Ilang minuto lang at narating din agad ang bahay ni Sally. Agad akong bumaba sa sasakyan. Sumunod si Sally.Nag taka pa ako ng makita ko sa sulok ng mga mata ko na bumaba din si dok. Hindi ko na ito pinansin pa. Magtuloy-tuloy na sana ako sa aking pag pasok sa bahay ng tawagin ako ni Sally.May pagtataka sa aking mukha na nilingon ko ito. "Yvonne,gusto ka daw makausap ni Dok." nakangisi nitong pagkakasabi sa akin. Nagtataka ako tumingin kay dok na ngaun ay seryosong nakatingin sa akin. Bago tuluyan pumasok sa loob ng bahay si Sally,ay pasimple ako nitong kinindatan na pinandilatan ko naman ng mata. "B-bakit po dok?" tanong ko dito na para bang may bara sa aking lalamunan. Inilagay nito ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa bago nagawang sagutin Ang tanong ko. "Why didn't you tell m

