CHAPTER 24: Two Defeats One

1521 Words
Sylvana, Agad kong inatake ang halimaw na biglang lumitaw mula sa aking itaas. Mabuti na lamang at agad kong nadama ang malakas na pwersang papalapit sa akin mula sa aking ulo dahil kung hindi ay napisa na ako. Nasa likuran ako ngayon ng isang mataas na stalagmite. Isang orc ang aking katangguli ngayon, isang mataas na halimaw at mataba. Meronng hitsurang baboy ang ulo nito at may dalawang pangil sa kaniyang ibabang gilagil na sa haba ay pumataas ang dulo nito. Bagamat sa hindi nagsasalita ay hawak niya ang isang malaking puno na siyang ginagamit niya pang atake sa mga nasasalubong niya. Patuloy ang kaniyang pag sira sa mga stalagmite at sa kahit ano pang nakaharang sa dadaanan niya. Nang maraamdaman ko ang pagyanig ng lupa sa aking pinagtataguan ay agad akong tumalon at sa pagkakataong ding 'yon ay tumama ang hawak ng orc na malaki't matabang puno. Nagsiliparan ang debri ng napira-pirasong stalagmite.  Kinuha ko na ang oportunidad na 'yon at tumalon sa pinakamataas na bato at iniluhod ang kanan kong paa at itinaas ang aking wand hanggang sa maging kalebel nito ang aking dibdib. Kasunod no'n ay ang pagbulosok ng apoy mula sa dulo ng aking wand hanggang sa katawan ng orc. Ngunit parang hindit ito naapektuhan sa apoy at patuloy lamang ito sa pag;akad at hindi alintana ang apoy na sinasalubong ng kaniyang tiyan. Nang wala na talaga itong epekto ay tumalon ulit ako patungo sa isa pang mataas na bato. Sakto namang inihampas niyang muli ang kaniyang hawak na puno. Sa laki niya ay kahinaan niya ang bilis, mabagal ang kaniyang galaw kaya hindi siya agad nakakapag react. Makapal din ang balat nito kaya napapaisip ako kung ano ang tamang spell na gagamitin ko upang mapatumba ang halimaw na ito. Muli kong itinutok ang aking wand sa kaniya at inatakeng muli. Mula sa dulo ng aking wand ay lumabas ang yelo na pinatama ko sa lupa at mabilis na lumaki at pinalibutan ang mga kamay at paa ng orc na ito. Nagpupumiglas ito ngunit hindi niya kayang basagin ang mga yelo na bumihag sa kaniya. Lumipat pa ako sa nakita kong mas mataas na stalagmite at doon muling pumwesto. Itinutok ko ang aking wand sa ulo ng orc at mula sa dulo nito ay lumabas ang malakas na bulosok ng tubig na bumasa sa buong katawan ng orc. Pagkatapos nito ay sinundadn ko naman ng malakas na elektrisidad at dumaloy sa tubig. Nagsama ang dalawa kong atake at nang tuluyang kumapit ang elektrisidad sa katawan ng orc ay sumigaw ito. Nakakabingi kaya gumamit ang ko ng spell na nangpapawala sa aking pandinig. Tumayo ako at naghintay sa magiging resulta ng pinag halo kong atake pero nadismaya ako dahil hindi nito tuluyang napatahimik ang halimaw. Natuklap lang ang balat sa kalahating mukha niya at maging ang kaniyang tiyan ay nabuksan din. Lumabas ang ilan  niyang laman loob at dumaloy ang napakaraming dugo pero nakakaya parin nitong gumalaw at makalaya mula sa yelong pumipigil sa kaniya. Yumuko siya at hinawakan ang laman loob niyang naka labas. Hinila niya ito at matapos ay sumigaw siyang muli pero hindi ko nadinig salamat sa aking spell. Tumayo na ito at mukhang mas galit na ito kumpara kanina. Minabuti kong maging maiingat sa galaw ko dahil mas naging agresibo pa ito. Umuusok pa ang buong katawan niya dulot ng elektricidad na kaniyang tinanggap na sa kasamaang palad ay hindi tumapos sa kaniya. Siniria nito lahat ng nasa paligid niya at nag resulta ito sa pagyanig ng buong kweba at pagbagsak ng mga bato. Kung ipagpapatuloy niya ang ganito ay maaring mabaon kaming dalawa dito. "Ikaw lang ang mababaon dito." Sabi ko sabay ng isang ngisi. Nasa edad na ako kung saan ay madami na akong naging karanasan sa buhay at hindi ko hahayaang magtapos ito dito kasama ang isang halimaw na ito. Tumalon ako pababa ng stalagmite na ito at umikot sa ere upang sa aking pagbagsak sa lupa ay sa dalawa kong paa ang unang babagsak sa lupa at hindi ang aking mukha. Mabilis ang aking naging pagtakbo. Gumawa ako ng mga espadang gawa sa apoy na nasa mahigit isang dusena. Kasabay ko sila sa aking pagtakbo na nakalutang lang sa aking likuran. Sa tuwing ikukumpas ko ng pahiwa ang kamay kong may hawak ng aking wand ay may isang espadang bumubulosok at tumutusok sa likuran ng tuhod nito. Mabagal man ang kaniyang paggalaw pero ang isang paikot na atake niya ay napakalawak kaya kaiulangan ko pang dumapa para lang maiwasan ito at hindi matamaan. Hanggang sa iisang atake na lang ang aking ginawa dahilan upang mapaluhod ang orc. Pero mali ang aking pagkakakalkula. Naipit ang paa ko sa pagitan ng dalawang bato at kasabay nito ay ang katawan ng orc na pabagsak na sa akin. Napalunok ako ng aking laway, hindi ko na naisipang basagin ang bato kundi gumawa na lang ng malakas na spell upang pigilan ang katawan ng orc. Napuruhan ng matindi ang ugat sa kaniyang paa kaya kahit na buhay pa siya ay wala na siyang kakayahang tumayo pa. "Ahhh!" sigaw ko upang mas mapatindi ang aking pwersa pero malapit nang mapagod ang aking katawan at maubos ang aking enerhiya. Nang oras na 'yon ay napapikit na lamang ako at kasabay no'n ang pagkabasag ng spell na pumipigil sa katawan ng orc.  Napamulat na lang ako nang maramdaman ang mainit na usok na dumampi sa aking balat at nagulat ako sa aking nakita. Isang malaking apoy na nagkurteng ibon ang pumrotekta sa akin at nasa loob ako nito habang hawak ang katawan ng orc. "Tamang-tama ba ang pagdating ko?" tanong ng isang pamilyar na boses sa aking likuran at nang nilingon ko ito ay napakunot ang aking noo. "Baltazar?" tanong ko sa lalaking nasa harapan ko. Ngumisi naman siya. "Wala bang thank you diyan?" iniangat niya ang dalawa niyang kamay. Umiling ako, "Tapusin mo na kaya ang orc?" suhestyon ko naman sa kaniya at ni lingon ang katawan ng orc. "Your welcome." Sabi niya at matapos no'n ay tumayo siya sa tabi ko at itinaas ang dalawa niyang mga kamay mas mataas sa kaniyang ulo at ikinumpas ng marahan ang mga kamay niya papunta sa kaniyang tagiliran at kasabay nito ang pagkahiwa ng likuran ng orc. Hanggang sa ito'y nasunog nang tuluyan at nagkaroon ng malakas na pagsabog. Isinangga ko ang aking kamay sa aking mata upang maprotektahan ang mga ito. Napayuko ako at nakita ang nakaipit kong paa. Gamit ang wand ko ay gumamit ako ng spell na bumasag sa mga bato at nakalay din sa wakas ang naipit kong paa.  Sa muling pagkumpas ng kaniyang kamay ay nawala na ang usok na bumalot sa aming dalawa. Hindi na ako nakipag usap pa sa kaniya ng makita ang librong lumutang mula sa katawan ng orc. Agad ko itong kinuha gamit ang mahika at pinalapit ito sa akin. "Ano iyan?" tanong ni Batazar kaya tiningnan ko siya habang hawak ang libro. "Libro ng nakaraan." Sagot ko naman sa kaniyang katanungan habang nakatingin ako sa kaniya'y nakatitig siya sa libro. "Paano mo nalaman ang tungkol diyan?" tanong ulit niya. "Hindi ko na masasagot ang iyong katanungan sapagkat ako'y nagmamadali." Sagot ko sa kaniya at agad na inilagay sa loob ng aking roba ang libro. "Dahil ba sa Necromancer?" tanong niya at may pangamba sa kaniyang tono. Tumango ako, "Nadali mo," sabi ko at tinapik ang balikat niya. "Maraming salamat kaibigan." Dagdag ko pa at nang tangka na akong lumabas mula sa kweba ay hinigit niya ang kamay ko. "Kung kailangan mo ng tulong ko ilawan mo lang ito." Sabi niya na seryuso ang kaniyang tinig. Nadama ko naman sa aking palad ang isang bagay. Tumango ako at matapos no'n ay agad na akong lumabas at hindi na siya hinintay. Hindi na ako sasakay pa sa kaniyang bangka dahil pagkalabas ko ay sumipol ako. Mula sa himpapawid ay humuni ang isang ibon. "Ang aking griffin." Bulong ko sa aking sarili habang hinihintay ang tuluyang pagkababa niya. Nang malapit na siya ay binigyan ko ng lakas ang aking mga paa at tumalon. Mabilis naman niya akong nasalo at ngayon ay nakasakay na ako sa likuran nito. Lumipad ito pataas at mabilis na sinalubong kaulapan. Madilim na kaya minabuti kong bumalik na sa Fleurton at bigyang oras na basahin ang librong ito. Bumaba ako sa harapan ng tower kung saan nakapaloob ang aking opisina at matapos non ay hinimas ko ang balahibo ng aking griffin bago tinapik at pinanood na lumipad. Kasabay ng kidlat ay ang paglaho niya na parang bola. Pumasok ako sa tore at dineretso agad ang aking opisina. Agad akong umupo sa aking lamesa at tinanggal ang suot kong roba bago naupo sa aking upuan. Inilapag ko ang aking wand at kinuha mula sa bulsa ng aking roba ang libro. Inilagay ko ito sa ibabaw ng mesa at tinitigan ito. Makaluma ang paraan ng pagkakatipontipon ng mga pahina nito. "Til of Tales." Basa ko sa nakasulat sa pabalat at nakita din sa ilalim nito ang pangalang Hua Jian. "Kung ano man ang laman mo, sana'y makabuluhan ito dahil muntik nang buhay ko ang maging kapalit ng librong ito." Sabi ko na parang kinakausap ang libro at akala mo nama'y sasagot ito. Binuklat ko ang libro at sa unang pahina pa lamang ay nakuha na nito ang aking interes. Malaki ang maitutulong nito sa aking pamangkin at sa anak ni Damyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD