Today is the death anniversary of Ate Mau. Eksaktong dalawang taon na mula nang mawala siya sa amin at sa tuwing naaalala ko ang araw na iyon ay napakasakit at napakahirap pa ding tanggapin ng lahat. Ang sabi nila, malaking kasalanan daw sa Diyos ang pagkitil sa sariling buhay. At sa ginawa ni Ate Mau sa sarili niya, hindi ko maiwasang hindi masaktan ng sobra at mag-isip dahil sa bagay na iyon. Nasasaktan ako and at the same time ay nagagalit ako sa kanya. Bakit kasi kailangang humantong pa sa ganito? Anong dahilan ng naging desisyon niya para wakasan ang sariling buhay? Mapait kong pinahid ang mga luha kong naglalandas mula sa mga mata ko habang nakatitig ako sa lapida ni Ate Mau. Biyernes ngayon at wala na sana akong balak na pumasok pa sa school pero may mga exam kami na kailangang i-t

