Isang mapaglaro at nakakalokong ngisi ang itinugon sa akin ni Ridge saka ako nito pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. “Hindi ko alam na ang lakas din pala talaga ng dating ko pati sa mga manang,” mayabang na saad niya. T-Teka. Ano daw? Ako ba ang tinutukoy niyang manang? Umawang ang mga labi ko dahil sa labis na hindi pagkapaniwala sa inaasta niya sa harapan ko. In the first place, sino baa ng unang nag-approach sa aming dalawa? Hindi ba at siya iyon? Nagawa niya pa ngang palabhan sa akin ang vest niya kahit hindi ko naman iyon nadudumihan! “Sorry huh. Pero… may limitasyon din kasi ako. Lahat ng babae ay papansinin ko, pwera lang sa isang tulad mo. Kaya kung gusto mong…” Pinutol niya ang sariling sinasabi saka siya bahagyang mas lumapit pa sa akin. “…maging isa sa mga babae ko,

