"Woooooh!" Malakas na sigaw ni Thisa, matapos niyang paakyatin ang ATV na minamaneho niya sa isang mataas na bahagi ng lupa. Tila lumipad din ang ATV, dahil malalim na ang kabilang bahagi ng lupang binagsakan niya. Talsikan din ang mga putik sa binagsakan nang gulong ng ATV, kaya natalsikan ang mga nasa paligid niya na dumaan sa patag. Nakasunod naman si Daniel sa kay Thisa. Napakalakas din ng kaba sa ðiɓðiɓ nito, dahil sa mga ginagawang driving stunt ni Thisa. Naririnig din niya ang malakas na sigaw at pagtawa ni Thisa. Halatang nag e-enjoy ito ng husto sa kanilang outdoor adventure. Kahit sa maputik na bahagi ng lupa ay hindi pinalampas ni Thisa. Pinadaan pa rin niya ang sinasakyan niyang ATV sa malubak na daan, kaya nagtalsikan ang mga putik sa ibang naka sakay ng ATV. Pati si Danie

