KABANATA 16

1152 Words
December 23, 2011 NASA kamapanaryo muli si Odessa at Lucas. Katatapos lang ng ika-walong simbang gabi at nagkaayaan silang kainin ang nabiling puto bumbong sa kampanaryo.       “Ang lasa nitong puto ay pareho pa rin sa panahon ko,” nakangiting sambit ni Lucas.      “Talaga? Mabuti naman kung ganoon. Kahit papaano ay may nagpapaalala sa’yo sa kung saan ka galing.”      Huminga nang malalim si Lucas at saka umiling. “Hindi ko alam kung gusto ko pa bang maalala ang nakaraan ko.”      Ramdam ni Odessa ang lungkot sa boses nito. “Bakit naman? Siguro naman naiisip mo ang mga magulang mong naiwan doon.”      “Wala na akong mga magulang, Odessa. Pumanaw na sila.”      Sandali siyang natahimik. “Patawad. Hindi ko alam.”      Umiling ang binata. “Wala kang dapat ihingi ng tawad. Matagal na silang namayapa. Kahit pa noong bago ako naging tiniente ng hukbo.”      Tiniente? May ranggo pala ito noon?      “Paano ba maging kawal sa panahon mo? At saka nakita mo na ba si Dr. Jose Rizal? Si Andres Bonifacio.”      Bahagyang ngumiti si Lucas. “Nabasa ko nga sa hiniram nating aklat na mga bayani na sila ngayon. At naniniwala naman akong karapat dapat sila. Pero napakaraming mga hindi kilalang naging bayani ng atin bayan.”      “Anong ibig mong sabihin?”      Lumamlam ang mga mata ni Lucas. “Sila iyong mga taong nagbuwis ng buhay para sa ating bayan. Mga ‘di nailimbag ang mga pangalan sa anomang libro ngunit kasing tapang at tatag din ng mga bayaning tanyag sa panahon ngayon.”      Nakaramdam ng lungkot si Odessa nang marinig ang sagot ni Lucas. Ramdam niya nag bigat ng loob nito.      Itinaas niya ang kamay at ipinatong iyon sa balikat ni Lucas. “Naiintindihan ko.”      Sumulyap sa kanya ang binata. “Pero sa tingin ko biniyayaan din ako ng Diyos. Dahil noong inakala kong wala na akong direksyon…” kinuha nito ang kanyang kamay sa balikat at hinawakan iyon. “…itinuro Niya ako sa’yo.”      Kasabay ng pagbungad ng liwanag sa langit ay ang pag-init ng kanyang pisngi at paglakas ng t***k ng kanyang dibdib. Espesyal na talaga ang feelings niya kay Lucas. Sa maikling panahon na nagkakilala sila ay hindi niya maikakailang kusa itong gumawa ng espasyo sa kanyang puso. Isa lang naman ang gusto niya sa buhay noon, ang maiahon ang pamilya sa kahirapan. Pero ngayon nadagdagan na yata, nais na rin niyang makasama si Lucas sa mas mahabang panahon.      Makasama agad? Atat lang, teh?      Pero kahit ano pang kutya ng kanyang isip ay siyang kasing desidido naman ng kanyang puso.      “Masaya din akong nakilala ka namin, Lucas. Pasensya sa mga oras na pinagdudahan kita.”      “Hindi ka rin naman masisisi. Sino ba namang maniniwala sa isang kwentong balbal.”      Napangiti siya. “Ang luma talaga ng mga salita mo. Dapat turuan na rin kita ng bago.”      Tumawa ang binata. “Inaasahan ko ‘yan. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin dito sa panahon ninyo, Odessa. Kailangan kong makibagay.”      “Di bale, tutulungan kita. Ako ang bahala.”      “Salamat. Ah, tungkol pala sa gagawin mo sa Maynila mamaya, handa ka na ba?”      Huminga nang malalim si Odessa. “Pangarap ko ito, Lucas. Kailangan kong pagbutihin para sa pamilya ko. Kay Lola, kay Papa at kay Mama.”      Hinigpitan ng binata ang hawak nito sa kanyang kamay. “Sasamahan kita.”      Namilog ang kanyang mga mata. “Seryoso?”      “Alam kong hindi makakasama sina Lola at ang iyong ama. Kaya nais kong ako ang magbigay sa iyo ng lakas ng loob.”      Sunod-sunod ang kanyang pagtango. “Salamat. Ang totoo ay kinakabahan ako. Pero kung sasamahan mo ‘ko, siguradong mababawasan ang kaba ko.”      At may instant bodyguard pa ako.      Natawa siya sa inisiip. Pero totoong masaya siyang makakasama niya si Lucas. Hihiram muna siya ng katapangan nito.   NAKABABA na sila sa kampanaryo nang mapansin niya ang isang pamilyar na mukha sa ‘di kalayuan.      “Calvin?”      Naglalakad ang lalaki papalapit sa kanila. Nakita niya ang pagdilim ng mukha nito nang makita si Lucas. “Odessa… galing ako sa inyo. Ang sabi ng lola mo eh nagsimba ka raw.” Inalis nito ang tingin kay Lucas at ibinaling sa kanya. Dagli itong ngumiti. “Ah, oo.” “Ihahatid na kita pauwi dala ko ang motorsiklo ko.” Napasulyap siya kay Lucas. “Uhm… h’wag na Calvin. Sabay na kami ni Lucas uuwi.” Napalis ang ngiti sa labi ni Calvin. “Sa akin ka na sumabay para safe ka pag-uwi.” “Safe naman ako kahit sa tricycle lang, Calvin. Salamat.” Umiling si Calvin. “Napapadalas yata ang pagsama mo d’yan sa Lucas na ‘yan. Ang dinig ko, malayong magkamag-anak kayo. Pero bakit iba yata ang inaakto ninyong dalawa.” Natilihan siya sa sinabi ng lalaki. Totoong iyon ang pinagkasunduan ng kanyang pamilya na pagpapakilala kay Lucas—na isa itong malayong kamag-anak. Pero para bang iba ang pinahihiwatid ni Calvin? “Teka, Calvin. Ano bang gusto mong sabihin?” “Na baka nakikipagmabutihan ka sa sarili mong kamag-anak?” Doon na umalsa ang inis sa kanyang dibdib. “Ano bang pinagsasabi mo?!” Naramdaman din ni Odessa na gusto nang lumapit ni Lucas kay Calvin pero agad niya itong pinigilan. “Umayos ka Calvin. Magkaibigan tayo. Ayokong masira iyon.” Mukhang nahimasmasan si Calvin ang marinig ang sinabi niya dahil umayos ito ng tayo. “Uhm… k-kalimutan mo na ang sinabi ko Odessa. Pasensya ka na, medyo masama lang ang gising ko.” “Sa susunod, ‘wag mong ibunton sa iba ang sama ng gising mo.” “Pasensya na talaga. Pero Odessa, sana naman huwag kang magalit sa akin. M-mahal kita, alam mo ‘yan.” “Hindi ganyan ang tamang pag-aalay ng pag-ibig.” Tinapunan ng tingin ni Calvin ang nagsalitang si Lucas. “Wala kang pakialam dito. Kami ni Odessa ang nag-uusap.” Hinarap ni Lucas si Calvin. “May pakialam ako dahil…” Hindi maipaliwanag ni Odessa ang nararamdaman. Ano kaya ang gustong sabihin ni Lucas. “May pakialam ako dahil ma… mahalaga sa akin si Odessa. Hindi ako tulad ng iba na hinuhusgahan siya.” Tinakasan ng kulay ang mukha ni Calvin. Bakas din rito ang disgusto sa narinig mula kay Lucas. Sa huli ay muling humingi ng tawad si Calvin at saka ito umalis. Naiwan silang tahimik ni Lucas. Ilang sandali pa ay nagsalita ang binata. “Ayos ka lang ba?” “O-oo. Nagulat lang talaga ako. Hindi ko siya inakalang magkakaganoon.” “Sabi ko sa’yo, hindi ko siya magawang pagkatiwalaan.” “Hindi naman siya ganoon dati. Mabait siya.” “Pero gusto ka niya. Kaya ganoon na lang ang paninibugho niya sa akin.” Uy! Alam ko ‘yang paninibugho ha? Mukha din naman talagang nagseselos si Calvin. Pero mukhang dapat nga itong pagselosan. Kasi siya mismo, ramdam na iba na ang tingin niya kay Lucas. “Tayo na nga. Baka maiwan pa tayo ng bus papuntang Manila.” Naglalakad na siya papunta sa may gilid ng kalsada upang pumara ng tricycle nang biglang hinawakan ni Lucas ang kanyang braso. Napalingon siya sa binata at nakitang nakatitig ito sa kanya. “L-Lucas…” “Hindi ko gusto ang ginawa ni Calvin, Odessa. Ayokong mangyari ulit iyon. Hindi ko alam kung anong magagawa ko kung susubukan niyang ipilit ang sarili sa’yo.” “Hindi naman mangyayari iyon.” “Natatakot lang ako. Wala akong tiwala sa kanya.” “Hindi nga sabi mangyayari iyon.” “Paano mo masasabi? Hiindi natin hawak ang utak niya.” “Dahil nasa tabi kita. Hindi mo naman ako iiwan ‘di ba?”      Unti-unting namutawi ang isang ngiti sa labi ni Lucas at pagkatapos ay tumango. “Nandito lang ako. Hindi kita iiwan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD