Nag liligpit na kami ni Sally ng mga paninda ng dumaan sa tindahan si Agatha. Nagulat pa ako ng makita ko na kasama nito ang malditang si Nimia. Nang makita ako,agad ako nito nginisihan na akala mo ay nakakaloko. "Dito pala tumatambay ang aming katulong.Alam mo kahit anong pagtitinda ang gawin mo,hindi kana makakaahon sa kahirapan. Pinahihirapan mo lang yang sarili. Wag ka ng umasa na makakabalik kapa sa pag-aaral. " mapangmata nito pagkakasabi sa akin. Taas ng aking kilay ng harapin ko ito. Kahit kailan talaga,bwesit ang mag tiya na ito sa buhay ko. "Pwede ba,Agatha kung wala kang magandang sasabihin umalis alis ka dito." "Bakit sayo ba ang buong palengke na 'to at pinaaalis mo si Agatha. Eh tamang tinderang chipipay ka lang naman dito sa tindahan ng kaibigan mo." malditang singit

