Sabado, hindi ko na napansin na lumipas na pala ng ilang araw at mag-a’apat na araw na akong nakaconfine dito sa hospital, and speaking of sabado. Ito yung araw na pinakapaborito ko, why? Because I consider this day as my ‘special day’, syempre naman dahil kapag araw ng sabado lahat ng pagod ko sa work nawawala nalang ng parang bula dahil kapag sabado ibig sabihin niyan………… magsasahod na ako! Oh yeah, you read it right. Kaya magkakalaman na ulit yung ATM ko . Hindi lang dahil sa sahod, kundi pati narin sa mga swerting nangyayari sa buhay ko kapag sabado, pero hindi naman palagi minsan minamalas din naman ako. Sa ngayon masasabi kong swerti ako, kasi nandito na naman si Johan my labs. Syempre kilig na naman ang ferson.
“Oh, Adey.” sabay bigay sa akin ng binalatan niyang mansanas.
Ayan na naman siya sa pagtawag sakin ng “Adey”, gusto ko na siyang tanungin sa bagay na iyan kung bakit yan yung lagi niyang tawag sa akin kapag pumupunta siya dito, pero nakakaligtaan ko naman siyang tanungin kasi biglang nawawala sa isip ko kapag tutok na kami sa pinag--uusapan namin.
Kaya siguro mamaya ko nalang sa kaniya itatanong.
Kinuha ko sa kaniya ang inaabot niyang mansanas sa akin at kinagatan ito, pero syempre yung pagkakabuka ng bibig ko yung ‘pabebe way’ para masabing mahinhin ang ferson. Kagat ng unti sabay punas ng tissue sa bibig, nakakahiya naman kung makita ni Johan my labs na makalat akong kumain. Tsaka ko siya binigyan ng tipid na ngiti.
“Salamat”. Pagpapasalamat ko sa kaniya, kasi nag-abala pa talaga siyang balatan yun kahit na ayos lang naman sakin na kainin yun ng may balat pa. Sabi nga nila sa balat ng mansanas mo makukuha ang sustansya nito, pero ayos lang kahit inalis niya basta all I know is … his so sweet talaga, kasi his here na naman for me.
Palagi akong binibisita ni Johan my labs sa kwarto ko, lalo na kung nagkakaroon siya ng time na I’visit ako. That’s why I’m so thankful to him for doing that, kasi kapag dinadalaw niya ako hindi ako nabobore lagi niya ako kinikwentohan ng kung ano, lagi niya akong pinapatawa.
Minsan pa nga parang gusto ko nalang patigilin ang oras para mas makasama ko pa siya ng mas matagal, pero hindi pwede kasi wala naman akong super powers na gawin yun at tsaka ayoko naman na hadlangan yung mga dapat niya pang gawin lalo na at may trabaho pa siya.
“ So, after mong madischarge balik trabaho ka na ba ulit?”
“Actually hindi ko pa alam. Kasi… baka magpapahinga pa muna ako ng isa o mga dalawang araw, para kapag bumalik na ako sa trabaho eh… ayos na talaga ako.” tugon ko sa kaniyang tanong.
“Sabagay mas mabuti nga yang naisip mo. Para mas mahaba pa yung pahinga mo.” Tugon niya sa akin ng may ngiti sa kaniyang mga labi.
Sinuklian ko nalang din yun ng isang ngiti.
Pagkatapos nun nag-usap lang kami, kinwento niya sakin yung isang patient daw dito sa hospital na katabi lang nitong kwarto ko. Maganda daw yung patient may mala-porselang balat, maganda ang katawan, may malaking hinaharap at higit sa lahat mayaman. Kaya nga ng idescribe niya pa talaga sakin yung nakita niya sa pasyente sa kabilang room hindi ko mapigilang makaramdam ng selos kaya nagsalubong kaagad yung mga kilay ko at nakita yun ni my labs, pero tinawanan lang niya ako.
Pero sa huli yung selos na naramdaman ko biglang nawala ng sinabi niyang….
“Ako nga pala si Raul.” ginaya niya pa talaga kung paano yung boses nung pasyente sa kabila lalo na kung gaano kalaki ang boses nito noong nagpakilala na daw ito sa kaniya.
Tawang-tawa siya kaya hindi na niya matuloy-tuloy kung ano ang nangyari pagkatapos magpakilala ng patient sa kabila, kaya hindi ko nalang din napigilan yung sarili ko na mapatawa ng malakas. Sa kakatawa ko nga parang mawawalan na ako ng hininga kasi kahit anong pigil ko hindi ko talaga mapigilan na kumawala yung tawa sa bibig ko.
“Pfft..oh tapos anong ginawa mo?” nagpipigil ko paring tawa nung tinanong ko siya.
“Ayun inabot ko nalang din yung kamay niya. Kasi baka sabihin niya ‘snow bear’ ako.” tugon niyang may malawak na ngiti padin sa mga labi, halatang pinipigilan lang na tumawa pa.
Hindi talaga siya mawalan walan ng mga kwentong baon kapag pumupunta siya dito sa kwarto ko. Kaya kahit paapa’no hindi ako nakakaramdam ng pagkabagot dahil andiyan siya para I’entertain ako kahit limitado lang ang oras niya para makabisita sa akin.
Pero napakalaking bagay na yun for me , kasi nagieffort pa talaga siya na magpunta dito kasi na I know naman na his busy din sa work niya. Alam ko naman kasing hindi biro ang pagiging isang nurse lalo na yung mga doctor, Kaya super thankful talaga ako sa kaniya. Minsan pa nga bago siya dumiretso sa trabaho dinadalhan niya muna ako ng mga flowers o kaya naman mga prutas and it’s so nakakakilig talaga, like super kilig.
Kaya hindi na namin namalayan na lumipas na pala ang ilang minuto, kung hindi pa tumunog yung relo niya na siguro si’net na niya yung alarm time dun, baka hindi pa matatapos yung pag-uusap namin.
“Ahmm…” tumayo siya sa kaniyang kinauupuan. “aalis na pala ako ..” he looked at his wrist again. “ five minutes nalang at matatapos na yung breaktime ko” lumingon siya sa akin at inilagay niya saking ulo yung kaliwang kamay niya sabay gulo sa aking buhok.
Magrereklamo na sana ako kasi mukhang pinabayaan na ako ng gobyerno sa ayos kong ito tapos gugulohin niya pa buhok ko, hayss talaga! Pero naudlot nalang yung balak ko sanang pagrereklamo kasi si my labs to eh minsan lang to mangyari kasi lulubusin ko na *evil grin*, kinuha ko yung kamay niya sa ulo ko at pasimpleng pinagsalikop ito.
“So, kailan ka ulit babalik dito?” painosente kong tanong habang hawak ko parin yung kamay niya.
Sinuklian niya ako ng matipid na ngiti. “ Sa ngayon hindi ko pa alam kung kailan…” hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko, “..basta kapag may libreng oras ako dadaan ako dito.” tuloy niya sa kaniyang sinasabi habang may matamis na mga ngiti sa kaniyang mga labi.
“Sige, alis na ako.” paalam niya sa akin at binitawan na din niya ang mga kamay ko. “bye!”
“Bye!” tugon ko na may ngiting tagumpay.
Binuksan na niya ang pinto ng aking kwarto papalabas, pero bago siya makalabas humarap muna siya sa akin at nginitian akong muli. At ng maisara na niya ang pinto para akong kiti-kiting pinagpapasag ang mga kamay dahil sa kigil na nararamdaman.
“Ho my gashhhhh!!!!!” Tinakpan ko ang mukha ko ng unan dahil baka marinig sa labas yung napakalakas kong tili.
********
Pumasok si Nanay kasabay si Nurse Hannah, minsan lang naman kung pumunta dito si nurse Hannah kapag time ko ng uminom ng gamot, kapag magche-check siya ng mga sugat ko at iba pa. Tapos kapag need ni Nanay ng assistance kapag tatayo ako , kasi minsan hindi na ni Nanay kaya na itayo ako ng mag-isa.
Galing si Inay sa labas at may binili, biscuit mineral water at bumili pa siya ng mga prutas kaunti lang naman yung binili niya kasi meron pa naman ditong natira yung dala ni My labs. Pero syempre hindi mawawala sa listahan niya yung pagbili ng Mik-mik , favorite eh kaya hindi talaga yan makakalimutan.
Umupo na nga si inay sa kung saan umupo si My labs kanina, at doon nilantakan yung Mik-mik niya. Sarap na sarap pa nga sa paghigop eh, parang nung nakaraang buwan lang hindi nabilaokan eh no ? nakalimutan na agad na yung mik-mik niya ang dahilan kung bakit muntikan pa siyang idala sa hospital, aysuss buti nalang talaga at nandon ako kundi baka kung ano na nangyari sa kaniya.
Nanunuod kami ni Nanay sa may sala isang korean drama movie ang napili naming panuorin sa Netflix, Unforgettable. Actually mga ilang ulit ko narin tong pinanuod pero kahit na ganon hindi parin ako nagsasawa sa kakanuod nito. Napapaluha parin ako sa nangyayari kahit alam ko na ang kabuoan ng kwento ng palabas. Talagang masasabi kong Unforgettable nga talaga, kasi hinding-hindi mo talaga makakalimutan ang laman ng kwento na kapag maaalala mo mapapaiyak ka nalang bigla. Parang OA na nga ako minsan eh, kasi laging nata-timingan ni nanay na kapag pinapanuod ko ulit ako yung mukha kong parang basang sisiw ang makikita, eh sa dalang-dala na ako sa palabas eh, anong magagawa ko tinatrydor ako ng mga mata ko? tapos sasabihan pa akong…
“Ano na naman yang drama mo…..?” tanong niya ng magkasalubong pa ang mga kilay, pero hindi ko nalang siya pinansin at tinuloy lang ang panunuod ko.
Ngunit heto ako, nanunuod na naman pero hindi na ako nag-iisa kasi kasama ko na si Nanay. Komportableng nakaupo lang siya sa may couch habang ang mga paa’y nakapatong pa sa may mesa namin sa harap, parang donya lang ang mader earth ko. Ako naman andito lang nakaupo sa may sahig, pero malinis naman tong sahig namin kaya wala akong problema kung dito man ako umupo. Lagi kaya naming wina’wax to!. StarWax. Para shining shimmering splendid ang aming sahig.
Kapag ganitong nagmomovie marathon kami hindi mawawala ang popcorn syempre, cheese flavor habang si Nanay naman ayun sumisip-sip ng mik-mik niya gamit ang straw, well kapag kasi bimili ka ng isang balot ng mik-mik may kasama na din itong mga straw mga 4inch lang siguro ang haba. Lagi yan ang binibili niya, kahit saan man siya magpunta hindi mawawalan ng mik-mik sa loob ng bag niya.
Iyak na ako ng iyak dahil nasa part na kami ng movie kung saan buhat-buhat na ng mga tao yung katawan ng bidang babae dahil ililibing na nila ito. Hindi ko mapigilan ang aking mga mata ang pag-agos ng mga luha , tunutulo na nga ang luha ko pati sipon ko sumabay narin, kaya isininga ko ito sa tissue’ng hawak ko. Ng biglang…………….
”ANDOY….!!!” malakas na sigaw ng taong nasa labas ng aming bahay, sa lakas ng sigaw ng taong yun talagang nagulat ako. Mala’megaphone ba naman yung boses, kaya bakit hindi ako magugulat? Kaya kung ako nagulat tiyak na si Inay nagulat din, kaya hinarap ko siya…..
Pero nang nilingon si Inay nakita ko itong nahihirapang huminga at hinahampas ang kaniyang dibdib. Kaya agad akong lumapit sa kaniya.
“N-nay, ano ho bang nangyari sa inyo..?
Hinawakan niya ang kamay ko at humarap sa akin, kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang mukha pero hindi dahil sa kilig o galit kundi dahil HINDI SIYA MAKAHINGA ! kaya nataranta ako ng sobra, hindi ako magkandaugaga sa pagkuha ng cellphone ko at nagdial, hindi ko na tiningnan kung tama ba ang natawagan ko basta nagdial nalang ako.. Kaya nung biglang may nagsalita ganon nalang ang pagkagulat ko dahil sa sinabi nito..
“Hello! Good Afternoon, this is Jollibee delivery ho--…………..” hindi ko na pinatapos ang sinasabi ng operator sa kabilang linya, at pinatay ang tawag. Langya bakit Jollibee? Pagkakita ko sa screen ng cellphone ko, napatampal nalang ako sa noo ko kasi nagkamali pa ako ng pindot. Hahayss.
Tiningnan ko ulit si Inay ng kalabitin niya ako.
“T-tu..tubig…” kaya pagka-bigkas na pagka-bigkas niya ng salitang yun ay dali-dali akong tumakbo sa kusina at kinuhanan siya ng tubig, muntik pa nga akong madapa sa pagmamadali, buti nalang at naalalayan ko agad ang sarili kong tumayo ng tuwid.
Binigay ko agad kay Inay ang isang basong tubig sa kaniya, at sobrang bilis niya lang maubos ito. Pagkatapos niyang uminom iniabot niya sa akin ulit ang baso, at kita ko sa kaniyang mukha na naging maayos na ang kaniyang pag-hinga na parang may naalis na bara sa lalamunan niya.
“ Kunan m-mo pa ako n-ng tubig.”halatang hindi padin maayos ang pagsasalita niya dahil parang nag-hahabol pa siya ng kaniyang hininga. Parang galing lang ng ‘Fun Run’ , kaya bumalik ulit ako sa kusina pero imbes na isang baso lang ang kunin ko pati pitsel dinala ko na rin para hindi na ako mahirapan magpabalik-balik.
Hirap na nga akong maglakad dahil sa katawan ko, tapos mapapagod pa ako dahil sa pabalik-balik na pagkuha ng tubig, suss WAG NA! Kaya dinala ko nalang, Mindset ba mindset.
Napapailing na natatawa nalang ako sa naalala ko, Yan kasi! MIK-MIK PA MORE!!! kapag siya nabilaukan ulit aysus ewan ko nalang.
______________________________________________________
Itutuloy..