Napa unat ako mula sa aking pag kakaupo ng tawagin ako ni Sally. Nasa kaliwang bahagi kasi siya ng stall nila. Habang ako naman ay nasa kanan. "Bakit?" nag tataka kong tanong dito. Paano ba naman,tinawag ako kahit na wala naman kaming costumer.Napa kamot ako sa aking ulo. Istorbo din kasi ang isang 'to. Ganda na ng pag kakasandal at pamamahinga ko eh. Hapon na din kasi,kaya konte na lang ang na mimili. Hindi kagaya kanina na halos sunod -sunod ang bumibili. "Di'ba si Dok Miller iyon nasa kabilang stall na yun?" sabi sa akin ni Sally na sabay turo sa kabilang stall. Kaya naman ay na patayo ako at tiningnan ang tinuturo nito. Tama nga si Sally. Si Dok nga iyon nasa kabilang stall. May mga dala itong bag. At may kasamang babae. Hindi lang basta babae,kun'di maganda,matangkad at maputi

