Chapter 6

1562 Words
Hindi ako makapaniwala na kampanteng nakikipagkwentuhan sa akin si Kiara matapos nitong pormal na makipagkilala kanina. Halos mabali na ang leeg niya dahil kasulukuyang nililingon niya ako mula sa upuan niya na nasa harapan ko. Ilang minuto na ang nakalipas at hindi pa rin dumarating ang susunod na teacher namin kaya naman tuloy sa pagdadaldalan at pag-iingay ang mga kaklase namin. At tulad nila ay tuloy lang din naman sa pagkukwento sa akin si Kiara. Nalaman ko sa kanya na nagmula siya sa ibang school at doon nagtapos ng Junior High. Kasama niya sa school na iyon sina Diego at Ray, ‘yong dalawang lalaki kanina. “Ayaw ko sana talagang lumipat dito sa school na ito pero dito gusto ng parents ko dahil sikat daw ito at talaga namang malaki. Iyon nga lang, ‘yong ugali ng mga estudyante dito ay hindi ko bet,” pahayag niya pa sa akin. “Sa lahat ng estudyante dito, ikaw lang ang nakita kong mabait.” “H-Huh?” Paano niya naman nasabi iyon eh first day of school pa lang naman. “Hindi mo naman ako kilala at sinungitan pa kita kanina pero… you know, niligtas mo ako mula sa pangti-trip ng dalawang gunggong na iyon,” saad niya sabay nguso kina Diego na nasa kanilang mga pwesto at panay ang tawa na parang iba naman ang pinagti-tripan ngayon. Marahan akong bumalin kay Kiara na nasa harapan ko. “W-Wala iyon. Nakita ko lang kasi talaga ‘yong ginawa nila—” “Pero hindi lahat ay gagawin ‘yong ginawa mo,” putol niya sa akin. “Huh?” “Iyong iba pwedeng magpatay malisya na kunwari ay wala silang nakita. Kumbaga ay hindi sila makikialam,” aniya. “Kaya kapag inaway ka ng dalawang gunggong na iyon, sabihin mo agad sa akin ah. Huwag kang matatakot sa dalawang iyon,” dagdag niya pa. Nilingon kong muli sina Diego at Ray na panay ang pagtawa sa kung ano mang kalokohan na pinag-uusapan nila. “Actually… hindi naman sila mukhang nakakatakot na tingnan. Saka… mukha din naman silang mabait—” “Hay naku, akala mo lang iyon,” mabilis na putol sa akin ni Kiara. “Gusto ko sanang maupo diyan sa tabi mo kaya lang… ayaw ko makatapat ang dalawang iyon,” saad ni Kiara na napangiwi pa sa huling sinabi. Hindi ko akalain na madaldal pala siyang tao. Noong lapitan ko kasi siya kanina ay para siyang mananakmal sa sobrang taray ng mga tingin niya. Ilang sandali pa ang lumipas nang dumating na din sa wakas ang teacher namin at dahil sa ilang minuto itong na-late ay halos introduction lang ang nagawa namin sa klase niya dahil inabot na kami ng oras ng uwian. Tumunog ang bell at masaya ang lahat na nagsipagtayuan kahit nasa harapan pa namin si Sir. Ako tuloy ang nahiya para sa mga kaklase kong atat na atat umuwi. Simula grade school ay dito na ako nag-aaral sa Prime High Academy. Isa ito sa pinakasikat at pinakamalaking paaralan sa Pilipinas at kung hindi dahil sa scholarship na taon-taon kong mini-maintain at inaalagaan ay hindi ako makakatungtong dito. Dito ako pinapasok ni Nanay dahil pangarap niya para sa akin ang makapag-aral at makapagtapos sa ganitong kasikat at kalaki na paaralan. Kaya naman mula noon hanggang ngayon ay binabantayan ko talaga ng mabuti ang mga grades ko para magtuloy-tuloy ang scholarship ko dito. Kaunting taon na lang kasi at kaunting tiis na lang ay makakapagtapos na ako. Masayang kumaway sa akin si Kiara para magpaalam nang matapos na itong mag-ayos at magligpit ng mga gamit niya. Kinawayan ko din naman siya pabalik bilang pamamaalam dito. Hindi ako sanay na may ibang estudyante ang nakikipag-usap sa akin lalo na kung hindi naman tungkol sa assignments o project. Si Kiara ang una kung hindi isasama sa listahan ang best friend kong si Vernice. “Myrtle!” Mabilis akong napalingon pagkalabas ko ng classroom namin nang may tumawag sa akin. And as usual, si Vernice lang naman iyon at wala ng iba. Malapad ang ngiti nito na kumakaway at naglalakad papalapit sa akin. Ngumiti ako pabalik sa kanya at humakbang para salubungin sana siya, pero agad na nanigas ang mga labi ko sa pagngiti at natigilan ako nang makita ko kung sino ang mga kasama niyang naglalakad papalapit sa akin. Namilog ang mga mata ko at nag-umpisang kumabog ng kakaiba ang dibdib ko dahil sa kaba. Lalo pa nang kitang-kita ko ang marahan na pagbalin ng tingin sa akin ng mga kasama niyang lalaki. Lalo na si—Calix! Napaatras ako at hindi ko alam kung saan ako tatakbo para makaiwas at makalayo sa kanila. Mabilis akong nalapitan ni Vernice at yumakap ito sa aking braso. “This is my best friend, Myrtle,” nakangiting pagpapakilala ni Vernice sa akin sa mga kasama niyang lalaki. Sila ‘yong kanina na lumapit din sa amin. Pero higit sa lahat ay napako ang mga tingin ko kay Calix na nakatingin din naman ng deretsyo sa akin. Nang mga sandaling iyon ay para bang sandali kong nalimutan kung paano huminga. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko at halos parang tatalon na palabas sa dibdib ko ang puso ko. “Really? Best friend mo siya?” tila parang hindi naman makapaniwalang tanong ng isang lalaki kay Vernice. Sa pagkakatanda ko, siya ‘yong nagpakilalang Owen kanina. “Yup!” simple at nakangiting tugon naman ni Vernice dito. Bumalin ng tingin si Vernice sa akin saka ito nagsalita, “They are inviting me for a cup of coffee. Sama ka!” Umawang ang mga labi ko at halos mapakurap-kurap ako nang makita kong umangat ang isang sulok ng mga labi ni Calix habang nakatingin ito sa akin. Ngumiti ba siya sa akin? Totoo ba?! “Myrtle…” mahinang tawag sa akin ni Vernice kasabay ng marahan nitong pagyugyog. “H-Huh?” “Sama ka sa amin!” excited na yaya ulit ni Vernice sa akin. Mabilis akong nagbalik sa tamang kaisipan saka ko inalis ang kamay ni Vernice na nakayakap sa braso ko. “Hindi ako pwede. Kailangan ko nang umuwi,” mabilis na sabi ko kay Vernice na ikinapawi ng mga ngiti niya. “Bakit naman? First day of school pa lang naman. Don’t tell me mayroon agad kayong assignments or project—” “Mayroon nga!” mabilis na putol ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya. “What? Seriously?” hindi niya makapaniwalang tanong sa akin. Humigpit ang hawak ko sa bag ko saka ako marahan na napayuko at nag-iwas ng tingin sa kanya. “M-Mauna na ako, Vernice…” “What? Hindi mo talaga ako sasamahan?” tila may bahid ng tampo ang tinig niya. “Okay lang iyan, Vernice. Tayo na lang,” nakangiti at parang masayang-masaya na sabi naman no’ng Levi. ‘Yong halatang may gusto kay Vernice. “Oo nga. Hayaan mo na lang siya tutal ay mukhang hilig naman talaga niya ang pag-aaral ng mabuti. Imagine, gagawa agad siya ng assignments kahit unang araw pa lang ng pasukan,” wika naman no’ng Owen saka sila sabay na nagtawanan ni Levi. “What’s wrong with that? Palibhasa ay hindi kayo mahilig mag-aral.” Napaangat ako ng tingin at lahat kami ay napabalin kay Calix nang magsalita ito. Mas lalo tuloy nag-ingay ang puso ko. “What?” kunot noo ngunit natatawang tanong ni Owen kay Calix. “May mga teacher na nagbibigay agad ng assignments kahit first day of class pa lang,” wika ni Calix. “I agree,” komento naman no’ng Jack kay Calix. Ano ito? Pinagtatanggol niya ba ako ngayon sa harapan ng mga kaibigan niya? Bakit ba siya ganito? Bakit niya ba ginagawa sa akin ito? Gusto kong mamilipit ngayon dahil sa kung anong kiliti na nararamdaman ko ngayon sa loob ng aking tiyan. Na para bang may mga paru-paro na siyang masayang nagsisipagliparan dito. Hirap akong napalunok at sa huli ay nakaipon ng kakaunting lakas ng loob para makapagsalita ulit, “Mauna na ako,” paalam ko kay Vernice saka ako mabilis na kumilos. Humakbang ako para makatakbo palayo sa kanila pero dahil sa pagkataranta ko ay natisod ako. Ngunit labis akong nagulat maging ang mga taong naroroon nang mabilis akong nasambot ni Calix. Naramdaman ko ang mga kamay niyang sumambot at humawak sa akin upang mapigilan ako sa tuluyang pagbagsak. Marahan akong nag-angat ng tingin sa kanya at laglag panga akong napatulala sa gwapo at maamo niyang mukha dahil doon. “Be careful. Ayos ka lang?” aniya na para bang naging isang sirang plaka sa aking pandinig dahil sa paulit-ulit na pag-eecho nito. Inalalayan niya ako upang makatayo ng tuwid at maayos. Kung hindi niya ako nasambot ay malamang tatama ang mukha ko sa sahig at tiyak na pagtatawanan ako ng mga kasama niya. Para akong naestatwa sa nakakatunaw niyang mga tingin. “Myrtle, ayos ka lang?” lapit sa akin ni Vernice pero sa halip na sagutin sila at sa halip na magpasalamat ako kay Calix ay… Tumakbo ako palayo sa kanila. Narinig ko ang malakas at ilang beses na pagtawag ni Vernice sa pangalan ko pero hindi na ako nag-abalang lumingon pa. Pakiramdam ko kasi ay matutuluyan ako kung hindi pa ako aalis sa lugar na iyon dahil sa papabilis na papabilis na pagtibok ng puso ko. Shocks! Nahawakan ako ni Calix! Hindi ako maliligo ng isang linggo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD