Hindi ko agad makuha ang kumilos man lang dahil sa akin pagkabigla dahil sa ginawa nito. Ilang beses pa akong napakurap kurap bago nag sink-in sa akin kung ano ba ang ginawa ni Daniel. Hinalikan na naman niya ako?At sa mismong labi ko pa talaga?Bay...nakailang pagnanakaw na ng halik sa labi itong Daniel na ito sa akin ah. . Pero bakit?Bago pa man ako makakilos at maitulak ito ay sya na rin mismo ang tumigil sa paghalik sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong braso. Napalunok ako ng mapungay niyang titigan ako sa mata. "This is my answer.Why I care so much for you. I'm not so good with the words." "A-ano bang pinagsasabi mo?Tsaka bakit mo ginawa yun?Hindi mo ba alam na pwede kitang kasuhan,dahil sa ginawa mo.Ilang beses mo na akong ninakawan ng halik huh!" pagalit na saad ko dito n

