Hindi ko alam kung ilang segundo na ba akong nakatayo sa harapan ng gate ng school. Malakas ang bawat pagkabog ng dibdib ko dahil sa kaba na nararamdaman ko kaya naman hindi ko magawang igalaw ang nanghihinang mga paa ko. Pagkatapos ng nagdaang acquaintance party ng school ay maghapon ko lamang inisip nang inisip kahapon ang buong nangyari, mula nang marinig at masaksihan ko ang pagtatapat ni Calix kay Vernice, hanggang sa pilitin ako ni Ridge na pasakayin sa sasakyan niya para ihatid sa bahay. At tandang-tanda ko pa ang buong tagpo no’n sa amin ni Ridge. “Gulong-gulo din ako kaya sumakay ka na.” Sa huli ay wala na nga din akong ibang nagawa pa kung ‘di ang sumakay na lamang sa loob ng sasakyan ni Ridge. Nang makasakay na ako ay sinara na ni Ridge ang pintuan sa tabi ko saka siya umikot

