Lych,
Sa pag upo nga namin rito sa tuktok ng mahaba at mataas na pader ito ay sinimulan na ni Commander Chu Adal Gard ang kaniyang kwento. Tumingala sa siya sa kalangitan na animo'y inaalala ang nakaraan.
Sa kaniyang tabi ay ang helmet niyang hindi niya suot, nakahawak siya sa kaniyang baba at patuloy lang ito sa pagtingala sa kalangitan. HIndi na lamang ako nag salita at hinayaan lamang siya.
Tumingala na rin ako at nagbakasakaling makita ang aniyang nakikita pero tanging ang bughaw na kalangitan at ang paggalaw ng mga ulap alinsunod sa ihip ng hangin ang aking nakita, "Ang aking sasabihin ay ayon lamang sa aking nalalaman, maaring isa itong kasinungalingan o katutuhanan." sabi niya kaya ni lingon ko siya.
Maalam ang kaniyang mga mata na sumalubong din sa aking mga mata. Tumango ako at hindi na nagsalita't hinihintay na lamang na magsimula siya. Bumuntong hininga ito at kasabay nito'y ang pag hihiwalay ng kaniyang mga labi.
"Bumalik tayo sa unang panahon, noong masagana pa ang lupain ng Dali City kung saan ay naging kasanayan na ang mag sanay at magkaroon ng tinatawag nilang Martial Spirit. Ang Martial Spirit ay isang abilidad na sumisimbolo sa ano mang uri ng hayop at maging ang espada,"
"Nasusukat ito sa sampung lebel, uno ang pinakamababa at sampu ang pinakamataas at pinakamakapangyarihan. Kapag pinanganak kang masa pang apat na lebel ang iyong Martial Spirit ay babansagan kang genius ,"
"Sa mga panahong ito ay makakatanggap ka ng respeto at paggalang base sa lebel ng iyong Martial Spirit. Lahat ng mga Yoijing na namumuhay noon ay may taglay na Martial Spirit na siyang nagbibigay sa kanila ng lakas at mahika sa paglaban,"
"Sa lupain nga ng Dali ay may tanyag na pamilya ang naninirahan rito, sila ang Qin Family at ang pinaka itinuturing na elder ng pamilyang ito ay si Elder Qin Fei Lang, isa siya sa mga Yaojing na nagtataglay ng Martial Spirit 7 Heavens na siyang nag bigay sa kaniya ng respetadong posisyon."
"Base sa aking nalalaman, dito nag mula ang ating taglay na mahika." pagtatapos niya sa kaniyang nakakabitin na kwento. "Kung ganoon nga po, may taglay parin ba tayong Martial Spirit?" tanong ko sa aking kausap upang maibsan ang aking pagkabitin.
Tumango siya, "Subalit dahil sa isang insidente ay ipinagbawal na ang paggamit ng mahika at pag bibigay anyo sa Martial Spirit ng isang Yaojing." sagot niya sa aking katanungan n amuling lumikha ng karagdagan pang katanungan.
"Ano po ang insidenteng iyon?" tanong ko ulit at nag salubong ang aking mga kilaw dahil sa aking pagka kyuryos. "Nangyari ito sa panahon ng Qin Family, isang baguhang Yaojing ang nag asam ng lubos na kapangyarihan,"
"Nadiskubre niya ang pamamaraan kung papaano lamunin ang Martial Spirit ng isang individual at natklasan din niyang sa pagsagawa niya nito ay mapapasakanya ang kapangyarihan ng Yaojing na kaniyang pinaslang,"
"Masyadong pulido at malinis ang kaniyang gawain kaya huli na nang malaman ito ng mga Elder, nagtuos si Elder Qin Fei Lang at ang hamak na Yaoijing na iyon ngunit isinakkriisyo lang ni Elder Qin Fei Lang ang kanyang buhay sa wala,"
"Masyadong makapangyarihan ang Yaojing na iyon dahil narin sa hawak niya ang napakaraming Martial Spirit na naitala sa buong panahon na iyon. Kapalit nito ay ang pagiging tuliro ng Yaojing na ito,"
"Walang ibang pumasok sa isip niya kundi ang paslangin ang lahat ng Yaojing upang siya'y maghari, sa mga nakatakas na Yaojing ay dito sa lupain ng Shinhan sumilong at nag simulang muli,"
"Mula sa kwentong ito, ang Yaojing na iyon ay patuloy paring namumuhay hanggang ngayon at siya ang may pakana sa mga umaatakeng mga halimaw, ayon din sa kwento, naisip daw niyang masyadong madali ang pagpatay sa buong papolasyon ng Yaojing kaya naisipan niyang mag padala ng mga halimaw upang mag hasik ng lagim at mag iwan ng trauma sa mga Yaojing." mahaba niya muling kwento.
"Eh, papaano naman po nabuo ang Anak ng Liwanag at ang mga Reaper?" tanong ko ulit matapos na pumasok ito sa aking utak at hindi na nagbakasakaling itanong ito. Muli siyang bumuntong hininga.
"Ang mga reaper ay itinatag ng Shiu Family, sila ang isa sa mga nakaligtas mula sa malawakang pagpatay sa mga Yaojing at kasama nila ang kauna-unahang mga reaper, sila ang mahuhusay na assssin ng pamilya Shiu,"
"Dahil nga sa naubos ang buong Qin Family, sila ang sumunod na naghari sa buong Shinhan pero sa unang taonng lumipas ay naging payapa ang lupain hanggang sa dumami ng dumami ang mga Yaojing at naging problema ang papolasyon kaya napag pasyahan ng Patriarch ng Shiu Family na kada buwan ay may papaslangin." paliwanag niya, inuna niyang sinagot ang katanungan ko tungkol sa pagkabuo ng mga Reaper.
Tumango lang ako at hinintay ang muli niyang pagsasalita, "Ang Anak ng Liwanag naman ay nabuo mula sa isang kasulatan na iniwan ng Qin Family, itinuturing itong sagrado kaya walang sinuman maging ang Shui Family ang pwedeng kumontra dito,"
"Ang mga naunang miyembro ng Anak ng Liwanag ay ang mga tagapaglingkod ng Shui Family at tanging ang kasulatan lamang ang aming sinusunod at luluhod. Hindi kami tumatanggap ng kahit na ano mang utos mula sa mga reaper,"
"Kung iyong susumahin, hindi maganda ang relasyon sa pagitan ng Anak ng Liwanag at ng mga Reaper dahil ganoon din ang mga pamilyang pinaglingkuran ng magkaparehong naunang miyembro ng bawat isa." sagot naman niya sa pangalawa kong tanong.
"Ngayong nalaman mo na ang tungkol sa nakaraan, handa kana ba sa hinaharap?" tanong niya sa akin, bigla naman akong nagtaka mula sa kaniyang katanungan, "Ano po ang ibig ninyong sabihin?" tanong ko naman pabalik.
Ngumisi siya, "Sa una nating pagkikita, meron akong nasilayan mula sa iyong hinaharap, hindi ko mawari kung isa nga ba iyong pangitain o guni-guni ko lang." sagot naman niya habang tinititigan ako.
"Kung iyong rarapatin, maari ko po bang malaman ang inyong nakita?" tanong ko sa kaniya, gusto kong malaman kung ano iyon dahil may maitulong ito sa akin o sa amin ni Michael. "Sa aking nakita, ikaw at ang isa pang lalaki ay makikpagtuos sa Yaojing na umubos sa kalahating papulasyon ng mga Yaojing." sagot niyam, naging mas interesado pa ako sa kaniyang sinabi.
"Iyon lamang po ba?" tanong ko at hinihintay ang kaniyang kasagutan, umiling siya, "Nakalalamang ang kapangyarihan niya sa'yo ngunit talo ng dalawa ang isa, dalawang sinaryo ang aking nakita, ang una ay hawak mo ang ulo ng inyong katunggali at ang pangalawa ay pareho kayang nakahilata at naliligo sa inyong dugo, mulat ang mga mata ngunit ang inyong kaluluwa ay nadurog na." sagot naman niya,
Maari kayang ang Necromancer ang tinutukoy niya? may kakayahan pala siyang makakita ng hinaharap ng ilang daang taon ang layo mula sa taong ito. "Kung gayon po'y ano ang inyong maipapayo sa akin na maari kung ipaalam sa aking kasama?" tanong ko naman sa kaniya.
Isang matalinong tao ang kausap ko kaya nararapat lang na dinggin ko kung ano mang payo ang kaniyang bibitawan. "Panatilihin ninyo ang inyong matatag na koneksyon dahil mula sa pangalawang sinaryo, pareho kayong gustong malamangan ang isa't-isa." iyon lamang ang lumabas sa kaniyang bunganga.
Malayong mangyari iyon, matagal na kaming magkaibigan ni Michael at parang mag kapatid na ang aming turingan sa isa't-isa ngunit gayon pa man ay dapat ko paring isa ulo ang payo ni Commander Chu Adal Gard.
Pareho kaming tumayo, agad akong yumuko at ang aking mga kamao ay magkahawak na nakaposisyon sa tapat ng aking ulo, "Maraming salamat po sa pagbibigay liwanag sa aking kaisipan." pasalamat ko sa aking kausap.
"Nawa'y ang kaalamang iyong nalaman ay makatulong sa pag usig mo sa iyong kapalaran." habang sinasabi niya iyon ay bumalik na ako sa normal kong tayo at nakita ang pag suot niya sa kaniyang helmet.
"Magkikita tayong muli." sabi niya at kumislap ang kaniyang mga mata, tumango naman ako at tumalon na pababa sa lupa, walang kahiraphirap akong maayos na nakababa sa aking dalawang mga paa.
Sinimulan ko na ang aking paglakad at nang matapat ako sa unang puno papasok sa mga kabahayan ay may narinig akong boses, "Huwag kang papakumpyansa, hindi mo alam ang takbo ng isip ng iba." sabi nito at nang lingunin ko ang direksyon kung saan ito nanggaling ay taning dalawang pares lamang ng mga mata ang aking nakita at kumislap din ito bago tuluyang nag laho.
Nagkibit balikat lamang ako at nag patuloy na sa aking paglalakad hanggang sa maabutan ko sina Michael at Jian na naglalaro ng isang board game na hindi ko alam ang pangalan. "Baise, buti naman at nakabalik kana." nakangiting sabi ni Jian.
Ngumiti naman ako pabalik, "Ano 'yang pinagkakaabalahan ninyo?" tanong ko sa kania nang tuluyan akong makalapit sa kanilang dalwa, "Mahjong, itinuro sa akin ni Jian kung paano laruin." sagot naman ni Michael.
Ngayon ko lamang nakita ang larong ito, "Ganoon ba, maiwan ko na muna kayo't gusto kong magpahinga." paalam ko sa kanila bago sila nilagpasan at pumasok sa loob ng bahay at dumiretso sa silid na pinagtulugan namin kagabi.
Inihiga ko ang aking sarili at ipinikit ang aking mga mata nang biglang may malakas na tunog akong nadinig kaya muli ako napabangon sa aking pagkakahiga, nagulat naman ako nang makita kung sino ang nasa harapan ko.
"Kung nais niyo nang bumalik sa inyong mundo, bumalik lamang kayo sa ilalim ng puno ng sakura kung saan kayo unang nanggaling." sabi ni Adalgard, kumpara sa dati kung nakikita, ang mukha na ni Commander Chu Adal Gard ang nakikita ko.
Ang mukha ni Adalgard noong siya ay nabubuhay pa. Tumango naman ako, maganda naman rito at siguro kong madami pa akong malalaman pero may iniwan kaming laban sa aming mundo at ang aming mga pamilya'y baka nasangkot na sa kapahamakan.
Nakatulog pala ako dahil muli akong napabaringkwas at iminulat ang aking mga mata mula sa aking pagkakahiga, tumingin ako sa aking paligid at maliwanag parin. Agad akong tumayo at nilapitan sina Michael at Jian.
"Paumanhin, pero maari ko bang makausap ang aking kaibigan?" pag hingi ko ng pahintulot kay Jian na agad namang tumango, nilingon ko si Michael at sinenyasan na sumunod sa akin. "Bakit?" tanong niya nang makapasok na kami sa silid na pinagtulugan ko kanina.
"Maari na tayong makabalik sa ating mundo." pagbibigay alam ko sa kaniya, "Alam mo na kung papaano?" tanong niya at agad naman akong tumango, "Pero gusto ko pang magtagal dito." nalulungkot niyang sabi.
Hinawakan ko ang kanan niyang balikat, "Maging ako ay guto ko rin pero hindi natin panahon ito, merong panahon na naghihintay sa atin sa ating mundo." sabi ko nama sa kaniya na ipinapaalala na pumunta kami dito para malaman ang nakaraan at hindi manirahan.
Yumuko siya nang panandalian bago iiangat muli ang kaniyang ulo, "Kailan tayo aalis?" tanong niya, "Ngayon din." sagot ko naman sa kaniya, bumuntong hininga siya at tumango. Bago kami lumabas ay napag desisyonan naming sabihin kay Jian na bumalik na ang aking mga alaala.
At sasabihing hindi na namin pa patatagalin ang aming paninirahan dito dahil sa makakabalik na kami sa aming pinagmulan. "Jian, may mahalagang sasabihin sa iyo si Baise." sabi ni Michael gamit parin ang pangalang ibinigay ni Jian sa akin.
Nilingon naman niya ako, huminga ako ng malalim, "Nagbalik na ang aking mga alala." sabi ko sa kaniya na kaniya namang ikinagulat at nagpangiti sa kaniya, "Kung ganoon ay alam mo na ang pangalan mo?" tanong niya.
Tumango naman ako, "Hindi na namin patatagalin ang paninirahan namin dito, alam ko na ang daan pabalik sa aming pinanggalingan." sabi ko naman sa kaniya, napakunot noo siya, "Kung ganoon, kailan kayo aalis?" tanong niya na tila may lungkot sa kaniyang tono.
"Ngayon din." sagot naman ni Michael na nalulungkot din, huminga ng malalim si Jian, "Kung ganoon, hayaan niyong ihatid ko kayo." suhestyon niya, pumayag na rin ako dahil sa malaki ang utang na loob namin sa kaniya.
"Sigurado ba kayong dito?" tanong niya nang nakatayo kami sa ilalim ng puno ng sakura, "Hindi bat dito mo kami unang nakita?" tanong ko sa kaniya, nag ningning ang kaniyang mga mata, "Oo nga." sabi naman niya.
"Hanggang sa muli." paalam ko, "Lubos kaming nagpapasalamat na nakilala ka namin." sabi naman ni Michael at sabay kaming yumuko bilang pasasalamat at agad din kaming tumayo ng maayos.
"Hayaan ninyong hanapin kayo, magkikita rin tayong muli." sabi niya at tumulo ang luha sa kaniyang mga mata na agad niyang pinunasan at pinilit ang isang ngiti. Natakpan ang aming paningin mula sa napakaraming petal ng bulaklak ng sakura na bumalot sa amin.
Sa lakas ng hangin ay tumaas ang aming mga katawan, buhok at maging ang aming mga damit ay sumasayaw sa hangin. Umikot ang aking katawan hanggang sa mabulag ako ng nakakasilaw na liwanag.
Pag mulat ko sa aking mga mata ay nasa ibabaw na muli kami ng libro, nakalutang. Nagtinginan kami ni Michael nang may lumitaw mula sa isang pahina ng libro. "Tayo ba'yan?" tanong niya sa akin, nagkibit balikat naman ako at bigla kong naalala na ag may akda ng librong ito ay si Hua Jian.
"Maaring naging makabuluhan ang naiwan nating alaala sa may akda ng librong ito." sabi ko naman habang pinagmamasdan ang aming mga mukha na nakaguhit sa libro. "Tara na, baka hinahanap na tayo ni papa." sabi ni Michael na nakangiti.
Tumango naman ako at ngumiti rin. Dahan-dahan kaming bumaba at nilakad muli ang mahabang daanang marmol hanggang sa makalabas kami, lumingon ako sa aming pinanggalingan at kasabay ng pagbaba ng napakalaking libro ay ang pagkamatay ng mga palaso.
Hanggang sa sumara nang muli ang malalaki nitong pintuan, huminga ako ng malalim dahil sa kakaibang pakiramdam na dumayo sa aking puso.