CHAPTER 5

3533 Words
HABANG LULAN NG SASAKYAN ay hindi pa rin ako makapaniwalang ganoon lamang kadaling nakawala sa mga kamay ni Madam Lolly, subalit ang kinakaharap na suliranin ay ang pansamantalang matutuluyan at ilang gastusin habang naghahanap nang espasyo. At syempre, ang pinaka-importante sa lahat ay kung paano makababayad sa binata, dahil hindi maitatanggi na malaking pera ang pinakawalan nito, para lamang makaalpas sa lugar na 'yon. Hindi ko mapigilang lumipad ang paningin sa binatang tahimik na tinatahak ang daan. Paulit-ulit na umuukilkil ang mga salita ng lalaki kanina. My lady? Ano kayang ibig sabihin ng mga sinabi niya? Bakit kahit wala akong maintindihan ay masarap sa pandinig? Tipong pinagtatanggol ka sa mga umaapi at tumapak sa pagkatao mo? Narinig kong bumuntong-hininga ang binata, halatang hindi parin humuhupa ang galit ni Derreck dahil naggagalawan ang kanyang magkabilang panga. "Uh, s-salamat po kanina." panimula ko. Bahagyang lumambot ang ekspresyon ng binata saka sumulyap sa gawi ko. "Don't mention it. I mean, wala 'yon. Gutom ka na panigurado." "A-Ayos lamang po ako." Mas lumalim ang buntong-hininga ng lalaki sa mga simpleng sagot ko. Matagal ang namayaning katahimikan sa loob nang sasakyan bago muling narinig ang boses nito. "Anong mayroon sa kuwintas?" kunot-noong tanong ng binata. "P-Pamana po kasi..." "Huwag mo kong gawing matanda, Zarina." "P-Pasensiya na... Ser Derreck" kumibot ang aking labi dahil sa pagkapahiya. "That's far better," sumilay ang pamatay na ngiti ng binata. Kung marunong lamang mag-inglis, sana nasasagot ko ang lalaki sa mga sinasabi niya sa'kin. Huminto kami sa isang mamahaling kainan. Halos manliit sa mga naroroong tao, dahil sa klase nang kanilang kasuotan. Nagmumukha akong alalay ng binata, isama pa ang kipkip na mga kagamitan. "Huwag kang mahiya, Zarina..." bulong nito. Inalalayan ng lalaki patungo sa isang mesang nakareserba na yata mula pa kanina. "Ser, nakakahiya po ang suot ko." "Shh, kaya nating magbayad at wala silang pakialam sa suot na gusto mo." kumindat ang binata bago patuloy na dinala sa upuan. Halos mailang sa ilang mga pares nang matang nakatingin sa'min, subalit hindi yata alintana ni Derreck ang mga ito. "Anong gusto mong kainin?" Tumingin lamang sa mga menu, kapagkadaka'y umiling dahil hindi marunong basahin ang mga iyon. "Sorry. Ako na lamang ang mag-oorder, tiyak magugustuhan mo." muli itong ngumiti saka sinimulang umorder. Maya-maya'y nakipag-usap ang binata sa weyter kapagkadaka'y sunud-sunod na tumango ang lalaki bago tumungo malapit sa isang pinto sa gilid ng restaurant. Hindi ko mapigilang ilibot ang mata sa mga magagandang disenyo nang naturang lugar. Sumisigaw ng karangyaan ang bawat mantel, mesa o maging mga dekorasyon sa dingding. 'Di mapigilang mapaawang sa paghanga, hanggang sa dumako ang mga mata sa binata. Nakaguhit ang pilyong ngiti sa labi at tila tuwang-tuwa sa pagiging ignorante ko. "P-Pasensiya na po..." sinarado ang bibig subalit hindi natinag ang binata sa mga nakatutunaw na klase nang tingin. "Walang problema." Inosenteng pinagmasdan ang kabuuan ni Derreck. Nakasuot ang binata ng pormal na polo, nakakipkip sa pantalon habang naka-rolyo ang mga manggas nito. Saan kaya ipinaglihi ang lalaki sa pagkakaroon ng mapulang labi at pantay na ngipin? Tipong nakanunuot ang mga kulay abong mga mata at makinis na mukha. Nakasuot nang salamin at talagang nakakaakit ang kanyang mga galaw. "Pasado naman ako sa panlasa mo?" gumikgik ito rason upang mapagtanto ang mga sinasabi ng lalaki. Agarang umiwas nang tingin na naging dahilan upang lalong matawa ang binata saka umiling-iling. Maya-maya'y dumating ang tagasilbi na mayroong hawak na malaking tray. Halos mapanganga sa mga pagkaing inihahain sa mesa dahil mukhang lahat ay masasarap. "Huwag kang mahiya." putol ni Derreck saka nilagyan ang aking pinggan. "Masarap 'tong lasagna. Ito ang palagi kong inoorder dito..." paunang saad ng lalaki habang pinupuno ang pinggan ko. "S-Salamat." "Tikman mo muna bago ka magpasalamat." kumindat ito. Nag-aalinlangang mamili nang kutsara dahil ang daming pagpipilian sa'king harapan, hanggang sa kinuha ang pinakamalaki sa lahat. Akmang gagamitin ang kubyertos subalit mayroong iniabot ang binata habang nakangiti at tila tuwang-tuwa sa kainosentihan, rason upang makaramdam nang labis na kahihiyan sa sarili. "Ito ang gamitin mo, Zarina." marahang kinuha ng binata ang aking hawak subalit tila mayroong kuryenteng gumapang sa kaibuturan ng aking pagkatao nang magdaiti ang aming mga kamay. Hindi maintindihan ang tila mga kabayong nag-uunahan sa'king puso ngunit pilit pinipigilan sapagkat kailangan kong magising sa katotohanan. Ang mga klase nang lalaking tulad ni Derreck ay hindi magkakagusto sa isang pobre, takas sa bahay-aliwan at higit sa lahat...walang pinag-aralan. Nagsimula kaming kumain ngunit ilang minuto ang nakalilipas nang pinutol ko ang pananahimik. "Uhm, maghahanap ako ng trabaho p-para mabayaran kita..." Hindi kumikibo si Derreck at patuloy lamang sa pagpapak ng mga nakahain. "S-Ser Derreck, ang sabi ko po--" "Naririnig kita, Zarina. Hindi mo 'ko kailangang bayaran dahil hindi kita inoobliga." "P-Pero kahit na. Kahit anong trabaho gagawin ko po. Marunong ako sa gawaing bahay, marunong po akong magtinda--" Umiiling-iling lamang ang lalaki tila hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko. Natigilan ang binata nang kunin ang kanyang kamay saka tignan nang diretsahan sa mata. "Huwag po kayong matawa, seryoso po ako sa mga sinasabi ko." saad ko habang nakahawak sa palad ng binata subalit nakipagtitigan si Derreck at halos pagsisihan ang naging kilos dahil hindi mabawi ang sariling kamay mula sa mahigpit nitong pagkakadaop. "Seryoso rin ako sa mga sinasabi ko." mahinang saad ni Derreck rason upang mapalunok ng laway animo nanuyo ang lalamunan sa karisma ng binata. Mayroong saglit na pumutol sa nangyayari at doon lamang nabawi ang mga kamay sa lalaki. "Hey Derreck?" sabad ng isang babaeng sopistikada. "Bridgette?" nakakunot-noo ang lalaki. "What are you doing here?" lumapit ang dalaga saka bineso ang binata kapagkadaka'y lumipad ang tingin sa gawi ko. "Lunch." sagot ni Derreck. "Dad is waiting for you at the firm. Narito ka lamang pala at kasama si...?" hindi nakatakas sa'kin ang mapanuring tingin ng babae. "She's Zarina." "Hi, Zarina?" hindi malaman ang reaksiyon nang dalaga subalit nahalata yata ng lalaki kung kaya pinutol ni Derreck ang kumustahan. "Tell your Dad, I'll be at my firm by tomorrow. Thank you Bridgette..." anas ng binata. "Sure thing, Derreck. Montenegro's are fond of your services." kumindat ang babae saka hinaplos ang dibdib ng lalaki. "See you around Bridge." tila umiwas ang binata bago tuluyang umalis ang dalaga. Tinapunan ako ng makahulugang tingin saka lumayo ang babae, kalauna'y umupo sa mesang kinabibilangan ng ilang kababaihan. Marahil, ay mga kaibigan nito ang mga iyon na halos kitang-kita ang pagbubulungan. Hindi inosente sa ganoong eksena sapagkat noon pa man ay nakararanas na nang pangmamata mula sa ibang tao. "May problema ba?" putol ni Derreck sa malalim na pag-iisip. "W-Wala." "Don't mind her. I mean, 'wag mo na lamang pansinin si Bridgette, kahit sinong tao may problema siya." tumaas ang sulok ng labi ni Derreck. "Maiba ako, doon nga pala sa paghahanap ko ng trabaho--" "Kung gusto mo talagang makabayad, sige sa'kin ka magtrabaho. Bibigyan kita nang gagawin basta sa'kin ka rin tutuloy." saad nito. "P-Po?" nagulat sa mga sinabi ng lalaki. "Be my secretary.." "Naku, hindi ako bagay sa gano'n. Wala akong alam Ser Derreck. Kahit tagalinis na lamang...masipag ako." Natahimik si Derreck tila pinag-iisipan ang aking mga sinabi, hindi alam kung papayag ang binata ngunit kahit anong mangyari'y kukumbinsehin ko ang lalaki. "Sige, mag-umpisa ka bukas. Pero ngayon, ubusin mo muna 'yang pagkain mo." "T-Talaga?" Bahagya lamang tumango ang binata. "Pangako, magsisipag ako." Imbis na tumugon ay umiling lamang ang binata saka ipinagpatuloy ang pagsubo. Samantala, hindi mapigilang makaramdam ng kasiyahan dahil sa wakas ay mayroon na 'kong marangal na trabaho. MATAPOS ANG ILANG ORAS NA PAGTIGIL sa kainan ay nagyayang umuwi ang binata. Hindi ko halos maihakbang ang mga paa patungo sa magarang mansiyon. Nakararamdam nang kalituhan kung sino talaga ang may-ari ng naturang pamamahay, sapagkat hindi naman sa lugar na 'to unang nakita ang binata. "K-kaninong bahay 'to, Ser Derreck?" hindi ko mapigilang itanong sa lalaki. "Tuloy ka." Inilibot ang paningin at pamilyar na barandilya ang nabungaran. Dito ako dinala ni Ser Derreck noong gabing kaarawan niya. Tama! "Hindi po tayo rito unang nagkita. Ang pagkakaalala ko sa mataas na gusali?" Natawa nang pagak ang binata tila hindi makapaniwala sa'king mga sinasabi. "Bahay ko." "B-Bahay ninyo? S-sa'yo?" Tumango lamang ang lalaki saka iginiya ako papasok sa loob. "S-Sinong kasama mo rito?" halos hindi maisara ang bibig sa mga naka-display na gamit. "Mga katiwala, driver, cook?" Umupo ang binata sa sofa tila napagod sa biyahe. "A-anong magiging trabaho ko?" Tinapik nito ang katabing upuan malapit sa kanya ngunit nag-aalinlangang lumapit bagkus ay umupo lamang sa gilid. "Cleaner?" anas nito. "C-cleaner? Mahirap po ba 'yon?" inosenteng tanong sa binata. "I mean, taga-linis." "Naku Ser Derreck, kayang-kaya po!" pabidang sagot sa lalaki subalit nakangiti lamang ito, tila natutuwa sa naging reaksiyon ko. "Nang kuwarto ko." pagpapatuloy nito. "Kuwarto niyo lamang po?" nagtatakang tanong dito. "Yes. Kuwarto ko lamang ang lilinisin mo." Bahagyang nagulat sa narinig mula sa lalaki subalit itinikom ang bibig, saka muling tumingin sa gawi ni Derreck. "K-kayang-kaya ko po iyon Ser Derreck. Magaling po ako sa gawaing bahay." pilit kong inaaliw ang boses. "Good." Tinawag ng lalaki ang mga kasamahan sa naturang mansyon maging ang mayordoma ng binata'y binilinan ni Derreck. Maya-maya'y nagpaalam ang lalaki upang umakyat sa kwarto sapagkat magpapahinga raw ito. Naiwan ako sa mayordoma nang mansiyon kapagkadaka'y sinamahan ni Ma'am Lydia sa nakalaang silid para sa mga kasambahay. "Ineng, alam mo na ba ang mga gagawin mo?" tanong nito. "Opo. Taga-linis ng kwarto ni Ser Derreck." masiglang saad sa matanda. "Isasama ka raw ni Sir Derreck sa opisina bukas. Baka roon ka maglilinis?" "P-Po?" Ipinaliwanag ni Ma'am Lydia ang mga bilin nang binata bago tuluyang pumanaog sa itaas. Hindi makapaniwalang bukod sa paglilinis ng kwarto'y isasama pa nang lalaki sa opisina raw nito. Ibig sabihin sa bata niyang 'yon ay mataas na'ng narating ng lalaki? KASALUKUYAN AKONG NASA HIGAAN at pabiling-biling, iniisip ang kalagayan nang naiwang kaibigan sa kasa. Siguro kung naroon ako ngayon, malamang dating gawi ang ginagawa sa buhay... Pinilit matulog kahit namamahay sapagkat kinabukasan ay maaga raw gigising ang lalaki. Kinabukasan, pagmulat pa lamang ng mga mata'y halos maalimpungatan sa mga naiisip na gawain, kagyat bumangon sa kama saka nag-asikaso ng katawan bago lumabas sa kwartong inilaan para sa'kin. Maaga pa lamang ngunit nakikita ko ang ilang kasambahay na abala sa mga nakatokang gawain kaya't halos kabahan dahil ngayon pa lamang magsisimula. "Ineng, gising ka na pala. Naku, halika rito.." tawag ng mayordoma. Nangingimi akong lumapit sa umpukan ngunit medyo napalagay ang loob lalo't ang ilan sa kanila'y mukhang maayos ang pagtanggap. "Makikisuyo sana akong dalhin ang umagahan ni Senyorito sa silid niya." anang kusinerang si Ate Sonya. "A-Ako po?" lumingon sa magkabilang gilid upang siguruhing ako nga ang pinatutungkulan ng ginang. "Oo, hija." Kapagkadaka'y tahimik na sumunod sa matanda saka dahan-dahang binuhat ang tray na mayroong pagkain. Hindi halos mapakali at kumakabog ang dibdib habang pumapanhik sa ikalawang palapag, sinadya kong bagalan ang paglalakad upang maikalma ang sarili bago humarap sa binata. "Zarina, kumalma ka. Hindi kailanman yumuyuko ang langit sa lupa." saad ko sa sarili. Kalaunan ay kumatok nang mahina sa dahon ng pinto ngunit walang sumasagot mula sa loob kaya't napilitang pihitin ang seradura. Tumambad sa'kin ang malawak na silid ng binata at medyo may kadiliman sapagkat natatakpan ng makapal na kurtina ang malaking bintana sa gilid. "S-Ser Derreck?" mahinang tawag rito subalit walang kumikibo. Bumuntong-hininga saka tuluyang pumasok sa loob kahit nanginginig ang mga kamay habang dala ang kanyang umagahan. Kapagkadaka'y muntik mapahiyaw ng mamasdan ang itsura ng lalaking himbing sa pagtulog sa ibabaw nang malambot na kama. Hubad baro, nakadapa at ang tanging tumatakip sa kalahati nang makisig na katawa'y makapal na kumot. Sandali akong natigilan at pinagmasdan ang maamo nitong mukha. 'Para siyang anghel kapag natutulog' "S-Ser Derreck? N-nagdala po ako ng umagahan ninyo..." nagdadalawang-isip na saad dito. Ni hindi kumikilos ang binata kaya hindi malaman kung iiwan na lamang ang pagkain o gigisingin ang lalaki. Kalauna'y nagpasyang tumalilis upang bumalik sa kusina ngunit hahakbang pa lamang ako papalayo sa gilid ng kama'y mayroong matigas na palad ang humawak sa'king palapulsuhan saka hinatak palapit sa higaan. Halos manlaki ang mata sa ginawa ng lalaki, bukod sa gulat ay hindi malaman ang dapat maramdaman sa mga oras na iyon sapagkat damang-dama ko ang init na nanggagaling sa singaw ng kanyang katawan. "S-Ser D-derreck ano pong--" "Shh. Huwag mo 'kong iwan Zarina." anito sa malambing na tono. "A-anong--" "Kagabi ko pa gustong mapag-isa kasama ka, kaso pagod na pagod ako kahapon. Pasensiya na..." muntik na yatang tumigil ang pagtibok ng puso ko matapos nitong halikan sa noo at pahapyaw sa labi. Nanunuot sa ilong ang ginagamit nitong sabon o maging ang mala-mentol na hininga ng lalaki. "S-Ser D-derreck, ano pong ibig sabihin n-nito?" "Stop talking and stay with me for the meantime, honey." "H-Hindi po ako si Honey, Sir---" Bakit ang sarap niyang tumawa? "Bakit ang cute mo sa pagiging inosente?" Hindi ako nakakibo dahil naninibago sa mga ipinaparanas ng lalaki. Matagal kami sa ganoong tagpo nang kumilos si Derreck ngunit hindi para tumayo kundi upang isiksik ang sarili sa pagitan ng aking leeg. "Tinatamad akong pumasok" anito sa malambing na tono. "B-baka po hinahanap na 'ko sa ibaba." Tumawa ng pagak ang lalaki bago kumilos patayo sa kama. "Come' on and get up! I mean err--tumayo ka na muna diyan at magbihis dahil pupunta tayo ng opisina. Phew! I congratulate myself from talking tagalog straightly. s**t!" anas nito na hindi ko malaman kung sino ang kausap. "Huh?" ang tanging naging reaksiyon. "Nothing. Magbihis ka na bago pa kita buhatin at ikulong sa banyo kasalo ko." kumindat ang lalaki saka gumikgik. Hindi maiwasang makaramdam ng pang-iinit sa pisngi dahil sa mga tahasang pagbibiro ni Derreck, lalo sa aspetong 'yon. Mabilis pa sa alas-kwatrong kumilos saka nagmamadaling lumabas sa silid ng binata sa takot na baka totohanin nito ang mga sinabi, kahit sa isang banda ng utak ay nagtatalo ang kagustuhang manatili sa tabi ng binata. Ano nga kaya ang pakiramdam na makasama siya sa banyo? Mabilis inalis sa utak ang mga malaswang bagay. Kapagkadaka'y tumungo sa silid upang maghalungkat sa mga nadalang gamit. Una kong sinuot ang locket na bigay ng ina saka dumiretso sa banyo upang maligo at magpalit ng damit. ILANG SANDALING HININTAY si Derreck sa sala habang tumutulong kay Ma'am Lydia kapagkadaka'y bumaba ang binata'ng hawak ang kanyang mga gamit. "Tara?" anas ng lalaki. "O-opo." kinuha ng matanda ang hawak kong panglinis saka bahagyang tumango senyales na pinasusunod ako sa lalaki. Natatarantang sumabay rito hanggang sa makalulan sa magarang sasakyan ni Derreck. "Alright, let's get it on." ngumisi ito bago pinaandar ang makina. Maya-maya'y pumarada ang kotse sa isang mataas na gusali. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang bawat palapag nito subalit mas hinayaang magpatangay sa kagustuhang malaman kung anong mayroon sa loob. Bumungad sa'kin ang karamihan sa mga kalalakihang nakasuot ng pormal, tila mayroong malaking okasyon. Karaniwan ay mga abala sa mga papeles sa gilid ng desk habang ang mga kababaihan ay naka-pormal na damit. "Goodmorning!" bati ni Derreck. Ang lahat ay nagsituwid ng upo sa kanilang mga kinapupwestuhan. "Goodmorning Sir." anas ng isang lalaki na halatang bata pa kung susumain ang edad. Seryosong tumango si Derreck bago tumungo sa gitnang daanan. "Zarina.." tawag nito. "P-Po?" "Sumunod ka sa'kin." mahinang anas nito. Halos magkumahog ako sa pagsunod sa binata habang pinagpipyestahan ng mga pares ng mata. "S-Ser, ano pong magiging trabaho ko rito bukod sa mansiyon?" "Be my private cleaner," kumindat ang binata saka kinapa ang ibabang labi. "A-Ano po?" Hindi naituloy ang usapan dahil sumingit ang sekretarya nito. Kaagad lumipad ang tingin ng babae sa gawi ko tila sinisino. "Hey Jellie, what's the catch for today?" "Sir, you have some con-call to Mr. Harry with regards to his case," "I see, did Dad pass by?" "Kanina pong umaga, hinahanap po kayo," Madalas ang pagsulyap sa'kin ng sekretarya animo nagtataka dahil kanina pa nakasunod sa binata. "By the way Jellie, could I ask some favor from you?" "Yes Sir?" "Can you assist Zarina for today? Kung anong mga kailangan niya?" "Y-Yes Sir," Nagpasalamat ang binata saka marahang hinawakan ang siko ko at inalalayan papasok sa loob nang magara nitong opisina. "Hi Ms. Zarina, what do you want for breakfast?" pambungad ni Jellie pagkapasok pa lamang sa loob. Nangangatal ang labi saka tumingin kay Derreck upang manghingi nang tulong, kaagad namang naintindihan ang ibig kong iparating. "Uhm, Jellie...sandwhich and salad or anything that could make everyone full," ngumiti lamang ang babae saka bahagyang tumango sa'kin. "S-Salamat." anas ko. "No worries, Ms. Zarina." Pagkaalis ng babae'y hindi malaman kung anong gagawin sapagkat naging abala ang binata sa mga pinipirmahan nito. Gusto kong tanungin kung anong nakatokang trabaho sa opisina ng binata, sapagkat nakaupo lamang sa sofa habang sinisimulang buuin ang mga itatanong sa lalaki. Kalauna'y nagkalakas-loob na lumapit sa mesa ni Derreck saka bahagyang tumikhim. Natigilan ang binata at matamang tumingin sa gawi ko. "Gutom ka na?" "Uhm, a-ano nga palang gagawin ko?" "Stay with me," "A-ano po?" Ngumiti ng makahulugan ang lalaki bago huminto sa pagbabasa ng mga papeles. "Ang ibig kong sabihin, kumain ka muna bago ko sabihin sa'yo kung ano talaga magiging trabaho mo," maaliwalas at mayroong lambing ang tono nito. "P-Parang ang ikli naman po nang ibig sabihin ng mga sinabi mo sa tagalog," Napatawa ito nang malakas tila hindi malaman kung pipigilan ba o hahayaang makita kong pinagtatawanan ng binata. "A-anong nakakatawa po?" "You're just cute," "Cute?" "Come," tinapik ni Derreck ang maliit na espasyo sa kinauupuan nito. Nagdadalawang-isip kung susundin ang lalaki sapagkat wala kaming relasyon o anumang ugnayan para magkaroon ng ganitong unawaan, subalit sa huli'y nanaig ang kagustuhang maramdaman ang mabangong samyo ng binata. Dahan-dahan akong lumapit ngunit hindi pa man masyadong nakalalapit nang marahang hatakin ni Derreck paupo sa ibabaw ng hita niya. "S-Ser Derreck," mahinang saad ng lalaki. "Just Derreck, Zarina," "Baka mayroong makakita po sa..." Walang pasabing sinapo ng lalaki ang aking pisngi saka marubdob na hinalikan. Hindi ako makakilos at parang mayroong mga paru-parong nagliliparan sa'king tiyan. "s**t, you're fuckin' sweet," anas nito habang pinapaliguan ng halik ang aking nakaawang na labi. "D-Derreck baka m-may makakita..." mahinang usal sa lalaki. Mas lalong naging marubdob ang ginagawad niyang init at yapos habang gumagalaw ang labi ng binata. Maya-maya'y naramdaman ang palad ng binata sa'king hita saka bahagya nitong hinahaplos nang marahan. Nasa ganoong mainit na tagpo ng biglang bumukas ang pinto kung kaya't natigilan kaming dalawa saka mabilis lumayo sa lalaki. Bumungad ang gulat na mukha ng isang babaeng nasa may edad ngunit ayon sa ayos nito'y halatang aristokrata ang datingan. "Bloody hell, hijo!" nag-antanda ang ginang samantala, hindi ko magawang tignan ang mga ito dahil sa kahihiyan. "Mama?" Lumapit ang binata sa hamba ng pinto saka iginiya ang ginang sa tanggapan nito. "I came all the way here to know your whereabouts. Tapos ito ang maabutan ko?" anas ng matanda. "Hindi kayo nagpasabi kaagad na ngayon ang balik ninyo from America," Sinubukan kong sulyapan ang ginang na hindi diretsahang nakatingin sa lalaki kundi nasa akin ang mga mata tila niririkisa ang buong pagkatao ko. "Dad was here earlier," "Oh yes, he wanted to see you before going to Thailand for some business trips," Hindi magawang kumilos at parang naestatwa sa gilid nang upuan sapagkat ramdam na ramdam ko ang mapanuring mata nang ina ni Derreck. "By the way mama', I want you to meet Zarina..." Nang marinig ang pangalan ay doon pa lamang ako naglakas loob na titigan ang matanda. "Zarina, si mama," "K-kumusta po kayo?" nanginginig na inabot ang kamay subalit imbis makipag-daop ay marahang tumango lamang ang ginang. Halos mamula ang buong mukha dahil sa kahihiyan. Lumipad ang mata sa binata na napilitang ngumiti at parang inaalo ang aking emosyon dahil sa inakto ng ina nito. "I almost forgot, did you see my god daughter? Yung anak ng Tita Myrna mo?" "And what's the catch there, Mom?" "She'll be staying at our mansion for quite some time while spending her vacation here in the Philippines." "And?" nilalaro ni Derreck ang abacus sa gilid ng kanyang desk habang ako'y napipilan sa gilid. "I just want you to entertain Shantal and make the best out of her leisure here. Likewise the old times, hijo," Bumuntong-hininga ang binata at nanatiling tahimik kung kaya muling nagsalita ang ina. "Gusto kong magkausap kayo kahit isang araw lamang. Mabait na bata si Shantal at alam kong mag-eenjoy ka sa company niya," "Alright mom, as you say so, " Ilang huntahan pa ang naganap sa mag-ina bago nagpaalam ang ginang ngunit bago makaalis ay sumulyap muli sa gawi ko tila pinag-aaralan ang aking bawat kilos. Nagdala iyon nang alinlangan sa'king batang puso lalo't nakarinig nang pangalan ng babae sa kanilang usapan. Marahil iyon ang gusto ng ina ni Derreck para sa kanya. Isang babaeng mayroong sinasabi sa buhay, natapos, matatag na kabuhayan at kabilang sa alta-sosyedad. "Pasensiyahan mo na si mama', gano'n lamang 'yon pero kapag nakapalagayan mo nang loob..mabait siya," "O-Opo," "I'm sure, gutom kana?" "H-Hindi pa naman," Lumapit ang binata saka idinantay ang ulo sa'king balikat. "Ako kasi gutom na..." "Huh? Maari naman sigurong tawagan si.." "Gutom na 'ko sa mga labi mo," Hindi ako nakakibo sa kapilyuhan ng binata subalit hindi maalis ang agam-agam sa'king dibdib lalo't alam sa sariling panandalian lamang ang ganitong emosyon dahil sa malaking bagay na pagkakaiba naming dalawa. Estado.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD