Third persons POV
Isang taon narin ang lumipas mula ng umalis ang kuya Andoy papunta sa ibang bansa. At sa bawat araw at buwan na dumaan hindi niya maiwasang tanungin ang kaniyang Inay kung kailan ito uuwi. Wala siyang ibang kalaro kundi ang sarili lang niya magmula ng umalis ito.
“Inay, bakit ho hindi pa umuuwi si Andoy?” Tanong ng batang si Anding sa kaniyang Inay.
Unti-unting hinarap ng Nanay ang kaniyang anak na nakahiga sa kama at natigil sa pag-aayos nito ng kumot ng batang si Anding. Umupo ito sa may gilid ng kama , hinawakan ang ulo ng batang si Anding at dahang-dahan sinusuklay ng mga daliri ang may kahabaan na nitong buhok.
Habang ginagawa ito ng ina sa batang si Anding, hindi niya mapigilan na makaamdam na ng pagkaantok, ngunit nilabanan niya ito upang marinig ang sagot ng kaniyang Ina. Dumausdos ang kamay nito sa mukha ng bata at ganon din ang ginawa nito sa kabila pa nitong kamay, mas inilapit pa nito ang mukha sa batang si Anding at idinantay ang noo sa noo ng bata ..
“Kasi anak……” lumayo muna ito ng kaunti. “kailangan muna ng kuya Andoy mo na manatili doon. Diba sinabi ko na sayo ang dahilan kung bakit diba?” malumanay na pagkausap nito sa anak.
Napatango naman ng dahan-dahan ang batang si Anding, naalala nga niya na sinabi na ng kaniyang Inay kung bakit hanggang ngayon wala pa ang kaniyang kuya Andoy.
“Pero Nay. Namimiss ko na po kasi siya.” ani nitong tila maiiyak na.
“Tsaka, hindi ho ba ako namimiss ni kuya Andoy?”
Nakita ng Ina ng batang si Anding na may tumulong mga luha sa mga mata ng bata, kaya hinalikan niya ito sa noo at pinalis sa mga mata ang mga luhang namalisbis sa mukha ng bata. Awa ang kaniyang nararamdaman ng makita ang kaniyang anak na labis na nalulungkot sa nararamdamang pagkalumbay dahil sa wala ang nakakatandang kapatid nito.
“Anak, namimiss ka din naman ng kuya mo. Kaya lang hindi pa natin siya makakausap ngayon, kasi bawal muna sila gumamit ng mga gadgets doon”
“Nung nakaraang lunes tumawag siya, pero wala ka dito. Nasa school ka pa non, hinanap ka nga niya eh.”
“Pero nagmamadali siya ng masabi niya lang yung dapat niyang sabihin tsaka niya na ibinaba ang tawag.”
“Kaya tahan na ha?”
Malumanay na pagkausap sa bata habang pinupunasan ang mga luhang namamalisbis parin. “Huwag ka ng malungkot ha?…” ngumiti ng tipid “Sige, kapag nakatawag ulit ang kuya mo, agad kong ibibigay sayo ang telepono para makausap mo siya.” pag-kumbinsi nito sa anak.
Dahil sa sinabing iyon ng ina ng batang si Anding, dali-dali nitong pinalis ang mga matang may mga luha at nginitian ang Inay niya.
“Pangako po Nay ha?!” tanong ng bata na habang sumisinghot pa ng kaniyang tumo-tulong sipon. Dahil sa nakita mas lumawak naman ang pagkakangiti ng kaniyang ina sabay haplos ulit sa mukha ni Anding.
“Opo..Pangako yan!”
Naibsan ng kaunti ang lungkot na nararamdaman ng bata dahil sa pangakong binitawan ng kaniyang Ina. Kaya inayos na ulit nito ang kumot na nilagay sa anak kanina . Ng makitang maayos na ang pagkakahiga ng anak ,napagdisesyonan na nitong umalis at tutuloy na rin sa kaniyang silid ngunit pinigilan ng kaniyang anak ang kaniyang paghakbang.
“Oh, bakit?” umupo itong muli sa kama ng bata.
“Nay.. Pwede bang dito nalang kayo matulog sa tabi ko?”
Nagulat naman sa sinabi ng anak ngunit agad ding napalis ang gulat sa kaniyang mukha at napangiti nalang siya sa anak, ngayon nalang ulit kasi ito hiniling sa kaniya na tabihan ito. Umusog ng kaunti ang batang si Anding para makatabi sa kaniya ang kaniyang Inay.
Komportable na itong nakahiga sa kaniyang tabi at hinahaplos ang buhok ng anak para mas madali itong makatulog. Pero naramdaman niyang gumalaw ang anak at tumingala sa kaniya.
“Nay….” tiningnan niya ito sa mukha.
“Pwede niyo ho ba akong kantahan?…….Yung palagi niyo pong kinakanta noon kapag pinapatulog niyo ako?” wala na itong sinabi tanging ngiti nalang ang itinugon nito sa anak at sinimulan na ang pagkanta.
Somewhere over the rainbow
Way up high
There’s a land that I heard of
Once in a lullaby
Somewhere over the rainbow
Skies are blue
And the dreams that you dare to dream
Really do come true
Napakalumanay ng boses nito, para bang idinuduyan ka’t idinadala sa lugar na walang ingay na tanging ang malaanghel lamang nito ang naririnig. Ang bawat lirikong kaniyang ibinibigkas ay ipinaparadam niya sa kaniyang anak na puno ng pag-mamahal.
Someday I’ll wish upon a star
And wake up where the clouds are far behind
Me
Where troubles melt like lemon drops
Away above the chimney tops
That’s where you’ll find me
Unti-unti ng sumasara ang mga mata ng batang si Anding, dahil sa nanghihiling boses ng kaniyang Inay at sa paghamplos nito ng kaniyang buhok.
Somewhere over the rainbow
Bluebirds fly
Birds fly over the rainbow
Why then, oh, why can’t I?
Somewhere over the rainbow
Bluebirds fly
Birds fly over the rainbow
Why then, oh, why can’t I……………….
Hindi pa natatapos ang kanta ngunit ang batang si Anding ay himbing na himbing na sa kaniyang pagkakatulog, kaya ng makita ito ng kaniyang Ina’y napangiti na lamang ito sa nasaksihan at sabay hanalikan ng dahan-dahan sa noo ng anak at baka ito ay magising pa.
***************
Inaayos na ni Inay ang mga gamit namin upang makauwi na kami. Gusto ko pa nga sanang magtagal sa hospital kaso ano sabi ng doctor ayos na ang mga pasa't sugat ko, ang pilay ko naman pwedeng sa bahay nalang daw ako magpagaling, kaya wala na akong magagawa kundi gumura na talaga.
"Oh ano Andoy, tumayo ka na diyan at tayo'y aalis na."
Tumayo na ako sa kamang kinauupuan ko."Nay, nasaan po si Nurse Johan?"
"Ay, oo nga pala" at kakamot-kamot pa siya sa kaniyang ulo at parang may naalala.
"Nagbilin pala yun sakin kanina na hindi ka na daw niya mahahatid palabas ng hospital, kasi madami daw siyang gagawin ngayon. Nung dumaan nga yun dito eh parang nagmamadali eh, kaya pinaalis ko na siya agad.”
"Ah, ganon ho ba."
Medyo nakaramdam ako ng disappointment, hindi ko maiwasan na maramdaman yung lalo na simula ng huli siyang bumisita sakin nung sabado hindi na siya ulit pumunta dito kamustahin o maski tingnan lang ako.
Pero iintindihin ko nalang, kasi mas priority padin niya yung trabaho niya. Hindi naman niya ako jowa para laging bisitahin o ano. Kaya hindi nalang ulit ako nagsalita.
Napabuntong hininga nalang ako at inayos ang pagkakaupo sa wheelchair, mas mabuti nang dito ako nakaupo para hindi na mahirapan si Inay sa pag-alalay sakin,kumbaga itutulak nalang niya ako, mahirap na kasi baka kapag hindi ako nakasaklay/ crutches lang ako at hindi ko maibalanse yung katawan ko baka lumagapak pa yung mukha ko sa sahig, ito nalang nga ang isa sa kinatatanging asset ko madadamage pa, kaya dapat doble ingat ako . Dahil sigurado akong kapag natumba ako dito pagtatawanan lang ako ng mga tao.Kaya ito ako’t sitting pretty lang sa wheelchair, habang tulak-tulak ni Inay, pero nagpresinta sa kaniya na kaya ko ng itulak ang sarili ko dahil hawak niya ang mga gamit namin.
Ilang minuto lang ang ginawa naming pag-aabang sa labas ng hospital ay may dumaan nang taxi at pinara na ito ni Inay. Dahan-dahan lang ang ginawa kong pagpasok sa backseat ng taxi, at inilagay naman ng taxi driver sa back-compartment ang wheelchair ko, para maka-upo ako ng maayos at hindi kami magsiksikan ni Inay sa loob ng taxi ng makaupo na nga ako ng maayos ay sumunod naman na sa akin si Inay at umupo sa katabi ko.
Bale one week and two days din akong nag-stay o naconfine sa hospital, which is a good thing naman kasi nakapagpahinga ako ng matagal tsaka hindi napapagod yung utak ko kakaisip ng mga dapat na gawin sa trabaho kaya stress free talaga ako. Pero ang hindi naman maganda, dahil hindi nga ako nakapasok sa trabaho sigurado akong natambakan na naman ako ng mga gagawin doon sa office, stress free lang ako sa ngayon pero kapag magaling na talaga ako stress na naman ulit ang sasalubong sakin.
Hindi madali ang ginagawa kong trabaho lalo na kung wala kang alam sa field na ito, isa akong licensed architect sa isang kilalang kompanya. Nalaman kong ako ang top one sa board exam for architecture ang Architectural Licensure Examination (ALE), pero hindi ko inaasahan na madami na agad ang kumuhang architectural firm sa akin, pero sa lahat ng architectural firm na komontak sa akin isa lang ang nakaagaw ng pansin ko, ito ay ang JBJ Architectural Firm, hindi lang sila mataas magbigay ng sahod, maganda din ang pakikitungo mismo ng firm sa kanilang mga empleyado ang mga co-workers ko naman ay ganon din. Kaya hindi talaga ako nagsisi na dito ko napiling magtrabaho.
Napakalaking opportunity na maihire nila dahil isa sila sa pinakasikat na architectural firm sa buong pilipinas. Pati na sa buong Asia. Kaya nagsipag talaga ako sa trabaho at nakuha ko nga ang posisyong gustong-gustong makuha ng isang employee, at ito ay ang pagiging Lead Architect. Napakasaya ko noon ng malaman kong napromote ako sa pwesto ko, kaya pagkauwi na pagkauwi ko ng bahay agad kong inaya si Inay na magcelebrate at kumain sa isang mamahaling restaurant.
Hindi man naging madali ang mga unang araw ko nung ako palang ay nagsisimula sa trabaho, ngunit kinaya ko naman ang lahat ng iyon at yun na nga nagbunga na ang lahat ng paghihirap ko. Kaya ang lahat ng sahod ko every second week of Saturday ay ibinibigay ko kay Inay at inilalagay sa bank account niya at kapag ika-fourth week naman ng sabado ay sa akin naman iyon mapupunta. Iba ang araw ng pagpasahod sa kompanya kung saan ako nagtatrabaho, hindi kagaya sa iba na fifteenth month day pay. Sabagay kaniya-kaniya nga naman talaga yan nasa sa may-ari ng kompanya na yan kung ano yung gusto nila. There company there rules.
“Oy, Andoy baba ka na diyan. Andito na tayo.”
Hindi ko manlang napansin ang pagdaan ng oras at andito na agad kami sa tapat ng bahay namin. Hindi ko napigilang ngumiti, dahil nakikita ko ang bunga ng mga pagod at sakripisyo ko. Nakapagpatayo ng sariling bahay, at higit sa lahat naabot ang mga goals sa buhay. Pero isa nalang ang kulang……..
LOVELIFE.
Oo, kung gaano ako kaswerte sa buhay yun naman ang kinamalas ko sa pag-ibig na yan. Naalala ko tuloy si Johan my labs. “Paano kaya kung bisitahin ko nalang siya every break niya?” Napailing-iling naman ako, “Huwag na pala baka kasi isipin niya patay na patay ako sa kaniya… na totoo naman!” Napatawa nalang ako sa mga naiisip ko.
Inalalayan ulit ako ni Inay sa paglabas ng taxi.
“Sige manong, salamat” ani ni Inay sa taxi driver, at pinasibad na nito ang taxi’ng minamaniho.
Inaayos ko ang pagkakaupo ko sa wheelchair ng may marinig na babaeng tumumitili at parang may hinahabol. Nasa loob ito ng gate na nakasara sa kanilang harapan.
“ANDING!”
Napangiti siya at alam na niya kung sino ang babaeng tumitili.
“ANDING!!! ANO KA BA NAMAN, HUWAG MO NA AKONG PAGURIN AT BAKA AKO’Y ATAKIHIN NA NAMAN NG ARTHRITIS KO! SUSS KA TALAGA OO!”
Bumukas na ang gate at pagkatingin ko sa may harapan nakita ko si Tiya Annika, bunsong kapatid siya ni Inay. Dito na muna siya tumira sa amin dahil wala pa siyang mauupahan na bahay sa ngayon. Wala naman problema sa akin kung dito muna siya dahil kapamilya namin siya, kaya ayos lang.
“ARF,arf arf” tahol ng aso habang patakbong lumapit sa akin, pagkalapit nito agad itong nagtatalon at pumaikot-ikot sa may paanan ko habang nakalabas pa ang dila.
“Anding..” Habol hiningang usal ni Tiya “suss ka talagang aso ka. Diba sabi ko sayo, wag mo akong tatakasan?!” pagkausap niya sa aso ko na para bang naiintindihan siya nito. Ibinaling niya ang paningin niya sa amin ni Inay.
“Oh Manay.. Andoy, andito na pala kayo. Bakit hindi kayo nagtext sakin na ngayon pala ang uwi niyo?”
“Ay alam mo namang makakalimutin na ako. Kaya pasensya at hindi kita na abisohan agad”. Tugon naman ni Inay.
“Ya hala, sumulod na kamo. Ako na magpapasok ng mga gamit niyo.”
Sabay lang namin siyang tinanguan ni Inay, kaya pumasok na kami at sumabay na rin samin pumasok ang aso kong si Anding. Tatahol tahol pa nga ito at ang buntot ay iginagalaw-galaw pa, sobra ata akong namiss nito.
Pagkaupo na pagkaupo ko sa may couch sa sala parang nakaramdam ako ng ginhawa lalo na sa may pwetan ko. Hindi kasi ako masyadong komportable sa pagupo sa wheelchair tsaka medyo masikip pa sa may balakang ko.
“Anong gusto niyong ulam?”
Galing sa second floor si Tiya Annika, doon kasi ang kwarto namin ni Inay. Hindi gaanong malaki ang bahay namin, pero masasabi ko ng kasya na dito ang isang pamilya. Pagpasok palang sa may front door bubungand na agad ang sala sa may kanang bahagi, sa kaliwa naman nito makikita ang papunta sa may kitchen. Sa may kaliwang bahagi ng sala naman ang hagdan papunta sa second floor almost sa center part siya makikita. Tatlong kwarto ang nasa kaliwang side habang nasa may dulong bahagi pa ang kwarto ko, mas gusto ko kasi yun. Ang sa unang kwarto ang inuukupa ni Inay, habang ang pangatlong kwarto naman ang inuukupa ngayon ni Tiya Annika. Ang nasa gitna, hindi ko na alam kung bakit hindi na yun pinabubuksan ni Inay, sabi nalang niya sakin tambakan daw yun ng mga lumang gamit na gusto niyang idonate, kaya kibit-baalikat nalang ako.
Ang sa kanang part ng second floor ay ang gym kung saan lagi akong nakatambay. Oo tambay lang napapagod akong magexcercise eh minsan nga nagsisi pa ako kung bakit ko pa ito ipinalagay dito, eh hindi ko naman nagagamit. Nakaglass door ang pinto ng gym kaya kitang-kita agad ang mga equipment lalo na kung hindi nakababa ang manipis na kurtina nito.
“Pakbet nalang tita”.
“Eh ikaw manay?” tanong nito kay Inay.
“Paksiw na bangus. Miss ko na kasing kumain non.”
“Ok, sige sige. Diyan lang muna kayo at ako’y magluluto na.”
Tanging tango nalang ang itinugon namin ni Inay. Inabot ko ang remote at binuksan ang TV. Manunuod muna kami habang naghihintay na matapos ang pagluluto ni tita Annika. Si nanay naman, ayun naglalaro na naman ng COD, aysuss ang ingay nga eh hindi tuloy ako makapag-focus sa pinapanuod ko.