Natawa si Dan sa naging reaction ni Justin. "Relax bro, walang aagaw sa intern mo. I was just asking kung ibibigay nya yung contact number nya kapag hiningi ko. Di ko naman sinabing kukunin ko sya."
"I already told you, she's off limits."
"Grabe ka namang bumakod. Basted ka na nga binabakuran mo pa din."
"Hindi nya ako binasted. At hindi ko din sya binabakuran. I'm just protecting her."
"Protecting her? Bakit? Ano bang gagawin ko sa kanya para protektahan mo sya. O.A mo naman Justin. Para hihingin ko lang yung number nya eh. Bakit naman kailangan mo pang protektahan?" He supressed his smile. Sinasadya nyang asarin ang kaibigan. Halatang tinamaan ng malupit ito sa intern nito pero in denial lang.
"She's too innocent for the likes of you." His voice gives off warning.
"Like me? Bakit bro, ano bang tingin mo sa akin? Mukha ba akong predator na kakainin ng buhay yung intern mo? Nakakasakit ka na ng damdamin, huh!"
"She's too naive and too pure for someone like you na deep inside, there's already someone you are keeping in your heart, bro! Wag mo nang idagdag si Jazz sa mga babaeng paasahin mo lang so you can forget that 'woman'!" he yelled.
Nagulat si Dan, or Daniel Tanaka. Justin's outburst was something new. Di niya akalain na ganun ang iniisip nito sa kanya. Pero hindi niya ito masisisi. Yun kasi ang ikinukwento nya dito sa t'wing magkakausap sila. Well, it's true naman that women come and go sa kanya, but all of them knew the real deal. That was just for pleasure, no more, no less. And that 'woman', wala syang balak kalimutan yun.
Bumuntunghininga si Dan, kilala niya ang kaibigan. Protective ito sa mga taong itinuturing nitong mahalaga para dito. At sa ipinakita nito ngayon lang, he is sure, his friend cares a lot about his intern secretary. There's no doubt about that.
"Ewan ko sayo bro. Pati ako dinadamay mo sa frustrations mo sa buhay. I'm just teasing you kasi obviously, you like your intern. You like her!"
"Mali ka, Dan. Nandito lang sya dahil kailangan. She has a role to play and that's just it."
"Then why are you acting as if maagawan ka ng laruan?"
"Baka mabisto kami nina mom. And you hanging around here, is raising the chances na mabuko kami. We just have to stay here for a couple of days and then my parents will be heading back to Korea and then, that's it!"
Napailing si Daniel. He's friend is going to be a heart breaker, that's for sure. Sa nakita niyang pag-aalala ni Jazz kagabi at pag-aasikaso nito kay Justin, alam niyang nahuhulog na ang dalaga sa kaibigan niya. At kahit kanina na magkasama silang naglilibot sa paligid ng villa, tahimik lang ito pero sa t'wing nababanggit niya ang pangalan ng kaibigan ay nakikita niya ang pagliwanag ng mukha nito at pagkislap ng mga mata. Hindi niya alam ang buong kwento pero naawa siya para sa dalaga. Obviously, his friend is just using Jazz for his own personal reason and as clear as the day is, willing namang magpagamit ang dalaga.
"If you don't really like her, then maybe you should be clear about that. Don't give her wrong signals and make her fall for you if that is not your intention. Baka mamaya mas malaking problema pa ang mapasukan mo."
"Shut up Dan! You better leave bro, ipapahatid na lang kita sa driver."
"No need man, marunong naman akong magcommute. Besides babalikan ko pa yung motor ko sa bar ni ate Muziq."
Bumuntunghininga si Justin. "I'm sorry for the outburst bro. My head just seems to be full of thoughts, my reasoning just..." Tila wala itong maisip sabihin. "Anyway, please tell ate Muziq, thank you for last night."
"Sure, bro! Balik tayo dun one of these days kapag di ka busy. Matutuwa yung for sure."
Tumango ang binata, "Ipapahatid na lang kita kay kuya Metring hanggang sa sakayan."
"Ok, I'll just get my things," aniya at tumalikod na.
Napailing si Justin habang pinagmamasdan ang kaibigan. Hindi niya sinasadyang masigawan ito. Pero the thought of Jazz giving her attention to someone else makes him feel off. A pang of jealousy hit him. Ipinilig niya ang ulo.
Matagal ng nakakaalis si Daniel ay nanatili pa rin sa kinatatayuan nya si Justin. He didn't mean what he said earlier. Jazz is special, that's for sure pero masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya ayaw niyang mag-assume ng kung anuman. He also thinks she's too young for him.
'Ngayon mo lang yan naisip, eh muntik mo na ngang angkinin!' Kastigo niya sa sarili. Napailing siya, mukhang nasisiraan na siya ng ulo.
Umakyat siya ng hagdan upang magtungo sa silid. He needs to get a shower. He reeked of alcohol, kahit pa nga sabihing napalitan siya ng damit ng dalaga ay amoy pa rin sa kanya ang alak. Baka maamoy pa siya ng mommy niya. Ayaw na ayaw nun ang amoy ng alak. Paniguradong mapapagalitan siya kapag nalaman nitong nag-inom siya or worse nagpakalasing pa siya.
Samu't saring emosyon ang nararamdaman ni Jazz ng mga oras na iyon. Hindi niya sinasadyang marinig ang huling pinag-usapan ng dalawang lalaki dahil kinailangan nyang bumaba muli upang sana ay kunin ang cellphone niyang naiwanan sa veranda. Nasaktan siya sa mga narinig. Malinaw ang sinabi ng boss niya, she's just here to play her role as his fiance and after all of this is through, tapos na rin ang papel niya sa buhay nito. Pero ano nga ba naman ang magagawa niya eh yun lang naman ang dahilan kung bakit siya nandirito. She's hurt. She was not prepared to feel this kind of pain because of love pero dahil tinanggap na niya, kailangan na niyang panindigan ito. Maaring walang espesyal na damdaming nararamdaman para sa kanya ang binata pero maaari naman niyang sulitin ang mga araw na makakasama pa niya ito. Wag na lamang mauulit ang katulad ng nangyari kahapon upang hindi naman siya tuluyang umuwing luhaan.
She smiled bitterly. How her first love became like this is nothing she expected at all. Naalala niya ang ate Harmoney niya. Ganito rin kaya ang naramdaman nito nung umalis yung first love nito. She was too young then to remember everything pero natatandaan niya how many times she saw her ate cried. And she remembered her saying na kaya sa harap lang niya ito umiiyak ay dahil bata pa siya at maaring makalimutan din nya pagdating ng panahon. Pero nanatili sa alaala niya ang memoryang iyon. Sinabi pa nito na maaring huminto na sa pagtibok ang puso nito dahil sa sakit at kabiguang nararamdaman pero magpapatuloy pa din ang buhay. Pinilit niyang alalahanin ang pangalan ng lalaking iyon pero di na niya maaalala. Saklap naman ng kapalaran nilang mag-ate. Parehas na nabigo sa first love.
Dahil wala din naman siyang magagawa at sahalip na magmukmok sa kwarto ay pinili niyang ayusin ang sarili. She took a shower and changed her clothes. She wore a yellow dress. Hanggang tuhod ang haba niyon. Sleeveless and body hugging ang upper part while pabuladlad naman sa pababa. It was just simple. Wala na din namang dahilan para magpagarbo pa ng ayos. After applying powder and lipstick lumabas na siya ng silid. She didn't bother fixing her hair. Hinayaan na lang niyang nakalugay iyon.
Pagbukas niya ng pinto ng silid ay bumungad ang anyo ni Justin, nakataas ang nakakuyom na kamao, akmang kakatok. She gasped at the sight of him. So handsome and so refreshing. Mamasa-masa pa ang buhok nitong mukhang katatapos lang maligo at di na nagawa pang magsuklay. Napaatras siya ng dalawang hakbang dahil sa gulat.
"I was about to knock when you opened the door," wika nito.
Tumango siya,"Uh, ok. May kailangang po kayo sir?" she politely asked. She tried to be calm though deep inside ay nagririgodon na naman sa lakas ng kabog ang kanyang puso.
"Ah, mom called and she asked us to follow them sa SigTag sa Lucena. Dun na lang daw tayo maglunch since di na sila makauwi ni dad."
Muli siyang tumango, "Do I need to change?"
Umiling ito, "No need! You're great in that dress." He smiled at her.
Again, her heart skipped a beat. Hindi na talaga nasanay ang puso nya kapag ngumingiti ito. Kala mo'y laging may kabayong naghahabulan. "Uhm, thank you!" Tuluyan na siyang lumabas ng kanyang silid. Gumilid naman ito upang makalabas siya. Hindi na niya ito nilingon at derederetsong bumaba ng hagdan, nagtungo siya sa lagayan ng mga sapatos at isinuot ang 2inch heeled white sandals niya saka tuluyang lumabas ng pinto.
Tahimik lang naman ang binata habang nakasunod sa kanya. "Please wait here, I'll just get the car." Tumalikod na ito.
Saglit lang ang ipinaghintay niya ng pumarada na ang kotse nito sa harapan niya. Akma pa sanang bababa ang binata ngunit mabilis na siyang lumapit at sumakay sa passenger seat. "Tayo na po sir, baka naghihintay na ang parents ninyo," aniya ng hindi ito nililingon.