyan na dumadaan dahil nga sa national high way ang dinadaanan namin ngayon. Umakyat kami sa underpass para tumawid patungo sa kabilang bahagi ng daan at makapunta sa lugar na aming pupuntahan.
Nilingon ko si Chloe habang kami'y naglalakad. Diretso ang kaniyang tingin at tahimik habang nakasabit sa kaniyang kaliwang kamay ang isang basket na gawa sa abaka at may palamuting mga bulaklak sa gitna nito na gawa naman sa straw.
Siya mismo ang gumawa nito kaya nakakabilib at napakaganda ring tingnan. "Oh, ano ang tinitingin-tingin mo?" tanong naman niya nang lumingon siya sa akin. Agad ko namang ibinalik sa harapan ang aking paningin.
"Wala." Sagot ko naman at binilisan ang paglalakad. Pagbaba namin sa overpass ay lumiko kami at dumiretso sa isang bakanteng lote sa pagitan ng dalawang nagtataasang mga gusali kaya rin siguro walang nakakapansin dito at walang nagtatangkang bumili.
Nagpatuloy ang aming paghakbang hanggang sa nasa harapan na kami ng pader na dinaanan na ng panahon. Nasa harapan ko si Chloe pero nakikita ko parin ang kaniyang ginaga, inilabas niya ang kaniyang wand mula sa kaniyang basket at itinutok ito sa pader.
Paikot ang kumpas ng kaniyang kamay at kasunod no'n ay ang pagliwanag ng pabilog na marka sa pader. "Anoixe." Bulong niya at idinikit ang dulo ng kaniyang wand sa pinaka gotna ng bilog na unti-unting naghiwalay.
Una ay naging hitsurang makina muna ito ng orasan hanngang satumabi ang parang mga pyesa at lumitaw ang isang lagusan. Naunang humakbang papasok si Chloe bago ako sumunod at nang makahakbang na ako sa kabilang bahagi ng lagusang ay nanumbalik na ang dating hitsura ng pader.
Ni lingon ko ang aking likuran at ang pader na pinasukan namin ay isa sa mga poste dito sa aming pinuntahan. "Welcome to Dukesberg." Sabi ng isang lalaking mas matangkad sa amin at kasabay no'n ay ang bahagya niyang pagyuko habang hawak ang kaniyang sumbrero.
Nginitian naman siya ni Chloe bago kami nagpatuloy sa paglalakad. "Nasa 'yo ba ang listahan?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami at pinagmamasdan ang mga tindahan dito sa Dukesburg.
Madami din ang kapwa naming warlock dahil araw ngayon ng Sabado at mas maraming nagtitinda kumpara sa nalalabi pang araw ng kalendaryo. "Siyempre." Sagot naman niya at ipinakita sa aking harapan ang hawak niyang mahabang papel.
Tumango naman ako at ibinalik na niya ang kaniyang kamay na may hawak ng papel sa kaniyang puson. "Ano ang unang nakalista?" tanong ko ulit sa kaniya at sa pagkakataong ito ay nilingon ko na siya.
Panandalian kaming tumigil sa aming paglalakad at tiningnan ang hawak niyang papel. "Rabbit's foot." Sagot niya habang binabasa ang naka sulat sa papel at kasunod no'n ay pag angat ng kaniyang paningin at iginala ang mga mata.
"Sa Ohenuk's 'yan." Sabi ko naman at itinuro ang isang tindahan sa pinaka dulo. Nauna akong naglakad upang ituro kay Chloe ang daan dahil mukhang hindi niya alam ang tindahang ito. "Naririto na tayo." Sabi ko at sabay ang aking pagtigil at tiningala ang malabo nang palatandaan ng tindahan.
Napataas naman ang aking mga kilay ng maramdaman ang pagbangga ng mukha ni Chloe sa aking likuran, agad akong humakbang at ni lingon siya para lang makita ang naiinis niyang mukha.
"Bakit ka kasi biglang tumitigil?!" reklamo niya at kasaby no'n ay ang pag irap niya. Umiling na lamang ako at hindi na nakipag palitan pa ng salita sa kaniya at nauna nang pumasok sa tindahan.
Sa pagtulak ko sa pintuan ay tumunog ang maliit na bell na nakasabit sa frame ng pintuan. Nadinig naman ito ng isang matandang warlock na nasa likod ng isang mesa, tuluyan na akong pumasok at hinawakan ang pintuan para kay Chloe.
Nang makapasok narin siya ay isinara ko na ang pinto dahil wala namang sumunod sa amin. "Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo sa araw na ito?" malumanay na tanong ng matandang warlock habang patayo siya sa kaniyang kinuupuan.
Nakasuot siya ng kulay kapeng damit at pinatungan niya ito ng itim na apron na sa mga bulsa nito ay may iba't ibang matutulis na kagamitan. "Kailangan po namin ng rabbit's foot." Sagot ni Chloe at naunang lumapit sa matanda.
Nasa likuran lang niya ako at tinitingnan ang mga naka display dito sa loob. Puno ito ng mga aprador na maraming mga parihabang maliliit na pintuan. Bawat pintuan nito ay may nakalagay na pangalan.
"Ah." Sabi naman ng matanda at itinaas ang kamay niya at ang kaniyang hintuturo na kalebel ng kaniyang mata. Tumalikd siya kay Chloe at lumapit sa isang aparador, habang ginagawa niya iyon ay lumapit ako sa tabi ni Chloe.
"Patingin nga ng listahan." Bulong ko sa kaniya, sa una'y ayaw niya pero napilitan din. Nilingon ko na muna ang matanda na hinila ang isang pintuan sa aparador na kaharap niya. Nasa tuktok ito ng kaniyang ulo kaya gumamit siya ng maliit na hagdan upang maabot ito.
Tiningnan ko naman ang listahang hawak ko at binasa sa aking isipan ang mga nakalathala dito. Kailangan din namin ng wolf's fang at claw, crow's skull, eye of a cyclops, feather of griffin, two drop tears of a snail.
Lahat ng mga bagay na iyon ay mabibili namin rito. Hindi naman pala ganoon kahirap itong iniutos sa amin ni tita, matapos kong basahin ang listahan ay sakto namang pabalik na ang matanda sa aming harapan.
Bitbit niya ang isang kahon na naglalamanng aming hininging sangkap. Binalot niya ito ng isang manipis na tel bago ibinigay kay Chloe na agad naman niyang inilagay sa kaniyang basket. "May kailangan pa ba kayo?" tanong niya at magkahawak ang dalawa niyang palad sa tapat ng kaniyang puson.
Huminga ako ng malalim bago binuksan ang aking bunganga upang magsalita. "Kailangan pa po namin ang mga bagay na ito." Sabi ko at iniabot sa kaniya ang hawak kong listahan na tinanggap naman niya gamit ang dalawa niyang palad na kulobot na dahil sa katandaan.
"Hmm, maupo na muna kayo habang hinhintay ang inyong mga sangkap" Suhestyon niya na may ngiti sa kaniyang mukha at itinuro ang mahabang upuan sa gilid ng isang kabinet. Tumango naman kaming pareho ni Chloe, "Salamat po." Sabi niya pa bago kami umupo sa upuan.
"Isang ginto lahat." Sabi ng matanda nang maiabot na niya kay Chloe ang lahat ng nasa listahan at bago niya ilagay iyon sa kaniyang basket ay tinulungan ko siyang tingnan kung tama ba lahat ng ibinigay niya sa amin.
Nang masiguro nga naming tama lahat ng sangkap na ibinigay niya sa amin ay inilabas ko mula sa aking bulsa ang isang maliit na pouch atbinuksan ko ito. "Maraming salamat po." Sabi ko sa kaniya habang ibinibigay ang isang piraasong ginto bilang bayad sa lahat ng sangkap.
Ngumiti naman ang matanda bago ibinulsa ang ibinayad ko at tumalikod na sa amin. "Wala na bang ipinapabili si tita?" tanong ko kay Chloe nang makalabas na kami mula sa Ohenuk's. "Wala na." Sagot naman niya haban inaayos ang kaniyang buhok.
"So uuwi na tayo?" tanong ko ulit sa kaniya, baka lang naman kasi gusto niyang maglakadlakad pa dito, may mga kainan din naman kasi dito. "Oo." Sagot niya at naunan nang naglakad, umiling naman ako dahil sa sagot niya.
"Mamaya na." Sabi ko at pinigilan ko siya sa paglakad sa pamamagitan ng paghila sa kaniyang kanang kamay. Tiningnan niya ako ng masama, "Ano ba, kailangan na ito ni tita." Sabi naman niya at pilit na hinihila ang kaniyang kamay.
Umiling ako.
"Kumain muna tayo." Sabi ko naman at hinawakan ang aking sikmura gamit ang kaliwa kong kamay. Bumuntong hininga naman siya bago sumang-ayon kaya napangiti ako at hinila siya papunta sa kainan na paborito naming puntahan ni papa.
"Umupo ka lang dito at ako na ang oorder." Sabi ko at iniwan ko siyang naka upo sa pangdalawahang mesa. "Dalawa nga pong beef pares at dalawang 8oz na inumin." Sabi ko sa ale nang makarating ako sa lugar kung saan maaring mag-order.
Ngumiti naman ang ale bago tumalikod mula sa akin. Umalis na ako doon dahil may mga susunod pa sa akin kaya bumalik na ako at umupo sa harapan ni Chloe. Sila mismo ang mag hahatid ng order dito sa aming mesa kaya hindi na naminkailangang mag abala pa.
Hindi nagtagal ay dumating ang isang babae na nakasuot ng isang stripes na apron at naka hair net din siya. Sa kaniyang likuran ay ang iba't ibang uri ng pampalasa na nakalagay sa mga bote habang ang mga ito'y naka lutang.
"Maraming salamat." Sabi ni Chloe sa babae nang maibaba na niya ang bitbit niyang tray sa aming mesa. "Meron po ba kayong tissue?" tanong ko naman sa kaniya habang nakatingin ako sa kaniyang mukha.
Tumango naman siya at itinuro ang kabilang mesa. "Kunin niyo na lang ang nando'n." Sagot naman niya bago kami iwan at kasabay no'n ay ang paglapag ng mga pampalasa sa ibabaw ng aming mesa.
"Ano 'to?" tanong niya habang tinititigan ang kaniyang pagkain. Napa iling naman ako, "Ha?" tanong ko dahil iyan lang ang lumabas mula sa aking bunganga. "Ano ang pagkaing ito ika ko." Sagot naman niya at panandaliang lumingon sa akin bago ibinalik sa isang mangkok ng beef pares.
Nagsalubong ang aking mga kilay dahil sa kaniyang sinabi. "Saang lupalok kaba nanggaling at hindi mo alam ang tawag sa pagkaing ito?" tanong ko naman sa kaniya dala narin ng pagkagulat.
"Sa Flowerton." Sagot naman niya at nag kibit balikat. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit hindi niya alam ang pagkaing ito dahil mula siya sa syudad ng mayayaman. "Kaya pala. Beef pares ang tawag sa pagkaing ito." Sagot ko naman at tumango.
"Paano ito kainin?" tanong niya ulit, tumaas naman ang aking mga kilay dahil doon. "Ganito." Sabi ko naman at bahagyang pumaharap upang mas maging malapit ako sa kaniya. Kumuha ako ng mga pampalasa at isa-isa itong binuksan.
Nagbuhos ako ng kaunting mga likidong pampalasa at ang huli kong inilagay ay ang kalamansi. "Ihalo mo na." Suhestyon ko naman sa kanya at ibinaba na ang walang laman nang kalamansi at pagkatapos no'n ay kumuha ako ng tissue upang punasan ang daliri ko.
"Okay." Sagot naman niya at inangat na niya ang kaniyang kutsara. Ngumiti naman ako at sinimulan na din ang paglalagay ng pampalasa sa aking pagkain. Napangiti naman ako nang marinig ang kaniyang pagkatuwa matapos niyang humigop ng sabaw.
"Masarap?" tanong ko sa kaniya at humigop na rin ng sabaw matapos kong haluin ito. "Hmm." Sagot niya habang may pagkain sa loob ng kaniyang bunganga. Ngumiti ulit ako dahil doon pero nabulabog ang tahimik naming pagkain nang tumogtug ang isang banda.
Nasa gitna ng daan sila at dahil nga sa sabado ngayon ay marami ang nanonood sa kanilang pagtatanghal. Hindi namin tanaw mula rito sa aming kinauupan dahil sa dami ng nakaharang na mga nanonood.
Nakatingin lang ako kay Chloe habang pinoproblema niyang kunin ang isang piraso ng karne sa kaniyang mangkok. Nakakatawa siyang panoorin, parang isang batang hindi mapulot-pulot ang kaniyang laruan.
Sakto namang humangin ng sakto lang ang lakas upang iangat ang buhok ni Chloe. Napakaganda niyang titigan parang si Jian ang hubog ng kaniyang mukha.
Teka! paano kong siya pala si Jian at natupad niya ang sinabi niya sa aming magkikita kaming muli? napangisi na lamang ako habang iniisip iyon at kung gaano ka walang kwento ang pumasok sa isipan ko.
"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" tanong niya, hindi ko namalayang nakatitig na pala siya sa akin. Itinapat ko ang aking palad sa aking bibig dahil baka maibuga ko ng aksidente ang sabaw na hindi ko pa nalunok.
Umiling naman ako, "Wala." Sagot ko naman ng malunok ko na ang nasa aking bunganga. "Tss." Sabi naman niya at tumingin sa lupon ng mga warlock na nagtatago sa bandang nagtatanghal.
Tumayo na kami matapos naming kumain at nakapag bayad narin ako. Isang pilak at dalawang tanso ang aking ibinayad. "Tara na." Sabi ko at hinawakan ko na ang kaniyang kamay at nauna nang naglakad.
"Hmm." Sabi niya at tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako at nilingon siya. "Bakit?" tanong ko naman sa kaniya at napansin ang pagtingin niya sa kamay kong nakahawak sa mga palad niya.
Ngumiti naman ako at kumindat bago ako muling tumalikod at hinla siya. Sumunod naman siya agad, akala ko ay mag po-protesta pa pero hindi na pala.
Habang naglalakak kami sa mga pagitan ng maraming warlock ay may napansin ako sa aming harapan kaya napatigil ako at muling nabangga si Chloe sa aking likuran. "Bakit?" tanong niya at sumilip sa likuran ng aking balikat.
"May nakaabang sa atin." Sagot ko at hinila siya palayo doon. "Ha?" tanong niya ulit habang sumusunod sa akin. "Basta, kailangan nating makalayo." Sagot ko naman at mas binilisan pa ang aking pagtakbo.
Inilabas ko narin ang aking wand.
Kahit na anong mangyari ay poprotektahan ko si Chloe kahit ang kapalit pa nito ay ang aking buhay.