Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Halos mataranta ako dahil sa ginawa nitong pag buhat sa timba na may laman na mga isda.
"D-dok,ako na po niyan.Madumihan pa po ang damit mo"
Nag aalala kong pag awat at tangkang kukunin sa kanya ang timba. Ngunit mabilis nito na iniiwas iyon sa'kin.
"It's okay. Damit lamang ito,Yvonne.Kapag nadumihan pwede naman labhan na lang ulit.Pero ikaw,dapat hindi nag bubuhat ng mga ganito. Lalo na at babae ka.
nakataas ang kilay na sabi nito at saka humakbang na palabas ng pier. Ako naman ay halos magkandaugaga sa pagsunod sa kanya. Pinagtitinginan na rin kasi kami ng mga tao.Dahil sa suot niya na para bang papasok sa opisina. Tapos pinagbuhat ko lang ng timba na may laman na isda.
"D-dok,ako na ho. Kaya ko naman po,saka kakaunti lang po iyan."
nahihiya kong pag ulit saka muling tanggka na kunin mula rito ang timba na may lamang isda. Ngunit matigas parin ang naging pag tanggi nito. Wala na akong nagawa pa kun'di ang ipaubaya na lamang ang paninda ko at sundan ito palabas ng pier. Nagulat pa ako ng sa paglabas namin ng pier ay may nakaabang ng tricycle. Agad na kinuha ni manong driver ang timba kay dok Daniel at inilagay iyon sa hulihan ng tricycle. Tinatalian nito ang timba. Habang ako naman ay hindi malaman kung ano ba ang gagawin.Agad kong inawat si manong driver sa ginagawa nito pagtatali sa timba.
"E manong,hindi na ho kailangan isakay.Maglalakad na lang po ako at-"
"Yvonne,please wag matigas ang ulo. Ipapahatid na kita. Masyado mabigat yan kung maglalakad ka. Tapos dala mo yang timba na yan."
awat ni dok Daniel na ngayon ay nasa aking likuran na.Napalunok ako ng makita ko ang hitsura nito. Madilim ang mukha nitong nakatingin ngayon sa'kin. Wala sa sariling napakamot ako sa aking ulo. Dapat ay mag pasalamat pa ako,ngunit bigla ay nakaramdam ako ng inis sa pakialamerong doktor na 'to.Naisip ko kasi yung kikitain ko. Bukod sa maliit na nga,ay mukha pang mababawasan dahil sa mamasahe pa ako.
"Hindi na nga ho kailangan. Kaya ko naman e,saka wala akong pamasahe para dyan."
Laban ko na hindi na naiwasan ang mainis pa.
"At sinong may sabi na ikaw ang magbabayad?"
masungit at taas ang kilay nitong pagkakasabi sa akin at sinenyasan muli si manong driver na ipagpatuloy ang pagtatali sa aking timba. Wala na akong nagawa pa kun'di ang hayaan na lang ito. Nang matapos sa pagtatali si manong ay sinenyasan ako ni dok na sumakay na rin sa tricycle.Hindi agad ako sumakay. Mariin ko itong tinitigan.At ganoon din ang ginawa nito. Nag sukatan kami ng tingin sa isa't isa. Hanggang sa ako na ang unang sumuko. Hindi ko kayang salubungin ang bawat pag titig na ginagawa niya sa akin. Tiba ba nakakapaso ang bawat tingin na ginagawa nito.Marahas akong napabuntong hininga. Ano pa nga ba ang magagawa ko kung'di ang sumakay dahil dala ng tricycle ang paninda ko.
Pumasok na ako sa tricycle at naupo. Nagulat pa ako ng sa pag-upo ko ay kasunod ko si dok Daniel na naupo na rin sa tabi ko.Ewan ko,pero bigla na naman bumilis ang pag t***k ng puso ko.Tila kabayong nagkakarera sa bilis ang pag pintig noon.Umusog pa ako sa bandang tabi upang hindi kami magkadikit ng mga balat.
Ngunit bigo akong maiwasan ang may kalakihan nitong braso na nadidikit sa'kin tuwing napapadaan sa mabakong bahagi ng kalsada ang sinasakyan namin tricycle.Kung ako ang masusunod ay gusto kong paliparin ang pag takbo ng tricycle.Upang makarating agad ako sa aking pupuntahan. Mula sa sulok ng aking mata ay kita ko ang madalas na pag titig sa'kin ni Dok. Na lalo lamang na ikinabibilis ng pag t***k ng aking puso. Na aking ikinaiilang naman.Lihim akong napabuntong hininga. At lihim na sinuri ko ang aking sarili. Medyo pawisan lang naman ako. Inamoy amoy ko rin ang aking damit,baka kasi amoy isda na rin ako. At hindi nga ako nagkamali,amoy isda nga ako!Nakakahiya!
Lihim akong napahiya dahil sa itsura at amoy ko. Kaya siguro panay ang tingin sa'kin ni dok. Nakahinga ako ng maluwag ng marating namin ang palengke,kung saan ako nagtitinda. Binaba ni manong ang paninda kong isda. Pagkatapos ay binayaran ito ni dok.
"S-salamat po dok."
nahihiya kong pasasalamat rito.Tila tumalon ang puso ko ng ngumiti siya sa'kin.
"Anytime. Basta kapag kailangan mo ng tulong,let me know. Okay."
ani nito sa'kin sa mahinahon na boses. Marahan na lang akong tumango sa tinuran nito. Kahit paano ay gumaan ang nararamdaman ko sa kaalaman na may mga kagaya parin talaga ni maam Elise at dok Daniel na handa akong tulungan.
Biglang sumagi sa isip ko si tatay. Malalim akong humugot ng hininga. Paano ko sasabihin ang kataksilan na ginagawa ni tita Marisol sa kanya. Mariin kong ipinikit ang mga mata.Nag-iisip nang maaring sulosyon. Kahit na malupit at walang ka amor-amor sa'kin si tatay ay nasasaktan parin ako sa kataksilan ni tita Marisol para rito.
Napailing na lamang ako. Inayos ko ang mga isdang paninda ko at saka nagsimula ng itinda ang mga ito. Saka ko na po-problemahin ang tungkol kay tita Marisol at mang Gabo. Tulad ng dati ay agad kong inalok sa mga namamalengke ang paninda ko.
"Suki,bili na po kayo!Sariwang sariwa po."
walang kapaguran kong alok. Kailangan ko mapaubos ulit ang paninda ko. Para naman hindi nakakahiya kay mang Kanor na nagsu-supply sa'kin ng mga pang tinda ko.Habang abala ako sa pag-alok nang bigla na lamang sumulpot sa kung saan si tita Marisol.
Napailing na lamang ako, alam ko kasi ang dahilan kung bakit ngayon ay naririto ito sa palengke. Lihim kong itinago sa aking bra ang kaunti ko pang benta. Kapag hindi ko kasi itinago iyon ay pihadong ubos ang kapiranggot kong kita. Nagkunwari na lamang ako na hindi ko na pansin ang pagdating niya.Palihim akong tumalikod sa gawi nito. Ngunit sa pagtalikod ko namang yun, ang kasunod noon ay ang may kalakasan nitong pagtapik sa balikat ko.
"T-tita,ano po ang ginagawa n'yo rito?"Kunwari ay nagulat at painosente kong tanong. Kahit na alam ko naman talaga ang pakay nito dito sa palengke.
"Baka may benta ka na d'yan. Ibigay mo na muna sa'kin. "
Ani nito sabay lahad ng palad sa akin na akala mo ay batang paslit na nagugutom at humihingi ng pagkain. Lihim akong napabuntong hininga. Ano pa nga ba ang maasahan ko sa madrasta kong hindi marunong magbanat ng buto. Na walang alam kun'di ang humingi at ilahad nang ilahad ang palad sa amin ni tatay para matustusan ang mga bisyo niya.
"Eh tita,wala pa po kasi akong benta e."
tanging nasabi ko.Alam kong gasgas na ang palusot kong iyon. At alam ko naman na kahit hindi ganon ang sabihin ko ay hindi ito maniniwala sa akin.Sinamaan ako ng tingin ni tita Marisol. Saka mahigpit akong hinawakan sa braso. Napangiwi ako dahil sa ginawa nito.
"Sinong niloloko mo, ha!?Hindi ako pinanganak kahapon,kaya wag mo akong gawin tanga!Ibigay mo muna sa'kin ang benta mo,kailangan ko ng pera ngayon."
"T-tita,wala pa po talaga--""
hindi pa ako tapos sa sasabihin ko ng mag asawang sampal ang aking natanggap kay tita Marisol.Nanlilisik ang mata nito na tiningnan ako.
"Mag bibigay kaba o,baka gusto mong ingudngod pa kita dito sa timba mo!" galit na banta nito sa akin. Halos pinag titinginan na kami ng mga tao dahil sa malakas at pag i-eskando ni tita Marisol.
"Anu ba naman yan, kay laki-laki ng katawan ayaw mag bunot ng buto."
wika ng isang ale. Ang iba naman ay napapailing na lamang. Kilala na kasi ng mga ito si tita Marisol. Dahil sa pagiging pala-hingi ng pera at sa pagiging sugarol.
"Wala ng ginawa yang si Marisol,kun'di ang humingi ng humingi ng pera diyan kay Yvonne. "
narinig kong wika ni aling Nena na isa ding manininda dito sa palengke.
"Hoy,wala kayong pakialam kung humingi ako nang humingi dahil anak ito ng asawa ko!Kung ang asawa ko nga ay hindi nakikialam sa pag hingi ko ng pera sa anak niya,kayo pa kaya!Mga tsismosa,atupagin nyo buhay n'yo wag ang buhay ko! Mga bwesit!"
galit na baling nito. Marahan akong napailing.Wala na talagang pakialam itong madrasta ko. Hindi marunong mahiya sa mga sinasabi ng ibang tao basta matustusan lamang ang kanyang bisyo
Wala akong nagawa kung hindi ibigay ang kakarampot na dapat sana ay kikitain ko pa lamang. Napangisi ito at saka iwinagayway ang pera.
"Mag bibigay ka din naman pala,gusto mo pa ang nasasaktan."
wika nito at umalis na ng palengke. Pasalampak akong umupo sa lupa at naiyak na lamang. Wala na naman akong kinita ngayon dahil sa magaling kong madrasta. Hindi ko alam kung hanggang kaylan ako mag titiis sa pag mamaltrato ng asawa ni tatay.