“Sigurado ka bang papasok ka ngayon? Baka pwedeng umabsent ka na lang muna kahit ngayong araw lang,” saad ni Nanay sa akin habang abala ako sa pagsusuot ng sapatos ko. “Ayaw ko pong umabsent, Nay,” tugon ko. Ayaw kong umabsent dahil gusto at excited na akong makita si Ridge sa school. “Pwede naman po tayong mamayang hapon na lang mag-celebrate pagkauwi ko po,” dagdag ko pa kay Nanay hanggang sa tuluyan na akong matapos sa ginagawa ko. “O siya sige. Umuwi ka kaagad ng maaga huh,” nakangiting bilin ni Nanay sa akin na nakangiting tinanguan ko din naman. “Opo, Nay. Alis na po ako,” tugon at paalam ko dito saka ko siya hinagkan sa pisngi. “Ingat, Anak. Happy birthday!” aniya bago ako tuluyang makaalis ng bahay. Pagkadating ko sa school ay masayang sinalubong kaagad ako ni Kiara. Binati ni

