CHAPTER 23: Cave of Secrets

2067 Words
Sylvana, Sinundan ko ng tingin ang pag alis nina Damyan sa aking harapan. Agad akong dumungaw sa bintana na nasa aking likuran at naghinaty ng ilang sandali. Iniluwa ng isa sa mga pintuan ng toreng kinalalagyan ng aking opisina sina Damyan at Mira na bitbit ang kulungan nina Michael at Lych na anyong uwak. Tumingala ako kasunod ng paglipad ng sinakyan nilang karwahe at pumasok sa isang ulap. Hindi na ito muling nakita at naglaho kasabay ng hangin. Bumuntong hininga ako at niyakap ang sarili, nakadama ako ng pag aalala para sa aking inosenteng pamangkin. Napatawan siya ng isang mabigat na kapalaran na kailangan niyang harapin sa kaniyang murang edad. Narinig ko naman ang tunog na linikha ng pintuan ng aking opisina kaya agad akong lumingon upang makita kung sino ang pumasok. "Headmistress," sabi niya "May nag hahanap po sa inyo." Nakatayo sa aking harapan ang isang propesor na nagtuturo dito sa Fleurton, si Professor Hilda. Humakbang ako mula sa aking kinatatayuan at bumaba dahil ito ay nakaangat ng bahagya at bumalik ako sa aking upuan. "Sino naman iyon?" tanong ko naman sa kaniya bago siya mas lumapit sa aking harapan, nasa pagitan namin ang aking mesa. "Ang Head Minister, Professor." Sagot niya na tila may pagamba sa kaniyang boses. "Nasaan siya?" tanong ko naman sa kaniya at nilingon ang kaniyang likuran pero wala akong nakita ni anino man niya. "Nasa labas pa, Professor." Sagot niya naman at itinuro ang pintuang nagtatago sa aking opisina. "Ano pang ginagawa mo, papasukin mo na siya." Utos ko naman sa kaniya, dali-dali siyang humakbang palayo sa akin hanggang sa makalabas siya. Isinandal ko ang aking likuran sa aking inuupuan at inayos ang suot kong antipara. Ano naman kaya ang ipinunta niya rito?  Ilang saglit pa'y iniluwa ng pintuan ang Head Minister. Palapit ngayon sa akin ang isang lalaking maayos ang pananamit, maayos ang buhok at maaliwalas ang mukha. Siya ang bagong talagang Head Minister, pinalitan niya sa pwesto ang kaniyang ama. "Head Minister Lucas Graton." Bati ko sa kaniya at tumayo upang makipag kamay. Ngumiti siya at inabot ang aking kamay, "Headmistress Sylvana." Sabi naman niya habang nakikipag kamay. "Maupo ka." Alok ko sa upuang nasa harapan ko at nasa kanang gilid niya matapos maghiwalay ang aming mga kamay. "Hindi na ako magpapaligoyligoy pa, naririto ako dahil sa may impormasyong nakaabot sa akin." Pauna niyang salita nang makaupo saiya, nagkunot naman ang aking noo mula doon. "Ano na man iyon?" tanong ko at pinag salubong ang mga daliri ko sa tapat ng aking bibig at ipinatong ang mga siko sa mesa. Tumikhim siya, "Pinilit mo daw makuha ang isang propesiya?" sagot naman niya at tumitig sa aking mga mata na animo'y kinikilatis ang aking kaluluwa. Hindi ko ikakaila, mahusay siya sa kaniyang tungkulon at animo'y mas matanda siya sa akin sa kaniyang pananalita. Muli kong isinandal ang aking sarili at sa ilalim ng aking mesa ay pinag kuros ang aking mga paa. "Nandito ka ba para arestuhin ako?" tanong ko sa kaniya at hinawakan ang magabilang hawakan ng aking inuupuan. Umiling siya, "Hindi ko gugustuhing sayangin ang oras ko sa pag aresto sa tulad mong mas madulas pa sa higad." sagot naman niya at ipinatong ang mga kamay sa ibabaw ng mesa. "Kung ganoon, ano ang iyong pakay sa iyong pagbisita sa munti kong paaralan?" tanong ko naman. Nakahanda na akong tumakas kanina kung talagang nandito siya para arestuhin ako. Gamit ang kaniyang hintuturo at hinlalaki ay hinawakan niya ang kaniyang baba para mag-isip bago niya ako muling ni lingon. "Naparito ako upang kompirmahin na ang kalahati ng propesiya ay hawak ng Necromancer." Sagot niya sa aking katanungan. Bumuntong hininga ako, "Tama, sa kasamaang palad ay nag pang abot kami ng mga taga sunod ng Necromancer at nakuha ang kalahati nito." Sabi ko bilang pag kumpirma sa kaniyang alinlangan. Tumango siya at itinaas ang kaniyang hintuturo, "Ibig sabihin nito'y nasa malaking kapahamakan ang iyong pamangkin na sa aking pagkakaalam ay taglay ang kaoangyarihan ng isang lightborn?" tanong niya at kasabay nito ang bahagyang paglaki ng kaniyang mga mata. Nagsalubong ang aking mga kilay at nagkaruon ng pagdududa sa lalaking kaharap ko ngayon. "Papaano mo nalaman?" tanong ko naman pabalik sa kaniya. Ngumisi ito, "Baka nakakalimutan mo Headmistress, ako ang Head Minister at madami akong mata." Sagot naman niya habang napanatili ang kaniyang ngisi. "Nakumpirma mo na ang bagay na iyong pinagaalinlangan, ano pa ang ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya, hindi ko hahayaang mag tanong siya ng magtanong tungkol sa kapangyarihan nina Lych at Michael. Naningkit ang kaniyang mga mata, "Hindi kaya't meron kang itinatago sa likuran ng Ministry?" tanong niya na tila inuusisa ako. Muli kong inayos ang aking antipara at tumikhim bago sinalubong ang mga mata niya. "Tapat ako sa tama, alam mo 'yan." Tugon ko naman upang ilayo ang kaniyang utak. "Pero hindi mo pinagkakatiwalaan ang Ministry, tama ba?" tanong naman niya at muling nagkaroon ng ngisi ang kaniyang mukha. "Wala akong sinasabi." Sagot ko naman sa walang kabuluhang tanong niya. Tumayo na at sinundan ko lang ng tingin, naka marka parin ang ngisi sa kaniyang mukha na habang tumatagal ay nakaka iritang makita. "Kung ano man ang binabalak mo, siguraduhin mo lang na magtatagumpay ka. Masyadong malakas ang pwersa niya, hindi natin alam baka bukas kalaban mo na ang lahat." Sabi niya na may pagbabanta sa kaniyang tinig. Hindi ako umimik at pinanuod lang ang kaniyang pag-alis at ang paglabas niya mula sa aking opisina. Humiwalay ang likuran ko sa aking sinasandalan at pinag salubong ang aking mga daliri sa tapat ng aking bibig at ipinatong ang mga siko sa ibabaw ng mesa. Nakatitig lamang ako sa aking pintuan habang napapaisp sa kung ano ang ibig niyang sabihin sa mga huli niyang saliya. Maari kayang papanig siya at ang buong Ministry sa pwersa ng Necromancer kapag nag kataong nabigo ang aming mga plano? Bumuntong hininga ako at umiling. Naisipan kong tumayo at humakbang palapit sa isang salamin na nakadikit sa pader ng aking opisina. Tumayo ako sa harapan nito at walang repleksyon ang lumitaw. "Mirror of Snevaeh." Bulong ko upang lumitaw ang isang transparent na bagay sa gitna ng salamin. Ito ang salaming nag bibigay pagkakataong maka-usap ang kahit na sino mang nilalang na nasa kabilang mundo na. Unti-unting lumitaw ang mukha ng dati kong propesor at ang dating Headminister dito sa Fleurton. "Professor, hindi ko na alam kung tama pa ba ang ginagawa ko." Sabi ko sa aking nasa harap. Iminulat niya ang kaniyang mga mata, "Sylvana, lagi mong tatandaan na ang kapangyarihan ng isip ay hindi ka kailan man bibiguin, sundin mo lamang ang alam mong tama at hintaying magbunga." Tugon naman niya. Huminga ako ng malalim at tumango, may sasabihin pa sana ako kaso biglang nawala ang mukha ng aking propesor at napalitan ito ng isang mukha ng lalaki na parang ka edad ko lang base sa kaniyang hitsura. Naningkit ang aking mga mata. "Professor Sylvana," tawag nito sa akin na aking ikinagulat, nagkunot ang aking noo dahil alam niya ang aking pangalan ngunit hindi ko naman siya nakilala sa tala ng aking buhay. "May pakiusap ako sa'yo." Sabi pa niya na parang nagmamadali. "Ano iyon?" tanong ko naman kahit na hindi ko alam kung sino itong kausap ko. "Kailangan kong makuha mo ang librong sinulat ni Hua Jian sa kweba ng Jimi." Sabi niya. "Ano naman ang gagawin ko doon?" tanong ko naman sa kaniya. Ayon sa mga kwento, ang kweba ng Jimi daw ay ang tahanan ng isang kayamanan na kapag nakuha mo ay magbibigay ito ng walang hanggang kasaganaan. "Kailangan kong makuha mo ang librong sinulat ni Hua Jian, sinulat niya ito sa pinaka matandang panahon na inyong nalalaman." Sagot naman niya, nakaramdam ako ng pagkasabik mula sa kaniyang sinabi. Maaring ang librong ito ay naglalaman ng kaalaman na walang sino man ang nakakaalam. "Maari ko bang malaman ang iyong pangalan?" tanong ko sa kaniya, pagsang-ayon ko na rin sa kaniyang pakiusap. "Kapag nakuha mo na ito at napag-arala ay maari mong ibigay ito kina Lych dahil sa ito'y makaka tulong sa kanila. 'Wag mong kalilimutan, ako si Chu Adal Gard." Sagot niya at matapos no'n ay bumalik na sa dating anyo ang salamin. Wala na akong ankikita rito maliban sa pilak. Sa tabi ng salamin ay ang malaking globo na naglalaman ng kabuuang mapa sa daigdig. Inikot ko ito at hinanap ang lugar kung saan naka himlay ang kweba ng Jimi at nang mahanap ko ito ay nakadama ako ng kaba. Isang hiwalay na isla ito at mukhang mahihirapan akong makapunta roon. Nang subukan kong mag teleport deretso doon ay bumalik lamang ako dito sa loob ng aking opisina kaya napagtanto kong meron itong mahika na pumipigal sa pag teleport ng kung sino man. Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon at nag teleport sa pinakamalapit na syudad sa isla ng Jimi. "Sylvana?" tanong ng isang boses sa aking gilid na agad kong nilingon. "Baltazar." Sabi ko na may pagkatuwa sa aking boses. "Ano ang iyong ginagawa rito?" tanong niya, "Kailangan kong makapunta sa isla ng Jimi." Tugon ko naman sa kaniyang katanungan. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay, "Ano ang gagawin mo doon?" tanong niya ulit. "Personal na bagay." Sagot  ko naman at bahagyang ngumiti, tumango naman siya. "May sasakyan kana ba? kung wala eh ihahatid na kita." Sabi niya bilang pag presenta sa kaniyang sarili. "Maraming salamat." Sabi ko naman bilang pasasalamat sa kaniyang kabutihan. "Sumunod ka sa akin." Sabi niya bago naunang maglakad kesa sa akin. Naririto ako sa syudad ng mga mangingisda kaya't normal lang na merong malaking bangkang pandagat si Baltazar. Sumakay ako sa kaniyang bangka salamat sa kaniyang tulong sa pag hila sa akin pataas. Ayuko namang gumamit ng mahika sa bawat galaw ng aking katawan. Maikukumpara ito sa maliit na barko. "Umupo kana muna dito." Sabi niya at itinuro ang isang upuan sa loob ng isang kahon na napapaligiran ng salamin. Pagpasok ko ay dito rin ang tatayuan ng mag mamaneho ng sasakyang pandagat na ito. Narinig ko ang malakas na tunog ng pagtaas ng mabibigat na kadena at ang angkla ng sasakyang pandagat na ito. Kasunod no'n ay ang pagpasok ni Baltazar dito sa aking kinaruruonan at isinara ang pinto bago pinaandar ang makina. Sinalubong kami ng malaks na hangin at ang malalaks na alon ng dagat na malapit sa isla. Halos dalawang oras ang biyahe namin bago kami nakadaong sa buhangin ng islang makulimlim ang kalangitan. "Saan mo na balak pumunta?" tanong niya sa akin kaya nilingon ko siya. "Papasok ako sa kweba ng Jimi kaya ayus lang kong maiiwan kana rito." Sagot ko sa kaniyang katanungan habang siya'y baala sa pag-aayos ng lubid sa kaniyang sasakyang pandagat. "Sasamahan na kita." Sabi niya at presenta niya sa kaniyang sarili bago tumalon pababa sa kaniyang bangka. Umiling ako pero nag pumilit siya kaya ngayon ay magkasama kaming naglalakad papunta sa bunganga ng kweba. "Ako na lamang ang papasok, dito ka na lang." Sabi ko at kasabay no'n ang paglingon ko sa kaniya upang tigilan siya sa kaniyang paglalakad. Hindi na siya nakapag pumilit pa dahil ginamitan ko siya ng mahika at pinatigas ang kaniyang buong katawan. "Patawad pero sa akin ang trabahong ito." Sabi ko bilang paghingi ng tawad bago tumalikod at pumasok sa kweba. Natigilan ako sa paglalakad ng makitang wala ng maaring pasukan pa, duda ako doon kaya kinapa ko ang pader. Naghanap ng maaring pihitan o ano mang mekanismo na makakapagbukas rito. Tama ako dahil napansin ko ang isang tatsulok na maliit na bahagi ng pader ng malalaking bato at nang itulak ko ito ay gumawa ng tunog. Bahagyang yumanig ang lupa at nagbagsakan ang maliliit na bato. Bumungad sa akin ang puno ng nag lalakihang kristal na nakakaaya sa aking paningin. Inilabas ko ang aking wand upang gumawa ng liwanag dahil nga sa madilim ang kabuoan ng lugar na ito. Mabagal ang aking paglakad dahil tudo ingat ako sa aking inaapakan, sigurado akong merong mga bitag dito. Hindi naman maaring ang pintuang pader na bato lang ang nag babantay sa kung ano man ang nakahimlay dito. Wala akong ibang pakay kundi ang librong sinasabi ni Chu Adal Gard. Kung totoo ang sinasabi niya, maaring magbigay ito ng bagong kaalaman at pagpapaliwanag tungkol sa pinagmulan ng mahika at kung ano ba talaga ang mga lightborns. Maging ako ay duda sa mga nilalaman ng mga nakalathalang libro tungkol sa kanila. Sa aking paglalim nga ay unti-unti kong naramdaman ang paglamig ng paligid. Tumagos ang lamig sa suot kong roba na maihahalintulad sa pilak ang kulay. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang isang pataas na bahagi ng lugar na ito. Nakadinig naman ako ng mga kaluskos kaya hinanda ko kaagad ang aking sarili sa kung ano man ang biglang lumitaw sa paligid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD