THE TALE OF ZERO MCKENLY
Title: THE TALE OF ZERO MCKENLY
Genre: Science Fiction | Adult Romance | Gore | Thriller | Action |
Language: Filipino/English
Author: ZeroOxygen
Rated 18+ [ This story is not suitable for ages 18 years old below! Read at your own risk!] Maseselan ang mga eksena sa kwentong ito. Kinakailangan ng malawak na pang-unawa ng mga mambabasa.
Sex Doll [ noun seks -ˈ däl ]
— also known as love doll or blowup doll
— a type of s*x toy in the size and shape of a s****l partner for aid in masturbation
— may consist of an entire body with face, or just a head, pelvis or other partial body, with the accessories (v****a, anus, mouth, p***s) for s****l stimulation
— the parts are sometimes vibrating and may be removable or interchangeable
— exist in many forms, but are distinguished from s*x robots, which are anthropomorphic creations designed to be able to exhibit more complex interactions.
— PROLOGUE —
The Doll, The Murder and The Apartment
“How was your day, babe? Do you want me to massage your body?”
Normal lang naman siya noong unang araw kong makilala.
Normal lang rin ang biglaan niyang pagbati sa akin at pagtawa nang nakahubad dahil iyon naman talaga ang aasahan ko sa isang s*x doll—ang maging makatotohanan sa paningin ko.
Kahit pa magdamag lang siyang nakaupo sa sofa habang nakatingin sa malayo at hindi kumukurap, napapatitig pa rin ako dito dahil humahanga ako sa perpektong pagkakagawa ng manufacturer sa kaniya.
Paano ba naman, ang s*x doll na ito ay maihahalintulad ko sa mga modelo ng mga sikat na international fashion magazines. Makapal ang kilay. Matangos ang ilong. Kulay kayumanggi ang mapupungay na mga mata. Mapupulang labing mapagkakamalan mong totoo. Dumagdag pa sa s*x appeal niya ang magulo niyang kulay itim na buhok at malaki niyang pangangatawan na may six pack abs pang bumabandera.
At kung ibababa mo ang iyong tingin sa gitna ng dalawa niyang binti, makikita mong ginawa nga nila itong perpekto sa paningin at satispaksyon ng mga babae.
Minsan lang akong nakakakita ng ganiyang uri ng biyaya sa pundya ng mga lalaking naging customer ko. At sinong mag aakalang mas lamang pa ang isang s*x doll sa totoong mga lalaki na nakasama ko sa kama.
To think na ginawa itong advanced dahil isa rin itong artificial intelligence, mukhang nagpapatunay lang ito na mas nagiging dalubhasa na nga ang mga tao sa paggawa ng robotic technologies.
Ngunit biglaan na lang, isang linggo ang makalipas matapos siyang dumating na nakapackage pa sa malaking kahon at pinadala sa tapat ng apartment ko, nagtaka ako nang makauwi ako bandang alas dos ng madaling araw mula sa trabaho dahil bigla siyang naglaho.
Lumapit pa ako sa sofa kung saan ko siya iniwang nakaupo kanina bago ako umalis papuntang bar.
“Napasukan ba ako ng magnanakaw?” nataranta kong asumpsiyon sa sarili dahil sa pagkawala ng s*x doll. Agad na pumasok sa isipan ko ang mga naipon kong pera na nakatago sa likod ng cabinet kaya nagpanic na akong tumakbo papunta sa kwarto.
Hindi! Wag naman sana! 'Wag yung pera para sa pag-aaral ni Gino!
Nang makapasok ako sa kwarto, agad akong pumunta sa cabinet upang buksan ito at doon na ako mistulang naging bato sa nakita ko at kinilabutan.
Hindi dahil ninakawan ako, kung hindi dahil magkasalungat ang nadatnan ko.
Ang dating magulong cabinet na gabundok ng pinagpapatung-patong na damit ang laman, ngayon ay organisado na't nakatupi. Nakahanger pa ang ilan sa mga night outfits ko.
Doon pa prumoseso sa utak ko na maayos at malinis rin pala ang sala na pinanggalingan ko. Marahil hindi ko lang agad napansin dahil mas nabahala na ako sa biglang pagkawala ng s*x doll at naisip na baka ninakawan nga ako.
S-Sinong. . .nakapasok ng apartment ko? Hindi pwedeng si Gino dahil hindi niya alam kung saan ako nakatira! Sinong may gawa nito? Sinong nag-ayos nito?!
Bigla akong nakarinig ng ungol mula sa likuran ko. Tipong ungol ng isang taong nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog.
Anong kababalaghan ang nangyayari dito? S-Sino iyon?
Gusto kong makasiguro kaya agad akong tumalikod at nilibot ng tingin ang kwarto. Mukha akong timang na naninigas habang ang mga mata ay pinapasadahan ng tingin ang loob. Tulad ng kabuuan ng apartment ay malinis na rin at organisado ang kwarto ko hindi tulad nung dati.
Napatutok ako sa kama. Mas lalong bumibilis ang t***k ng puso ko habang nakatingin sa kumot na tila ba may tinatakpan na nilalang dahil pumuporma ito sa hugis at laki ng katawan ng isang tao.
S-Sino. . .ang nakahiga diyan?!
Napaatras ako nang bigla itong gumalaw at bumangon upang umupo sa kama. Binaba niya ang kumot na nakatakip sa kaniya at doon ko na tuluyang nakita ang itsura niya.
“I am glad you are back,” nakangiti niyang bati sa akin ngunit blangko ang mga mata. Tumayo siya na hubo't hubad at lumakad papunta sa harapan ko. Nanlalaki ang mga mata ko habang personal kong nakikita ang paglakad ng isang s*x doll na para bang isang totoong tao.
Kaya niyang kumilos nang mag-isa?
“Babe,” nakangiti niyang tawag ulit. Buti na lang at hindi kumukurap ang mga mata niya sa mga sandaling ito at baka napagkamalan ko na talaga siyang totoong tao.
Tinitigan ko siya nang mabuti, “I-Ikaw ba ang naglinis ng apartment ko?”
Tumango siya, “Yes. I did.”
Nahiwagaan ako sa sinabi niya dahil hindi pangkaraniwang magagawa iyon ng isang robotic doll. Ganun ba talaga siya kahightech?
Mukhang nakakaintindi rin siya sa mga sinasabi ko kahit nasa lenggwahe itong Filipino.
Tila ba nabunutan ako ng tinik at napabuntong hininga.
Pagod na tinaboy ko na lamang siya papaalis ng kwarto, “Oh siya. Alis na dito sa kwarto ko. Balik ka na doon sa sofa.”
Napakamot ako ng batok. Nag-alala lang pala ako sa wala kanina.
Imbes na umalis, hindi niya ako sinunod.
Humalukipkip ako nang hindi man lang siya gumalaw. Nakakailang lang dahil hindi kumukurap ang mga mata ng kausap ko. Para akong nakikipag-usap sa patay na tao. Medyo creepy kung tutuusin.
“Alis na. Matutulog na ako!” sabi ko at pinilit siyang hilahin paalis ngunit ang bigat niya lang at hindi ko siya maigalaw. Tinulak ko na lang siya, kaso mukhang ayaw niya talaga akong sundin dahil humawak siya sa cabinet upang di ko siya mapalabas.
Napakunot ako ng noo. Ang talino niya para sa isang walang buhay na s*x doll. Nakakainis.
“Sabi ng alis! Ba't ayaw mong sumunod?” naiirita ko nang tanong sa kaniya.
“Would you want me to please you before I go, babe?” sagot niya na ikinataas ng kilay ko.
Oo nga pala. Ginawa nga pala ito para sa satispaksiyon ko sa kama.
Napatingin ako sa alaga niya sa gitna ng dalawa niyang binti. Wala akong tiwala diyan sa alaga mo, a“You want me to be pleased?”
Tumango siya. Siningkitan ko siya ng mga mata, “No thanks. I already had enough sa mga customer ko kanina. I just don't want you wandering around my apartment naked kaya takpan mo yang inaalagaan mo.”
Blangko pa rin ang mukha niya, “I apologise. But I seem to not have any clothes available. ”
Napairap ako at binuksan ulit ang cabinet. Hinablot ko ang boxer shorts at plain white shirt na naiwan ng costumer ko sa akin dati at binigay sa kaniya.
“Oh ayan. Suotin mo para matuwa ako. Umalis ka na ng kwarto ko pagkatapos.”
Tumango siya at sinuot ang binigay kong damit sa kaniya. Hindi ko na siya hinintay na matapos at bumagsak na sa kama dahil pagod na pagod na ang katawan ko.
“Just leave,” sabi ko habang nakapikit.
Mukhang sumunod naman siya at tuluyan nang lumabas ng kwarto dahil narinig ko ang pagsirado ng pinto.
Akala ko normal pa rin ang mga mangyayari pagkatapos ng madaling araw na iyon. Hindi ko alam, doon na pala magsisimula ang kababalaghan sa building ng apartment ko.
Nang umaraw na, naalimpungatan ako sa ingay ng wang wang na nagmumula sa mga sasakyan ng mga pulis at ambulansiya sa labas ng building. Nalaman ko na lang na may pinugutan na palang babaeng tenant kagabi na nakatira sa building at katapat lang pala ng apartment ko.
Kumatok ang dalawang pulis sa pintuan para kunan raw ako ng pahayag. Pinapasok ko naman sila at pinaupo sa sofa.
“Kukuha lang ho muna ako ng maiinom ninyo,” sabi ko. Nakangiti silang tumango at inayos ang pagkakaupo sa sofa.
Palihim na kumulo ang dugo ko. Papaano ba naman, pansin na pansin ko ang malagkit nilang tingin sa dibdib at mga binti ko. Malaking sando lang kasi ang nakapatong sa suot kong bra at maiksing shorts dahil nasa bahay naman ako. Hindi ko rin naman inaasahang magkakaroon ako ng bisita.
Nang matapos ang pagtimpla ko ng juice, bumalik na ako sa sala at pinatong sa mesa ang inumin. Nagpakilala muna silang dalawa bago nila ako simulang tanungin. Mga pulis raw sila sa distrito na pinadala para imbestigahan ang nangyaring pagpatay.
“Anong pangalan mo?” tanong ng isa.
“Paullete Angeles ho,” sagot ko.
“Kilala mo ba ang tenant sa tapat ng apartment mo?” dagdag ulit ng isa pang pulis.
“Hindi. Never ko rin siyang nakita.”
Tumango sila at hindi ko nagustuhan ang biglang pagngisi ng isa sa kanila, “Sabi ng landlady ninyo, limang taon ka na raw na naninirahan dito. Nandirito ka na raw bago pa manirahan ang biktima which is two years ago, sa tagal mo dito bakit hindi mo man lang siya nakilala?”
Napahalukipkip ako, “Madalas akong wala sa bahay at isa pa hindi ako lumalabas ng apartment kapag hindi importante. Nagtatatrabaho ako sa gabi at tulog ako sa umaga.”
Hindi kumbinsido ang itsura ng isa ngunit nakangiti ito na waring may binabalak. Kung hindi lang sila mga pulis, kanina ko pa pinagsasampal ang mga ito dahil kanina pa nila sinusulyapan ang katawan ko.
“Ano bang trabaho mo Miss Angeles kaya umaalis ka ng gabi?” tanong ng isa habang may sinusulat sa bitbit niyang notebook.
Tinitigan ko sila nang masinsinan, “Nagtatrabaho ako sa bar.”
Natigilan silang dalawa at napatingin sa akin. Tinaasan ko sila ng kilay nang biglang tumawa ang isang pulis.
“Bakit kayo tumatawa?” naiinsulto kong sabi.
“Sinabi na sa amin ng landlady, Miss Angeles. Alam naming babaeng bayaran ka.”
Nangunot nag noo ko, “Bakit nga ho kayo tumatawa?”
Sinirado nila bigla ang mga notebook na pinagsusulatan nila at tinabi ito sa mesa, “Pero maliban doon, napag-alaman rin kasi naming ikaw lang ang dumating sa floor ninyo bandang alas dos hanggang alas kuwatro ng madaling araw na inaasahang oras ng krimen.”
Nangunot ang noo ko, “Sinasabi niyo bang suspek ako?”
Nagkatinginan ang dalawang pulis, “Depende. . .”
Napansin ko ang biglang pagbago ng kinikilos nila. Hindi na sila mga propesyonal kung umasta, “. . .depende kung gagawan mo kami ng pabor.”
Tiningnan nila ako mula sa paa hanggang sa dibdib ko, “Madali lang rin naman kaming kausap. Kaya naming baguhin ang magiging resulta ng imbestigasyon kung sasang ayon ka sa gusto namin.”
Hahawakan sana ng isa sa mga pulis ang binti ko nang inabot ko ang juice at tinapon sa kanila ito saka tumayo, “Kung babastusin niyo lang ako, mawalang galang na ho, umalis na lang kayo!”
Napamura silang dalawa sa ginawa ko. Napatayo na rin sila nang wala sa oras, “Puta ka! Akala mo ang linis linis mong hinayupak ka!”
Lumapit sa akin ang isa sa mga pulis at hinila ako sa braso na nangangalit, “Sino ka ba sa tingin mong deputa ka?! Pokpok ka lang! Nakalimutan mo na bang mga pulis kami!? Kaya ka naming ipakulong kung gugustuhin namin!”
Ang sakit ng pagkakahawak niya sa braso ko pero pinatatag ko ang sarili ko, “Oo pokpok ako pero hindi ibig sabihin nun hahayaan ko na lang kayong babuyin ninyo ako kahit kailan niyo gusto mga hayop kayo!”
Inangat niya ang kamay niya at aakma na sana akong sasampalin kaya napapikit na ako ngunit bigla na lang may humila sa akin mula sa likuran at nailayo ang sarili mula sa pagsampal niya sana.
Napamulat ako at tiningnan ang taong pumagitna sa akin at sa mga pulis. Napanlakihan ako ng mga mata nang mapagtanto ko kung sino iyon.
“Hit her and I will blow your head off,” narinig kong sabi niya pa.
Napapraning na ba ako kaya nakikita kong pinoprotektahan ako ng isang s*x doll ngayon?! Ang advanced ng s*x doll na ito! Totoo ba ito?
Nagulat rin ang dalawang pulis sa biglaan niyang pagdating.
Napatingin ulif ako sa s*x doll. Hindi ko siya nakita kanina dito sa sala paglabas ko ng kwarto. Saan ba ito nagsusuot? Porke't marunong siyang maglakad mag-isa, napakalikot niya na.
“Akala ko ba sabi ng landlady wala tong kasama sa apartment?” rinig kong bulong ng isang pulis.
“Sino ka?! Bakit ka kasama ni Miss Angeles dito? Sa pagkakaalam namin sa sinabi ng landlady, wala siyang kasama dito! Mukhang may kinalaman nga kayo sa pagpatay sa biktikma na nakatira sa tapat ng apartment ninyo!”
Nanggagalaiti na ako. Binabaliktad niya ang sitwasyon at ginagamit niya ang imbestigasyon para mapunta kami sa alanganing sitwasyon.
Napabuntong hininga ako. Wala nang ibang makakatulong sa akin sa sitwasyong ito ngayon. Mas magiging magulo lang ang lahat pag nadiin ang s*x doll na ito na akala nila ay tao at madiin bilang suspek sa pagpatay.
Sasabihin ko na lang ang totoo na manika lang siya at gagawin na lang ang pabor na hinihingi ng mga manyakis na hinayupak na 'to para matapos na ang usapan.
Papagitna na sana ako nang muling magsalita ang s*x doll, “Why does the landlady have to know? She has no business with her tenant's affair. It would just be inappropriate for her to mind that her tenant is living with another person. My girlfriend has the every right to let me live in her apartment because she's paying for this apartment, isn't she?”
Para akong nanigas sa mga pinagsasabi ng doll. Teka nga. . .manika lang ba talaga to? Papaano niya ito nakakayang gawin?
“Walang record sa CCTV na dumating ka sa building! Papaano ka napunta sa apartment ni Miss Angeles!”
Nangunot ang noo ko at nakapagsalita sa loob ng utak ko. Malamang, dumating siya na nakapackage!
“I went here from the rooftop,” sagot ng s*x doll.
Sa rooftop?
Nasampal ko ang sarili ko sa sagot niya. Mukhang masyado yata akong nag-expect sa IQ ng s*x doll na ito at nakalimutan kong manika lang siya.
Tumawa ang dalawang pulis, “Rooftop?! Pinagloloko mo ba kami?! Ano lumipad ka?! Dominggo! Tawagin mo si Chief, sabihin mo may suspek na tayo!”
Tumakbo ang kasama niyang pulis palabas habang ang isa naman ay naiwan at ngumisi sa s*x doll na kasama ko, “Iba rin ang gusto mong babae. Gusto mo rin yung laspag na't maluwag. Yung natikman na ng buong bayan at pinagpasapasahan. Nakakailan ka ba sa kaniya sa isang araw?”
Para akong pinagsasaksak habang naririnig ang mga katagang sinabi niya. Hindi ako makapagsalita kasi totoo naman. Ilang beses na akong nakakarinig ng ganiyang mga salita, pinipilit kong balewalain pero masakit pa rin. Mga hayop to, kala mo perpekto eh.
“I copulate with her one hundred fifty degrees than any one inch dicked bastards like you could please her.”
Nanlaki ang mga mata ko sa malutong na sagot niya, lalong lalo na nang makita kong nagalit ang pulis dahil dito. Woaw. Marunong makipagtrashtalk ang s*x doll na ito.
“Anong sinabi mong gago ka?!” sigaw ng pulis sa kaniya. Makikipagsuntukan na sana siya sa manika ngunit biglang bumukas ang pinto at dumating ang ibang mga pulis.
Napatitig ako sa s*x doll. Ibang klase ka.
“Ano ito SPO1 Ramirez? Bakit basa ka?” tanong ng isang pulis na kakarating lang. Umayos ng pagtayo ang lalaking pulis na kasama namin at biglang naging maamong tupa ang hayop.
“Wala po, Sir. Dumulas lang ang kamay ko at natapon ang iniinom kong juice. Ito po si Miss Angeles, nakatira siya sa apartment na ito five years na. Tinatanggi niyang kilala niya ang biktima kahit na dalawang taon na itong nakatira sa tapat ng apartment niya. Ang lalaki namang ito ay live in partner ni Miss Angeles. Kaso lang, sabi ng landlady sa amin kanina, nag-iisa lang si Miss Angeles na nakatira sa apartment. Nagulat na lang kami na may kasama ho siya gayung kahit sa CCTV ay hindi namin nakitang pumasok ang lalaki sa building. Nang tanungin namin siya kung papaano siya nakapasok, sabi niya dumaan raw siya sa rooftop.”
Napatingin nang masinsinan sa amin ang tinutukoy nilang chief, “Imbitahin niyo ang landlady dito.”
Sinunod naman siya ng isa sa mga pulis at lumabas para papuntahin siguro ang landlady. Pinalabas niya rin ang lahat ng pulis na nasa apartment ko pati na rin ang hinayupak na pulis kanina. Lumapit ako sa Chief at pinaupo siya sa sofa, “Upo muna kayo, Sir.”
Tumango siya at pinaupo rin kaming dalawa ng s*x doll sa harap niya. Nagpakilala rin muna ang chief sa amin.
“Pasensiya na sa abala, Miss Angeles. Sana ay makipagcooperate na lang tayo sa mga pulis. Maaari ko bang malaman ang pagkakakilanlan ng kinakasama mo?”
Natigilan ako. Mukhang ito na ang oras na dapat ko nang sabihin ang katotohanan. Maiintindihan naman siguro nila na may tao talagang nagmamay-ari ng s*x doll tulad ko?
“Do you have any identification card? Or anything that could be a proof of your identity?” tanong ulit ng chief sa s*x doll na katabi ko.
“Totoo kasi niy—” magsasalita na sana ako para sabihin ang totoo ngunit sumabat ang s*x doll na katabi ko.
“I have. What kind of identication, officer?”
Natigilan ako at napatingin sa kaniya.
“Anything will do,” sagot ng chief.
Ikinakunot ng noo ko ang biglaan niyang pagtayo at pumasok sa loob ng kwarto ko. Anong binabalak nun? Nahihiwagaan na talaga ako dito.
Hinarap ko na lang ulit si chief, “Sir, sana maniwala po kayo o sa hindi, wala talaga akong kinalaman sa nangyayari sa kabilang apartment. Paggising ko doon ko pa po nalaman, tas iyong lalaking sinasabi niyong live in partner ko hindi ko naman—” bago pa man ako matapos, pinutol niya na ang sasabihin ko.
“—Katunayan niyan Miss Angeles, wala pa kaming lead at suspek kaya hindi mo masisisi ang pulis dahil ginagawa lang namin ang trabaho namin. At nakita nga namin na may kakaiba sa kinikuwento mo at nang kinakasama mo kaya nais naming malaman ang pagkakakilanlan ninyo.”
Nangunot ang noo ko. Kasama rin ba sa trabaho nila ang pambabastos sa akin kanina?
“Matagal na ba kayong magkakilala ng kasintahan mo?” tanong niya bigla.
“Last week lang po kami nagkakilala—”
“—Hindi ka dapat agad na basta bastang nagtitiwala, Miss Angeles. Marahil totoo ngang hindi mo kilala ang biktima at wala kang kinalaman sa nangyari, pero baka may alam ang kinakasama mo. Isang linggo pa lang kayong nagkakilala.”
“Kasi last week lang ho siya pinada—”
“—At sinasabi niya pang dumaan siya sa rooftop kaya hindi siya nahagip ng CCTV pagpasok niya sa building. Hindi ba't nakakabaliw pakinggan ang sinabi niya?”
“Ganito po kasi—”
“—Kung titingnan mo rin ang behavior niya, hindi siya maayos kung kumilos at magsalita. Blangko rin ang mukha niya parati. Baka may psychological problem ang nobyo mo.”
Kating-kati na akong magsalita pero hindi niya ako binibigyan ng pagkakataong sabihin ang totoo!
May tumabi sa akin at nakita kong nakabalik na ang s*x doll mula sa kung saan mang lupalog ng mundo man siya pumunta. Ikinagulat ko nang bigla niyang pinatong sa dibdib ko ang binitbit niyang jacket upang takpan ang manipis kong damit.
What the. . .heck was just that.
“Here is my VISA,” may inabot siyang booklet sa pulis. Gusto kong tingnan ang bitbit niyang booklet kaso mukhang nabothered ako nang sobra sa ginawa niyang pagpatong ng jacket sa katawan ko kaya nanatili akong nakatitig sa s*x doll.
Teka nga. . .bakit niya tinakpan ang dibdib ko? Bakit. . .bakit ganun? Nabobothered ba siya?! Bothered saan?! Na may nakakakita ng dibdib ko?!
“Zero S. McKenly? May lahi ka nga. Matagal ka na ba sa Pilipinas?” basa ng pulis sa booklet na binigay niya.
Agad akong napatingin sa pulis dahil sa sinabi niya. Zero McKenly? May pangalan siya? Teka saan niya nakuha ang VISA na iyan?!
“No. I grew up in Amsterdam. Pilipina ang ina ko kaya marunong akong magsalita ng Filipino.”
Nanlaki ang nga mata ko.
Tangina.
Ano bang nangyayari dito?
Nagsasalita na siya ng Filipino at fluently pa.
Ano ba talagang nangyayari sa s*x doll na ito?!
Naningkit ang mga mata ng pulis, “Bakit ka nandito sa Pilipinas? Magmamigrate ka dito?”
Sumagot naman ng kalmado ang s*x doll, “I am just here for a vacation.”
Ikinagulat ko ang biglang pagtingnan ng s*x doll sa akin. Putik. Putik. Putik.
“I just arrived last week to meet her. We met each other in a social media site last year and I badly wanted to be with her, so I came.”
The fuckin' chickrn heck is this thing talking about?!
“Akala ko ba last week lang kayo nagkakilala, Miss Angeles?” nagugulumihan na tanong ng pulis sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko at palipat lipat ang tingin sa pulis at sa s*x doll na katabi ko. Tinitigan lang ako ng s*x doll. Ako pa yata ginagawang sinungaling ng silicone na to! Talagang ituturo na akong suspek ng mga pulis pag nalaman nilang nagsisinungaling lang tong s*x doll na to! s**t!
“A-Ang ibig ko pong sabihin last week lang po kaming nagkakilala nang lubusan. Iba ho kasi yung sa internet lang at sa personal,” kabado kong sagot.
Tumango ang s*x doll na akala mo talaga may pakealam, “I got in this building conveyed by a private helicopter. That is why I came from the rooftop.”
Hindi ko pansin, kanina pa pala nakakunot ang noo ko habang nagsasalita siya.
“May permit ba ng may-ari ng building ang pagland mo sa rooftop?” tanong ng Chief.
“Yes. It was actually a private contract para hindi perwisyo sa may-ari. Marahil hindi alam ng landlady na si Miss Angeles ang pinuntahan ko at ako ang taong nagrequest ng permit because the permit only said that it's for a private reason and a tenant in her building is involved,” mahinahong sagot ng s*x doll.
Totoo ba itong naririnig ko? What the f**k is going on? Napakacasual na niyang magsalita?! At to think na nagtataglish siya! Hindi na ito normal!
Narinig namin ang tatlong pagkatok ng pintuan kaya saglit kaming napahinto sa usapan. Bumukas ang pinto at ipinasok nito ang ang mga pulis at si Mrs. Gonzales, ang landlady ng building.
Nagtatakang napatingin si Mrs. Gonzales sa katabi ko, “May kasama ka na pala dito sa apartment mo. Sorry di ko alam Paullete, mali tuloy ang nasabi ko sa mga pulis.”
Awkward akong napangiti.
Shit. s**t. s**t. Pano ko na lulusutan to. Nandito na ang landlady. Panigurado sasabihin niya ang totoo at mabubuking na nagsisinungaling lang kami. Bakit ba ako nagpadala sa agos ng pagkafictional na imagination ng s*x doll na ito? s**t talaga.
Ngayon ko pa sasabihin na s*x doll ito na nandito silang lahat sa apartment? Putik. Nakakahiya pa rin kahit na alam naman nilang prostitute naman ako, baka isipin nilang may ganito akong uri ng fetishes. This is just gross.
“Mrs. Gonzales, maraming salamat sa pagpunta mo dito. Itatanong lang sana namin kung may nareceive ba kayong permit ng pagland ng aircraft sa rooftop ng building niyo last week?” tanong ng Chief sa kaniya.
Napapikit ako. Ito na nga. Harapin mo na ang kahihiyan, Paullete. Makukulong yata talaga ako nito eh.
Napansin ko ang pagkagulat sa boses ni Mrs. Gonzales, “Hala! Papaano niyo nalaman, Sir?!”
Napadilat ako nang wala sa oras dahil sa narinig ko.
“Kung ganun, pwede ba naming malaman kung ano ang pangalan ng nagrequest ng permit na iyon?” tanong ng pulis.
Teka ano?! Totoo?!
“Hala Sir, pwede ko ba sabihin dito? Pribado kasi ang transaksiyon namin. Hindi ko ho siya nakita sa personal pero binayaran niya ako gamit ang money transfer sa bangko para makaland sa rooftop na may permit sa akin at pribado lang. Pumirma kasi ako sa kontrata na iyon eh. Pero Sir, hindi naman siguro siya ang suspek diba? Ayaw kong may mamamatay tao sa building ko. Hindi naman siguro siya kasi ang sabi niya doon sa kontrata nandirito daw siya para sa isang tenant ko na hindi niya pinangalan. Pagkabasa ko lang ho sa letter niya, mananatili ho raw siya dito kasama nung tenant ng tatlong buwan. Maglilive in yata sila, sir? At isa pa sir, kung siya yung pumatay, edi sana hindi na siya nagrequest ng permit kasi pag ganun, malalaman na agad kung sino siya,” kwento niya pa.
Nanlalaki ang mga mata ko sa naririnig ko.
“Naiintindihan namin. Labag naman sa batas kung makakasagasa kami ng pribadong kontrata. Pero maaari ba naming malaman kahit apelyido niya na lang, Mrs. Gonzales? May gusto lang kaming masiguro. Marami namang kaapelyido ang taong iyon kaya hindi naman namin maidadawit nang tuluyan ang pangalan niya,” tanong ulit ni Chief sa kaniya.
Napatutok ako nang mabuti kay Mrs. Gonzales lalo na nung ibuka niya na ang bibig niya, “McKenly raw ho ang apelyido nun eh.”
Agad akong napatingin sa s*x doll na katabi.
Everything is getting creepier and creepier. Tangina. Paano humantong sa ganito ang mga nangyari?
Author's Note: I changed the title because I did some revisions. This is the story you read that became hiatus in here entitled Zero McKenly: The Puppet Boyfriend. Binabalik ko na ang story. Do enjoy.
Wattpad Link: