"That's why I followed you here," wika ni Justin. "Alam kong ganito ang magiging reaction mo."
"Sir naman, hindi ba parang sobra-sobra naman na po yung hinihingi nyo sa akin. This isn't part of my intenship, anymore. Besides ilang araw na din akong di nakakapasok sa school. I still have classes to attend to and thesis to finish. May obligasyon din ako sa family ko," dere-deretsong wika ng dalaga.
Napakamot sa ulo si Justin. His mom can really be frustrating sometimes. Ang pagiging impulsive nito sa mga bagay-bagay ang kung minsan ay hindi niya ma-gets pero he loves his mom so much kaya lahat ng gusto nito ay ibinibigay nilang mag-ama. Pero naiintindihan din niya si Jazz. He suddenly dragged her here, asked favors na alam naman niyang kung ibang tao ay posibleng tanggihan talaga siya but she obliged. Without asking for anything in return.
"I'm really sorry that I dragged you into this situation," he really was apologetic. "But mom has never been fond of anyone else except me and dad. Kahit kami, parehas nagulat sa naging pakikitungo niya sa iyo. Honestly, ikaw ang pangatlong taong nginitian niya at niyakap niya." Tiningnan niya ito ng matiim, "That's why I am asking you to just stay here for a little longer, please!"
Umiwas ito ng tingin sa kanya,"Sir, hindi ko po alam kung anong issue ng mommy mo at ganun ang pakikitungo nya sa akin. But I'm thankful for that, I really do. Pero please try to understand. Nahihirapan din akong magsinungaling sa kanila, especially to her."
"Ganito na lang. Ako na ang bahala sa school mo. Kung anuman ang dapat mong ipasa, requirements, thesis, etc., let me handle that for you. And your internship, consider it done. I'll sign your papers as soon as we're back. And your attendance at school, ako na din ang bahala dun. Kahit sa finals ka na lang pumasok to take your exam. And if you need help sa review mo, or sa pag-aapply mo ng work, ako na din ang bahala. Actually, you don't need to apply, I'll give you the position you want. Just stay here for a little longer, please!"
"Sir, hindi na nga po ako komportable sa ginagawa ko... Natin! Hindi ko na kayang magsinungaling sa kanila. Every time humaharap ako sa kanila at nagpapanggap para akong nasa bahay ni Big Brother na bawat kilos ay pinagmamasdan at hinihintay lang na ako ay magkamali."
"Can't you reconsider, Jazz?," he asked. "If I'm making you uncomfortable, I'll stay away. I know we aren't discussing what happened but it's what you wanted so I'm keeping myself quiet about this. And if you really want to forget it then, let's forget it. But please stay for a few more days." He sounded like he was begging her.
Jazz sighed. Here he goes again. Making her want to obey his pleadings.
"Pwede po bang bumalik na po tayo sa table. Baka naghihintay na po sa atin yung parents nyo." Tinalikuran na niya ito para magtungo sa mesa nila.
But Justin grabbed her arms and pulled her back to him. Dahil sa gulat ay na out of balance siya at muntikan na matumba. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ng binata at naalalayan siya nitong makabawi ng balanse. Pero hindi niya inasahan ang paghapit nito sa kanyang bewang dahilan upang lumapat siya sa katawan ng binata.
"Easy, I got you," bulong pa nito.
May kung anong kilabot ang naramdaman niya na tila ba pinanidigan pa siya ng balahibo sa batok ng dumampi ang hininga nito sa may punong-tenga niya. The beating of her heart became uncontrollable again. Tiningala niya ito upang sana ay sabihin dito na bitawan siya ngunit sakto namang tumunghay din ito mula sa pagbulong sa kanya kaya naman hindi sinasadyang tumama ang tungki ng kanyang ilong sa labi nito. Napasinghap siya sa sobrang gulat. Mabilis siyang kumawala sa pagkakahawak nito upang makalayo pero hindi nito binitawan ang braso niyang hawak nito. Ramdam niya ang lakas ng kabog sa dibdib niya.
Sinamaan niya ito ng tingin. "Bakit ba bigla-bigla ka na lang nanghihila? Muntik na kong matumba!" sininghalan niya ito dahil nais niyang takpan ng pagkainis ang kahihiyang nararamdaman niya kanina.
"Nasalo naman kita, ah!"
She rolled her eyes out of frustrations. "Bitawan mo nga ako!"
Umiling ang binata, "Not until you agreed to my request."
"Request? Pero pinipilit mo akong sumang-ayon sa gusto mo!"
"Because you're giving me no choice!"
"Choice??? Ako ba? Binigyan mo ba ako ng choice? You dragged me here, made me pretend to be your fiancee all of a sudden as if all that has happened was my fault. Nananahimik ang buhay ko sir. Intern student lang po ako na pumapasok sa school at sa office ninyo lang ang daily routine ko, but all of a sudden nandito ako sa probinsya. Nagpapanggap sa isang bagay na ni sa hinagap di ko man lang naisip o pinangarap! And you're saying I didn't give you a choice?!" She wasn't able to control herself and blurted out her frustration. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ng mga oras na iyo. Inis, pagkapahiya, frustration sa nararamdaman niya para dito. Kung bakit andun pa rin yung kagustuhan niyang pagbigyan na lang ito para matagal pa niyang makasama ang binata pero nandun din ang takot na baka masaktan lang siya sa bandang huli kaya mas gusto na lang niyang tumakbo papalayo mula dito.
Mahina pa din naman ang pagkakasabi niya nun dahil iniiwasan niyang may makarinig sa kanila pero naiiyak na siya sa totoo lang. The nerve of this koryanong hilaw na ito to accuse her of not giving him a choice!
Tumiim ang tingin ni Justin sa dalaga. Tama ito sa sinabi nito. He dragged her here without giving her options. Pinilit magpanggap for his own selfish reasons at hindi nagreklamo. At sobra na nga naman ang hinihiling niya. Bukod pa sa s****l tension na namamagitan sa kanila sa tuwing magdidikit sila. Halos muntikan na din nitong isuko ang sarili sa kanya kundi lamang pinilit nitong makawala. Napalunok siya ng maalala iyon. Bigla ang pagsigid ng pagnanasa sa buong pagkatao niya sa alaalang iyon. Heto na naman yung urge na halikan ang dalaga at ikulong na lang sa mga bisig niya. His thoughts went wild with just the mere thought of what supposed happened in her room yesterday. Binitiwan niya ang braso ng dalaga. Mali ang patuloy na makaramdam ng ganito para sa dalaga.
Bumuntunghininga muna siya ng malalim bago nagsalita. "I apologize sa mga nangyari. But I still hope you can reconsider. I still need you here. My mom, she really likes you a lot. I don't know why pero gusto ka pa talaga niyang makasama ng matagal."
'But you won't be needing me anymore once your parents leave the country. And that would be the most painful.' Yun ang tumakbo sa isip ni Jazz. Ano bang dapat niyang gawin? Staying longer here is dangerous to her heart. Pero bakit ba tila hindi din niya makuhang lubusang tumanggi. Deep inside her heart, masaya siyang gusto pa nitong mag stay siya ng mas matagal sa villa. Kahit pa nga sabihing he's just using her. Marahil ay nabubulagan na din talaga siya ng nararamdaman niya para sa binata.
She sighed, "Pag-iisipan ko po. But I hope, respetuhin nyo din po kung ano man ang magiging desisyon ko." Iyon lamang ang sinabi niya at tumalikod na sa binata upang bumalik sa kanilang lamesa.
Walang nagawa si Justin kundi ang sumunod na lamang sa dalaga.