Chapter 58

1819 Words

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulala lamang sa harapan ng pagkain. Lumilipad ang isip ko sa madaming bagay at nagbalik lamang ako sa aking sarili nang tapikin na ako ni Kiara. “Myrtle!” “Huh?” “Sigurado ka bang ayos ka lang talaga?” alalang tanong sa akin ni Kiara. Kasulukuyan kaming nasa food court para sabay na mag-lunch. “Kanina ka pa nakatulala lang. Ang dami ko nang naikwento pero hindi ka naman nakikinig. Hindi ka din kumakain. Ano ba kasi talagang nangyayari sa iyo?” Pilit akong ngumiti kay Kiara kasunod ng malalim na paghigit ng hininga. “Ayos lang ako, Kiara,” tugon ko saka ko sinimulang galawin ang pagkain ko. Hindi sa ayaw kong magsabi kay Kiara ng tungkol sa mga iniisip ko. Sadyang hindi ko lang din talaga alam kung paano ko sasabihin sa iba ang sitwasyon ko n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD