“Salamat po manong.” ani ko sabay abot ng bayad sa taxi driver.
Nakita niya ang kaniyang Inay nanakaupo sa may bench kaharapa ang mga halaman nito. Pero gabi na bakit nasa labas pa ito ng bahay nila? Hindi nito napansin ang pagpasok niya sa gate , nakatulala lang ito sa harap malalim siguro ang iniisip . Tatawagin niya na sana ito, pero hindi na natuloy ang sasabihin niya ng tumunog ang kaniyang telepono.
Tiningnan na muna niya kung sino ang tumawag. Nang makumpirmang ang papansin niyang boss iyon ay pinatay niya ang tawag at napasimangot nalang. Sigurado kasi siyang bubungangaan na naman siya nito sa pangiiwan niya.
Nagtext kasi ito sa kaniya na ihahatid na siya pauwi pero ayaw niya ditong sumabay kasi gusto niya ng tahimik at mapayapang byahe pauwi. Minsan gusto niyang kasabay ito lalo na kung natatamad siyang maghintay ng masasakyan pauwi at kung gusto niyang may kausap, hindi kasi ito mawalan-walan ng sasabihin dinaig pa ako kaya taga-tango nalang ako minsan sa mga sinasabi niya. Pero kung pagod ako, katulad ngayon at kailangan ko ng space para sa sarili ko hindi talaga ako sumasabay sa kaniya baka mas lalo lang akong mapagod at mairita sa katabilan niya.
Papalapit na sana ako kay Inay ng bigalang tumunog naman ang telepono ko, hudyat na may dumating na text. At alam ko na kung sino iyon, sigurado akong nakabusangot na naman yun dahil pinatay ko ang tawag niya. Pagkabukas ko ng message hindi na ako nagulat pa sa sinabi niya doon, kaya napataas nalang ang gilid ng mga labi ko at napailing-iling sa nabasa.
So binabalewala mo na ako ngayon!? Nakakainis ka talaga, hintay ako ng hintay sayo dito sa parking lot tapos malalaman ko nalang kay Vilma na umalis ka na pala kanina pa!
Tumunog ulit ang telepono ko, may dumating namang mensahe galing ulit sa kaniya.
Kung hindi pa ako nagtanong duon sa tao, baka hanggang ngayon naghihintay pa ako sayo dito. You’re such a pain in the ass Andrie! How could you do this to me?!
Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapatawa dahil sa nabasa sa pangalawa niyang message. Well hindi naman ako nagalit kasi in the first place his right naman, and sanay na ako sa mga tantrums niya kaya bahala siya. Nek nek niya.
“Oh, andito ka na pala anak!”
Ibinaling ko ang paningin ko kay inay. Narinig niya siguro ang tawa ko kaya napansin niya na ang pagdating ko. Lumapit ako sa kaniya at namano.
“Opo, kakarating ko palang naman.” ani ko sa kaniya. “Kumain na po ba kayo?” dugtong ko pa.
Tumayo na siya sa kinauupuan niyang bench at inakay na niya ako papasok sa loob ng bahay.
“Hindi pa nga eh. Hinintay ka kasi talaga namin ng Tiya mo.”
“Ganon ho ba? Sige po magbibihis lang po muna ako sa taas para makapag-dinner na ho tayo.”
“Sige. Dalian mo.”
Tanging tango nalang ang itinugon ko sa kaniya at umakyat na ako sa taas para makapagbihis na. Nagtatanggal na ako ng long-sleeve ko ng biglang tumunog na naman ang telepono ko. Tumatawag na naman ang mokong.
“Oh.”
“Bakit ngayon mo lang sinagot?!” halata sa kaniyang boses ang pagkairita.
“Eh bakit ba?”
“Kung makapagtanong ka sakin, parang wala kang ginawang kasalanan ha!”
Palihim naman akong napangiti dahil alam kong naiinis na naman ito sa akin.
“Ano bang kasalan ko yung pinagsasabi mo diyan?” nagmamaang-maangan kong tanong sa kaniya.
“At talaga namang--”
“Maya ka na tumawag. Nagmamadali ako eh , ayaw ko naman paghintayin sila Inay dun sa baba.” pagputol ko sa sasabihin niya pa sana.
“OYY. Huwag mong ibababa ang tawag! Kinakausup pa kita!”
“Sige na. Byeeee.”
“Sabi nang hu--”
Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya at ibinaba ko na ang tawag. Bahala siya diyan. Tumunog pa ang phone ko dahil tumatawag na naman siya, pero hindi ko na yun pinansin at pinatay na ang phone ko para hindi na niya ako guluhin. Tiyak akong umuusok na naman ang ilong nun sa sobrang galit, ayaw na ayaw pa naman nun na binababaan siya ng tawag dahil gusto niya siya ang unang bababa. Edi quits na kami, binabaan niya ako ng tawag kanina kaya tama lang na babaan ko din siya. Napahalakhak nalang ako sa mga pinang-gagagawa ko.
Nakaupo na sila Inay sa hapagkainan, kaya umupo na din ako sa pwesto ko. “Oh bakit parang natagalan ka yata?” Tanong sa akin ni Tiya. “Nangungulit na naman po kasi si JB, nagmamaktol bakit ko daw siya iniwanan sa parking lot.” nakangisi kong tugon sa kaniya. Kilala na din nila si Jaxx palagi din kasi iyon nadalaw dito. Pati sila Inay nadamay sa kakulitan niya. Hindi ko nga alam kung bakit tuwang-tuwa pa sila Inay sa mga korni nitong jokes kung minsan. Kaya nga kapag nandito yun, nagbabasa nalang ako at hinahayaan siya sa gusto niya.
“Aysuss ikaw naman kasi, bakit mo naman iniwan. Hinintay ka pala pero pinaasa mo lang sa wala.” Napasimangot naman ako sa isinagot ni Inay.
“Hala sige na kumain na nga tayo.”
Hindi na ako nagsalita pa at kumain nalang, pero sa ngayon kaunti lang ang kakainin ko. Sisimulan ko na sa ngayon ang hashtag ‘diet operation’ ko. Kahit nagtataka sila nanay dahil unti lang ang kinain ko hinayaan nalang nila ako at nagpatuloy na din sila sa kanilang pagkain.
LUMABAS ako sa loob ng banyo naalimpungatan kasi ako ng maramdaman kong naiihi ako. Pagka-upo ko sa queen size bed ko diretso kong ibinagsak ang katawan ko, ipinikit ko na ang mga mata ko pero hindi na ako nakabalik sa pag-tulog ko, kaya napatingin nalang ako sa kisame at nagbilang ng mga tupa para makatulog na ulit ako.
Nakaisang-daan na ako sa pagbibilang pero hindi na talaga ako nakaeamdam ng antok nang maalala ko ang cellphone ko na ipinatong ko kanina sa ibabaw ng working table ko. Ini-open ko ito at nagulat nalang ako dahil sa sunod na sunod na pagtunog nito. Karamihan sa mga dumating na text ay galing kay JB the KSP. Pero may isa pang text na nakaagaw ng pansin ko.
Napakunot nalang ako ng noo hindi ko na sana ito papansinin kasi galing naman ito sa unregistered number , pero nacurious talaga ako kaya binasa ko ang laman ng mensahe…….
Huwag kang magtiwala sa kahit sino sa paligid mo. Kahit na ang mga taong mahalaga sayo.
Medyo nakaramdam naman ako ng pagkabahala. Anong ibig sabihin niya sa huwag akong magtitiwala kahit kanino? Napahawak naman ako sa ulo ko kasi bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Umupo ako sa may gilid ng kama ko at pinakalma ang sarili, nang maayos na ang pakiramdam ko ibinalik ko sa aking hawak na phone ang mga mata at muling binasa ang mensahe.
Napabuntong hininga nalang ako at iwinaksi sa isip ko ang nabasa, baka ginogood-time lang ako ng nagsend nito. I deleted the message that I received and also blocked it para wala na ulit akong makuha sa kaniya. Pang-gulo lang siya sa isip ko. Nahiga na akong muli sa kama ko at binuksan isa -isa ang message ni JB napapangisi nalang ako sa mga drama niya, hanggang sa nawala na sa isip ko ang nangyari kanina. Hindi ko na nga namalayan nakatulog na pala akong muli habang pinapapakinggan ang voice message ni JB sa akin.
Nakapikit pa akong pumasok sa banyo para maghilamos. Kahit inaantok pa pinilit ko talaga ang sarili kong magising at nagbihis ng gym atttire ko para masimulan na ang ‘operation’ ko. The pagpapapayat operation. Alas kwatro palang naman ng madaling araw kaya makakapagexercise pa ako sa gym.
Pumasok na ako sa gym pagkabihis ko ng damit, lumapit ako sa treadmill naglagay ng earpods sa tainga at kinonek ito sa phone at nagpatugtug. Para naman mas ganahan ako sa pag-takbo. Pinaandar ko na nga ang treadmill at nagsimula ng tunakbo. Ito ang una kong gagawin yung simple lang muna para maburn naman kahit papano yung mga fats ko sa katawan.
Ayos na ang fracture sa binti ko kaya hindi na ako mahihirapan na tumakbo. Sumasabay pa ako sa kantang pinapatugtog ko sa phone.
It's a good day, whoa
It's a good morning, whoa
Got the sun on my face, whoa
It's a beautiful moment
I'm finally free and I'm feeling the fresh air, whoa
I'm feeling the breeze flowing through my hair, whoa
If life is a beach, I'll see you out there, whoa
Sand in my toes, you know I don't care, whoa whoa
Life's great, nothing gets better than this
All the best things keep happening
Glass is half full, put it right to my lips
I feel great
It is really a good day today, hayss. Ipinikit ko ang mga mata ko habang tumatakbo at sumasabay parin sa kanta.
It's a good day, whoa
It's a good morning, whoa
Got the sun in my face, whoa
It's a beautiful moment
So I think I'll dive right in
It's a perfect day to swim
Got a zero chance of rain
It's a good, good day
This open road is ours
We can hop inside my car
To see my favorite place
It's a good, good day
Inabot ko ang tubig sa may lalagyan ng bottled drink ng threadmil. Isa’t kalahating oras din ang ginugol ko sa pagtakbo. Grabe ang uhaw na naramdaman ko , sobra ng nanunuyo ang lalamunan ko kaya naubos ko kaagad ang laman ng tubig sa bote. Kulang pa nga eh, kaya napagdisesyonan kong kumuha ng tubig muna sa labas. Ngunit nakasalubong ko si Tiya Annika.
“Oh bakit pawis na pawis ka?” nagtataka niyang tanong sa akin. “Ah nagexercise ka sa gym.” sagot niya sa tanong niya. Tango lang ang isinagot ko sa kaniya.
“Tatawagin na sana kita sa kwarto mo kasi andiyan sa baba si Tisoy.” napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Bakit ang aga-aga andito na naman yung Ksp na yun? Siguro nakita ni tiya ang pagkakunot ng noo ko kaya napahagikgik siya ng mahina.
“Lagot ka. Sobrang sama ng loob nun sayo. Ayon na nga kay manay at nagsusumbong.” tumatawa pa siya habang sinasabi yun. Kaya ako naman napailing-iling nalang.
“Sige ho Tiya, bababa na ho ako maya-maya. Mag-aayos lang ho muna ako ng sarili ko.”
“Sige, sige.” tumalikod na siya sa akin, pero nakita ko pa ang mapang-asar niyang mga ngiti kaya pumunta na din ako sa kwarto ko dumiretso sa banyo.
Nagpalit na ako ng white shirt na pinatungan ko ng maroon na long sleeve ang damit ko at itim naman na slacks ang pambaba ko tsaka snickers. Wala ako ngayon appointment sa mga client kaya hindi na ako nagabala pa na magsuot ng suit. Sobrang init kaya ng suit! Prenteng nakaupo si JB sa sofa at nakapatong pa ang mga paa sa mini table . Aba feel at home talaga ang loko! May nakita akong mug na sigurado akong kape na may gatas iyon tsaka may clubhouse sandwich na naakalagay sa platito sa lamesa. Si Nanay ang naghanda niyan panigurado.
“Bakit ang aga-aga pa nambubulabog ka na agad dito?!” nakasimagot kong tanong sa kaniya.
Napatingin naman siya sa akin, “At bakit ha! Hindi na ba ako welcome sa bahay na ito!?” nakataas pa ang kaliwa niyang kilay ng sinabi niya yun sa akin. Sabay inirapan ako. “Nay!” sigaw niya. “Sabi ho ni Andrie hindi na daw ho ako welcome dito!” at nagsumbong pa nga ang loko!
Lumabas si Inay mula sa kusina na nakakunot na ang noo. Lumapit naman ang loko kay nanay at yumakap dito, yumuko siya ng kaunti kasi mas mataas siya kay Inay.
“At bakit naman hindi welcome dito si tisoy ha andoy?!” nagulat naman ako sa sinabi niya at mas nagpaawa pa ang loko kay Inay.
”Wala ho akong sinasa---” hindi na ako natuloy sa sinasabi ko dahil pinutol na agad ako ng mokong. “Nay ang salba-salbahe ho ng anak niyo. huhu.” napanganga ako sa inasta niya. Wala na akong masabi pa umariba na naman kasi itong KSP na to ng kalokohan. Mas yumakap pa siya kay Inay, kahit hindi masyadong maabot ang ulo ng loko hinaplos nito ang buhok na parang pinapatahan, kahit wala namang luhang tumutulo sa mga mata nito.
“Hayayyay. Wala na akong masabi.”
Binalingan ulit ako ni Inay at tiningnan ng masama at binigyan ako ng , “Andoy umayos ka look.” sabay lingon ulit sa isip bata . “Sige na tisoy maupo ka na ulit doon. Hayaan mo yan si Andoy, at wala yang magawa sa buhay niya kaya ganiyan.”
”NAY! Hello ako ang anak mo dito!” tiningnan niya ulit ako dahil sa sinabi ko. “Oh tapos!?” mas napangnga ako sa sinabi niya. Lengye ako itong anak niya tas yung mokong na to pa talaga kakampihan niya? Pambihira. Tiningnan ko naman si JB ng masama, pero pagtingin ko sa loko binilatan lang ako nito at binigyan ako ng nangaasar na ngiti. Kaya mas lalo lang kumulo ang ulo ko, hindi ko naman tuloy napigilan ang mga mata kong umikot ng three hundred sixty degree.
“Ay bahala na nga kayo diyan, kakain na ako.” Iniwan ko silang dalawa doon at pumasok sa kusina, nagtimpla lang ako ng kape at gumawa ng sandwich . Remember I’m on a diet. Narinig ko naman ang mahihinang halakhak ng dalawa sa sala, napanguso nalang ako. Magsama silang dalawa dun!
Ang ganda ganda ng araw ko tapos binubwesit nila akong dalawa. Hayss kaloka!
-----------------------
Itutuloy ..