Off Limits!!!

1581 Words
Napailing si Justin sa naalalang pinag-usapan nilang magkaibigan. He has to distance himself from Jazz. Kailangan lang na maconvince nya ang mga magulang especially his mom na bumalik ng Korea and everything will be back to normal. Lumabas siya ng silid at nagtungo sa kusina upang magkape. He looked at the clock and the time said it was already eight am in the morning. Napailing siya. Ito na yata ang pinaka tanghali niyang gising ever since siya na ang nagtake over ng kumpanya nila dito sa Pilipinas. Mahigit sampung shot pa nga yata ng bacardi ang nainom niya. Naalala pa niya ang kaibigan niya, "Justin Lee, sabihin mo sa akin kung saan kita dadalhin. Hindi kita pwedeng iwan dito sa bar nina ate Muziq kung ayaw mong mas malalang tsismis pa ang masuungan mo," wika nito habang akay-akay siya patugo sa kotse nya. " Hatid mo lang ako sa villa namin." Lungayngay na siya at halos di na maintindihan ang sinasabi niya. "Oh, anong nangyari diyan sa kaibigan mo?" narinig niyang may nagtanong sa kaibigan niya. Boses ni Muziq.Tapos ay naramadaman niyang may kumuha din ng isa nyang braso upang tulungan si Dan na alalayan syang maglakad. "Nabasted yata to, nilaklak ba naman yung Bacardi nyo eh," pumapalatak pang wika nito. "Ow, poor thing... Tsk tsk tsk! The saying is true talaga, you can't have it all. With the looks and charms that he has, nabasted pa sya ng lagay na yan. I bet all the girls around him would swoon over just to get his attention." Naramdaman niyang huminto sila at isinandig siya ng kaibigan sa hood ng sasakyan, kinapkapan nito ang bulsa nya at kinuha ang susi ng makapa iyon. "He owns this car?" manghang wika ni Muziq. "Uhuh!" "A chevy... And so he is rich. Nacurious naman ako sa bumasted sa kanya. I wanna see her. Gaano ba yun kaganda para bastedin 'tong korean friend mo?" "I will never know." Ipinasok na siya ng kaibigan sa passanger seat at inalalayang makaupo ng maayos. Narinig pa niyang nagpaalaman ang dalawa ngunit bago tuluyang sumakay ang kaibigan ay iginupo na siya ng antok... Wala na siyang maalala pagkatapos niyon. Hindi na niya naintindihan kung paano nakauwi ng maayos ang kaibigan niya. Napailing siya, naubos ba talaga niya yung isang bote ng Bacardi? He wasn't a heavy drinker pero sa tuwing may bumabagabag sa kanya at nahihirapan siyang makatulog ay humihingi siya ng tulong sa alak. Hindi naman iyon madalas mangyari maliban na lang ngayon dahil kay Jazz. Lumabas na siya ng silid at nagtungo sa kusina upang magkape. Masakit ang ulo nya and he needs something to relieve the headache. Tahimik ang buong kabahayan, marahil ay lumabas ang mga magulang niya at pumunta kung saan. Pero nasaan kaya si Jazz. Naisip niyang puntahan ito sa kanyang silid pagkatapos niyang magkape. Malapit na niyang maubos ang tinimplang kape ng makarinig siya ng mga yabag patungo sa kusina. He stood up to see who's coming. And he never thought such a sight would enter his kitchen. Jazz was wearing her usual wardrobe. Maong shorts showing her long skinny legs and yellow tank top covered with plain white polo. Her hair is tied up at the back with little hairs falling on her face, accentuating more of her facial features, no make-up, just a brush of red tint on her lips. A small amount of perspiration is shown on her face. Kahit bahagya itong pawisan ay mukhang fresh pa rin ito. Tila ito baby na katatapos lang maglaro pero mukhang mabango pa rin. Nais na lang niyang ibaon ang mukha sa leeg nito at simsimin ang natural nitong amoy. Nagulat naman ang dalaga ng madatnan ang binata sa kusina. Katatapos lang niyang libutin ang paligid ng villa at nauhaw siya kaya nagmamadali siyang pumasok sa kusina upang kumuha ng maiinom. Tumikhim ang dalaga, "Good morning po, sir!" simpleng bati nito sa kanya bago nagtungo sa ref upang kumuha ng tubig. "Good morning!" balik-bati ng binata. He looked at her. Nailang naman si Jazz dahil nakasunod sa bawat kilos niya ang binata. Muling bumalik sa alaala niya ang naganap kahapon. Di niya mapigilan ang pag-iinit ng mga pisngi dahil sa naisip. Mabilis niyang ininom ang tubig at inubos iyon bago muling lumabas ng kusina. Pero natigilan siya ng magsalita ang boss niya. "Where are you going?" Napilitang humarap ang dalaga dito, "Aakyat po sa kwarto para magpahinga." "Saan ka ba nanggaling?" "Nag-ikot lang po sa paligid ng villa. Umalis po kasi yung mommy at daddy nyo kaninang maaga pa. Wala po akong magawa kaya naisipan kong maglibut-libot lang sa paligid." Napahawak ang binata sa noo niya. "I'm sorry. I drag you going here pero heto at hinayaan lang kitang mag-isa dito sa mansyon." "Naku ok lang po. Alam ko naman pong may ibang bagay pa kayong inaasikaso. Tsaka sanay naman po akong libangin yung sarili ko." "But still you are my guest here." "Ayos lang po ako sir Justin. Tsaka may..." Hindi na natapos ng dalaga ang sasabihin dahil may biglang pumasok sa kusina at nagsalita. "Hey, Jazz are you done?" Napalingon si Justin sa nagsalita. Si Dan, ang kaibigan niya. "You're still here? Dito ka ba natulog?" Napahawak ito sa dibdib na tila ba nasaktan, "Ouch naman my friend. Pagkatapos kitang ihatid dito ng dis oras ng gabi dahil lasing na lasing ka ng dahil sa babae, tatanungin mo ako bakit nandito pa ako? Sa tingin mo paano ako uuwi ng ganung oras, hindi ko dala yung motor ko, saan ako sasakay? Alangan naman dalhin ko ulit yung kotse mo tsaka nakakainom din ako kagabi huh, pinilit ko lang magdrive para maihatid ka dito. Buti na lang your father was nice enough to invite me na dito na magpalipas ng gabi." Sa haba ng litanya ni Dan, iisa lang ang nahagip ng pandinig ni Jazz, 'Nagpakalasing ng dahil sa babae? Pagkatapos akong papakin at magwalk-out kahapon, maglalasing lang pala dahil sa babae.' Napasimangot siya sa naisip. Sobrang nag-alala pa naman siya dahil anong oras na ay wala pa ang binata kaya naman nung marinig niya ang tunog ng paparating na sasakyan nito ay dali-dali siyang lumabas ng kanyang silid para salubungin ito upang magulat lamang dahil iba ang nagmamaneho ng sasakyan. At nang makita niya ang hitsura nitong lungange sa alak ay tinulungan na niyang mag-akay sa binata ang naghatid dito upang maiakyat ito sa kanyang silid. She even stayed for a while that night in his room dahil pinunasan pa niya ito para mahimasmasan at pinalitan na din ng damit. Hinayaan lang naman siya ng mga magulang ni Justin dahil nga sa ang alam ng mga ito ay may relasyon naman sila. "I'm sorry. Sobrang nalasing lang ako kagabi. Di ko na din maalala kung ano ang mga nangyari after kong makatulog sa kotse," hingi niya ng paumanhin sa kaibigan. "Ok lang bro, this beautiful miss here entertained me so well." Bumaling ito kay Jazz. "Ok ka na ba?" Napakunut-noo si Justin sa tinuran ng kaibigan, "Why would she be not okay?" Si Jazz ang sumagot, "Nakainom na po ako. Salamat po sa pagsama sa akin sa paglilibot sa paligid. Aakyat na po muna ako sa taas," at mabilis na itong tumalikod at nawala sa kanilang harapan. Susundan sana ni Justin ang dalaga ngunit pinigilan siya ni Dan. "Puyat yun bro. Magdamag di nakatulog sa pagbabantay sa iyo." "What do you mean?" maang niyang tanong dito. "Ang ibig kong sabihin, nung dumating tayo, siya yung sumalubong sa atin. Tinulungan pa nya akong akayin ka para madala ka sa kwarto mo kasi bro, ang bigat mo! Tapos pinunasan ka na din niya para mahimasmasan ka at siguro sya na din nagpalit ng damit mo." Wika pa nito at inginuso ang suot niyang damit. Wala sa loob na napatingin siya sa suot na damit. Iba na nga ang suot niyang tshirt pero yun pa din ang suot niyang pantalon. He guessed she was shy enough to strip him off his pants. "You know what bro, she looks familiar," saad nito. "I think I have seen her somewhere. Di ko lang maalala kung saan. Kaanu-ano mo ba yun? She just mentioned her name pero the whole time na magkasama kaming nag-iikot dito hindi masyadong nagsasalita kaya ako na lang yung nagkwento ng nagkwento tutal madaldal naman ako." Napatawa siya sa tinuran ng kaibigan," Tingin ko nga. Dami mo ng nasabi bro." "Eh sino nga yun?"Pangungulit pa nito sa kanya. "She's my intern secretary." "Oh, so siya pala yung bumasted sa iyo? Pero bakit nandito sya?" "Ang dami mong tanong bro." "Hindi ka kasi nagkukwento eh." "Wala akong dapat ikwento." "Kaya nga ako na nagtatanong kasi ang tamad mong magkwento. Para specific na lang yung sasabihin mo? Bakit ka nga binasted?" "Hindi niya ako binasted." "Kung sabagay kahit ako magigng in denial kapag binasted. Lalo na kung ganun kaganda. She really looks familiar. Parang may kamukhang artista. Ganyan din mga tipo kong babae eh. Sa tingin mo kung ako yung didiskarte sa kanya, sasagutin kaya ako?" "You're too old for her man." "Hey age doesn't matter. Besides kahit tahimik lang siya kanina, lakas naman ng appeal. Your secretary oozes with charm I can't help being drawn towards her." Nagdilim ang mukha ni Justin. Hindi na niya nagugustuhan ang mga sinasabi ng kaibigan. "She is so pretty talaga, I think I'm liking her more and more. If I asked for her number do you think she'll give it to me?" "Shut up bro, my secretary's off limits!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD