Dalawang araw ang matulin na lumipas at hindi pa rin pumapasok sa klase si Ridge. Hindi ko din siya nakikita sa buong school at hindi ko na din siya nakakausap pa. Noong minsan na sinubukan ko siyang tawagan sa cellphone niya ay naka-deactivate naman ang number niya. Kaya wala akong ibang magawa kung ‘di ang mag-alala sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang ginagawa niya sa sarili niya. “Hindi na ba talaga magbabago ang desisyon mo, Myrtle? Talaga bang itutuloy mo ang pag-transfer sa ibang school?” malungkot na tanong sa akin ni Kiara. Kasulukuyan kaming nasa library para gumawa ng isa sa mga activity namin sa school. Naikwento ko na sa kanya ang tungkol sa pag-transfer ko sa ibang school at ang tungkol sa amin ni Ridge. Sa totoo lang, nagdadalawang isip na akong ituloy ang pag-tra

