Lych,
Wala akong ibang nagawa kundi ang titgan ang nakakatakot na hitsura ng nilalang na nasa harapan ko. Ang hula ko'y siya ang necromancer at ang sigurado ko'y maari akong mamatay sa araw na ito!
Napatingin ang nilalang na ito sa lagusan na pinasukan namin kanina dahil sa isang tunog, isang pagbagsak. Sino? Ano? Siya kaya ang makakapag ligtas sa amin? Gustuhin ko mang lumingon ay hindi ko magawa dahil nga sa nanigas ang aking katawan.
"Pakawalan mo sila!" isang boses ng babae ang aking nadinig. "Ah." sabi ng nilalang na nasa harapan ko, tumango pa ito na para bang inaasahan na niya ang pagdating ng babae. Tumawa ang nilalang.
"Pakawalan mo sila!" paguulit ng babae, humalakhak ulit ang kaharap kong nilalang. "Paano kong ayaw ko?" tanong naman niya na para bang niloloko ang kausap niya. Nagulat na lamang ako nang may tumama sa katawan ng nilalang.
Parang pinagsamang apoy at kidlat. Ininda nito ang parte ng katawan niyang natamaan. "Iyan ang mapapala mo." sabi ng babae na may pagbabanta sa kaniyang tinig. Nagsimula silang magpalitan ng kung ano anong atake.
Habang abala ang nilalang ay unti unting natanggal ang hood na suot niya at nakita ko ang mukha nito. Si Leon! muling nagliyab ang galit ko sa kaniya at muling nagbalik ang ideyang gusto ko siyang patayin.
Hindi ko siguro ang kalagayan ng aking mga magulang, iyan ang maslalong nagpapairita sa akin dahil wala man lang akong alam at magawa upang mahanap at iligtas sila.
"Mahusay ka parin professor." papuri niya sa kaniyang katunggali. Isa palang guro ang babae na kadarating lang. "Mabagal ka parin Leon." parang insulto ang dating noon para sa akin. Tanaw ko ang pagngitngit ng mga ngipin ni Leon.
"Ikaw ang mabagal!" sigaw niya at sunodsunod ang kulay asul na apoy ang lubas sa dulo ng wand ni Leon.
Nagpatuloy sila sa paglalaban at wala kong makita dahil sa matigas parin ang katawan ko at umalis mula sa aking harapan si Leon. Hanggang sa nakaramdam ako ng lamig sa aking katawan at untiunti ako bumagsak sa lupa.
Ilang segundo ang lumipas ay naigalaw ko ang aking katawan at agad na kumils. "Headmistress!" sigaw ko habang patakbo sa tabi niya. Nakasuot ito ng puting roba at nakaayos ang kaniyang buhok.
Pagkalapit ko sa kaniya ay iniharang niya ang kaniyang kamay sa aking harapan at itinulak ako palikod. Napaupo ako sa sahig dahil sa batong aksidente kong naapakan.
Napaatras ako ng magsimulang kumalat ang mga spell na ginagawa nila, sinasangga nila ang bawat atake ng isa't isa kaya't kung saansaan na lamang natatapon ang mga spell.
Napayuko ako at ipinatong ang dalawa kong kamay sa aking ulo para protektahan ito. Puro pagsabog ang aking naririnig, malakas din ang hangin.
Sa laki ng agwat ng edad nila ni Leon, bakas sa mga galaw ng Headmistress ang husay at angkin niyang galing. May gamit siyang mga spell na hindi ko pa nakikita sa buong buhay ko. Kakaiba siya!
Akin ding napansin na hindi nila sinasabi ang pangalan ng spell na gamit nila. Basta na lamang nilang ihahataw ang wand nila sa ere at may lalabas na sa dulo nito o dikaya nama'y may mangyayaring kakaiba.
"Lych, pakawalan mo ang iyong mga kaibigan!" sigaw niya habang nakatalikod mula sa akin at sinasangga ang napakalaking apoy. Lumugay ang kaniyang buhok ay sinamyo nito ng hangin, maging ang kaniyang roba.
"Hindi ko po alam kung papaano!" sigaw ko naman pabalik. Binilog niya ang apoy na lumikha ng tunog at nang biglang animoy may hinati siya sa ere ay naging hangin na lamang ang apoy. Muli siyang bumwelo mula sa huli niyang posisyon at agresibong itinutok ang dulo ng wand niya kay Leon.
Imbes na apoy ang lumabas ay mahaba't malakas na pwersa ngtubig ang tumama kay Leon na siyang nakapagtilapon sa kaniya. "Gamitin mo ang eleftherosi." hingal niyang sagot mula sa aking tanong kania.
Agad akong lumuhod at itinutok ang aking wand sa dalawang sina Michael at Chloe. Muling bumangon si Leon kaya agad kong sinabi ang spell. Nauna kong napakawalan si Chloe ngunit hindi ito gumalaw.
Nang nakatayo na si Leon ay may ngisi sa kaniyang mukha. "Dalian mo Lych." sabi ng Headmistress na panandaliang tumingin sa akin. Umiilaw ang dulo ng kaniyang wand. "Eleftherosi." sabi ko at umilaw ang dulo ng aking wand.
Kulay berde ito at umilaw din ang katawan ni Michael ng parehong kulay. Muling inatake ng Headmistress si Leon upang mawala ang atensyon niya kina Michael at Chloe. Nagsagupaan silang muli.
Bumalik ang malakas na hangin dito. Bumagsak ang katawan ni Michael sa lupa at ilang saglit pa ay natauhan na siya. Lumingalinga siya bago ako nakita, sinenyasan ko siya at tumingin io sa tabi niya bago hinala si Chloe palapit sa akin.
"Anong nangyayari?" tanong niya matapos ihiga si Chloe at tumabi sa akin. "Mahabang kwento," sagot ko naman. "Subukan mong gisingin si Chloe, tutulungan ko lang ang Headmistress." bilin ko kay Michael bago ako tumayo.
"Anong ginagawa mo?!" tanong ng Headmistress habang nakatingin sa akin at sa parehong pagkakataon ay sinasangga ang isang kidlat.
Nang tagumpay niya mahigop ang kidlat ay may pwersang tumulak sa akin. Tumawa si Leon at itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay. Naglabas siya ng itim na awra, nakakatakot.
Yumanig ang lupa at nagbitakbitak ito hanggang sa lumutang ang maliliit na piraso ng buo buong lupa at lumapit kay Leon. Ibinaba niya ang kaniyang kamay at inikit ang ,ga palad niya, sumunod ang mga pirapirasong lupa at naghugis matutulis.
Bumwelo siya at itinutok ang dulo ng wand niya sa akin. Mabilis na lumipad ang mga matutulis na luba na sigurado ko'y sapat na ang tulis upang lumusot sa aking balat.
"Lych!" dinig kong sigaw ng Headmistress at naramdaman ko ang pagtulak niya sa akin. Isinangga ko ang aking may at napapikit, dumampi sa aking pisngi ang alikabok at nang imulat ko ang aking mata ay nakaluhod ang Hedmistress at may parang payong na kung ano sa dulo ng wand niya.
Mukhang ito ang dumurog sa mga matatalim na lupa. "Headmistress." sabi ko ng mapaluhod ito at umubo. "Hanggang diyan ka na lang ba?" tanong ni Leon, nilingon ko siya at napakalaki ng kaniyang ngiti.
"Astrapi." sabi ko at dumiretso ang bulosok ng hangin sa kaniya pero madali lang niya itong napawalang bisa gamit lang ang isang daliri niya. Mukhang kaya din niyang gumamit ng mahika kahit walang wand.
Tumawa ito. "Tanga." sabi niya at hindi ko namalayan ang kidlat, isang metro na lamang ang layo nito sa akin ay tatama na ngunit, "Ahhhh!" nakaharang sa aking harapan ang Headmistress. Nangisay ang kaniyang katawan ng halos isang minuto bago tuluyang bumagsak sa lupa.
Nagkaroon ng butas ang suot niya na para bang nasunog ito. "Kalungkot naman, natulog na siya." pangiinsulto pa ni Leon. Nagkuyom ang aking mga kamay. "Hayop ka!" hindi ko na maitago ang aking galit.
"Lych!" hinawakan ni Michael ang balikat ko, tiningnan ko siya at umiling ito. Narinig ko ang pagtawa ni Leon. "Kung wala tayong gagawin, mamamatay tayo!" reklamo ko kay Michael. Hindi ito nakapagsalita at napansin kong hindi siya nakatingin sa akin.
Sinundan ko kung saan ito nakatitig ay nakita ko ang malaking bwelo ni Leon at kasunod non ay isang ahas na nagpormang apoy. Agad niya kamaing kinain.
Nagsigawan kami, pakiramdam ko'y mahihiwalay ang aking balat at maging ang loob ko'y nag iinit nadin.
Sigaw kami ng sigaw ni Michael hanggang sa imulat ko ang aking mata'y nakita ang kawalan. Napakadilim at walang nino man maliban ang isang bulang liwanag.
"Ito na ang oras, Lych." nagsalita ito, lumapit ako dito. "Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ko sa kaniya at walang anoy nag anyong si Adalgard.
"Ang kapangyarihang iyong namana mula sa akin, gamitin mo upang mailigtas ang iyong mga kaibigan." sagot naman niya at naging bolang ilaw ulit siya at parang hinigop ito ng aking katawan.
Nagbalik ako sa huwisyo at patuloy parin ako sa pagsigaw ngunit hindi na dahil sa init ng apoy kundi sa sakit ng aking dibdib kung saan may simbolo ni Adalgard. Napapikit ako at nang imulat ko ang aking mga mata'y wala na akong sakit na nadarama.
Tiningnan ko si Michael at nagulat ako ng makitang kakaiba ang kaniyang hitsura. Mahaba ang sobrang itim niyang buhok at ang kalahati ng kaniyang kamay ay maitim at mahahaba ang kaniyang mga kuko.
Tiningnan ko ang aking kamay ngunit gaya parin ito ng dati hanggang sa naisipan kong hawakan ang aking tenga, mahaba at patulis ito. Ang aking buhok ay hindi gaanong mahaba ngunit mas mahaba ito sa normal kong buhok.
Nagtinginan kami ni Michael at para bang nagkaintindihan kami. "Patayin na natin?" tanong niya, tumango naman ako.
Nilagatok ko ang aking leeg, ganoon din ang ginawa ni Michael. Matapos non ay parang kurtinang hinwai namin ang apoy at umalis doon. Bakas sa mukha ni Leon ang gulat.
"Papaano?" tanong niya. Ngumisi ako, "Sa maling panig ka sumapi." sabi ko at nang itaas ko ang aking kamay ay gumalaw ang lupa at mula doon ay lumabas ang mga matatabang ugat na pumalipot kay Leon.
Nagwala ito, pilit na kumaawala hanggang sa mabalot ang buong katawan niya at tanging ulo na lamang niya ang nakikita. Sunod na gumalaw si Michael.
Umugong ang lupa at mula doon ay lumabas ang isang itim na bulaklak at nang namukadkad ay umilaw ang gitna nito at naglabas ng kakaibang apoy o kidlat na siyang tumama sa katawan ni Leon.
Napalaki ang kaniyang mga mata ng lapitan namin siya. "Paano? bakit nasasainyo?!" natatarabta't naguguluhan niyang tanong sa amin. "Nalimutan mo na siguro, kami ang tagapagbantay ng fountain, ang mga taong pinagkatiwalaan ng mga lightborns." sagot ko naman upang ipaalala ang aming katauhan.
"Kami ang nakaraan, kasalukuyan at hinaharap," sabi naman ni Michael, "Nasasaamin sina Adalhard at Adalgard, ang iyong pinagmulan." dagdag pa niya.
Nagkaroon ng takot sa mukha ni Leon. Mula sa aking kanang palad ay namuo ang bolang puti, mula sa kaliwang palad ni Michael ay namuo naman ang bolang itim.
Nang ibabagsak na namin ito sa mukha ni Leon ay biglang may espadang dumaplis sa aming mukha, tumulo ang dugo.
Ngumisi si Leon, nawala ang takot sa kaniyang mukha. Kumislap ang bilgang bagay na nasa kaniyang noo at mula doon ay aking nakita ang isang nilala. Mas nakakatakot pa ang hitsura kaysa kay Leon.
May sungay at umaapoy ang ulo nito. Nakatitig siya sa akin at itoy ngumiti bago naglaho at maging si Leon ay nawala na parang bola.
"May nanonood sa buong laban." sabi ko kay Michael, "Ang necromancer." sabi naman niya, nakita din niya ang aking nakita. "Kung gayon, hindi na isang sikreto ang ating tunay na kapangyarihan." sabi ko naman at napatingin kami sa aming likuran.
Agad kong nilapitan ang Headmistress at ipinatong ang aking kamay sa kaniyang tiyan. Umilaw ang aking mga palad at ilang saglit pa ay huminga ng muli ang Headmistress. Ganoon din ang ginawa ko kay Chloe ngunit mas matagal.
"Hindi tayong pwedeng lumabas na ganito ang hitsura." sabi niMichael habang tinitingnan ang kaniyang mga kamay. Sumangayon naman ako sa sinabi niya. Inisip ko na bumalik na ako sa dati kong anyo at bigla akong nabalot ng puting ilaw.
Nang humupa na ito ay nagbalik na ang dati kong katawan. Parang bumigat ako kompara kanina na para akong hangin.
"Umalis na tayo dito," sabi ko kay Michael at baka kung kung ano na naman ang biglang lumitaw sa ilalim ng punong ito. Tumango siya at kinuha ang kaniyang wand, maging ako ay inilabas ko na ang aking wand na bagong bili lang.
"Afxisi." sabay naming sabi at lumutang ang mga katawan ng Headmistress at ni Chloe. Umakyat na kami at paglabas namin ay saktong papunta palang sina Professor Hilda.
"Anong nangyari?" tanong niya at inasikaso agad ang Headmistress. Hindi ko na nagawang magkwento dahil bigla ako nakaramdam ng pagod at nag black out ang aking isipan.
Ilang ulit kong nadinig ang aking pangalan at nang imulat ko ang aking mga mata ay nakita ko sina mama at papa. Agad ko silang niyakap at napansing nasa loob kami ng isang kulungan. "Nasaan po tayo?" tanong ko sa kanila matapos ko silang yakapin.
Hindi sila sumagot. Nagulat na lang ako nang naging si Leon ang kanilang mukha, kinapa ko ang aking wand sa pinaglalagyan ko ngunit wala ito.
Hanggang sa nagbago ulit ang kanilang hitsura at naging isang parang demonyo. "Nasasainyo ang susi," sabi niya, napakunot noo ako dahil hindi ko alam ang tinutukoy niyang susi. "Kailangan ko kayong makuha." dagdag pa niya.
"Mabibigo ka lang." sagot ko naman, humalakhak ito at mula sa usok ay lumabas ang dalawang imahe ng tao.
"Anong ginawa mo sa kanila?!" sigaw ko nang makilala kong sino ang mga ito, ang aking mga magulang. "Wala pa naman, dipende kung dadalhin mo ang iyong sarili at iyong isa pa sa akin." sabi naman niya, tila nililinlang ako.
Umiling ako. "Bibigyan kita ng isang linggo," sabi niya, "Dapat ikaw lang ang nakakaalam nito dahil sa oras na malaman ni Silvana ang tungkol dito, asahan mong ulo na lang ang makikita mo." pagbabanta niya.
Napalunok ako, hindi alam ang aking gagawin. "Tandaan mo, isang linggo." parang echo na nagpaulitulit sa aking tenga ang kaniyang salita bago siya naglaho sa aking harapan at bigla akong nagising.
Umupo ako, hindi matukoy kung alin ang totoo. Isa nga ba iyong panaginip o iyon ay isang katutuhanan.
Inilibot ko ang aking paningin at nasa infirmary ako. Ininda ko ang sakit ng aking ulo at bahagyang pagkahilo. Pinakiramdaman ko ang simbolo ni Adalgard sa aking dibdib.
"Ano ang katutuhanan?" tanong ko at sumaging muli ang propesiyang tinutukoy ni Michael noon.
Nasaan at ano ang nasa propesiya?