Lumipas ang mga Araw. Mas lalo pang naging miserable ang aking buhay sa sarili kong pamilya ng dumating ang pamangkin ng aking madrasta. "B-bakit naririto ho sa labas ang mga gamit ko?" tanong ko kay tita Marisol isang hapon pagka -uwi ko galing sa pag titinda. Humithit bumuga muna sa sigarilyo ang madrasta ko. At ngiting aso akong sinagot. "Doon ka sa bahay kubo." pairap nitong sagot sa akin.At sinipa sipa pa ang aking bag na nakaharang sa pintuan. Naguguluhan akong napatingin kay tatay at humihingi ng kasagutan. Ngunit para bang wala naman itong pakialam sa akin. "Bay....bakit ho?" "Parating ang pamangkin ni Marisol bukas.Doon muna sya sa kwarto mo. " bagsak ang balikat kong tumingin sa aking ama. Mas pinili talaga niya ang pamangkin ng kinakasama niya,keysa sa akin na anak niy

