CHAPTER 22: Truth Unfolds

2513 Words
Lych, Sinalubong ng aking mga mata ang nakakasilaw na liwanag nang maka balik na kami sa itaas ng fountain. Nilingon ko ang natutulog na si tito Damyan, nakaupo siya at nakapikit ang mga mata. Nilingon ko si Michael na meroon ding parehong ekspresyon na meron ako. "Halos dalawang araw din tayo doon ah." Magkasalubong ang kaniyang mga kilay habang sinasabi ang mga salitang iyon. Tumango naman ako, "Sa dalawang araw kayang iyon ay hinintay tayo ni tito?" tanong ko naman at ibinalik ang aking tingin sa humihilik pang si tito Damyan. Malinaw pa sa aking isipan ang damit na suot ni tito noong unang pumasok kami rito gamit ang never ending door at nasisiguro kong wala itong pinagbago at ito parin ang suot niya hanggang ngayon. "Posible." Sagot naman ni Michael at nauna nang bumaba mula sa fountain kaya agad naman akong sumunod sa kaniya. Nilapitan namin si tito at hinayaan kong si Michael na ang gumising sa kaniyang tatay. Hinawakan niya ito sa kaniyang mga balikat at marahang tinapaik ang mga ito. "Papa." Tawag niya sa kaniyang papa. Biglang bumukas ang mga mata ni tito at mabilis na hinawakan ang kaniyang baston at agad na tumayo. "Hindi mo ito makukuha!" sabi niya at nakatuktok sa mukha ni Michael na nakaluhod ang dulo ng baston ni tito. Panandalian niyang tinitigan ang mukha ng kaniyang anak bago lumipat ang kaniyang mga paningin sa akin. "Naka balik na pala kayo." Agad siyang tumayo ng tuwid at inalis ang nakatutok na baston sa mukha ng kaniyang anak. Mabilis na tumayo si Michael at pinampag ang laylayan ng kaniyang damit. "Ilang araw po kaming nawala?" tanong ko kay tito nang tuluyan na siyang mahimasmasan. NAgkunot ang kaniyang noo, "Araw? halos dalawang oras lang ang paghihintay ko sa inyo." Sagot naman ni tito at napahawak sa kaniyang baba na animo'y iniisip kung tama aba ang pagka estima niya sa oras nang aming pagkawala. "Ha? halos dalawang araw nga kami doon." Tugon naman ni Michael, "Papaano naman 'yon? ano ba ang ginawa niyo sa ilalim?" tanong ulit ni tito na kapareho naming naguguluhan din. "Madami pong nangyari, napadpad po kami sa nakaraan." Lakas loob kong binasag ang katahimikan. "Mabuti pa't bumalik na tayo sa bahay at doon na mag-usap." Suhestyon naman ni tito na agad naming sinang-ayonan ni Michael. Nang makalapit nga kami sa never ending door ay natigilan kaming dalawa ni Michael at nagtinginan. Taas, baba. "Hindi kaya katawa-tawa ang aming hitsura pag labas namin dito?" tanong ko habang tinitingnan ang aking sarili at ang suot ko. Lumingon naman si tito at nagkibit balikat siya, "Kami lang naman ang makakakita." Sagot naman niya at ibinalik ang tingin sa pintuan. "Sigurado akong pagtatawanan tayo ni Chloe." Mukhang nakikita na ni Michael ang magiging reaksyon ni Chloe kapag nakita niya ang aming kasuotan. Umiling na lang ako at sakto namang narinig ko ang tunog na linikha ng pintuan sa pagbukas nito. Bumungad agad ang lumang disenyo ng bahay na aming tinutuluyan sa aking mga mata. Nakaramdam ako ng kasiyahan dahil sa wakas ay nakabalik na rin kami sa aming mundo kung saan kasama naming namumuhay ang aming mga mahal sa buhay. Naunang lumabas si tito na sinundan ni Michael at namangha ako sa aking nakita dahil sa pagkakataong umapak ang kaliwang paa ni Michael sa sahig ng aming bahay ay parang hangin na nawala ang kasuotan niya at nagbalik sa suot niyang pambahay bago kami pumasok rito. "Mukhang hindi na natin poproblemahin ang magiging reaksyon ni Chloe." Lumingon siya sa akin at nag thubs up. Ngumiti naman ako at mabilis na humakbang paharap at gaya nga nang kay Michael, naglaho din ang aking kasuotan at bumalik ang suot kong pambahay. Bumalik narin kami sa dati naming anyo, kami na ulit si Lych at Michael. "Halina kayo." Sabi ni tito na natigilan din sa paglalakad dahil sa pinanood niya kung paano nag bago ang aming mga kasuotan. Nakangiti kaming tumango ni Michael bago sumunod kay tito at nang makarating kami sa may sala ng bahay ay sinalubong kami ng abalang sina tita at Chloe, pareho silang nag  boborda. Nang siguro'y marinig nila ang yabag ng pagtigil ng aming mga paa ay napalingon sila. "Oh, ba't antagal niyong bumalik?" tanong ni tita na inilapag ang hawak niyang tela, kayaom at mga sinulid sa mesang nasa harapan niya at tumayo. "May nadiskobre kami sa Sanctum." Ibinigay ni tito ang hawak niyang baston kay tita na malugod namang inabot ni tita. "Sanctum?" tanong ni Chloe na tumigil din sa kaniyang ginagawa, hindi kami sumagot ni Michael at hinayaan lang na si tito ang sumagot at magsalita para sa amin. "Iyon ang lugar kung saan nakahimlay ang fountain of chi, ang pinagmumulan ng mahika." Hinila ni tito ang isang upuan, sumunod naman kami at umupo rin sa harapan ng pahabang mesang ito. Tumango naman si Chloe at hindi na nagtanong pa, "Ano naman ang inyong nadiskobre?" tanong naman ni tita na bumalik sa kaniyang kinauupuan kanina matapos niyang maisaayos ang baston ng kaniyang asawa. "Merong hagdanan sa gitnang butas ng fountain, patungo ito sa ibaba at tanging silang dalawa lang ang nakapasok." Lumingon sa amin si tito habang sinasabi ang mga salitang iyon,, "Kung gano'n, ano ang inyong nakita?" tanong ni tita na sabik sa kasagutan. "Isa pong parang templo ng mga lightborns." Ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa ibabaw ng mesa, "At nakita rin po namin ang malaking libro doon." Dagdag naman ni Michael sa aking naunang sinabi. "Anong libro?" sabaysabay nilang tanong dahil lahat sila'y walang alam tungkol doon. "Isa pong malaking libro na naglalaman sa nakaraan ng mga lightborns." Sagot ko naman at dahil sa aking sinabi ay mas naging sabik pa sila sa paglilinaw. "Bakit hindi niyo na lang ikwento ang kabuuang nangyari nang hindi na kami nabibitin?" suhestyon ni Chloe na nakakalumbaba. Nilingon ko si Michael, "Ikaw na lang, mukhang mas madami kang natuklasan kesa sa akin." Bulong niya sa akin. Tama naman siya, sa halos kalahati ng inpormasyon na maaring matuklasan sa aming byahe sa nakaraan ay sa akin lamang nabanggit o ako lang ang nakakaalam. Huminga ako ng malalim at tiningnan sila, lahat sila'y naka handa nang makinig sa aking ikukwento. "Bago kami nakapasok ni Michael sa parang templo kung saan namin nakita ang malaking libro ay pinahirapan na muna kami ng isang napakalaking pinto na siyang pumoprotekta dito. Gamit ang aming pinagsamang kapangyarihan ay nakapasok kami at natuklasan ang kaalamang nakabaon sa ilalim ng lupa." "Hinigop kami ng malaking libro papasok sa mga pahina nito at hinayaan kaming matunghayan ang mga kaganapan noong unang panahon. Ibinagsak niya kami sa lupain ng Shinhan kung saan naninirahan ang mga Yaojing," "Ang mga Yaojing ay kagaya natin pero sila'y walang kalayaang gumamit ng mahika alinsunod sa utos ng mga Reaper. Ang mga reaper ay ang siyang nag dedesisyon kung sino ang mamamatay sa mga Yaojing," "Ito ang naisipan nilang sulosyon upang kontrolin ang papulasyon nila dahil iniiwasan nilang mapuno ang Shinhan, ang taninging lupain na maaring tirhan. Mga imortal ang mga Yaojing at pinoprotektahan sila ng isang malaki't mataas na pader," "Sa kasalungat na bahagi kasi ay ang nagkalat na mga halimaw at doon ko rin nakilala ang mga Anak ng Liwanag. Sila ang umuusig sa mga halimaw at pumoprotekta sa mga inosenteng Yaojing. Ito ang pinaka interesadong parte," "Nakilala ko rito si Adalgard, ang tinatawag nating lightborn ngayon at ang kaniyang kapatid na si Adalhard. Tiwali sa ating kaalaman, hindi lang dadalawa ang lightborns kundi higit pa sila sa isang batallion," "Hindi man nanggaling ito mismo sa libro pero ang hula ko ay dito natin nakuha ang pangalang Lightborns. Nakasuot din sila ng armor na maihahalintulad sa kung papaano ilarawan ng mga libro ang hitsura ng mga lightborns," "Kaya malakas ang kutob kong dito nga nakuha ang salitang Lightborn at kung ano ang kanilang hitsura. Ang pinakamahalagang kaalaman na aking nalaman ay ang kung saan nagmula ang mahika," "Ayon kay Commander Chu Adal Gard o mas kilala natin sa pangalang Adalgard, ang mahika ay nagsimula pa sa panahon kung saan ang naniniwala pa ang mga Yaojing sa Martial Spirit. Ang martial spirit ay isang mahika na nagbibigay lakas sa Yaojing na nagtataglay nito," "Mahuhusay ang mga Yaojing pagdating sa larangan ng martial arts at sa paghawak ng iba't ibang sandata. Dahil doon ay napagtanto ko na ang tunay na pinanggagalingan ng ating mahika ay sa taglay nating Martial Spirit," "At ang fountain lang ang tumutulong na marecharge ang napagod nang martial spirit. Kumbaga ang fountain ang elektrisidad na nagbibigay lakas sa martial spirit na taglay na natin simula noong tayo'y ipinanganak." Tinapos ko na ang aking pagkukwento, marami akong iniwang bahagi ng kwento dahil hindi naman ito kailangang sabihin pa. Hindi man gaanong kadetalyado ang aking pagkakakwento ay sana'y nakuha nila ang aking pinupunto. Huminga ng malalim si tito, "Kung ganoo'y, lahat ng librong nabasa ko ay pawang kasinungalingan?" tanong niya sa kaniyang sarili, tila nanghina siya. "Iginugol ko ang buong buhay ko upang pag-aralan ang nakaraan pero lahat pala ng iyon ay nasayang lang?" tanong niya ulit sa kaniyang sarili at napailing. "Ang may akda din po ng librong nagpakita sa amin sa nakaraan ay si Hua Jian, isang babaeng Yaojing na nagpatuloy sa amin sa mga araw na naroroon kami sa Shinhan." Dagdag ko sa mga nauna kong sinabi. "Babae?!" gulat na tanong ni Michael at agad akong lumingon sa kaniya, naalala ko naman na hindi pala niya alam. "Oo, babae siya." Tumango ako at ngumiti, kahit pa naakahiya ang paraan ng aking pagkakatuklas sa totoo niyang kasarian. Napailing si Michael, "Ngayon ko lamang narinig ang pangalang iyan, mukhang madami talagang kaalaman ang naikubli at nakalimutan." Bumalik ang aking paningin kay tito na mukha natanggap na niya ang kaniyang pagka bigo. "Mukhang ganoon na nga po." Bahagya akong ngumiti at nilingon si Chloe, bumilis naman ang t***k ng puso ko dahil sa isang mabilis na sandali ay nakita ko ang mukha ni Jian sa kaniya. Umiling ako upang maalis na ang mukha ni Jian sa aking isipan. Habang nananahimik kaming nakaupo ay nagulat kami sa isang tunog ng pagbagsak sa labas ng bahay at ang malakas na pagkatok. Agad namang tumayo si tito at maging kaming lahat ay napatayo rin sa aming mga kinauupuan. Napansin ko din ang paglabas ni tita sa sakniyang wand. Habang hawak ni tito ang kaniyang wand ay mabilis niya pinihit ang pihitan ng pintuan at mabilis itong binuksan at kasabay nito ay ang kaniyang pag atras. Naka tutok ang dulo ng kaniyang wand sa isang babae pero agad ding ibinaba ni tito ang kaniyang wand nang mapagtanto kung sino ang nasa labas. "Professor Sylvana!" may pagkagulat at pagkaginhawa sa kaniyang boses. Itinago na rin ni tita ang kaniyang wand. "Anong sa akala mo?" tanong niya bago pumasok sa loob nang bahay. Nakatingin lamang siya sa aking mga mata at mabilis na lumapit sa akin. "Mukhang nasanay niyo na ang pagkontrol sa inyong mga kakayahan." Ngumiti siya bago umupo sa kabilang dulo ng mesa. Agad din kaming umupo na parang magsasagawa ng isang pag pupulong. "Bakit kayo na parito, professor?" tanong ni tita sa Headmistress ng Fleurton Academy. "Naririto ako para ibigay sa inyo ito, baka sakaling makatulong sana sa pagsasany nilang dalawa." Inilabas niya mula sa suot niyang roba ang isang libro. Ibinagsak niya ito sa ibabaw ng mesa. "Tail of Tales by Hua Jian." Binasa ni Chloe ang nasa pabalat nito na animo'y wala kaming kakayahang mabasa ito. Makaluma ang pagkakagawa ng libro dahil ang gamit nitong pang bind ay manipis na uri ng puting lubig. "Saan niyo po ito nahanap?" tanong ni tito, tila ba nasadya na kakatapos ko lang ikwento sa kanila ang tungkol sa natuklasan naming kaalaman mula sa nakaraan sa pamamagitan ng librong sinulat ni Jian. "Hindi na mahalaga, ang importante ay nasasainyo iyan," sagot naman ng Headmistress. "Nialaman ng librong iyan ang katutuhanan sa likod ng tinatawag nating Lightborns at naka sulat din diyang ang tungkol sa mga nilalang na maihahalintulad sa ating mga warlock, ang mga Yaojing." Dagdag pa niya sa kaniyang sinabi. Mukhang magkapareho lang ang laman ng librong ito sa aming nakitang libro sa sanctum. "HUwag ninyo po sanang mamasamain pero alam na po namin ang tungkol diyan." Pag singit ni tita sa usapan. Nagkunot noo at nagsalubong ang mga kilay ng Headmistress, "Kakakwento lang po ni Lych." Sagot naman ni Chloe kaya agad na lumingon sa akin ang Headmistress, "Papaano?" tila na kyuryos siya. "Sa ilalim po ng sanctum ay nakahumlay ang mas malaking libro na isinulat din ni Hua Jian na may kakayahang ipakita sa amin ang nakaraan sa pamamagitan ng mismong pagpunta sa nakaraan." Sagot ko sa katanungan ng Headmistress. Tumango lang ang Headmistress, malayo sa inakala kong magiging reaksyon niya. "Kung gano'n ay naiintindihan niyo nang lubos ang inyong kapangyarihan?" tanong niya at sumandal sa kaniyang kinauupuan. "Opo." sagot ko naman pero si Michael ay tila naguguluhan parin, "Mukhang ikaw ang nangangailangan nito." Kinuha ng Headmistress ang libro sa ibabaw ng mesa at ibinigay ito kay Michael na malugod naman niyang kinuha. "Dahil si Lych palang ang may mas malawak na pagkakaintindi sa kaniyang kapangyarihan, ikaw lang muna ang bibigyan ko nito." Ikinumpas ng Headmistress ang kaniyang wand at lumitaw ang isang hairpin. Iniabot niya sa akin ito na tinanggap ko naman pero naguguluhan ang aking isipan kung bakit niya ako binigyan ng ganitong bagay. "BIgyan mo ng mahika." Kumindat siya at bumalik sa pagsandal sa kaniyang kinauupuan. Nakakunot noo ako habang tinititigan ang hairpin, sinunod ko ang sinabi ng Headmistress at nagpakawala ako ng mahika mula sa kanan kong palad na siyang may hawak sa hairpin. Hinigop nito ang mahika at biglang humaba at naging arnis. At nang ibaba ko ito ay bigla itong humaba at naging latigo, dahil sa gulat ay itinaas ko kaagad at bumalik sa pagiging arnis. Nilingon ko ang Headmistress at sinaluong ako ng malawak niyang ngiti at pagkamangha. "Ang ibinigay ko sa'yo ay isang sandatang nagbabagong anyo alinsunod sa kakayahan ng may hawak nito." Nakangiti parin niyang sabi. "Paano po ito ibabalik sa pagiging hairpin?" tanong ko naman dahil ayukong magbitbit ng arnis. Total ay may pagkahaba naman ang buhok ko sa tuwing nag papalit anyo ako, maari ko itong magamit bilang haripin at saka ko lang gagamiting bilang armas kapag naipit na ako sa isang mahirap na sitwasyon. "Isipin mo lang na bumalik ito sa pgiging hairpin." Tugon naman niya, agad ko iyong ginawa at nagulat nang biglang nawala ang bigat sa kanan kong palad at nakitang naging isang hairpin na nga ulit ito. "Saka ko na ibibigay ang sa'yo, Michael kapag naintindihan mo na ang kapangyarihan mo." Tumayo ang Headmistress mula sa kaniyang pagkakaupo. "Naiintindihan ko po, sisikapin ko pong aralin ng mabuti ang aking kapangyarihan." Bahagyang ngumiti si Michael pagkatapos sabihin ang mga salitang iyon. Tumango ang Headmistress bago sumipol at mula sa labas ay ang pagdating nang isang agila at nang hawakan ito ng Headmistress ay nagkaroon ng pagsabog at dahil do'n ay napapikit ako. Nang imulat kong muli ang aking mga mata ay wala na ang Headmistress sa loob ng bahay. "Kahit kailan talaga." Reklamo ni tito na parang sanay na sa ganoong pag alis ng Headmistress. Tinititigan ko lang ang hairpin at kapansinpansin ang mga disenyo nito na maikukumpara sa mga disenyo sa sinaunang panahon. Kumikinang na ginto at may pulang hiyas sa dulo ng hawakan nito. Muling sumagi sa aking isipan ang mukha ni Jian at ang mga nangyari noong nasa Shinhan pa kami. Pakiramdam ko tuloy ay naging parte talaga ako ng nakaraan kahit pa dalawang araw lang ang itinagal ko doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD