Nakarating ako sa JBJ Architectural firm at exactly seven in the morning, wala pa halos ang iba kong katrabaho mga eight na kasi ang karamihan na pumapasok. Well, early bird kasi ako, ayokong ako yung nalilate lalo na kapag may katagpo akong client. Sa trabaho kailangan mong maging punctual, para masimulan mo na agad ang iba mo pang dapat gawin.
“Good morning Architect!” Nakangiting bati sa akin ni Kuya Celso, ang guard namin kapag umaga.
“Good morning din kuya.” Binati ko din siya pabalik.
“So ano kuya success ba yung plano mong surprise sa misis mo?” tudyo ko sa kaniya. Napakamot naman siya sa kaniyang batok at parang nahihiya pa sa akin.
“Hehe.. Opo Architect, success po.” kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang mukha dahil sa hiya. Aysuss iba din talaga ito si kuya Celso ano? Ang tanda-tanda na pero kinikilig pa pala. Napatawa nalang ako sa naisip ko .
“Salamat ho pala sa advice Architect.” ani niya sa akin na may malawak na ngiti. Napangiti nalang din ako.
“Suss kuya wala yun...Basta kung need mo ng advice ko sabihan mo lang ako.” Sabay kindat sa kaniya.
“Sige po Architect.”
“Sige kuya akyat na ako sa taas.” Paalam ko sa kaniya.
“Sige po.”Tugon niya sa akin at kinawayan ako.
PAPA-UPO palang ako sa office chair ko ng tumunog na agad ang telepono ko sa bag kaya binuksan ko ang bag ko at kinuha ako. Pagkatingin ko sa screen napakunot agad ang noo ko, eh bakit nga ba? Kasi naman panigurado at mangungulit lang itong siraulo kong BOSS. Ang CEO ng firm. Hindi naman sa nagmamayabang ano pero malakas ako dito, ito kasing si Boss ang feeling close sa akin, lalo na noong unang pasok ko. Kung makaakbay sakin kala mo naman kung magtropa kami noong una pang panahon. Muntik ko na nga siyang masuntok nung hawakan niya tabs ko, pisilin ba naman ng KSP na yun! Kaya ayun kung hindi ko napigilan sarili ko baka natulog siya sa opisina niya non. Hayss buti nalang talaga.
Kaya habang tumatagal ang pagka-papansin niya ay tumatalab na sa akin, kumbaga hindi na ako masyado sa kaniya naiirita hindi ko nga napapansin nagiging malapit na pala kami sa isat-isa
“Oh bakit na naman KSP!?”bungad ko agad sa kaniya.
“Ayy. Wala manlang ‘good morning’ o kaya ‘Hi, Hello’ diyan” tugon niya sa akin sa kabilang linya. At sigurado akong nakasimangot na naman ito.
“Eh bakit ka nga tumawag?!” hindi ko tuloy napugilan ang pag-ikot ng mga mata ko.
“Hayss, grabe ka talaga sakin. Alalahanin mo boss mo parin ako!” napabuntong hininga nalang ako.
“Bakit ka nga po ‘BOSS’ tumawag” sarkastiko kong tugon sa kaniya.
“Ang plastik mo talaga kahit kailan. Alam ko at ramdam kong umiikot na naman yang mga mata mo!”
Buti alam mo!!ani ko sa isip ko
“ Eh bakit ka nga kasi napatawag.” naiinip kong tugon sa kaniya.
“ May problema ka na naman ba?”
“Alam mo ba yan ang gustong-gusto ko sayo eh, haha.” napaikot ko na naman tuloy ang mga mata ko. “Alam na alam mo kasi kung may problema ako o wala, and I like you for that, HAHA.” napangiwi tuloy ako sa huli niyang sinabi. I like you daw! Suss if I know magpapatulong na naman siya kaya sumi-sipsip na naman sakin. Tsk!
“So ano na naman gagawin ko ‘BOSS’?!” tanong ko sa kaniya habang nakapamaywang pa.
Inilapag ko muna sa lamesa ko ang back-pack ko. At umupo na sa swivel chair, kailangan ko muna ipahinga mga paa ko kanina pa kasi ako nakatayo, at natagalan din ako sa paglalakad bago makapunta dito sa office ko.
“Well, sa ngayon hindi ko na muna sasabihin, lalo na’t hindi ka pa masyado magaling….Dapat nga hindi ka muna pumasok ngayon.” narinig ko sa kabilang linya ang pagbuntong hininga nito.
“Kailangan ko na kasing pumasok, alam mo namang natatambakan na ako dito ng mg--” pinutol niya agad ako sa sasabihin ko.
“Ang tigas kasi ng ulo mo….Sabi ko na sayo na humanap ka muna ng kapalit mo ayaw mo naman kasi sabi mo abala lang yun. Hindi ka kasi marunong makinig.” sumbat nito sa akin, naririnig ko rin ang iritasyon sa kaniyang boses.
Wala na akong sinabi kasi kung magsasalita pa ako, bubulyawan lang ako ng KSP na yun.
“Sige na… Mamaya pupunta ako diyan sa office mo. Sabay na tayong maglunch.”
“Sige ikaw baha----”
Aba’y binabaan ako ng tawag, kakainis talaga yung KSP na yun!. Padabog kong inilagay sa gilid ng mesa ko ang cellphone ko. Keysa naman tumunga-nga lang ako, pinagpatuloy ko na ang mga gagawin ko na nasimulan ko na sa bahay.
Lumipas ang dalawang oras at kakaunti nlang ang mga projects na dapat kong icheck para maapprove na ito ng nakakataas. Kailangan ko itong maiging tingnan kasi hindi lang ito basta basta isang project lang na pagkakita palang ay approve na agad. Kailangan dito ay mabusising pag-aaral para hindi mag-fail ang gagawing proyekto.
Hindi ko na napansin ang oras, basta napatigil nalang ako sa aking ginagawa ng dumating siya na may dala-dalang dalawang paper bag na may tatak ng restaurant na lagi naming kinakainang dalawa. Dumiretso siya sa may mini sala ko, siya ang nagpalagay nito dito para daw kung gusto niyang tumambay sa office ko at naisipang dito kumain edi may mauupuan siya at may malalagyan ng pagkain nimin. Wala naman akong kontra sa gusto niya, siya ang boss kaya bahala siya, tsaka siya naman gagastos kaya go nalang din ako.
Tiningnan ko lang siya ng ilapag niya isa isa ang laman ng paper bag.
“Oh ano pang tinitingin-tingin mo diyan?” ani niya ng lumingon siya sa akin.
“Gusto mo bang buhatin pa kita diyan sa kinauupuan mo?” dugtong pa niya.
“At bakit ha! Kaya mo ba akong buhatin Mr. Jacob!?” mapanuya kong sabi sa kaniya habang salubong ang mga kilay ko at pinamaywangan siya. Hmmp para namang kaya niya ako, e sa laki ko ba namanng ito mabubuhat niya kaya ako? Suss impossible!
“Syempre naman! Ako pa, kahit tatlong sako nga ng bigas kaya ko ikaw pa kaya!?”
Hambog talaga itong lalakeng ito eh. Kita mo may paflex-flex pa ng braso niya. Napailing-iling nalang ako sa nakikita ko sabay tayo sa kinauupuan ko at umupo ulit sa upuang lagi kong inuupuan kapag dito kami kumakain.
“Umupo ka na din at kakain na tayo. Kanina pa ako nagugutom eh.”
“Tingnan mo muna kasi ako!” ibinaling ko naman ang mata ko sa kaniya. “Oh diba ang macho ko!?” napangiwi naman ako sa sinabi niya at ibinalik na ulit ang mata sa mga pagkain.
“Ayy masyado ka ng pafamous ngayon ah.”
“Kumain ka nalang, kasi gutom lang yan.”tugon ko sa kaniya.
Wala naman na siyang magagawa kaya umupo na din siya at kumain. Hayss ang sarap talaga nito, buti nalang yung favorite ko yung inorder niya.
“Hoy! Hinay-hinay ka lang sa kain, katakawan mo talaga kahit kailan…” suway niya sa akin. “Huwag kang mag-alala hindi kita aagawan.” Kinunutan ko naman siya ng noo.
“E sa gutom na gutom na ako ,” ani kong punong-puno pa ng pagkain sa bibig. “ kumain ka nalang din diyan wag mo na akong pansinin”
Napailing-iling nalang siya sa sinabi ko at ipinagpatuloy ang pagkain niya.
Hindi rin nagtagal at natapos narin kami sa pagkain. Dahil sa sobrang gutom na kanina parang ako nalang nga nakaubos ng order niyang pagkain. Well wala naman yun kaso sa kaniya sabi nga niya sakin dati mas mabuti na daw yun na palagi akong busog, keysa naman sa gutom, kaya pati yung steak niya na hindi niya pa nakakalahati binigay niya na sa akin, ako naman tinanggap ko nalang sayang din yun kung hindi ko tatanggapin. Tsaka sabi nga nila huwag daw tayo tumanggi sa grasya.
“Hayss salamat,” sabay dighay “…nabusog din” habang hinihimas-himas ang tiyan.
“Ayy talagang mabubusog ka, kita mo naman” turo niya sa mga lamesa na wala na kahit natirang pagkain kundi tubig nalang. “ simut na simut talaga yung dala ko , wala manlang kahit kaunting natira!” Iiling-iling niyang sabi sabay inom ng tubig niya sa baso.
Pinaikutan ko naman siya ng mga mata ko. “Ano ka ba! Buti nga yun at walang natira keysa naman sa may natira, edi sinong kakain,aber?!”
“Hayss wala na akong masabi.”
“Yan dapat lang!”
“Sige na alis na” pagpapaalis ko sa kaniya. Bigla naman nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa sinabi ko.
“Pagkatapos kitang pakainin at busugin, papaalisin mo agad ako?”
Napapoker face naman ako sa kadramahan niya.
“Oo, kaya salamat nalang. Shoo alis na, tayo ka na diyan.”
“Makikita mo hindi na ulit kita ililibre ng lunch!” at dinuro-duro niya pa ako. Suss drama lang yan, maniwala ako sayo.
“Okay!” sarkastiko kong tugon sa kaniya
“HAH! Sige bahala ka na diyan, hindi na talaga kita ililibre!” nagdadabog niyang tugon sa akin habang papunta sa may pinto. Hayss para talagang bata! Napailing-iling nalang ako sa inasal niya.
Sanay na sanay na ako sa mga ganiyanan niya. Sa dalawang taon ko ditong pagtatrabaho, lalo na sa araw-araw niyang pangungulit sa akin mas lalo ko pa siyang nakilala at nakabisado ko na nga ang ugali niya. Kaya sanay na talaga ako sa mga drama niya, kung maglulupasay nga siya diyan eh hindi na ako magugulat kasi dati ginawa na din niya yun, pero nung kaming dalawa lang ang magkasama.
Kung may pagkachildish siya kapag ako ang kasama, sobrang cold naman niya sa iba lalo na kung trabaho na ang pag-uusapan. Strikto siya oo, pero mabait naman siya sa mga empleyado niya, hindi nga sila nagkakaroon ng sama ng loob sa KSP na yun kasi naiintindihan nila kung bakit ganon si KSP, sanayan lang daw talaga.
Umupo na ulit ako sa swivel chair ko at pinagtuunan na ulit ng pansin ang mga ginagawa. Biglang may kumatok sa pintuan ko kaya pinapasok ko ito.
“Come in.” Hindi ko na tiningnan kung sino ang pumasok kasi alam ko namang ang sekretarya ni KSP yun.
“Hi Architect.” magiliw na pagbati nito sa akin.
Nginitian ko nalang siya ng tipid at tumango habang nakatuon parin ang mga mata sa ginagawa.
“Kunin ko lang mga ito Architect.” tukoy niya sa mga pinangkainan namin ni KSP.
“Sige lang.”
Hindi rin siya nagtagal sa pagliligpit dahil hindi naman yun ganon karami. Kaya nagpaalam na din siya kaagad sa akin. Palagi niya na itong ginagawa kaya hindi na ako nagtaka pa, siya yung palaging inuutusan ni KSP na magligpit ng mga pinagkainan namin. Nakakahiya na nga minsan eh, pero si KSP wala sa bokabolaryo nun ang hiya-hiya, kaya hinayaan ko nalang. Basta ang mahalaga nabusog ako at nakalibre ako ng pagkain sa kaniya.
-----------------------
Itutuloy ..