Lych,
Nakalabas na ako ngayon sa infirmary at naririto ako sa aming silid. Lumabas si Michael, dadalawin daw niya si Chloe. Talagang maawa ka kay Chloe dahil nagdurusa siya ng hindi man lang namin napansin.
Habang iyong si Leon na nag anyong si Chloe ay nagsisiya dahil sumasang ayon lahat sa kaniyang plano. Mabuti na lamang at nakutoban ako dahil kung hindi baka nakuha na nila ang kanilang gusto.
Bigla kong naalala ang susi na nabanggit niya. Alam kong kami ang tagabantay ng fountain at ang descendant ng lightborns pero wala akong alam sa susi na tinutukoy ni Leon. Maari kayang ito ang makakabukas sa fountain?
Dahil nababagot na ako rito ay naisipan ko nang lumabas at pumunta sa labas. "Lych!" tawag sa akin ng isang boses sa aking likuran na agad ko namang nilingon, "Sylvester." sabi ko nang matukoy kung sino itong palapit sa akin.
"Bakit hindi kana dumating kahapon?" tanong niya habang hinahabol ang kaniyang hininga matapos niyang tumakbo palapit sa akin. Mukha hindi nila alam ang tungkol sa nangyari, baka mina buti na ng Headmistress na saamin na lamang ang tungkol doon.
Napakamot ako sa aking ulo, "May biglaan kasing nangyari kaya hindi na ako naka habol." palusot ko naman, nagkunot noo siya, "At ano naman iyon?" pag uusisa niya sa aking sinabi. "Ano kasi, confidential." sagot ko naman.
"Ganon ba," sabi naman niya, "Basta sa susunod dapat makapunta kana." dagdag pa niya, "Isasali niyo ulit ba ako?" tanong ko sa kaniya, ang alam ko kasi ay minsan lang. "Siyempre naman," sagot niya na parang sigurado talaga siya.
"Bilib nga ang mga kasama ko sa'yo." dagdag pa niya na nakapag pangiti sa akin, "Talaga ba." sabi ko naman, hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. Tumango ito, "Kahit na unang laro mo pa nga lang daw iyon ay maalam kana." sabi naman niya.
"Salamat sa'yo." sabi ko naman, siyempre kung hindi niya ipinaliwanag sa akin ang tungkol sa laro 'di hindi ko sana ang pinag gagawa ko. "Naku, nga pala, saan ka pupunta?" tanong niya, bigla ko namang naalala kung bakit ako lumabas.
"Ah, lalabas sana ako." sagot ko naman sa tanong niya, "Sakto, sabay na tayo." suhestyon naman niya na agad ko namang sinang ayunan.
Naririto kami ngayon sa oblong at nanonood ng Girri. Nang biglang mag vibrate ang aking cellphone, nang tingnan ko ito ay galing ang liham mula kay Michael.
"Mauna na ako, hinahanap nila ako sa loob." paalam ko kay Sylvester, "Sige, sasabihan na lang kita kapag may laro ulit tayo." sagot naman niya, "Kung ganoon, kunin mo na lang number ko sa messenger owl para mas mabilis." suhestyon ko naman.
"Sige." sabi naman niya at inilabas niya ang kaniyang cellphone. "Iyan, hintayin mo na lang ang liham ko." sabi niya matapos naming maging mutual sa messenger owl, "Sige, una na ako." muli kong pagpapaalam sa kaniya bago ako tumalikod at maglakad papunta sa loob ng paaralan.
Dinaanan ko ang daan patungong liblary upang makaiwas sa maraming estudyante at para mas mabilis akong maka rating sa infirmary dahil nandoon parin si Michael. Tahimik akong naglalakad habang iginagala ang aking paningin, purong konkreto itong paaralan.
Parang lumang kastilyo pero walang masamang amoy. Pagpasok ko ay sinalubong ako ng nurse na namamahala sa infirmary at binigyan niya ako ng isang ngiti bago ako nilagpasan. Dumiretso ako sa kama kung saan nanggagaling ang mga bulong.
"Ehem." tawag atensyon ko sa dalawang sina Michael at Chloe, "Naririto kana pala." sabi ni Michael, tumango ako at umupo sa paanan ni Chloe, "Mabuti naman at gising kana," sabi ko sa nakaupong si Chloe.
Ngumiti naman ito, "Pinag alala mo kami." dagdag ko pa. "Talaga ba?" tanong naman niya, "Oo." sagot ko naman, tumawa naman siya ng bahagya. "Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ko, "Heto, maayos na medyo nakaramdam parin ng pagka hilo." sagot naman niya, tumango naman ako at tumingin kay Michael.
"Bakit mo nga ba ako pinatawag dito?" tanong ko sa kaniya, "Ah, pinapatawag kasi tayo ng Headmistress." sagot naman niya, "Bakit daw?" tanong ko naman ulit sa kaniya, nagkibit balikat siya, "Hindi ko alam." sagot naman niya.
"Tara na," tumayo ako at inaya siya, "Babalik din kami." dagdag ko pa, tumango naman si Chloe. Agad kaming lumabas ni Michael at dumiretso sa labas papunta sa opisina ng Headmistress. Pumasok kami sa maliit na espasyo bago ito umikot at lumitaw ang kaniyang opisina.
"Headmistress." tawag ko ng kaniyang pansin nang makapasok na kami dahil siya'y nakatalikod mula sa amin. humakbang kami ng humakbang hanggang sa mapakarating kami sa harapan ng mesa ng Headmistress.
"Buti naman at dumating na kayo." sabi ng Headmistress at lumapit sa amin bago umupo sa kaniyang upuan. "Bakit niyo po kami pinatawag?" tanong ni Michael, "Umupo na muna kayo." sabi naman ng Headmistress kaya agad namin itong sinunod.
"Pinatawag ko kayo dahil dito," panimula niya bago inilabas ang kaniyang wand at ikinumpas ito ng paikot. "Ano po iyan?" sabay naming tanong ni Michael nang lumitaw ang isang bola at marahan na bumaba sa ibabaw ng mesa.
Unti- unting nagkaroon ng gintong paa na siyang naging patungan niya sa ibabaw ng mesa. "Ito ang dahilan kong bakit ako nawala ng ilang araw." dagdag pa niya habang nakatitig sa amin, tumingin ako sa bola at inilipat sa kaniya.
"Ano po iyan?" pag-uulit ko sa aking tanong, "Isang propesiya." sagot naman niya, "Paano at saan niyo po iyan nakuha?" tanong naman ni Michael, "Ministry of Magic," sagot niya, "Ako mismo ay nakatanggap ng pangitain sa dalawang nilalang na siguro ko'y inyo nang nakilala." dagdag pa niya.
"Para kanino po 'yang propesiya?" tanong ko, "At ano pong mga nilalang?" tanong naman ni Michael, tila hindi maubosubos ang aming katanungan. "Ang lightborns." sagot niya at ngumiti siya na parang hinihintay ang aming magiging reaksyon.
Ngunit hindi kami nakaimik ni Michael, nagulat sa kaniyang sinabi. "Tingnan ninyo ang propesiya." sabi pa ng Headmistress, kumurap ako at kumunot ang aking noo, "Pero paano po, isang bolang puno lang ng usok ang nakikita namin." sabi ko.
Ngumisi ang Headmistress, "Akin ang mga kamay niyo." sabi niya at agad naman naming ibinigay ang aming mga kamay. Kanya itong ipinatong sa itaas ng bola, nakaramdam ako ng lamig mula sa aking palad na unti-unting umakyat.
Hanggang sa parang hinigop ako papasok sa bola.
Nakatayo ako ngayon sa isang lugar na parang nasa harapan ako ng paaralan, nang lingunin ko ito ay may mga sira ito. Nagulat naman ako sa isang pag sabog kaya agad akong napalingon sa aking harapan.
"Ang inyong nakikita ay ang inyong hinaharap." isang boses ang aking narinig sa loob ng aking ulo, nakilala ko naman ito matapos ang ilang segundo.
Sa harapan ko ay ang aking sarili at ang nilalang na may singay at pula ang mukha, nagbabaga ang kaniyang mga paa at may hawak itong kakaibang hitsura ng wand. Napakunot noo ako, ganyan pala ang hitsura ko kapag ginagamit ko ang kapangyarihan ni Adalgard.
Maputi ang aking buhok na hanggang balikat ang haba, ang aking tenga ay patulis, puti rin ang aking kabuoang damit at maging ang aking mata ay puti.
Nagsimulang pagpalitan ng atake ang dalawang nasa harapan ko nang bigla akong nahigop muli at bumalik sa aking kinauupuan. "Ano po ang sunod na nangyari?" tanong ni Michael na sabik sa kasagutan.
Umiling ang Headmistress, "Iyan ang problema, maging ako ay hindi ko alam sapagkat kalahati lamang ang nakuha ko, naunahan ako ng mga tagasunod ng Necromancer." malungkot na sagot niya.
Bumuntong hininga ako, "Ang nilalang na kinakalaban ba namin sa propesiya ay ang Necromancer?" tanong ko, tumango naman ang Headmistress, "Siya nga." sagot niya, nakakangilabot ang kaniyang hitsura, paano na kaya ang kaniyang taglay na kapangyarihan?
"Ang masama pa'y alam ng Necromancer ang magiging kahihiinat nan ng inyong laban, maari siyang makagawa ng hakbang upang mabago ito." nagaalala niyang sabi, nakaramdam naman ako ng kaba.
"Kung ganoon, alam na din nya ang tungkol sa lightborns?" tanong ni Michael, "Mataas ang posibilidad." sagot naman ng Headmistress. "Ano po ang kailangan naming gawin?" tanong ko sa Headmistress.
"Malapit na ang pagtatapos ng school year na ito, kaya ipapasundo ko kay sa iyong mga magulang, Michael." sagot naman ng Headmistress, "Tapos ano na po?" tanong ko ulit, umiling ang Headmistress.
"Sa ngayo'y iyon pa lamang ang plano, hintayin niyo ang aking susunod na payo." sagot naman niya. Kung nasa Necromancer nga ang kalahati ng propesiya, malaki ang posibilidad na matalo niya ang aming pwersa kahit pa nasa saamin ang kapangyarihan ng lightborns.
Baka magtagumpay din siyang makuha ang fountain of chi, iyon ang magiging simula ng kaniyang paghahari sa mundo at maging ang mga normal na tao ay madamay.
"Siya nga pala, nasanay niyo na bang kontrolin ang inyong kapangyarihan?" tanong niya sa amin, ang tinutokoy niya ay ang kapangyarihan nina Adalgard at Adalhard. Pareho kaming umiling ni Michael, bumuntong hininga naman ang Headmistress.
"Papayuhan ko ang mga magulang mo, Michael na sanayin kayong dalawa, sa aking pagkakaalam ang iyong ama ay isang mahusay na warlock pagdating sa mga mahika." sabi naman ng Headmistress, tumango naman kami.
"Bukas makalawa, dadating na sila rito." pahabol ng Headmistress nang malapit na kami sa lagusan para lumabas.
"Natatako ako." sabi ni Michael paglabas namin, hindi naman kasi namin hiningi na maging taga protekta ng fountai of chi o maging descendant ng lightborns, hindi kami handa para sa mga bagay na ganito.
"Ako rin." pareho kaming naglakad pabalik sa infirmary upang balikan si Chloe. "Anong sinabi ng Headmistress?" tanong niya nang makaupo kami sa tabi niya, nakahiga ito at mukhang kagigising lang niya.
"Ayon, masamang balita." sagot ko naman, hinawakan ko ang balikat ni Michael upang pigilan siyang sabihin lahat ng sinabi ng Headmistress, mas mabuting kami na muna ang nakakaalam.
"Ano naman iyon?" tanong niya, "Mas maaga kaming aalis dito." sagot ko ulit, iniwan ang ibang mga detalye. Nagulantang naman ito sa aking sinabi kaya mmabilis siyang umupo, "Ha?!" sigaw niya.
Nagkibit balikat ako at napabuntong hininga naman si Michael, "Kailangan eh." sagot naman ni Michael, mukhang naintindihan na niya ang gusto kong mangyari. "Kailan?' tanong ni Chloe, "Sa makalawa." sagot naman ni Michael.
"Bilis naman, maiiwan na naman akong mag-isa." malungkot na sabi ni Chloe, "Bakit naman, andyan naman ang iba nating ka klase." sabi ko naman sa kaniya, "Hindi nila ako gusto, kayo nga lang ang nakikipag-usap sa akin," sabi naman niya.
Nakaramdam ako ng lungkot at awa para sa kaniya, "Iniiwasan nila ako dahil daw wierdo ako." dagdag pa niya, "Hindi naman." sabi naman ni Michael upang maibsan ang lungkot nito, "Hindi ka lang nila maintindihan dahil sa mas mabilis ang iyong utak." dagdag ko naman sa sinabi ni Michael.
Kahit papaano ay ngumiti naman siya. Noon ay hindi ko siya tinuring na kaibigan, hinahayaan ko lang na sumunod siya sa amin ngunti ngayong alam ko na kung ano ang nararanasan niya ay parang nakonsensya ako na sana ay naging mas mabait ako sa kaniya.
"Kaya ako nalulungkot dahil iiwan niyo ako, mawawalan na naman ako ng kaibigan." sabi niya, nanaman? nangyari na ba ito noon sa kaniya? "Bakita? nangyari na ba noon ito sa'yo?" tanong ko sa kaniya.
Lumaki naman ang kaniyang mga mata na tila nagulat, "Ha? hindi, mali lang ang salita na nagamit ko." sabi niya, duda ako do'n sa sagot niya pero hinyaan ko na lang. "Kailangan naming makaalis agad eh," sabi naman ni Michael.
"Pero hwag kang mag-alala, hindi kanaman namin kalilimutan." dagdag pa ni Michael, ngumiti naman ako bilang pag sangayon sa sinabi ni Michael. Bumuntong hininga si Chloe, "Promise nyo 'yan ha?" tanong niya bago ngumiti.
Tumango naman kami hanggang sa nagtawanan na lang.
"Tapos na ang oras ng pagbisita, magpapahinga na ang pasyente." sabi ng nurse nang makalapit ito sa amin, nanghinayang kami ni Michael dahil gusto pa naming makausap si Chloe dahil natutuwa kami sa mga kwento niya.
Ikinukwento kasi niya ang mga palpak niyang gawa, nakakatawa talaga ang mga iyon at dumagdag pa ang paraan ng kaniyag pagkukwento. "Alis na kami." paalam ko sa kaniya, "Paalam." sabi naman ni Michael.
"Kita nalang tayo sa susunod pag nakalabas kana." dagdag ko pa, ngumiti naman si Chloe, "Sige, paalam." nag wave siya bago kami tumalikod ni Michael at lumabas na ng infirmary na agad isinara ng nurse.
"Saan na tayo pupunta?" tanong ni Michael, nagkibit balikat ako, "Di ko alam sa'yo, ako, matutulog na muna ako." sagot ko naman sa kaniya, inaantok kasi ako. "Sa silid narin ako." sabi naman niya at sabay na kaming bumalik sa aming silid.
Inihiga ko ang aking sarili sa aking kama at ipinikit ang aking mga mata, bago ako nakatulog ay sumadya sa aking isipan ang nakita kong propesiya. Maari kayang manalo kami? o mataas ang tyansang matalo kami?
Inalis ko na iyon sa aking isipan at hinayaang mahulog ako sa isang mahimbing na pagtulog.