Chapter 4

3889 Words
HINDI MAKAPAGSALITA SA pagkagulat lalo't kitang-kita ang nagtagisang bagang ng binata kahit hindi malaman kung galit o sadyang dala lamang ng gulat. "So you're working here?" seryosong litanya ng lalaki. "A-Anong ibig sabihin..." "Dito ka pala nagtatrabaho." Mahina lamang ang mga usapan namin upang 'di masyadong halata ng mga naroroon subalit hindi maiwasang mangunot-noo partikular ang mga kasamahang babae, marahil nagtataka sila sa rumehistrong gulat sa mukha namin kanina. Halatang hindi nagugustuhan ni Honey ang nakikita niyang atensiyong ibinibigay ng lalaki. "Hi, ikaw pala si birthday boy!" biglang putol ng babae sa dapat sanang isasagot ko rito. Walang pakundangang lumapit ang dalaga saka sumiksik sa pagitan naming dalawa na kaagad ko namang pinagbigyan. Napapailing na lamang sina Apple at Jennica sa naging kilos ng kanilang lider. "Yup." seryosong sagot nito. "Alam mo kasi, hindi mo naitatanong ako ang star dito sa club kaya pasensiyahan mo na kung medyo nakakabagot kausap 'tong si Zarina." sabay irap sa gawi ko. Tumikhim si Judas na sadyang hindi nagugustuhan ang kinikilos ni Honey ngunit hindi ko masaway dahil baka mas lalong pag-initan ng babae. "Mas magaling akong magpasaya sa mga may kaarawan." walang patumangging hinaplos ni Honey ang buhok ni Derreck ngunit imbis magpadala'y umiwas ang lalaki. Hindi ko mapigilang matawa sa itsura ng babae matapos siyang tanggihan. "Excuse me miss, he's not your client tonight." ngiting-asong ani Xavier. "Pero mukhang hindi naman nag-eenjoy si birthday boy sa baguhan." hindi lamang yata literal na apog ang mayroon sa babae kundi tinamaan na rin yata ng alak. "You actually barged in with our conversation earlier. Kung hindi mo naintindihan tatalugin ko. Bigla kang sumingit sa usapan naming dalawa." halatang inis ang mababakas sa mukha ni Derreck. Naalarma ang dalaga saka tumayo at nahihiyang bumalik sa kabilang bahagi ng couch. Hindi nakatakas ang matalim na tinging iginawad ni Honey sa'kin ngunit imbis pansinin ay okupado ang utak sa presensiya ng lalaking katabi. "Where are we?" anito. "P-Po?" "f**k. Gano'n na ba 'ko katanda para gumamit ka ng 'po'?" ngisi nito. "P-Pasensiya na." "Ang sabi ko, dito ka pala nagtatrabaho." kumibot ang labi ng lalaki. "O-Oo," yumuko sa hiya. Di maintindihan ang sarili sapagkat nakadarama ng sobrang panliliit gaya ng mga panahong nasa Santa Fe at nakakilala ng isang mayamang binatilyo. Si Senyorito. "Ilang taon ka na?" "Disi-otso" "I see." Sumimsim ang lalaki ng alak ngunit di mapigilang panoorin ang pagbaba't pagtaas ng adam's apol ni Derreck. Muntik mapaigtad nang mapansin yata ng binatang pinapanood ang bawat kilos niya, ayon sa gilid ng mata rason upang mabilis umiwas nang tingin dahil sa hindi maipaliwanag na kaba. "Umiinom ka ba?" tanong nito. "H-Hindi. ayoko ng lasa..." "Pare mukhang masinsinan 'yang usapan niyo diyan. Kabago-bago mo palang dito ah?" sita ni Peter na nakaupo sa gitnang-bahagi ng mesa habang nakaakbay kay Apple. "I don't wanna waste Judas' effort in making me elated to my birthday." "Wow dude I'm flattered. Tangina nakakabakla ka talaga Garcia." Garcia? Pamilyar ang apelyido niya dahil isa ang angkan ng Garcia sa mga ginagalang sa Santa Fe. Baka nagkataon lamang? Marami namang magkakatulad ang apelyido. "Gusto mong subukan?" putol nito sa pagmumuni-muni ko. "Ayoko mapait." "Oorder ako ng ladies drink para masubukan mo kahit kaunti." "Ser huwag na," "It's okay. Hindi nakalalasing ang isang ladies drink Zarina. Oh zarina, right?" "Oo" Maya-maya'y inilibot ang mata sa mga naroroong bisita na halatang tinamaan na yata ng alak dahil nagiging maingay na'ng mga kaibigan nito maliban sa lalaking katabi. Tahimik lamang na umiinom saka tinatapat ang baso sa hawak kong ladies drink. "Cheers?" Piningkis ang inumin dito. "Oy kantahan natin si birthday boy!" sigaw ni Troy. "Oo nga naman mga ugok!" singhal ni Richmond. "Pare para sa'yo tong kanta namin." ani Andrew saka nagpingkisan ang mga basong may laman ng alak. "Happy birthday to you! Happy birthday to you! Sa'yo ang resibo sa'min ang inuman pati ang babae." tawang-tawa ang mga kaibigan ng lalaki. Samantala, umiiling lamang ito at tumaas ang sulok ng labi. Maya-maya'y lumapit si Alex habang may hawak na isang birthday cake kung saan may tatlong kandila. Nagtatawanan ang mga naroroon dahil nagmistulang bata si Derreck sa mga kalokohan ng mga kaibigan. Pinagmamasdan ang bawat kilos ng lalaki hanggang sa maramdaman ang kamay nito saking beywang. Hindi naman pananamantala ang ginagawa ng binata dahil kahit ang mga kaibigan nito'y nagkapit-kapit beywang hanggang makabuo ng pabilog na posisyon. "Dude make a wish before you blow job the candle!" Tinaas ni Derreck ang panggitnang daliri bilang tugon sa sinabi nito. "Siraulo ka talaga Xavier!" sabad no'ng Michael. "Anong wish mo?" diretsahang tanong ni Derreck sa'kin. "B-Bakit po ako?" nalilitong tanong dito. Makahulugang nagkatinginan ang magkakaibigan tila may mga pinag-uusapan gamit ang kanilang mga mata. "Marami na 'kong natupad na hiling kaya ibibigay ko na lamang sa iba." "Ah Ser hindi naman po marunong si Zarina sa ganyan kasi--" sabad ni Honey. "C'mon make a wish." hindi inintindi ang mga sinasabi ng dalaga. "S-Sige po." 'Sana mahanap ko na kung sinong tunay 'kong mga magulang. Sana makatakas na ko sa impiyernong kinalalagyan ko at sana makita kong muli si Senyorito...' bulong sa isip. "Done?" nakangiti ang binata. "O-Opo Ser, b-blow job the candle na po." Tumawa ng malakas si Judas saka sinabayan nang lahat maging sina Apple ay hindi mapirmi kakatawa saka dumako ang mata ko sa katabing binata na pinipigilan ding yatang matawa. Anong mali sa sinabi ko? "s**t! I like you Zarina you're the best maiden I've met," ani Peter saka panaka-nakang gumigikgik. "Bakit po anong nakakatawa?" "Nothing, pft." ani Lyndon. "Dude just blow the job before it becomes jinx." kumindat ang kaibigan nitong si Alex. Inihipan ng lalaki ang kandila saka nagpalakpakan ang lahat. Samantala, ginulo ni Andrew ang aking buhok sa hindi malamang dahilan. "You're funny." sabi ni Andrew. "Huh?" "Nothing." umiling-iling ang binata. Ilang oras ang nagdaan hanggang sa halos sumusuray-suray na'ng mga kaibigan ni Derreck, maging sina Apple ay halatang tinatamaan na sa mga matatapang na inuming nakahain. Isa lamang yata ang naubos sa buong oras na kasama ang mga ito. Yung kaninang inorder ng lalaking matamis na alak. "Mukhang lasing na po ang mga kaibigan niyo Ser?" putol ko sa pananahimik nito. "Kaya ng mga iyan ang sarili nila. Huwag kang mag-alala" untag ng binata habang seryosong sumisimsim ng alak. "Hi birthday boysh!" bati ni Honey. Pinipilit nitong tumayo ngunit biglang napasandal saka tumawa nang tumawa kasama ni Peter. "Hanggang kailan ka rito magtatrabaho?" anito dahilan para matigilan sa tanong ng binata. Di siya diretsahang nakatingin sa'kin bagkus sa mga kaibigang naghaharutan sa kabilang couch. "Hanggang sa mabayaran ko ang sweldong nakuha ni tatay kay Madam Lolly." malalim na napabuntong-hininga. "Pwedeng magtanong?" "A-Ano 'yon?" "It's f*****g awkward. Virgin ka pa?" "Huh? Hindi naman ako talon' sa Santa Fe para maging birgen pols," tumawa sa mga tanong nito. "Santa Fe..." muling sumimsim ang binata. "Baryo ko 'yon sa Cagayan De Oro." "Ang sabi mo may talon sa baryo niyo?" "Oo Ser at ang tawag ng matatanda sa talon ay bergin pols." "I see" tumaas ang sulok ng labi nito. "Namimiss ko na nga magtinda ng gulay..." medyo pumiyok lalo't naalala ang panahong nabubuhay pa ang tinuturing na ina. "Really?" "Opo." "Now my assumption has been confirmed. I'll get you out of here." "P-pasensiya na hindi-" "Wala, ang sabi ko masarap ang alak dito." ngumisi si Derreck. "Hindi naman kasi mapait." Bahagyang tumawa ang binata kapagkadaka'y tumingin sa malayo. "Delikado ka rito Zarina, hindi mo ba alam 'yon?" Natahimik at yumuko sa pagkapahiyang nararamdaman sa uri ng trabahong napasukan. "Pagkatapos mong tumeybol dito saan ka pupunta?" nagtagis ang bagang ng binata. "M-Maghihintay ng s-sunod na kustomer." "Hanggang anong oras?" sumipat ang binata sa suot niyang relo. "Pinakamaaga na 'yung alas-tres ng madaling araw." halos hindi na marinig ang boses sa kahihiyan. Matagal ang namayaning katahimikan sa pagitan namin habang ang tanging ingay ay malakas na tugtugan at pagbibiruan ng mga barkada nito, animo may kanya-kanyang mundo o usap sa buhay. "Babayaran ko lahat nang oras mo." aniya. "Ano?" "Babayaran ko lahat nang oras mo ngayong gabi. Doon ka sa bahay ko matutulog," tumungga ng alak. "Hindi ko kailangan Ser, salamat na lamang po.." nanliliit ang tingin sa sarili. Di makapaniwalang tulad din ang binata ng ibang mga lalaking babayaran ka para magalaw nang isang gabi. Akala ko iba siya, akala ko gagalangin niya pero akala lamang pala ang lahat. Imposible nga palang galangin ang mga babaeng nagtatrabaho sa ganitong klaseng lugar. "Di ako tumatanggap ng salamat kung hindi kita nabigyan nang kahit ano." Napa-kagat labi sa sama ng loob ngunit bakit sa kabila ng mga sinabi niya, hindi man lamang nakaramdam nang takot o pangamba, hindi tulad ng ibang lalaking talilong na maiuwi ako o mailabas sa kasa. HININTAY LAMANG MAGPABABA nang tama ang mga kaibigan ni Derreck habang naiwan kami sa couch. "Dude, I'm so f*****g groggy. I'm going home now. Anyway, Happy birthday and congratulations to the new lawyer of HOMIGEN. " tinapik sa balikat ng kaibigang si Xavier ang binata bago tumayo saka dumiretso sa labas. Samantala, hindi makaalis sa upuan dahil nakamasid si Madam Lolly mula sa malayo kaya limitado lamang ang kilos ko. "Shaan ba tayo pupunta?" ani Judas na halos malango sa alak habang bitbit ni Peter kasunod si Andrew. "Uwi na kami pare. Aren't you going home yet?" ani Peter habang akay-akay nang huli ang kapatid. "Nope" "Pare...regalo ko 'yang shi Zharina shayo... ha? f**k she's priceless so don't forget to take her home.." ani Judas saka tumawa habang pasuray-suray ang ulo. "Put that asshole in your car Peter." utos ni Derreck sa kaibigan dahil mukhang wala na sa ulirat ang lalaki. "Pahare bye! Give me some fhuckin kissh!" "Kuya, umayos ka nga!" saway ni Andrew bago tuluyang nakalabas ang mga ito. Isa-isang nagpaalam ang mga naroroon hanggang sa kami na lamang ang natira. Lusaw na 'rin ang cake sa mesa. Samantala, bagsak din ang mga kasamahang babae tila 'di nakayanang makipagsabayan sa mga kaibigan ng binata. "Uh- Ser a-anong oras po kayo uuwi?" panimulang litanya sapagkat namayani ang katahimikan magmula kanina maliban sa pumapailanlang na tugtog nang deejay at mga tawanan ng ilang kliyente habang tahimik lamang na umiinom si Derreck at nakasandal sa couch. "Let's go?" anunsiyo nito. "A-Ano?" "Tara na sabi ko." "S-Ser, nakikiusap ako--" Natigilan sa mga kamay na pumatong sa'king balikat mula sa likuran. "Kumusta ang mga alaga namin, Ser?" ani Madam Lolly kung kaya 'di maka-imik lalo't kakaiba ang diin sa hawak ng ginang. "They're fine." bagot na untag nito. "Naku Ser hindi po ba kayo nalulungkot...mag-isa na lamang kayo rito, nagsiuwi na yata ang mga kaibigan ninyo." "How much money did Judas give you?" "Bakit po Ser?" "I'm asking." "Thirty kyaw po bawat isa." "I'll pay you double than what Jude gave you, just let me take Zarina on my house. Hindi na siya magpupuyat sa kahit sinong kliyente sa loob ng dalawang araw. Is that a deal?" "S-Ser?" "Is that a deal?" dumiin ang salita nito. "Makakaasa po kayo Ser," gulat ang reaksyon ng babae saka may dinukot si Derreck mula sa suot nitong pandong. Sumulat sandali ang binata bago iniabot sa matandang babae ang isang malapad na papel marahil ito yata yung tinatawag nilang bill na inaabot ng mga weyter. "Is that okay with you? I don't have any cash here, I only have cheque..." "A-Ayos na ayos Ser!" hinalikan ang papel. Dumako ang nagbabantang tingin ni Madam Lolly sa gawi ko kaya kusang tumulo ang luha sa takot at halu-halong kaba. Di makapaniwalang ganito ang binatang hinangaan magmula noong una. "Zarina huwag mo 'kong ipapahiya kay Ser ha?" "M-Madam Lolly..." sa nakikiusap na tinig. "Hala sige na Zarina naghihintay si Ser!--- Naku pasensiya na kayo rito sa alaga ko Ser medyo mahiyain. Alam mo na birhen pa 'yan kaya jackpot." pangungumbinse nito. Di pinansin ni Derreck ang mga patutsada ng matanda saka biglaan akong hinatak palabas sa kasa. "Ser nakikiusap po ako" "Gusto kong magpahinga" matipid nitong sagot saka binuksan ang pinto ng kotse dahilan upang sapilitang lumulan sa magara nitong sasakyan. Namayani ang katahimikan sa loob hanggang sa pumasok ang sasakyan sa isang lugar, kung saan naglalakihan ang mga bahay tulad nang ilang mansyon sa Santa Fe. Di halos makakibo sa mga umuukopang bagay sa isip ukol sa posibleng mangyari mamaya, kapagkadaka'y pinagbuksan ng isang gwardiya ang binata sa napakalaking bahay na nakatirik sa dulo. "S-Ser" "Pahinga ka na lamang muna Zarina. Nahihilo kasi ako..." normal ang timbre ng boses nito. "Huh?" Binuksan ni Derreck ang pinto marahil nahalata ng lalaking hindi ako marunong magbukas ng kotse. "C'mon I won't do anything bad." Hindi man maintindihan ang binata'y nanginginig na bumaba ng sasakyan habang hinihila ko pababa ang maiksing bestida upang di gaanong maging masagwa. Medyo nahiya ng mapansing nakatingin ang binata sa ginagawa sapagkat nais kong takpan ang mga hita. Nang makapasok sa loob ay kaagad humanga sa kakaibang disenyo at mga mamahaling gamit na nakadisplay sa sala. "Feel free..." "A-ano po 'yon?" "Uh ang ibig kong sabihin gawin mo ang gusto mo..." anito Matamang sumunod sa lalaki sa pagpanhik sa hagdan patungo sa silid nito ngunit walang sapilitang nangyari. Ayon sa paglalakad ni Derreck mukhang medyo tinamaan ang binata kaya hindi diretso ang lakad rason upang alalayan ito. "S-Ser ayos lamang po ba kayo?" "I'm fine." Pamilyar ang amoy ng binata na sadyang hindi malaman kung paano pipigilan ang sariling manatili sa tabi nito. Kalaunan ay pumasok kami sa silid ng lalaki saka inilagak si Derreck sa malawak na kamang nakapwesto sa gitnang bahagi ng kwarto. "Tulog muna ako Zarina. Kung nagugutom ka kumuha ka na lamang sa baba. Huwag kang mahiya ha?" Nagulat sa mga sinabi ng binata dahil kabaligtaran sa inaasahan ang mga nangyayari sa ngayon. "B-Bakit ka nag-aksaya ng pera Ser? Akala ko..." "Walang mangyayaring kung ano, gusto ko lamang makaligtas ka sa mga manyak na lalaki sa club. Hindi ka bagay sa lugar na 'yon kaya binayaran ko kahit dalawang araw mo." "P-Paano...bakit?" "Bakit, gusto mo ba talagang may mangyari?" pilyong ngumiti ang binata na ikinapula ng pisngi. "P-Po?" "f**k, are you for real? You're blushing and that's cute.." gumikgik si Derreck habang namumungay ang mata na dala siguro nang tama ng alak. Humiga ang binata ngunit di mapigilang mag-alala sa kalagayan nitong groge. "Pwede kang matulog sa tabi ko kung gusto mo o kung gusto mo sa ibang kwarto...ayos lamang sa'kin." "N-Nahihilo pa kayo Ser?" "Medyo." nakapatong ang braso ng lalaki sa noo habang nakapikit. Hindi maiwasang rikisahin ang kabuuan ng binatang may taglay na kagwapuhan. Hindi ako nagsalita at basta na lamang umupo sa gilid upang gawin sa kanya ang ginagawang madalas sa ina kapag masakit ang ulo para kahit man lamang doon ay makapagpasalamat sa ginawang tulong ng lalaki. Di katagala'y nabigla ang ito nang marahang i-alis ang brasong nakapatong sa noo saka dahan-dahang minasahe. "G-Ginagawa ko 'to sa nanay ko kapag masakit ang ulo niya Ser." "Really? It feels good, thanks." Parang ako pa ang natutukso o nagtatanong sa utak kung anong lasa ng mapulang labi ng binata. Malaya siyang napagmamasdan dahil nakapikit si Derreck habang marahan kong minamasahe ang kanyang noo. "N-nahihilo pa po kayo?" "Uhm" simpleng sagot nito. Ilang sandaling nanatili kami sa ganoong pwesto ng maramdaman ang marahang paghinga ng binata tanda na nakatulog na ito, kaya bago pa tuluyang maging agresibo na unang beses madama maliban kay Senyorito'y akma sanang lalayo subalit nabigla ng pigilan nito kahit napikit. "Stay with me." anito sa paos na tinig. Halos tumaas ang balahibo at parang hinahalukay ang tiyan dahil sa sinabi ng binata. Di maintindihan ang sarili kung bakit hindi magawang tutulan ang pakiusap nito. Maraming kliyenteng gwapo, mayaman, at dayuhan ang mga nakasalamuha sa loob ng mahigit isang buwan ngunit tanging ang lalaki lamang ang hindi ko kinatakutan. "M-masakit pa po ba ang ulo niyo?" "Yup. Tulog na tayo Zarina..." aniya sa paos na boses. Bago tuluyang nahiga sa tabi ni Derreck ay tinanggalan ng sapatos ang lalaki saka inayos ang damit bago paharap na nahiga sa tabi ng binata, habang pinagmamasdan ang pagkibot ng labi niya bagamat biglang naalarma ng humarap din si Derreck sa gawi ko na naging rason upang magkaroon ng kaunting distansiya sa pagitan ng aming mga mukha. Huli na para magpanggap na natutulog sapagkat 'di inaasahang dumilat ang binata. "Hindi ka makatulog?" bulong nito. "S-Ser..." "Just Derreck. Tawagin mo ko sa pangalan ko." "D-Derreck bakit mo ginawa 'yon? "Ang?" "Hindi mo naman kailangang gawin 'yon kasi..." natuptop ang labi nang haplusin ng binata ang aking pisngi. "Kasi.." "Kasi...di mo ko obligasyon. I-Isang beses lamang tayo nagkita para...para.." "Shhh. I feel like I want to kiss you if you keep on talking." "A-ano?" "I'm sorry Zarina..." Nagulat ako ng bigla niyang tawirin ang aming mga labi. Halos mag-init ang buong katawan habang magkatabi sa kama at kusang tinutugon ang nakaw niyang halik. Nanunudyo at umaarko sa bawat sulok ng aking labi hanggang sa matagumpay niyang nasakop ang aking bibig kalaunan ay nilaro-laru ang mapusok nitong dila. "f**k you're fuckin sweet Zarina." "D-Derreck.." Mapusok ang mga sumunod na pagtatagpo ng aming labi tila tuluyang nawala sa huwisyo dahil sa nakababaliw na sensasyong nararanasan sa kanyang ekspertong paghalik. Lalong idiniin ng binata ang mapulang labi tila sumisipsip ng nektar habang ninanmnam ang aking pang-ibabang labi. "Uhm, D-derreck..." "Shhh." "B-Bakit mo 'to ginagawa?" bulong ko. "Na kanina ko pa gustong gawin...But I don't wanna scare you honey..." "D-Derreck..." "I love how you call me on my real name rather than Senyorito..." Natigalgal sa mga narinig sa lalaki kahit hindi maintindihan masyado ang mga sinasabi nito. "K-Kilala mo si S-Senyorito?" inosenteng saad dito. "Kilalang-kilala ko dahil nasa harap mo siya ngayon ..." makahulugang saad ng binata. "S-Senyorito..." "Parang mas gusto ko kapag tinatawag mo kong Derreck..." malambing ang boses nito. MAG-IISANG LINGGO ANG NAGDAAN matapos ang pangyayaring 'yon ngunit parang damang-dama pa ring nakalapat ang labi ng binata. Nang gabi ding iyon ay natuklasan na si Senyorito at Derreck ay iisa, kaya buong magdamag kaming nagkwentuhan tungkol sa Santa Fe, maging sa mga nangyari bago mapadpad sa Maynila. Panaka-naka ring nagsasalo ang mga labi hanggang sa sumikat ang araw at matamang hinatid nang binata sa kasa. Kasalukuyan akong nasa silid at hawak ang kwintas ngunit 'di mapigilang malunod sa malalim na pag-iisip. "Nay, ayoko po talagang mag-ambisyon ng mataas. May nakilala akong lalaki pero...Basta nay' ayoko po talagang umasa..." Ilang beses na ring sumisipat mula sa entrada at umaasang dalawin man lamang ni Derreck ngunit palaging pinapaalala sa sariling hindi dapat maging ambisyosa, sapagkat mataas masyado para sa isang katulad ko ang isang Derreck Vera-Garcia. Ang gabing 'yon ay sapat na para sa katulad kong ganito lamang ang ikinabubuhay: pagbebenta ng laman, nagbibigay aliw sa mga lalaki kahit 'di pa naman talaga umaabot sa puntong nagpagamit kompara sa mga kasamahan sa kasa. "Hoy Zarina kaninang-kanina ka pa hinahanap ni Madam Lolly sa labas..." sita ni Honey mula sa pinto. Nagmamadaling itinago ang kwintas na hawak saka lumabas para alamin kung bakit tinawag ng ginang. Mayroong inutos lamang sandali ang matanda. Isa nga pala sa mga napansin ay ang medyo maayos na'ng pagtrato ni Madam Lolly sa'kin sa hindi malamang dahilan. "Paki-ayos mo na lamang 'to Zarina dahil may darating na expat galing Japan." ani Madam Lolly. Nagkukumahog na inorganisa ang mga mesa at ilang kailangan para mamaya. "Girl, mukhang good mood si Madam sa'yo ha?" ani Katya habang nag-uunat nang paa sa pole. "Oo nga eh." "Nasaan na ba si Honey?" anang bading na tagaturo nang sayaw. "Ewan ko sa babaeng 'yon?" umirap si Jennica. "Tawagin mo nga Aubrey at male-late na sa rehearsal 'yang mga kipay ninyo, jusko!" malanding saad ng bakla. "Ayoko Juanda. Ayan si Apple na lamang ang tumawag" nakanguso ang dalaga. "Ako na'ng tatawag sa babaeng 'yon" sabad ni Katya habang naiiling si Apple sa pagiging pa-importante ni Honey. Nagkibit-balikat na lamang ako't ipinagpatuloy ang pagsasaayos ng mga mesa. Samantala, nagsimula na sila sa pag-eensayo at mataman lamang akong nanonood sa mga ito, habang ang ilang mga kasamaha'y nag-uusap at nagtatawanan sa kani-kaniya nilang kwento. Nagdaan ang buong gabing ordinaryo para sa'kin bagamat nakikiteybol pa rin sa mga kalalakihan ngunit malaki ang ipinagkaiba magmula nang bayaran ni Derreck ang ginang. Kinabukasan ay halos talilong na 'ko at tila maiiyak sa kahahanap ng pinakaimportanteng bagay para sa'kin. "Jusko, saan ko inilagay 'yon?" banas na banas sa sariling kapabayaan. Maya-maya'y bumukas ang pinto at iniluwa si Apple kasama si Katyang nagtatawanan sa kanilang partikular na pinag-uusapan. "Girl, anong nangyayari sa'yo?" nahalata yata ni Apple na aligaga sa paghahanap. "N-Nawawala ang kuwintas ko." "Huh? Saan mo nailapag?" lumapit ang dalawang babae. "Ang alam ko nasa supot ko lamang 'yon" maiiyak na saad sa mga ito. "Hindi kaya nahulog mo?" susog ni Katya. "H-Hindi," "Alalahanin mo kung anong ginawa mo kahapon." pilit akong pinapakalma ni Apple. "K-Kahapon lumabas ako rito p-para ayusin yung mga mesa..." "Tapos?" "H-Hindi na 'ko bumalik sa kuwarto kaya imposibleng naiwala ko 'yon sa labas. "Tangina... may naalala ako." pagmumura ni Katya. "A-Ano?" nanginginig ang bibig. "Kahapon kasi tinawag ko si Honey tapos naabutan kong hawak niya 'yang supot mo kaya posibleng alam niya kung nasaan ang kwintas mo." "Gaga talaga sa pagiging malikot ang kamay." susog ni Apple Imbis manatili sa loob ay dali-daling tumakbo sa labas upang alamin kung nasaan ang dalaga. "Zarina!" habol ng kaibigan. Hindi mahalaga sa'kin kung ginto man 'yon o mamahalin dahil ang tanging mahalaga lamang ay ang pabilog na disenyo. Samantala, naabutan ang babae sa ritwal na pag-eensayo at doon napansing nakasuot nga kay Honey ang kwintas na ipinamana ni Nanay Luisa, kaya walang sabi-sabing tumuntong sa entablado upang komprontahin ang dalaga. "Walanghiya ka ibalik mo sakin ang kwintas ko!" "Hoy Zarina, anong pinagsasabi mo ha?" singhal nito dahilan upang magkumpulan ang ibang kababaihan at nakamata sa'ming dalawa habang nasa gitna kami nang entablado. "'Yang suot mo! Ibigay mo sa'kin dahil pinamana sa'kin 'yan ng nanay ko!" nanginginig sa galit. "Wala akong alam sa mga sinasabi mo puwede ba?" "Sinungaling!" Sumunod naman si Katya at Apple sa likuran datapwat halos makatawag-pansin na rin ang sagutan sa ilan pang kasamahan sa kasa. "Ibalik mo 'yan, Honey!" sabad ni Apple. "Bakit ko ibabalik aber? Bigay sa'kin 'to nang kliyente ko k-kagabi." "Ang kapal talaga ng mukha mo, girl. Kitang-kita kong kinakalkal mo ang mga gamit ni Zarina kahapon," dagdag ni Katya. Nagbulungan ang mga kasamahan tila napahiya ang babae habang inililibot ang mga mata sa taong naroroon. "Huwag kang magkaila dahil bistado ka na!" anang kaibigan. "Wala akong pakialam sa inyo. Juanda magturo ka na nga!" singhal na utos ni Honey tila binalewala ang mga paratang dito. Nag-aalinlangan man ang bading ngunit ipinagpatuloy ang pagbibilang. "In five, six, seven, eight..." "Ibalik mo sa'kin ang kwintas ko!" Hindi na nakapagpigil kaya hinatak ang buhok ni Honey sa panggigigil, na naging hudyat upang magkagulo ang mga kasamahan. Inaawat kaming dalawa ni Apple, Katya, Jennica, at Aubrey ngunit dahil sa galit ay hindi maiwasang sumigaw at magwala sa nagawa nitong pang-uumit sa mga gamit ko. "Tangina ka hindi mo ko bibitiwan ha?" tili nito. "Mas tangina ka! Ibalik mo ang kwintas ko!!!!" "Ay girls, 'wag kayo ritong magkagulo!-- Madam Lolly!" tumili si Juanda sa gilid hanggang sa pumagitna si Bogart upang paghiwalayin kami. Kinalmot ako ni Honey sa braso ngunit wala sa'kin ang hapdi sapagkat ang mas importante'y makuha ang kwintas ni Nanay Luisa. "ANONG KAGULUHAN 'TO!" sumigaw ang matandang babae saka tumuntong sa entablado. Pumaypay nang pumaypay ang ginang saka tinalakan kaming dalawa. "Madam siya po ang nanguna--" paawang saad ni Honey. "Ninakaw mo 'yang kwintas ko!" "Magsitahimik kayo!" sigaw nito. "At ikaw Zarina kabago-bago mo pa lamang rito napakadami mo nang atraso!" "P-Pero Madam, kailangan ko--" "Wala akong pakialam sa kwintas mo! Paano makakasayaw 'yang si Honey ha? Tignan mo nga ang itsura!" hinampas ni Madam Lolly sa balikat saka sinabunutan sa harap ng mga kasamahan. Gusto mang tulungan nina Apple ngunit natatakot din ang mga ito. "Madam Lolly, medyo masakit 'yang kalmot niya sa'kin."panggagatong ni Honey. "Bobita! Ikaw ang sumayaw mamaya ha!" singhal ng matandang babae "Gusto ko lamang kunin ang kwintas ko!" nagwawala na 'ko habang dinudukdok nito sa sahig. "WHAT THE HELL!" mayroong sumigaw mula sa entrada. "S-Ser!" nagulantang si Madam Lolly ng makitang lumapit ang kung sino. "What the f**k are you doing to her!" sa galit na tono. Para akong papel na tinatangay sa hangin hanggang sa maramdaman ang matipunong bisig. "Ah S-Ser, nag-aaway kasi sila...este" natatarantang saad ng ginang. "Wala akong pakialam. Did you guys know the law!" gigil na gigil ang tono ng binata. Bahagyang tumaas ang aking paningin sa lalaking kababakasan nang galit sa mata. "Gusto mong kasuhan kita sa mga pinaggagagawa mo sa menor de edad, ha? Do you know what I can do to your f*****g illegal business?" sigaw ni Derreck habang nagtatagis ang mga bagang nito. "S-Ser, puwede naman nating pag-usapan..." kababakasan nang takot ang mukha ng ginang. "Kunin mo kung anong kinuha sa'yo Zarina." nanginginig sa galit si Derreck. Si Honey mismo ang nahihintakutang nag-abot nang kwintas sa'king palad. "Kapag hindi kayo humingi nang tawad sa ginawa ninyo. Sisiguraduhin kong pupulutin ka sa kangkungan!" pagbabanta ng lalaki. Akmang aamba si Bogart ngunit pinigilan ni Madam Lolly saka dahan-dahang lumuhod sa harap maging si Honey. "Magkano ang binayad mo sa tatay niya?!" "A-ano po Ser?" "Are you deaf?" "F-Firty thousand po." "Huh? Fifty thousand? f*****g fifty thousand to treat my lady as an animal. f**k you! Gusto mong bilhin ko buhay mo!" "Tama na, D-Derreck..." Bumunot ang binata sa pitaka saka pinaligo kay Madam Lolly ang ilang lilibuhing pera habang nakaluhod sa entablado. "Is that enough, huh? Pinagmamalaki mo 'yang fifty thousand mo!? I can burn those bucks in front of your vision without even a blink of an eye." "S-Ser hindi po." "Kunin mo lahat nang gamit mo dahil i-aalis kita sa impiyernong 'to.." "D-Derreck..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD