Nasa byahe na kami papunta sa firm pero hanggang ngayon hindi ko parin siya pinapansin. Nakikita ko sa gilid ng mata ko na pabalik-balik siya ng tingin sa akin, pero hinayaan ko lang siya. Bahala siya diyan!
“Hey.” malumanay na tawag niya sa akin. Pero wala akong pake sa kaniya ngayon, pero hindi ko parin siya pinansin.
Ibinaling ko alng ang mga mata ko sa dinadaanan naming kalsada at ipinatong ang ulo sa may bintana. Para hindi niya na ako guluhin.
“Oyy , sorry na.” Ang tigas talaga ng bungo nito! Ang ksp talaga.
“Sorry na please?”
Tiningnan ko ulit siya sa peripheral vision ko, nakatutok na ang kaniyang mga mata sa daan pero tinatap niya yung mga daliri niya sa may manibela . Lagi niya yang ginagawa lalo na kung kinakabahan siya o may nag’guilty siya sa kaniyang ginawa.
Yan kasi! Pinagkaisahan niyo pa talaga ako ni nanay ha!? Magdusa ka diyan! Napairap nalang ako at ibinalik ang mga mata sa gilid ng kalsada.
HINDI naman kalayuan ang bahay namin sa firm kaya mabilis lang din kaming nakarating. Pagkatigil niya ng sasakyan agad kong binuksan ang pintuan sa may side ko, kaya nagulat pa ako ng makita ko siya na akmang bubuksan ang pintuan pero naunahan ko na siya. Pagkalampas ko sa kaniya nakayuko siya at pakamot- kamot pa sa kaniyang batok.
”Drie, I’m so sorry!” Habol niya sa akin. “Sorry na. Inay and I are just joking, okay?!”
Hinarap ko siya at pinag-cross ko ang aking mga braso sa harap ng dibdib ko. “Hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan niyong magbiro.” Malumanay kong ani sa kaniya pero kada salitang binibitawan ko may diin para malaman niya na hindi ako natutuwa sa mga pinang-gagawa nila kanina.
“Alam niyo bang hindi maganda yung pakiramdam ko, tapos ako pa talaga yung napagtripan niyo.” Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ko kasi alam pero bigla nalang bumigat yung pakiramdam ko kanina, para bang magkakasakit ako.
Tinitingnan niya lang ako habang sinasabi ko yun sa kaniya. Siguro nag-iisip pa ng sasabihin niya. Hinintay ko siya kung may sasabihin pa ba siya pero wala na akong nakuhang sagot. Nakatayo lang siya sa may harap ko bumubuka ang bibig pero wala naman lumalabas na salita, kaya pinaikot ko ang mata ko at tinalikuran na ulit siya. Madami pa akong dapat gawin kaya mauuna na ako sa kaniya.
“Good Morning po Architect.” ani sakin ni Manong Celso.
Tinanguan ko lang siya’t nginitian tapos diretso na agad ako sa elevator. Pagkapasok ko sa lift tiningnan ko ulit ang pwesto kung nasaan si JB pero wala na siya dun. Napakunot naman ang noo ko. Saan na naman kaya nagpunta yung Ksp na yun? Pero nung sumara na yung pinto, binalewala ko nalang at chineck kung may nareceive ba akong mga important texts pero wala naman kaya ibinalik ko nalang ulit ito sa loob ng bag ko.
Bumukas ang pinto ng lift at nakita ko naman si Cristene , sekretarya ni Jaxx. Sasakay ata ito sa elevator.
“Good morning Architect.” Nakangiti niyang bati sa akin.
“Good morning.” Bati ko din sa kaniya pabalik.
Lumabas na ako at pumasok naman na siya. Dire-diretso na ko sa office ko, parang bigla kasi humilab yung sa may puson ko. Siguro kailangan ko lang itong ipahinga para kahit papano mawala ito, kasi kung hindi baka wala akong matapos na gawain ngayon.
Binukasan ko ang pinto ng office ko at dumiretso sa office table para ilapag ang bag ko, pagkalapag ko dumiretso naman ako sa sofa para doon humiga at makapagpahinga hanggang sa hindi ko na namalayan na dinalaw na ako ng antok.
NAGISING ako dahil sa may tumatapik sa mukha ko. Papikit-pikit pa yung mga mata ko dahil sa nagaadjust pa ito. Bakit parang ang liwanag naman at dito sa office ko? Ang alam ko hindi naman ganito kaliwanag kanina sa office ko ah!? Tinakpan ko ng kaunti ang mga mata ko para hindi na masyado maliwanag , ng hindi na gaanong maliwanag unti-unti ko ng binuksan ang mga mata ko. Pero nagulat ako kasi bumungad sa akin ang puting pader at pagtingin ko sa may kamay ko may nakatusok na karayom doon.
Nasa hospital na naman ako. Bakit nandito na naman ako? Sino bang nagdala sakin dito? Nung bumukas ang pinto doon ko nalaman kung sino ang dahilan kung bakit ako nandito, walang iba kundi si JB.
“Here..” abot niya sakin ng isang supot , may pagtataka ko siyang tiningnan at tinatanong siya kung ano yun. Siguro nakuha naman niya ang ibig kong sabihin kaya sinagot niya ako. “ Well… it’s your favorite ….” sa kaniyang sinabi binuksan ko naman agad ang supot. “..mangga with bagoong na sawsawan.” ani niya sa aking may malawak na ngiti. Tiningnan ko naman siya at inismiran. Anong akala niya sakin madadala niya ako sa pamangga niya? Suss never! kaya ang kaninang malawak niyang ngiti ay napalitan ng pagkasimangot.
“Are you still mad at me? Huh?”
Isusubo ko na sana yung mangga pero bigla yun naudlot kasi hinawakan niya yung kamay ko. “Ano ba!?” sita ko sa kaniya na habang nanlalaki ang mga mata. “Kita mo ng kakain yung tao eh!” dagdag ko pa.
Napalabi naman siya at kakamot-kamot pa sa likod ng kaniyang ulo.
Buti naman at nasindak ang loko. Kaya tinuloy ko na ang pagkagat ko sa mangga. Ang sarap shessh! Isinaw-saw ko muna ito sa bagoong tsaka muling kinagatan. Ay heaven! Kaya paboritong-paborito ko tong mangga eh , lalo na kung may minatamis na bagoong , aysuss swak na swak at makakaubos ako ng isang kilo nito. Minsan pa nga nakakadalawang kilo ako! Ang sarap naman kasi.
Umupo nalang si JB sa may pahabang upuan banda sa may paanan ko, pero malayo-layo siya ng unti. Baka kasi mabungangaan ko lang siya, alam niya yan na kapag ganito mood ko siya na agad ang umiiwas.
Lumipas ang ilang minuto nakakatatlong buong mangga na ako, kaya sinilip ko ang supot kung ilan pa ba laman nito. “Ay dalawa nalang?” Mahinang bulong ko sa sarili ko. Pero biglang tumayo si JB at iniabot sakin ang isang bottled water.
“Ibaba mo nalang diyan,” turo ko sa may maliit na mesa sa katabi ko, ginawa naman niya kaya nagpatuloy nalang ulit ako sa pagkain ko.
“May gusto ka pa bang kainin?” tanong niya sa akin,
Iling-iling lang naman ang isinagot ko.
“Ahhm, If you want something …. just tell me, okay?” dagdag niya pa, pero hindi ko parin siya sinagot at tumango lang. Narinig ko naman ang mahina niyang buntong hininga bago bumalik sa kaniyang kinauupuan kanina. Ako naman ito lang, pakain-kain kaya kapag ginanahan na ulit akong kumain sasabihin ko sa kaniya agad-agad.
Ang kaninang tahimik na paligid ay mas lalo pang tumahimik na para bagang may dumaang anghel kaya tahimik ang buong kwarto. Naputol lang ang katahimikang iyon ng may biglang kumatok sa pinto, kaya napatuon doon ang mga mata ko pati na din si JB. Isang nakangiting babae ang pumasok , nakaputing coat ito .
“Hi, How are you feeling?” Tanong niya sa akin pagkalapit.
“Ahmm…. medyo masakit ho doc yung puson ko, tsaka nahihilo ho ako ng kaunti.” Tugon ko naman.
“Well it’s just normal naman, it’s just a sign na dadating na menstruation mo. So there is nothing to worry about.”
Napabaling siya kay JB na nasa may kabilang gilid ko at nakatayo.
“Siguro nag-alala lang talaga tong boyfriend mo kaya hindi siya magkandaugaga kanina.” nangingiti naman si Doc habang sinasabi niya iyon, napatingin naman ako kay JB, nakakagat pa ito sa kaniyang labi at namumula ang mga pisngi, nahihiya na siguro sa kalokohan niya.
“Pasensya na ho Doc. Lagi ho kasi talaga yang ganiyan, hindi mapakali kapag nagkakaroon ako. Lagi kasing nainom ng kape yan tuloy, nerbyosin na.” pinagtaasan ko na naman si JB ng kilay na para bang sinasabing ‘Hindi ka pa kasi natuto!’ . Napabuntong hininga naman ako at napatingin ulit kay Doc. “Tsaka ho doc hindi ko ho siya boyfriend, boss s***h bestfriend ko ho siya.” ani ko sa kaniya, medyo naiilang nga ako kasi ito yung unang beses na may nag-akalang magjowa kaming dalawa ni JB.
“Oh is that so!? I’m so sorry , I just thought that the two of you are together.”
“Hehe, ok lang ho Doc.”
“Allright, so pwede ka ng madischarge maya-maya kapag naayos na ang mga papers mo. Because wala ka naman ibang complications. You just have to take a rest and drink your med para kahit papano mawala yung pain mo sa puson, okay?”
“Okay po Doc.”
“Sige, I have to go now.” Paalam niya sa amin.
“Sige po Doc. Salamat!”
Tanging ngiti nalang ang itinugon niya sa akin at dumiretso na siya papalabas ng pinto.Pagkalabas ng doktor, pinanlisikan ko naman ang lalakeng nasa gilid ko.
“Bakit mo ba kasi ako dinala dito?!”
“Eh..kasi..”
Mas napakunot ang noo ko sa kaniya. “Kasi ano?”
“Well….I just got worried about you. Nag-alala lang ako , okay!? kasi naman when I saw you at your office tapos wala kang malay nataranta agad ako, akala ko kung ano na nangyari sayo.”
“You can’t blame me, kasi when I touched your forehead sobrang init mo, kaya naisip ko agad dalhin na kita sa hospital.”
Kita ang pag-aalala sa kaniyang mukha habang nagsasalita siya, kunot na kunot ang kaniyang mga kilay at hindi alam kung saan ipepermi ang kamay kasi minsan nasa noo niya ito minsan nasa beywang . Parang mas lalo nga akong nakaramdam ng hilo dahil sa likot niya.
“Tinatapik ko pa nga mukha mo nun para magising ka but that didn’t work , that’s why napagdisesyonan na talaga ako to bring you here.”
“Suss napakaOA mo naman kasi.” Singhal ko sa kaniya. “Alam mo lagi ka nalang ganiyan kapag nagkakaroo n ako, hindi ka pa ba nasanay?” tsk ,tsk ,tsk ito talagang lalakeng ito walang kadala-dala, hayss.
“Aba malay ko ba, nag-aalala na nga ako sayo tapos tinatarayan mo pa ako. Kahit kailan talaga……..”
Hindi na niya tinuloy ang sasabihin at napailing-iling nalang sabay buntong hininga.
“Ano.. Tuloy mo!”
“Huwag na , baka maging tigre ka nalang diyan at kalmutin ako.” ani niya sa akin.
Aambahan ko na sana siya ng suntok pero mabilis siyang nakalayo sa akin.
“Eh bakit ba, totoo naman sinasabi ko diba!?”
“At talagang nangangatwiran ka pa ah! Lumapit ka dito!”
Sigaw ko sa kaniya, pero ang loko at mautak din, doon talaga pumwesto sa hindi ko maaabot. “Sabi ng lumapit ka dito eh!”
“Ayoko! Bakit naman kita susundin eh sasaktan mo lang ako.” sabay bilat.
Napanganga nalang ako dahil sa ginawa niya. Aysuss ang laki-laking tao tapos kung umasta dinaig pa ang bata?! Hayayyay pambihira talaga.
-----------------------
Itutuloy ..