Naalimpungatan ako sa ingay na naririnig sa labas ng pinto ko. Napatakip nalang ako ng unan sa may mukha ko, inaantok pa kasi ako, nanuod pa kasi ang kagabi ng ‘Detective Conan’. Pinanuod ko ito simula sa simula, sa kakapanuod ko nga hindi ko na napansin na alas tres na pala ng madaling araw. Kaya heto ako ngayon gustong-gusto pa matulog antok na antok pa ako eh
Papapikit na sana ang mata ko ng marinig ko ang pangalang hindi ko inaasahan.
“Nakapag-almusal ka na ba Johan?”
Parang biglang nagising ang diwa ko’t napabalikwas ako ng bangon. Unti-unti ng lumalayo ang boses ng dalawa. Pabalik na siguro sila sa ibaba.
“Opo tapos na po. Dadaan lang po sana ako dito para kamustahin si Adey.”
“Ay ganon ba?!. Eh pano yan tulog pa ang batang yun.”
“Kaya nga po. Siguro babalik nalang---”
Agad akong tumayo at dali-daling pumunta sa may CR para mag-ayos ng mukha ko, nagtoothbrush, hilamos at inayos na din ang buhok. Pagkakita kong maayos na ang mukha ko, dali-dali akong tumakbo palapit sa pinto kahit paika-ika pa ako. Pagkaharap ko sa pinto ay binuksan ko ito agad.
“Oyy…. Johan mylab-- Ay este Nurse johan!”
Pababa na nga ang dalawa sa hagdan ng lingunin nila ako dahil sa pagtawag ko sa kaniya. Nginitian niya ako ng lumingon siya sa akin.
“Buti naman at gising ka na. Halika na at ng makapag-almusal ka na.”pinagtaasan niya ako ng kilay, “Aba’y kanina pa ito naghihintay sa iyo si Johan kaya bilis at nagugutom narin ako.”
“Sige ho Inay”. tugon ko sa kaniya habang kakamot-kamot sa batok ko.
“Morning!” bati sa akin ni Johan my labs na may ngiti parin sa kaniyang labi.
Hayy ang gandang morning naman nito, ang ganda pala sa feeling ng may naggo-good morning sayo at galing pa sa isang napakagwapog nilalang. Habang tumatagal talaga mas naiinlove pa ako sa kaniya dahil dito. Kilig na naman tuloy ako.
“Good morning din.” bati ko din sa kaniya nang nakangiti at labas ang mga ngipin. Maputi yan at walang tinga kaya confident akong ipakita sa kaniya ang perfect teeth ko.
Hinintay niya akong makalapit sa kaniya at hinawakan niya ang braso ko para malalayan niya akong makababa sa may hagdan. Pagkapasok namin sa may kitchen bumungad na agad sa amin ang mabangong aroma ng kape .
“Oh, kape mo.” Binigay sa akin ni Inay ang kape ko na nakalagay sa may Cup na ang design ay si Spongebob, yeah favorite ko kasi si spongebob mula noong bata pa ako magpahanggang ngayon palagi ko parin itong pinapanuod.
“Hindi ka ba talaga samin sasabay sa pagaalmusal Johan?” lingon nito sa binata.
Ngumiti naman ng tipid si Johan my labs kay Inay. “ Opo, hindi na po. Tsaka busog parin po ako kaya kayo nalang po.”
Umupo nalang ako sa may malapit na upuan sa akin at hinintay na ilapag ni Tiya Annika ang mga pagkain sa lamesa.
“Adey” tawag sakin ni Johan,kaya nilingon ko naman siya.
“Aalis na pala ako..”
Nagulat naman ako sa sinabi niya. “Ha? Aalis ka na agad?”
“Oo eh. Dumaan lang kasi talaga ako dito para makita at makamusta ka kung ayos ka na talaga”. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. “at sa tingin ko ay ayos ka na talaga.” sabay ngiti ng matipid.
“Ahh, ganon ba.” nakangiti ko ding tugon sa kaniya kahit nakaramdam ako ng panghihinayang. Kasi ngayon nalang ulit kami nagkita tapos aalis na pala agad siya.
“Hhmm. Hayaan mo at bibisita ulit ako sayo dito bukas. Lalo na at day off ko bukas.”
Naglaho naman ang panghihinayang ko at napalitan yung ng saya. Kapag naging jowa ko na siya tsaka ko nalang ako maghihinga ng oras na makasama siya at ikukulong siya sa mga bisig ko araw-araw.
CHARIZZ! , grabe naman ako kung gagawin ko yun, diba?. Dahil kung papasok ka sa isang relasyon dapat alam natin na mayroong limitasyon. Huwag tayo puro demand dapat ‘give and take’ para fair both sides. Kaya kung dadating ang araw na iyan at siya na’y mapa’sakin gagawin ko talaga ang lahat para maging worth it ang pag-sasama namin. Pero kailan kaya yan?
“Sige, alis na ako” nilingon niya si Inay na nakaupo sa kaharap kong upuan. “Tita Mel, Tita Ann, alis na po ako.”
Tinanguan lang siya nila Inay, at lumabas nang kusina. Tinanaw ko lang ang likod niyang papalayo hanggang sa unti-unti ng nawawala ang kaniyang pigura sa aking mga mata. Pagkaalis niya binalikan ko ang pag-aalmusal ko at sabay naman non ang paglapag ni Tita ng aming agahan.
Sinangag, tuyo, itlog tsaka hotdog lang ang niluto niya. Ito naman talaga ang kadalasan naming lutuin kapag almusal, wala kaming arte sa pagkain lalo na ako, dahil kahit ampalaya pa yang ipakain niyo sa akin kakainin ko, hindi kasi ako mapili sa pagkain basta alam kong mabubusog ako go lang ako.
“Ta, nakagawa ka na po ba ng sawsawan para sa tuyo?”
Napatampal siya sa kaniyang noo, “Ay, oo nga pala. Hulat kay mahimo ngun’a ako”
Tumayo siya at kumuha ng kamatis sa ref. Kalamansi at soy sauce, at inilagay na ito sa platito tsaka hinalo. Pagkaupo niya nagsandok na ako ng sinangag at kumuha ng ulam. Sarap na sarap ako sa pagkain ko, kaya hindi ko na napansin nakakatatlong plato na pala ako, kung hindi lang ako pinatigil ni Inay sa pagkain baka naka pang-apat pa akong plato ng sinangag.
WALA naman na akong ibang gagawin kundi ang manuod lang, pero nababagot na ako kaya umakyat ako sa kwarto ko at binuksan ang laptop ko para icheck kung yung mga email na nakatambak na sigurado sa inbox ko. At hindi nga ako nagkamali, kasi pagkabukas na pagkabukas ko ng email account ko bumungad sa akin ang higit sa isang daang messages. Kaya para mawala ang pagkabagot ko binasa ko nalang ang mga ito at nireplayan ang mga dapat replayan.
*************************
Sa sobrang dami ng emails na chenick ko nakaidlip na ako, dala narin siguro ng pagod. Napaharap ako sa may pintuan ng makita kong bumukas ito at pumasok si Inay.
“Oh, gising ka na pala! Gigingin palang sana kita kaya ako pumasok, kasi may naghahanap sayo sa baba.”
“Sino ho Nay?” Nagtatakang tanong ko sa kaniya. Wala naman kasi akong inaasahang bibibisita sa akin ngayon.
“Basta tumayo ka na diyan at nakakahiya duon sa tao.”
Hindi naman niya ako sinagot kung sino ang naghihintay sakin sa baba, kaya hindi parin sa isip ko ang pagtataka. Inaalala ko nga kung may nagsabi sakin na bibisita , pero wala talaga eh. Kaya gaya ng sabi ni Inay tumayo na ako, pero biglang nahulog ang kumot na nakalagay sa balikat ko. Hindi ko manlang napansin kanina na may nakalagay saking kumot. Pinulot ko na ang kumot na nahulog sa may paanan ko, siguro si Inay ang naglagay non sakin habang natutulog pa ako. Kaya pagkapulot isinabit ko ito sa upuang kinauupuan ko kanina at lumakad na papalabas ng pinto.
Dalawang hakbang nalang ako pababa ng hagdan ng mapatigil ako dahil may marinig ko ang mga boses na nagtatawanan. Kaya itinuloy ko ang paglalakad, dumiretso ako sa may sala pero wala sila duon, ng may marinig ulit akong tumawa doon ko na nakompirma na nasa kusina sila, kaya doon ako dumiretso.
Palapit ng palapit ako sa may kusina at palinaw ng palinaw naman ang mga boses na naririnig ko sa may kusina.
“.…….Alam mo bang bagay na bagay talaga kayong dalawa.” sambit ng isang babae na sigurado akong si Tita Annika.
Walang isinagot ang taong kausap niya, kundi ang mahinang tawa lang nito.
“Oyy Annika, tumahimik ka na diyan at pababa na yun jdjsni.”
Hindi ko narinig ang sinabing pangalan ni Inay sobrang hina kasi ng sinabi niya. Baka ako yung tinutukoy niya? Oo nga siguro ako talaga, kasi sino pa ba ibang tao ang galing sa taas kundi ako lang naman. Ano yan may multo ba sa second floor? Kaya ako talaga ang tinutukoy niya.
“Sino ho bang naghahanap sakin Nay?”
Sabay-sabay silang humarap sakin ng dumating ako, pero nagulat ako dahil ang taong tinutukoy pala sa akin ni Inay ay yung doctor ko sa hospital kung saan ako naconfine. Hindi ko naman alam pangalan niya, hindi naman kasi siya nakapagpakilala sa akin nung nasa hospital pa ako.
“Ahh. Ito si And-- si Doc. Andy.”
Ahh Andy pala pangalan niya, now I know.
“Hi, Andoy” tinangnan niya ako habang papalapit ako sa kanila at umupo sa lagi kong pwesto sa kusina.
“Hi Doc.” bati ko din sa kaniya.
“Buti naman at kahit papa’no ay nakakalakad ka na ng maayos.”
“Kaya nga po. Bukas nga ay susubukan ko ng pumasok, at ang dami ng nakatambak na gawain sa opisina.”
“Kung ganon sulitin mo ang pagpapahinga mo ngayon. Para hindi mabigla ang katawan mo bukas.” Tugon niya sa akin na may tipid na ngiti. Medyo naiilang ako sa kaniya kasi hindi niya inaalis ang tingin niya sakin, pero hindi naman ako nakakaramdam ng pagkathreatened o pangamba, feel ko ngang safe ako kapag kasama ko siya eh. Talagang naiilang lang ako sa kaniya, lalo na kung paano siya tumingin.
“Ito nga pala, para sayo” iniabot niya sa akin ang isang basket ng prutas at ng tingnan koang laman nito, agad namang umaliwalas ang mukha ko dahil nakita ko na nanduon ang paborito kong prutas, at ito ay walang iba kundi ang mangang hilaw.
“Salamat Doc. Andy.” Sobrang lawak ng ngiti ko sa kaniya at dahil sa sobrang tuwang nararamdaman ko hindi ko na namalayan na napayakap na pala ako sa kaniya. Naramdaman kong nabigla siya ganon din ako, hindi ko akalain na magagawa ko iyon sa taong kakakilala ko palang, kaya hindi ako nakagalaw ngunit naramdaman ko nalang bigla na yumakap din siya sa akin pabalik. Hanggang dibdib niya lang ako, kaya hindi ko makita kung ano ang reaksyon niya. Basta niyakap nalang din niya ako ng mahigpit.
Ako na ang unang bumitaw inatake na kasi ako ng hiya ko. Kaya pagkabitaw na pagkabitaw ko sa pagkakayakap sa kaniya napakamot nalang ako sa may batok ko, tiningnan ko siya at nginitian pero duda ako na hindi ngiti ang naipakita ko sa kaniya kundi ang pagkangiwi lang nito. Pero ng makita niya ang reaksyon ko napahalak-hak nalang siya ng mahina.
“Nga pala Doc-----”
Hindi ko natuloy ang pagsasalita ko kasi nagsalita siya agad.
“Andy nalang”
“Ahh.. okay…So Doc--- I mean Andy.” Napatampal ako sa noo ko, at narinig ko naman siyang nagpipigil ng tawa. Pero ng tingnan ko ang mukha niya bumalik na ito sa pagiging seryoso.
“Ano..Bakit ka nga pala nandito?”
“Ahh … I just came here to give you that” turo niya sa basket “ and para nadin makita ko kung kamusta ka na ba.” Tuloy niya sa sinasabi niya.
Napatango-tango naman ako.
“Sige doon na muna kayong dalawa sa sala mag-usap.” Pagsingit ni Tita Annika sa aming usapan.
Tumayo na ako sa upuan ko at tumayo na din si Andy. Hinawakan niya ang braso ko dahil nakita niya sigurong paika-ika pa ako maglakad. Nagpasalamat nalang ako sa kaniya.
“Andy..”
Napatigil kaming dalawa sa paglalakad ng magsalita si Inay, kaya nilingon namin siya.
“Dito ka na magdinner”
“Ahh…Huw----”
“Huwag ka ng tumanggi, basta dito ka na kakain”
Tatanggi pa sana si Andy, pero itong si Inay masyadong pala-desisyon. Kaya wala nang nagawa pa si Andy kundi ang pumayag nalang. Aba’y wala na talaga siyang magagawa kundi pumayag, kasi kapag yang si Nanay ang nagdisesyon it’s final na period!
Kaya pagkatapos nun dumiretso na kami sa sala. Habang iiling-iling nalang siya. Ng nakaupo na ako sa may couch tiningnan ko siya sa mukha.
“Oyy.. ayos ka lang?” tanong ko sa kaniya. Humarap naman siya at nginitian ako ng tipid.
“Huwag kang mag-alala hindi nangmamalo si Inay. Nangbibitin lang siya ng patiwarik.”
Napahalakhak ako ng malakas, siguro nahawa nadin napatawa nadin siya sa sinabi ko. Pagkatapos ng tawanan itinuloy na namin ang pinag-uusapan namin kanina.
Nagkamustahan lang naman kami, at paglipas ng ilang minuto ay tinawag na kami ni Inay dahil kakain na daw. Naging maayos naman ang hapunan namin, parang feeling ko nga kompleto kami sa araw na yun. Hindi ko alam pero naging masaya ako sa pagbisita niya. Lalo na ng binisita ako ni Johan my labs, pero ibang pakiramdam ang naramdaman ko ng si Andy kasama namin, parang mas naging masaya ang hapunang iyon, na parang may bumalik na pakiramdam na buo ka buo kayo. Pero ipinalis ko nalang yun sa isipan ko at nakipagsabayan nalang sa usapan nila habang kumakain kami.
-----------------------
Itutuloy ..