Chapter 12 – Let’s Not Bring Back the Past

1534 Words
"Yujin, pasuyo naman ng tumbler ko. Naipatong ko sa gamit mo kanina nang lumipat tayo." malambing na sabi ni Jes kay Yujin. Hindi ako bitter. Nakakainis lang ang way nang pagsasalita niya. As usual, ang nguso ko ay makakabutas nang kahit ano dahil sa tulis. Malamang ay tatagos sa harang ng desk namin. Nagtagal pa ng ilang buwan ang pansamantalang pag-stay nila sa puwesto namin sa Japanese queue. At habang tumatagal ay tumitindi ang inis ko sa dalawa. Mukhang hindi naman sila sweet pero baka dahil naiinis ako kaya ko nasabi ‘yon. "Baks, lunchbreak na." yaya ni Taleo. Nakalimot na ako sa schedule. Puro sila na lang ang binabantayan ko. Bantay nga ba? E wala naman si Yujin sa harapan ko. Sa’n nagpunta ‘yon? Tulala na naman ako. Masyado na nilang nasakop ang mundong ginagalawan ko. "Sige, Baks. Una ka na. Sunod ako." nag-toilet muna ako. Nakita ko kasi ang sarili ko sa monitor. Maputla ang labi ko at ang kapal ng eyebags ko. Sumaglit ako sa toilet at nag-retouch. Simpleng lip tint at powder lang naman ako palagi. Nagmi-make up lang din naman kasi ako kapag may a-attend-an akong party o kaya naman ay mag-aabay sa kasal. Nang matapos kong i-retouch ang mukha ko at dumeretso na ako sa elevator. Sa likod lang naman ‘yon ng toilet malapit. Pagbaba ko sa ground floor ay hinanap ko agad si Baks. Mukhang dumeretso nga sa quickbites. Doon talaga ang kainan namin bago mangyari ang lockdown. Ang bruha. Hindi man lang naghintay. Sabagay ang sabi ko naman ay magkita na lang kami ro’n. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam nang kaba. Ganoon yata ‘pag gutom o hindi nakakain ka-e-emote. Pero hindi rin e. Kahit nag-e-emote ako ay panay ang lafang namin ni Taleo sa station. Alam niya kasing hindi ako makakain nang maayos at makapagluto. Kaya naman ipinagluluto niya ako araw-araw after ko ma-broken hearted. Sana pala ay lagi akong broken hearted para lagi akong may tagaluto. "Sabi ko naman kasi sa 'yo, huwag mo nang ituloy. Ikaw rin ang masasaktan. Ayan tingnan mo at ikaw itong nahihirapan." dinig kong sabi ng lalaking kaharap ni Yujin. Nakita kong may kausap si Yujin sa may gate. Nilampasan ko na lang sila. Siguro ay kausap niya ang Kuya niya o kapatid niya. Sabi nila ay girl's instinct daw kapag kinabahan ka. Hindi ko maiwasang hindi lingunin ang kausap ni Yujin. Sa bulto nito ay parang nakausap ko na o nakilala ito. Paglingon ko rito ay napakunot ang noo ko. Pamilyar ang lalaking ito. Hindi ko maalala pero... “Aray…” napasapo ako sa ulo ko nang dahil sa sakit. Biglang kumirot na hindi ko maintindihan. Mabuti na lang at nakahawak ako sa poste dahil baka mag-black out ang paningin ko. Pagpikit ko ay parang unti-unting pumasok ang mga alaala. Alaalang hindi ko alam kung pilit ko bang kinalimutan o talagang nakalimutan ko na. Nilibot ko ang paningin ko para makumpirma ang iniisip ko. It was exactly ten years ago and he was wearing the same shirt he is wearing now. And that car parked at the side of the road was the car I rode back then. That is why it looks familiar when I was riding Yujin's car at the grocery. The exact same car his brother brought that day we were supposed to go to Baguio. Yes. His brother... His brother and I were a couple. I'm his girlfriend and he is my boyfriend. We were happy back then. Until I discovered something. Anyway. Never mind. The past is the past. But... Why would Yujin revenge? Shouldn’t I be the one to revenge? I don't understand. Hindi nila ako na-noticed. Or should I say, they ignored me? I don't care. I guess another lie has been sewn. And I can't do anything about it if Yujin believed in those lies. What can I expect from his brother? Nahimasmasan ang kirot na naramdaman ko kanina. Pero ibang kirot na ngayon ang nararamdaman ko. Kirot na dulot ng dalawang lalaking pinag-alayan ko ng pagmamahal ko… ng puso ko. But I guess it's not worth it. "O, Baks. Namumutla ka? Akala ko ba nag-toilet ka? Hindi ka ba nakapag-retouch?" naman si Baks nag-eemote pa ‘ko. "Nagre-touch. Ganito oh." sabi ko sabay tapik nang malakas sa pisngi ko ng mga limang beses para mamula at mag-circulate naman ang dugong na-stuck na yata ka-e-emote ko. "Ay harsh, Baks? If want mo puwede namang ako na ang gumawa niyan." sabi ni bakla. Subukan niya lang. Hindi ko siya aatrasan. Hello? Lalaki pa rin siya kaya malakas ang sampal niya for sure. "Baks, huwag kang lilingon." hindi ko alam kung paanong nagagawa ni Baks na magsalita nang hindi bumubuka ang bibig. Bakit naman hindi ako lilingon? Pati ba naman ang paglingon ko ay lockdown? Tapos na kaya ang lockdown. "Huwag ka sabing lilingon. Sa akin ka lang tumingin." pigil niya sa pisngi ko ng kanyang dalawang palad. Aw. Ang swet nemen. "Kaunti na lang, Baks. Hindi na ako maniniwalang bakla ka. Crush mo ko ‘no? O love mo na ‘ko?" yuck. Sa’n nanggaling ‘yong mga sinabi ko? E alam ko namang hindi straight si Baks dati pa. "Kadiri naman ‘yang sinabi mo, Yuks. Hindi ka lang pinalingon crush agad? Love agad? Ayaw lang kita masaktan." huh? Bakit? Kahit pinigilan ni Baks ang paglingon ko ay nakita ko pa rin ang dapat kong makita. "Nakita ko na sila kanina..." nakatungo kong sabi. Ayaw kong makita ni Baks na umiiyak na naman ako. Pero hindi ko mapigilan. Bakit kasi magkapatid pa ang minahal ko. Malay ko bang magkapatid sila. Ang layo naman kasi ng hitsura nila sa isa’t isa. Ang alam ko ay nasa Italy ang kapatid ni... ni Sol. Sabi ni Solomon ay nagtatrabaho raw ito ro’n at doon din nakatira. Kaya hindi ako naghinala na puwede kong maging katrabaho ang lalaking ‘yon. "Baks... pinigilan ko. Pero anong magagawa ko kung dapat mo talaga silang makita? Tahan na." tumabi sa ‘kin si Baks para haplusin ang likod ko. Itago ko man ang mga luha ko ay hindi maitatago ang nararamdaman ko na ramdam din naman ni Taleo. Para na kaming magkapatid ni bakla from another mother. Hindi naman kami napansin nina Yujin. O baka hindi lang talaga nila kami pinansin. Kilala ni Baks si Sol. Saksi siya sa pagmamahalan namin. Aaminin ko na. Ako talaga ang writer ng story na ‘A Secret Love Story’. Hindi ko alam kung alam ni Yujin kaya iniiwasan niya akong magkwento tungkol do’n. Iniba ko ang twist ng sarili kong love story. Akala ko sa pamamagitan no’n ay makalilimutan ko na ang panloloko ni Sol. Pero hindi pala. Naungkat na rin naman ay ikukuwento ko na. Papunta kami ng baguio noon. Masaya kaming bumyahe ni Sol. Tamang soundtrip habang binabaybay ang mala-bulateng kalsada nang may mag-message sa kanya. Gamit namin ang google maps sa phone niya kaya naman nasa harapan lang ito ng kotse nang biglang lumabas ang message. "Hi Babe. I miss you." hindi ko naman sana papansinin ang message na ‘yon. Normal na sa akin ang makatanggap siya ng random messages sa kung kani-kanino pero hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan nang i-cancel niya iyon. Ni-swipe niya agad ang message para ma-exit. Then I started asking him. Not to argue but to ask why he canceled it. "It's just a random message, Bubu." I don't know but I did not believe him. Girl's instinct I guess? Then I asked again. Hindi kasi ako mapakali e. Parang may something. And why would he cancel it if it's nothing? We started arguing, shouting at each other. Until I decided to ask him to make a "U" turn. Alam kong hindi kaya pero inagaw ko ang manibela sa kanya and because of that we both had an accident. I don't know kung nawalan talaga ako ng memory because of that dahil sabi ng doctor ay normal naman ang lahat. Siguro I acted like I don't have feelings for him. Mas madali akong makaka-moved on kapag tinigilan niya ako. Sabi ko rin ay hindi ko siya mahal. Hindi ko siya gusto. And worst, pinaasa ko lang siya. I made some changes to the story but most of it was true. Maybe that's what Yujin knows. Kahit sino naman sigurong kapatid ay ipagtatanggol ang kadugo. Not unless he knows the truth. Wala na akong pakialam sa truth. Pareho lang silang magkapatid. Cheater. Nang matapos kaming kumain ni Baks ay bumalik na kami sa office. Naparami yata ang inom ko ng ice tea kaya nagpaiwan ako sa ground floor para mag-toilet. Agad akong pumunta sa elevator. Timing na pagbukas ng elevator ay may humatak sa akin papasok. Pinindot niya ang basement at dinala ako sa locker area. Hindi na ako tumanggi. Sa totoo ay miss na miss ko na siya. On how he stares at me? How he glances whenever I passed by? Napalingon ako sa wall clock. Maaga pa. May time pa siya para magpaliwanag sa akin. Marahan niya akong isinalya sa pader malapit sa locker ko. Itinukod ang palad niya sa pader malapit sa mukha ko. Kitang-kita ko ang lungkot, inis, galit, at sama ng loob sa mga mata niya. Hindi ko alam kung paanong naghalo-halo ang mga iyon pero iyon ang nakikita ko. Tuwing magtatama ang aming mga paningin ay umiiwas ako. Ayaw ko ng mga titig niya. Para bang lalamunin ako nito ng buhay. Bawat titig niyang may hapding dulot sa puso ko.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD